Share

IKA-ANIM NA KABANATA

OFFER

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos naming mag-usap ni Atty.Santos. Binilinan niya lang ako na dapat mag-ingat dahil nga maraming mata ang dati kong boss dito.

As for Adrian naman, Hindi na siya muli pang nagpakita sa akin pagkatapos ng tagpo namin sa Cr. Pabor naman sa akin kung hindi na siya magpakita pa dahil ayaw ko rin naman siyang makita. Pero kahapon, may mga dumating dito na supply ng mga needs ko galing daw sa kanya, sabi ng kaparehong guard sa Cr.

“Kane, May Misa sa may court. Sama ka ba?”

It Sunday and ngayon ko lang naalala na kada umaga and gabi nagkakaroon ng misa dahil may mga dumarating galing sa simbahan.

“Sige. Una kana, Nay Bilog. Sunod na lang po ako.”

“Sige. Sunod ka, ah. Isasabay ko na ‘tong si Dahlia.”

Nakita kong inakay na ni nanay Bilog si Dahlia kasama ang mga ibang preso. Halos wala na ring tao dito sa selda namin dahil halos lahat ay sumama magsimba. Apat na lang kaming andito at ang tatlo ay nagsusugal pa.

Gusto ko sanang magpahinga dahil feeling ko pagod ang utak at katawan ko sa dalawang araw na magkasunod. Wala namang nangyareng kakaiba pagkatapos ng araw na nasaksak si Dahlia. Hindi ko na rin nakikita pa ang grupo nila aling marites na pakalat-kalat kung saan-saan.

Sa dalawang araw na magkasunod ay nakapag adjust na rin naman ako. Wala pa akong trial dahil sa ika kinse pa daw ng buwan iyon dahil naka on leave ang judge na may handle ng case ko.

Ilang minuto lang nang nagpasiya na akong pumunta sa court kung saan idadaos ang misa. Malaki ang court at nahati ito sa dalawa. Akala ko puro mga kababaihan lang ang andito pero may mga lalakeng inmate din na nagsisimba. Ang mga pulis naman ay nakakalat sa gilid kasama ang kanilang mga baril.

Hinahanap ko sila Nanay Bilog ngunit sa dami ng tao ay hindi ko na sila nakita kaya nagpasiya ako na sa dulong bahagi na lang ako ng court umupo.

Isang oras rin siguro mahigit nag sermon ang padre bago i end ang misa. Hindi na ako pumila para kumain ng hostiya at nagpasiya na lang na bumalik sa selda sana.

“336.”

Nilingon ko ang tumawag sa akin.

“Sama ka sa akin, Hanap ka ni Marites.”

Isa ito sa kasama nila aling marites.

“Bakit?”

“May pinapaabot si Boss.” Paano ako makakasigurong walang mangyayareng masama sa akin pag sumama ako?

“Aah hmm”

“May kapatid ka pala.” Napaawang ang labi at bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakatingin lang ito sa akin na tila nanghahamon.

“Saan ba?”

“Sa Cr. Walang bantay dun ngayon. Mauna kana para ‘di tayo mapansin. Andun na rin sila marites.”

“Sila? Edi gulpi ako pagpumunta ako dun ng ako lang.”

“Hindi ka nila gagalawin dahil utos ni Boss. Sumama kana lang kung gusto mo pa marinig ang kwento tungkol sa kapatid mo.”

“Sige.”

Kinakabahan man ay nagpasiya pa rin akong pumunta. Imbes na dumeretsyo sa selda ay nagsabi ako sa guard na iihi lang ako saglit. Wala naman akong narinig na pagtutol dito kaya pumunta na ako. Nakita ko ang taong sumaksak kay Dahlia na naninigarilyo sa harap ng Cr, sa tabi naman niya ay isang Pulis na hula ko ay kaalyado nila.

“Kanina ka pa hinahanap.”

Matunog akong lumunok at tumango. Pumasok ako sa loob ng Cr at nakita ko si aling Marites kasama ang isang lalaking Pulis. Naka yapos ang kanang kamay ng lalaki sa bewang ni aling marites, Humihithit ito ng sigarilyo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa hanggang tumigil ang tingin sa d****b ko. Wala itong suot na uniform at ang babae naman ay tanging bra lang ang pang itaas.

“Biruin mo nga naman, ‘no? Akala ko talaga ikaw na ‘yung nasaksak ni Bebang, iyong payatot pala.” Si Dahlia.

Kinakabahan man ay tinago ko ito sa tamad na ekspresyon.

“Anong kailangan mo?” Tumawa lang ito at hinalikan ang kasamang lalaki sa labi.

“Alam mo ba, Naalala ko pa nang nabalitaan ko na may isang miyembro daw ng sindikato ang nahuli ng mga pulis. Hindi ko talaga akalain nang una na ikaw iyon. Kaso, nang pinatawag ako ng kaalyado ng dati nating boss at sinabi na kane daw ang pangalan ay talagang nagulat ako.”

“Deretsyuhin mo na lang ako.”

“Tapos pinasabi sa kaniya na ako ang inatasan para tirahin ka dahil sa lahat ng miyembro ng sindikato ay ikaw ang pinaka hindi niya pinagkakatiwalaan. Mabuti nang patayin ka bago ka tumiwalag. Pumayag ako dahil bibigyan niya daw ako supply ng shabu. Aba! Shabu iyon, ineng. Hindi pa ba ako papayag.” At sinamahan pa niya ng halakhak.

“Kaso malakas yata ang kapit mo sa santo at hindi ikaw ang nasaksak at malas dahil natapos agad ang away nung isang araw.”

“Anong nangyare sa kapatid ko?” wala akong pake sa kung ano ang gusto nilang gawin sa akin o kung ano ang utos sa kaniya, gusto ko malaman kung anong nangyare sa kapatid ko.

“Pinapasabi niya na alam niya kung ano ang plano ng abogado mo.” Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

“Wag kang pumayag na lumaglag dahil ang kapatid mo ang kapalit ng kalayaan mo.” Ang sama nila. Demonyo!

“Alam mo ba na tinuturan na iyon na magbenta ng marijuana sa kalye? Teka, bata pa iyon, diba? Kada hindi siya nakakabenta ng nasa quota ay pinapaso siya ng sigarilyo sa hita.”

“Putangina! Sabihin mo sa Amo mo na pagnakawala ako dito ay papatayin ko siya.”

“Hoy! Ingay mo ah? Ganda mo sana kaso ang dumi ng bibig mo.”

Tiningnan ko ang hangal na pulis na katabi ni Aling Marites at ang panget niya.

Parang gusto kong magwala sa mga narinig ko. Ang kapatid kong babae. Napaka bata pa niya para maranasan ang mga bagay na iyon.

“Fuck you!”

“Hoy! Kane! Wag mong pagsalitaan ng ganiyan ang Boyfriend ko. Baka gusto mong tadyakan ko mukha mo.”

Tangina lang talaga.

“Ang huling bilin niya bago ka umalis dito ay umatras ka at wag kang makikipag bargain at hahayaan niyang mabuhay ang kapatid mo.”

“Paano kung ayaw ko.”

“Susunod ang kapatid mo sa magulang mo.”

“Sige na. Umalis kana bago pa kita mabugbog. Katingkati na ang kamay ko para masuntok ka. Kung hindi lang talaga ako pinagbawalan ni boss ngayon baka masaya na ako kahit isang sapak.”

“Babe.”

Nakita kong binulungan ng lalaki si marites. Galit naman ang ekspresyon ng babae pagkaharap sa akin bago unti-unting lumabas. Naiwan naman ang lalaki at sa uri ng tingin nito ay hindi na maganda.

Tumalikod na ako at handa na sanang umalis.

“Madali lang makaalis dito.” Napatigil ang paghakbang ko sana at hinarap ko siya.

“Paano pag patay na ako?” Lumapit siya sa akin at pasimpleng pinisil ang braso ko.

“Kaya kitang tulungan.”

“Di ko kailangan ng tulong mo.”

“Alam ko kung saan nagbebenta ang kapatid mo.” Nakipaglaban ako ng titigan sa kaniya. Walang gustong magbaba ng tingin.

“Paano ako makakaalis dito.” He smirked.

“May mga ililipat na inmate sa probinsiya at pwede kitang ipasama sa lilipat na iyon tsaka kita itatakas.”

“Sino ka ba?”

“Hindi mo na kailangan malaman.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at masasabi kong mukha siyang paa.

“Paano ko malalaman na matutulungan mo ako kung hindi ka magpapakilala.”

“Ako ang Hepe ng Pulis dito Kaya kaya kitang tulungan.”

“Anong kapalit?” Kahit parang may ideya na ako, gusto ko pa ring tanungin.

“Mamayang gabi. Ipapasundo kita sa kasama ko. Sa office, Hinatayin kita.” Hinimas niya pa ang pwet ko bago nagsuot ng damit at umalis.

Umalis na rin ako sa Cr nung narinig kong wala nang yapak ng paa. Wala rin akong nakitang tao sa labas, kahit sila aling marites at ang kasamahan niya ay wala.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may napansin akong anino sa isang puno malayo ng kaunti sa Cr. Mabilis din itong nawala kaya hindi ko alam kung nagkakamali lang ba ako na may tao o guniguni lang.

“Saan ka galing, Kane?”

“Ah, nag Cr lang.” Nakita kong nagkakasiyahan ang lahat. Birthday pala ni Ate Josie. Kinakantahan nila ito ng isang masayang happy birthday. Napapaiyak naman ang ginang sa pagbati sa kaniya ng mga taga dito.

“Akala ko ba pupunta ka ng Misa? Bakit hindi kita nakita dun?”

“Pumunta ako, Nanay Bilog. Hindi ko lang kayo nakita kasi maraming tao sa court kaya sa likod na lang ako umupo tapos pagtapos ng misa ay nag Cr ako. Ahh mahaba kasi iyong pila kaya natagalan ako.

“Ganun ba? Kala ko kung ano na ang nangyare sa’yo eh. Alam mo namang maraming loko dito.”

“Ahh. Wala naman po. Nag-iingat naman po ako, Nay Bilog.”

“Ka-kosa kailangan Hearing mo?”

“Sa akinse pa, May. On leave Yung judge kaya naurong.”

“Sino ba Judge na mag hahandle sa’yo?”

“Judge Romulo daw.”Tamad ko siyang sinagot.

“Oyy Bigtime. Hirap suyuin ng Judge mo, ka kosa!”

“Kaya nga eh. May galit yata iyon sa mga may kasong may kinalaman sa drugs.”

“Oo. Kada nga rin may kasong may kinalaman sa drugs, sa kanya pinapaderestyo. Mahihirapan kang pakiusapan iyon.” Sabat naman ni Ate Saddy.

“Tapos marami pang nakuha sa’yo. Nako! tawag talaga sa lahat ng santo!”

Nagtuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin. Pinakain din kami ng cake na bigay ng anak ni ate Josie at sabaysabay ulit nagkantahan ng happy birthday hanggang mapagod at magpahinga.

Sumapit ang tanghalian ng tawagin kami para papilahin papuntang cafeteria. Nagkasalubungan pa kami ni aling marites kasama ang grupo niya. Masama ang tingin sa akin ng babae dahil yata sa ibinulong ng boyfriend niyang pulis. Alam siguro niya kung ano ang gustong mangyare ng lalaki kaya ganyan siya makatingin ngayon.

Pumili na kami para makahingi ng ulam. Pritong manok at sinabawang isda ang ulam. Binigyan lang kaming tig-isang hiwa ng ulam at sabaw bago kami pumunta sa pwesto namin.

Nakita kong lumapit ang lalaking pulis sa pwesto ni Dahlia. Nakita kong binigyan niya eto ng gamot at binilinan lang, nakita ko pa itong sumulyap sa akin bago umalis. Ang weird talaga ng lalaking iyon. Para akong may na fefeel sa kaniya ngunit hindi ko lang mapangalanganan.

“Masakit pa rin ba ang mga sugat mo, Dahlia?”

“Ah opo.”

“Grabeng asikaso ni Sir.Stefan sa’yo ah.” Stefan? Weird I think I’ve heard that name before, pero hindi ko lang maalala kung saan.

“Hindi kaya may gusto sa’yo iyon, Dahlia?” Halos mabulunan naman sa kinakain niya si Dahlia. Why not? I mean feeling ko nga rin kasi grabe iyong titig niya and pag-aalaga kay Dahlia.

“A-h H-indi po. Mabait lang po talaga ang tao.” Ngumiti siya ngunit hindi abot sa kaniyang mata. Nakita ko rin ang biglang kuyom ng palad niya.

Pagkatapos ng pagkain namin ay bumalik na kami sa selda. Sama-sama kami na kumuha ng damit upang maligo. Pag mamaya daw kasi marami nang tao kaya nakiusap kami na baka pwedeng maligo na at hindi sa mismong schedule dapat namin.

Pagpunta namin sa Cr ay Kaniya-kaniya na kaming hanap ng pwesto namin. Pinili ko ang pinaka dulo at nag-umpisa nang maligo.

Pagkatapos maligo ay nagsabi na ako na mauuna na sa selda dahil hindi maganda ang pakiramdam ko, pero ang totoo ay gusto ko lang isipin ang mga nangyare kanina. Ang deal at ang nalaman ko sa kapatid ko.

Nakasalubong ko ang isang pulis at pinasasabi daw sa akin na yung usapan namin mamaya ng Hepe nila. Sila daw ang susundo sa akin mamayang alas 11 nang gabi.

Umupo ako sa pwesto ko at nagsimula nang mag desisyon. Alam ko ang mangyayare mamaya. He wants sex. Pagbinigay ko ba ang gusto niya ay sure akong makakalaya ako dito? Hindi ako makakasigurong susunod siya sa usapan namin.

Gustong kong tumanggi. Taena. Pero yung offer niya ang inaalala ko at ang kapatid ko. Ang kapatid ko na nadamay sa gulo na ginawa ng tatay namin.

Minemeasure ko ang lahat. Pag hindi ako sumunod kay boss tiyak ang buhay ng kapatid ko ang yayariin niya.

Napa sabunot ako sa aking buhok.

Pag talaga nakalabas ako dito ay papatayin ko siya.

Ano ba ang dapat kung gawin? Nalilito na ako.

Dumating na lang ang lahat ng kasama ko ay heto pa rin ako at nag-iisip ng magiging desisyon. Pag nakatakas ako dahil sa offer, paano ko masisiguro na makukuha namin ang kapatid ko?

Nang sumapit ang gabi ay hindi na ako sumabay ng kain sa kanila. Wala akong gana sa kakaisip at nagpasiya na lang na umiglip muna. Nagising ako mga ilang oras rin at nakitang tulog na ang iba. Hindi ko alam kung dahil sa pinaghalo-halong pagod, alalahanin ay napahaba ang tulog ko.

“Psst.” Napatingin ako sa pulis na tinatawag ako.

Lumapit ako sa kaniya at binuksan niya ang selda namin.

“Ba’t antagal mo magising? Kanina ka pa hinahanap ni Hepe ah. Kanina pa ako dito sa labas ng selda niyo” May inis niyang sabi.

Malay ko ba na napasarap ang tulog ko at anong oras na. Ang tanga.

“Pasensya na.” Nilakbay namin ang mahabang pasilyo at nakita ko ang office na sinasabi niya. Umalis din siya pagkatapos niya akong ihatid dito.

Huminga muna ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulantang ako sa nakita.

Adrian????!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status