NAPATDA si Gabrielle sa kanyang nakita kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan ngunit nanatili pa rin itong kumakatok kaya wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ito ng pinto upang ganap na itong makapasok.
“Ano bang ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?” pairita niyang tanong sa pulis na ayaw niyang makita ngunit paulit-ulit niyang nakikita. Hindi niya ipinahalata ang kinakababahan niyang mukha at halos nanginginig niyang tuhod. Kailangan niyang panindigan ang sinabi niyang hindi siya natatakot sa anumang panganib na maaari niyang harapin dahil sa pagiging pakialamera niya. Dire-diretso lang itong pumasok sa maliit niyang inuupahang bahay. Inilibot nito ang paningin sa buong bahay. Mula sa maliit niyang kusina kung saan naroon na ang lababo at lutuan pati na ang kanyang mini ref na pang isahang tao lang ang maaaring ilagay na supply. Ilang hakbang lang din mula sa kusina ay mararating na rin ang kanyang kama at sa gilid ng higaanHINDI alam ni Julian kung anong klaseng espirito ang sumasapi sa mga ganitong uri ng babae. Pinag-utusan lang naman siya ng kanilang Chief na magmanman dito sa bar dahil baka dito niya makita ang isa sa mga crying ladies or else ang crying lady na pumatay kagabi para lang maisakatuparan lang nito ang plano nito.It's not his first time na may mag-aya sa kanya na ikama siya pero kakaiba ang babaing ito. Hindi niya rin alam kung bakit ganun. Pero siya kasi ang uri ng lalaking pinapahalagahan ang virginity niya. He wanted to be innocent until the time he gets married. Ganito man ang hitsura niya na parang playboy pero may prinsipyo siya sa buhay na pinanghahawakan."Kung ano man ang isyu mo sa buhay, I don't care. Wala akong pakialam kung sino man ang maging knight in shining armour ko basta’t ang alam ko lang sinira mo ang diskarte ko sa mga lalaking iyon at magbabayad ka." makikita ang galit sa kanyang mukha habang sinasabi iyon.Ang mga sinabing ito ng babae umu
Nanghihinang napaupo nalang si Gabrielle dahil sa kanyang nakita habang hawak hawak ang kuwintas. Hindi niya malaman kung maiiyak ba siya o matutuwa dahil sa nalaman niya. Ito ay ang kuwintas na ibinigay ng nanay niya kay Gwynette. Ang babae kanina ang nakatayo sa puwestong ito, kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ang nagmamay-ari ng kuwintas. Ngunit paano? Paano napunta sa babaeng iyon ang kuwintas ng kanyang kapatid? Posible kayang may alam ito sa pagkawala ng kanyang kapatid? Maaari ring ito ang kumuha sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakararaan. Pinigilan niya ang mga luhang nais nang pumatak dahil sa bumalik na naman ang nakaraang ayaw na niya sanang balikan pa. Nasasaktan siya sa isiping naranasan na ng kanyang kapatid ang ganoong klaseng paghihirap sa napakabatang edad nito lalo pa nang mawalay ito sa kanila ng nanay niya. Gusto mo itong makita ngunit hindi mo pa mahanap. Iyon ang pinakamasakit sa lahat.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Hanggang sa naramdaman n
NAPANGITI si Zierelle nang marinig ang mga sinabi ni Gabrielle bago siya umalis sa restaurant na iyon. Napangiti lamang siya siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magandang salita ang narinig niya rito. Puro nalang kasi pang-aasar at pagtataray ang umuukilkil sa isipan niya kapag naiisip niya si Gabrielle. Hindi na siya humarap sa babae pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya at nag-wave lamang siya ng kamay hudyat ng pamamaalam niya rito dahil aalis na siya.Ilang minuto lamang ay nakarating na siya sa opisina ng Major nila. Agad siyang sumaludo pagkalapit na pagkalapit niya sa mesa nito. Alam niyang masesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari sa bus kanina. Sabagay, sanay na rin naman siya na palagi siyang pinag-iinitan nito. Madilim pa sa nagbabantang bagyo ang mukha nito. Nanatili siyang nakatayo at hinintay niya itong magsalita.“Ano itong nabalitaan ko kanina? Bakit ganoon ang ginawa mo sa mga holdaper?! Diba sabi ko sayo, manghuli
Kabanata 10Napasigaw na si Glydel nang pilit siyang pinaghahalikan ng matandang lalaking kasama niyang lumabas ng bar. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng sasakyan nito kaya’t wala siyang kawala kung sakali mang ano ang gawin nito sa kanya. Grade 10 pa lamang siya sa paaralang pinapasukan ngunit malaking bulas na siya at inunahan na ng kanyang katawan ang kanyang totoong gulang kaya kung titingnan mo sa panlabas na kaanyuan ay isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit hindi para sa kanya. Mistula lamang siyang isang bubot na pilit na pinitas dahil sa pangangailangan ng iba at dahil nangangailangan din siya.Kung mayroon lang sana siyang pagkakataon na ibahin ang kapalaran niya maaaring ginawa na niya.Napatulo nalang ang luha niya nang maramdaman niyang hinawakan ng matandang lalaki ang ulo niya at pwersahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang mahalikan siya. Akala niya’y masisikmura niyang gawin ang ganoong bagay, lalo na’t unang gabi pa
SUMASALIPADPAD na ang isipan ni Lemuel sa kung saan-saan dahil kay Stella. Nagsisimula pa nga lang siyang manligaw rito pero tila tinatapos na ng babae ang sinisimulan pa nga lang niya. Hindi niya ito madala sa pa-bouquet kahit pa na nag-effort siyang itanong kay Gabrielle kung anong paboritong bulaklak ni Stella. Hindi rin naman yata ito mahilig sa pagkain dahil tila nainis pa ito nang padalhan niya nang napakaraming pagkain na tila may piyesta na itong dinaluhan.Dulot ng mga isiping iyon ay nawala na sa kanyang isipan ang trabahong dapat ay kanyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa tinawag siya ni Zierelle na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan. May babae raw na magpa-file ng reklamo kaya naman ay nagmamadali na siyang nagpunta sa complaint desk. Nakayuko siya kung kaya’t hindi niya na natingnan nang mabuti ang mukha ng babaeng kaharap.“Irereklamo ko sana rito ang kasamahan ninyong pulis na pagkatapos ko siyang iligtas ay bigla niya na lang akong iniwan sa e
PINAGSUSUNTOK ni Zierelle ang pader ng kanilang headquarters nang maalala niya ang kanyang ginawang paghalik kay Gabrielle. Nahihiya siya rito baka isipin nitong sinasamantala niya ang kahinaan nito bilang babae. Ngunit tama ba ang naalala niyang tinugunan din nito ang bawat paghalik niya rito?Napailing nalang siya dahil sa mga naiisip niya. Wala dapat muna siyang panahon sa kanyang lovelife dahil kinakailangan niyang mag-focus sa trabaho lalo pa’t pinag-iinitan siya ngayon ng Major nila at Colonel. Nagsisimula na nga rin siyang maghinala na totoo talagang may balak ang mga itong pahirapan siya. Of all the policemen in their department siya lang ang tanging alam na pahirapan ng dalawang nakatataas. Bukod sa kilala siya sa kanilang departamento na hindi makapanghuli ng buhay sa kriminal, sa palagay niya ay may hindi pa siya nalalaman na sikreto ng dalawa. At iyon ang kanyang dapat malaman.Ipinagtataka niya rin kung bakit kasing-edad niya na mga police officers ang i
NAPAATRAS si Stella nang makita niya ang mainit na tagpong iyon sa pagitan ni Zierelle at ni Gabrielle. Parang pinagpira-piraso ang kanyang puso dahil sa eksenang naabutan niya.Pagkalabas na pagkalabas lamang ni Gabrielle ng faculty nila ay sinundan niya ito upang matingnan kung ano nga bang namamagitan sa dalawa. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito at kahit sa pag-uusap lamang ng dalawa ay nakaramdam na siya ng matinding pagseselos sa kaibigan.Naiisip niyang siya dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Gabrielle. Siya dapat ang kausap ni Zierelle. Siya dapat ang nakakulong sa mga bisig nito at siya dapat ang hinahalikan nito.Hindi na siya makapag-isip pa ng maayos ng mga panahong iyon, kung kaya’t nasuntok niya ang pader di-kalayuan lamang sa kinalalagyan niya. Nagdilim na ang paningin niya at ang nasuntok pa pala niya ay ang fire alarm kung kaya’t biglang tumunog ito at napansin na niyang nagsilabasan na ang mga co-teachers niya sa faculty at maging ang
NANINGKIT ang mga mata ni Gabrielle habang pinapakinggan ang usapan ng kapwa guro na si Eris at ng kausap nito sa cellphone na tinawag nitong Ashtear. Hindi nito namalayan na napadaan din siya sa gawing iyon ng pasilyo at kinutuban siyang parang may kung anong maling nangyayari kung kaya’t nagkubli siya sa hindi kalayuan at sapat na ang kanyang distansya para marinig niya ang usapan ni Eris at ng babae.Napaangat ang kilay niya nang malamang Veronica pala ang totoong pangalan nito at sigurado siyang nagnakaw lamang ito ng pagkakakilanlan sa isang babaeng guro na ang pangalan ay Eris at dinoktor lamang nito ang ilang dokumento upang mapatunayan nitong ito nga ay si Eris Napabuntunghininga siya.Nakakaawa naman ang babaeng guro na nabiktima ng mapagbalat-kayong babaeng iyon. Sisiguraduhin kong matatapos na rin ang ginagawa mong panloloko sa amin..Kung kaya’t nang makita niya itong kausap si Vanessa ay kinutuban na agad siya na may maitim itong plano sa kanilang e