Share

Chapter 4: Stars

Nag lalakad ako ngayon at napahinto ng may madaanan akong isang pamilyar na restaurant.

"Teka nga lang... dito nag ta-trabaho si Mindy diba?" Tanong ko sa sarili.

"Get out!! Wag ka nang bumalik dito magnanakaw ka!!" Nagulat ako ng makita si Mindy at tinutulak ito papalabas sa restaurant.

"Ma'am, wala akong ninakaw! Wala akong ninakaw s-sakanya. M-Maniwala po kayo, nag s-sasabi ako ng totoo!!" Napakunot ang noo ko nang makitang lumuhod pa si Mindy sa harapan nong babae. Kita ko din naman iyong isa pang babae na nasa likuran at nakangisi pa itong nakatitig kay Mindy.

Ano ba kaseng nangyayari, bakit pinag bibintangan si Mindy!

Hindi na ako makatiis, mabilis akong nag lakad papunta sa gawi nila at hinila ang kamay ni Mindy patayo.

"Bakit ka ba lumuluhod sa babaeng 'yan Mindy! Hindi siya santo para luhuran mo!" Binaling ko nang masamang tingin iyong babaeng naka white t-shirt at black skirt.

"She's my boss Elyse, pabayaan mo nalang akong gawin--" hindi ko na siya pinatapos mag salita.

"Boss? Tangina! Eh, ano naman kung boss mo siya? Rason ba iyon para lumuhod ka sa harapan niya?! Ako naging boss din naman ako ah, pero kahit kailan di ko ginaganito mga empleyado ko!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"At isa pa hindi ka pinanganak ng Mama mo para lang lumuhod sa kung sino-sino!"

Bigla namang kumulo iyong dugo ko nang marinig ang boses na 'yon. "Sino ka ba para makialam Miss?!"

"Pinsan niya ako, bakit ba?!"

"Oh! Pinsan ka lang pala eh, kung maka-asta parang anak mo iyang babaeng 'yan, pfft..." Nabaling ang tingin ko sa boss ni Mindy, na para pa itong natatawa pero pinipigilan lang nito.

May nakakatawa ba? Mga baliw yata mga tak dito eh.

"Alam mo bang ninakawan ako ng pera, niyang pinsan mo?!" Nag salita naman iyong babae na nasa likuran.

"She stole your money??" Tanong ko na para bang nililinaw kong tama ba ang pagkakarinig ko.

"E-Elyse, hindi totoo iyong sinasabi niya! I didn't steal anything. Hindi ko nga alam kung bakit napunta iyong pera niya sa loob ng bag ko!" she says by way of explanation.

"Hindi muna kailangan mag paliwanag, Mindy. Kilala kita, alam kong hindi mo magagawa ang magnakaw ng pera." Saad ko at pinakalma siya.

"Well, do you any evidence that she stole your money?" Tanong ko.

"Evidence? It was already seen inside her bag! Isn't that evidence for you?!!" Ba't feeling ko may galit yata ang babaeng ito kay Mindy.

Nilibot ko ang paningin ko at may mga CCTV naman akong nakita, sigurado along may CCTV din sa loob ng restaurant. 

"May mga CCTV naman kayo dito, natignan n'yo na ba? Maniniwala lang ako kapag nakita ko mismo sa CCTV--"

"N-No!" Biglang saad nong babae. Kita ko namang napalunok siya ng mabaling ang atensyon namin sakanya. 

Halatang-halata na kinakabahan.

"Why? Are you scared? Is it because you put your own money in Mindy's bag?" Nakangisi kong tanong.

"W-Why would I do that?! I'm not stupid to do t-that!" Kitang-kita ko iyong guilty sa mga mata niya.

“Oh, you just called yourself stupid just now.” 

“What the f**k are you saying! You know what Mindy, you didn’t tell me that you have a crazy cousin! Did she just came out from the mental hospital?!”

“Tapos ka na bang dumaldal?" Taas kilay kong tanong, halata namang naiirita na siya.

"Umalis na tayo dito Mindy, umalis ka na dito. Marami pa namang trabaho diyan, wag mong pag aksayan ng panahon itong bulok niyang restaurant!"

Inagaw ko iyong bag ni Mindy na hawak-hawak nong boss niya, tinignan ko muna iyong loob ng bag at may nakita akong pera, mga nasa 20k+ yata iyon.  Ito sigurong pera ang tinutukoy nila.

"Oh, ito bang pera?!" Sabay pakita ko sakanya at hinagis ang pera sa pagmumukha nong babae. "Kainin mo iyang pera mo! Mukha ka namang patay gutom!"

Hinila ko ang kamay ni Mindy papalayo don. Nang may makita akong bench ay umupo muna kami.

"E-Elyse, pano yan... wala na akong t-trabaho!" Humarap ako sakanya ng marinig ko siyang umiyak. Pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon pero wala akong pakialam.

"Okay lang 'yan, marami pa namang trabaho diyan. Tutulungan kitang maghanap." Niyakap ko siya at sinubukang pakalmahin.

"Saka nga pala, kilala mo ba iyong babae na nasa tabi nong boss mo? Yong titig niya sayo ibang-iba, para bang may galit siya sayo."

"G-Girlfriend siya nong ex-boyfriend ko."

"Ano?! Nag hiwalay na kayo ng boyfriend mo?"

"Oo, hiniwalayan ko siya ng malaman ko na niloloko niya lang pala ako. Nong time na nililigawan niya palang ako ay may girlfriend na pala siya at nag tagal pa kami pati narin sila ng girlfriend niya. Nong nalaman ng girlfriend niya eh, akala non na ako ang unang lumandi sa boyfriend."

"Wow, ang kapal naman ng mukha niya! Nakakagigil!" Kinuyom ko nalang iyong kamao ko.

"At saka ang bobo naman nong babae! Kung alam mo lang na may girlfriend pala iyong siraulo mong ex eh, alam kong di ka papayag na maging kayo! Hindi ka naman tanga kagaya nong girlfriend niya, tsk!" Narinig ko naman siyang humikbi.

Alam ko masakit iyon para kay Mindy, malapit na nga silang mag isang taon nong lalaki. 

“Tahan na, wag ka nang umiyak. Kalimutan mo na iyong siraulong iyon! Hindi mo kailangan ng lalaking kagaya niya." Mahigpit ko siyang niyakap at tinapik-tapik ang balikat.

“Don’t worry, I’ll help you find a new job, we’ll figure this out. I still have money left so, let’s spend it buying food to eat for the main time. Shhh, stop crying now...” 

Ilang minuto ang lumipas ay tumahan naman siya.

"Elyse, diba pupuntahan mo pa si Elizabeth sa school?" Tanong niya at nanlaki ang mata ko nang maalala iyon.

"Nako! Oo, nga pala 4:01 pm!" Sinamahan ako ni Mindy papunta sa school ni Elizabeth.

Kumain muna kaming tatlo ng ice cream bago umuwi ng bahay.

_

"Okay lang ba iyong new school mo?"

"Ang bait nong mga bago kong classmates, friendly sila." Abot tainga iyong ngiti niya.

"Really?"

"Binigyan pa nga nila ako nang pagkain na gawa ng Mama nila." Nawala naman bigla iyong ngiti ko, nalungkot ako bigla pero hindi ko pinahalata sa anak ko.

"Don't be sad Mommy, hindi naman ako naiinggit sakanila. I'm just happy because their so nice to me." 

Niyakap ko siya at naramdaman ko namang niyakap niya rin ako. "Thank you sweetie. Don't worry, mommy will do everything. Gagawin ko lahat para maibigay ko iyong mga gusto mo, mga pangangailangan mo. Gagawin ko lahat para bumalik iyong dati nating buhay. Mag sisikap si mommy, okay?"

"Di mo naman kailangan gawin iyon lahat, ang importante sakin ay kasama kita." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, saka niyakap ulit.

Mabilis kong pinahiran iyong luha na tuluyan nang tumulo sa pisngi ko.

"Do you have any assignments? Gusto mo bang tulungan kita?"

"Opo meron pero kaya ko namang sagutin iyon."

"Kain muna tayo, halina kayo!" Tawag ni Mindy samin, napatingin ako sa pagkain na inihanda niya sa lamesa.

"Okay lang ba na gulay iyong ulam natin?" Parang nababahala nitong tanong samin.

"Elizabeth, okay lang ba--"

"Mommy, eating vegetables is good for the body, that's what Teacher said." Napatitig ako sakanyang nag lakad papuntang upuan at nag simula ng kumain.

Tumingala ako para di tuluyang tumulo iyong luha na nasa mata ko.

This is not the life I dreamed of for my daughter, I worked hard for her. I want to give her everything but now I can't do that, I can't even buy her good food.

Mindy's house isn't big and the aircon's are broken but it's okay because there's an electric fan. May tv siya dito sa loob pero napakaluma na, at may dalawang kwarto lang dito sa bahay niya. Okay na nga ito kesa naman wala kaming matirhan. Mas mabuti na ito, kesa naman maranasan ng anak ko iyong naranasan ko dati. Halos wala na akong makain at matirahan.

_

"Matulog ka na Elizabeth, maaga pa ang pasok mo bukas." Wika ko.

“Mommy, pwede mo ba akong kantahan?” tanong niya. 

Tumabi ako sakanya sa kama, sinuklayan ko ang buhok niya gamit ang kamay habang kinakantahan siya ng twinkle twinkle little star. Nong pinag bubuntis ko palang siya ay di ko maiwasang tumingin sa langit at pag masdan ang bituin at hinihimas-himas ang tyan ko habang kumakanta.

I can't help but cry as I remember the happy memories we had with Daren.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin kong nakatulog na ang anak ko. Dahan-dahan akong tumayo, kinumutan ko muna siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko naman si Mindy, nakaupo malapit sa bintana.

"Anong ginagawa mo?"

"Gosh! Ginulat mo naman ako, Elyse!" Napatawa nalang ako ng mahina.

"Tinitignan ko lang iyong mga bituin." Dagdag niya. Umupo ako sa tabi niya at tumitig din sa langit. 

"Do you remember before, when we were kids. We always climbed on the roof of our neighbor's house just to look at the stars." Wika ko.

"Yeah, we're even excited when we see a shooting star!" Dinig kong napatawa siya.

"Tapos humihiling tayo." Napangiti nalang ako ng maalala ko iyon.

"Matulog na tayo Elyse, maaga pa tayo bukas." Tumayo na kaming dalawa at nagsi punta sa kwarto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status