Share

KABANATA LABING-ISA

CONFESSION 

“After mong pumayag sa gusto ng boss mo, Ano nang nangyare?”

After I agreed to that demon, His guard put me in a room. Walang bintana, kaya walang pwedeng labasan. Isinarado nila ang pinto at ang seradura ay nasa harap. Maliit lang ang kwarto at walang kahit anong mga gamit ang makikita dito.

Nag-aalala ako sa kapatid ko, wala siyang malay. Hindi ko rin naman alam kung saan nila siya inalagay.

Pumunta ako sa pinakasulok ng kwarto, humiga ako kahit walang karton at malamig ang sahig. Pagod na pagod ang katawang lupa ko sa dami nang natamo kong pananakit at sugat sa kanila. Napansin ko ring dumudugo ang labi ko dahil sa sampal sa akin kanina.

Nagising ako sa malakas na bagsak ng pinto. Halos hindi ko mamulat ang mata ko sa sobrang antok at pagod.

“Hoy! Aba gising na! Hindi ka prinsesa dito, Ineng. Oh, pagkain mo.”

Pinilit kong umupo at tiningan ang pagkain. Isang mangkok ng sabaw, dalawang itlog at kapirangot na kanin ang nasa plato at isang basong tubig. May kobyertos din akong nakita.

Kinuha ko ang sabaw at tinikman, walang lasa.

“Magpalakas ka. Bukas kailangan mo nang pumunta sa isang building para mag obserba kung paano ang proseso sa gamot.”

Tumango lang ako at umalis na siya.

Patuloy ko lang kinain ang pagkain ko hanggang sa maubos ko ito. Wala rin namang saysay kung mag iinarte ako at hindi ko kakainin ang ibinigay nila, hindi naman nila ako papakawalan at hindi sila maawa pag di ko ginalaw ang pagkaing ibinigay nila.

Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko lang sa isang tabi ang pinagkainan ko at naghintay lang ako ng isang oras para magpatunaw bago ako nag decide na humiga at matulog para makakuha ng lakas.

Kinabukasan ay isinama ako ng lalake kahapon sa nadaanan naming hallway. Sa kaliwa’t-kanan ay may mga room na may mga equipment. Ipinasok niya ako sa isang kwarto kung saan naka puti ang mga tao at naka mask, nag titimbang sila ng white powder at inilalagay nila ito sa isang pakete.

“Gardo, bagong salta. Anak ni Honobre.” Tiningnan ako mula ulo hanggang paa nang nagngangalang gardo.

“Maganda ah?” tumawa pa siya ng nakakaloko. Sarap saktan ang mukha eh. Mukhang manyakis pa.

“G*go. Tigilan mo yan. Huwag mong subukan galawin, Yare ka kay boss. Malaki atraso ng tatay niyan.”

Napangiwi naman ang lalake.

“Tsk. Sige na, sige na. Umalis kana.” At umalis na nga ang lalake.

“Ganda, anong pangalan mo?” I just stared at him not wanting to share my name.

“Sungit mo ah?” He grabbed my swollen arm kaya napaigtad ako sa sakit.

Naknampucha. Bigat ng kamay.

“K-ane. Ouch! K-ane po.”

“Magsasagot din naman pala. Pinapatagal pa.”

Binitawan niya ako kaya nabawi ko ang braso ko. May color violet akong nakikita sa braso ko at ibang parte ng katawan ko. Hinawakan ko ang braso ko nagbabakasakaling mawala ng pansamantala ang sakit kaso wala ring talab.

“Pumunta ka sa pintong iyon at magpalit ka ng damit. Mag suot ka ng gloves, puting t-shirt at mask. Maglagay ka rin sa ulo ng panali.” Nang nakita niya akong hindi pa rin kumikilos ay sinigawan niya na ako.

“Aba! Wag pakupad-kupad at baka dumating si boss at wala pa ako sa quota.”

Sinunod ko ang utos niya at pumasok sa pintong itinuro niya. Isinarado ko ang pinto, mahirap na baka manyakin pa ako dito.

Nagsuot ako ng lahat ng inutos niyang suotin ko.

Paglabas ko nang pinto busy pa rin ang mga tao. Si Gardo ay bumalik na sa ginagawa nito kanina.

Itinuro niya sa akin ang gagawin. Kailangan ko lang sundin ang naka sulat sa pader. Itimbang ang mga pulbora at ilagay sa pakete, ilagay ang mga magkaka timbang at sa kung anong uri ito.

Inumpisahan ko nang gawin. Madali lang pala, medyo nahihirapan lang ako dahil kailangan ko pang itaas ang mga balikat ko para maka kuha ng powder.

“Is there any drugs other than cocaine that your boss producing?”

“Yes.”

“What is it?”

“amphetamines, barbiturates, cannabis and dihydrocodeine. They also have Class A drugs such as heroin, methadone, cocaine (including crack cocaine), ecstasy, magic mushrooms and ‘crystal meth’s.”

Pinaglilista nang police ang lahat ng impormasyong lumalabas sa bibig ko. While Stefan, seriously listening without saying a words.

“Your organisation scope? ”

“Mostly high profile such as government officials—senators, governor, Mayors and ahh... police... Inmate... student and poor.”

“I see.” “You said government officials, right? Can you names those high profile who used to be your drug buyers?”

“Okay.” Huminga ako ng malalim.

“Like senator Jake Fuentes and Melanie Agoncillo— They used to be our buyers, thought, May inuutusan silang mga tao to get the drugs still they are the one who communicate to our boss. Mayor Edsel Henares from Quezon City and Vice Mayor Ping Lacsamana from Rizal. I-I don’t know the police officer but mostly they are located in this Jail.”

“Still, Do you remember their face?”

“None... but... My boss also said that he has many connections on this jail I think sila rin ang mga buyer ni boss kasama na rin ang... Hepe niyo.”

Pinagsusulat niya lang ang lahat ng binabanggit ko... not missing any word.

“Okay, continue.”

Iniisa-isa ko ang mga inmate na kilala kong naging buyer ng organisation namin, Inuna ko talaga sila aling marites at ang grupo niya at ang ibang lalakeng kilala kong nasa loob din nito. Sinabi ko rin ang mga reseller na kialala ko at ibang grupo ng tao na laging bumibili sa amin at ilang connection na alam kong laging kasama ni boss. Wala akong pinagtakpan, hanggang sa pinaka normal na tao basta kilala ko sinabi ko.

“What happen after mo maging familiar sa mga drugs and mga kalakaran sa sindikato?”

Pinagpahinga muna nila ako at hinayaang matuto sa mga klase ng gamot na ginagawa nila at sa mga patakaran ng organisation. Si Migs na siyang nagpa langhap ng gamot sa kapatid ko ang siyang inatasan na mag train sa akin. Halos hindi ko ma control ang katawan kong saktan siya dahil naiisip ko pa rin ang ginawa niya sa kapatid ko.

Maraming threats and rules na ibinigay sa akin bago nila ako hinayaang isama ni Migs sa grupo.

Tila alam yata nilang tatakas ako kaya pinagbantaan ulit nila akong may mangyayare na naman sa kapatid ko sa oras na hindi ako sumunod sa utos.

Naalala ko pa ang araw na binigyan nila ako nang isang araw para makasama ang kapatid ko. Sabi nila once a month makakasama ko siya basta wag ko lang tatangkaing gumawa ng kalokohan.

“Kiana.” Hinahaplos ko ang buhok ng kapatid ko. Andito siya sa kwarto dahil nakiusap akong makasama man lang ang kapatid ko bago ako umalis at pumunta sa unang transaksyon ko kasama si Migs.

“Ate.. Bakit po?” Naiiyak ako. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang sabihin kay kiana na wala na si mama.

“Si...Nanay.” Halos hindi ko mabuo ang salita dahil sa malaking bukol na nakabara sa lalamunan ko.

“Hmm Anong mayroon kay Nanay? ‘Di ba nasa bakasyon lang siya?”

“H-uh?” Napakurap ako sa sinabi niya.

Humarap siya sa akin.

“Si Nanay, ate. Sabi ko nasa bahay si Nanay, pumunta siya dito nung isang araw, sabi niya kasama niya si tatay.”

“P-aano, i m-ean?” Umirap siya sa akin at sumimangot.

“Pumunta siya dito nung isang araw, sabi niya kasama niya si tatay at enjoy daw sila sa bakasyon nila, ate.”

Tuluyan nang sumikip ang d****b ko at... bago niya pa makitang umiiyak ako ay niyakap ko na siya ng mahigpit at ibinaon ang kaniyang ulo sa d****b ko.

“O-o. N-asa b-akasyon si Nanay.” Gumanti din siya ng yakap sa akin.

“Sabi sa’yo, ate eh!”

Pinigilan kong humikbi at baka magtaka pa si kiana kung bakit ako umiiyak.

Nag stay siya sa akin hanggang kinabukasan at kinuha na siya sa akin para ilipat. Hindi nila sinasabi kong saan siya natutulog. Utos daw ng boss nila na wag sabihin sa akin kung saan dinadala ang kapatid ko.

Sinamahan ako nila Migs sa banyo para makaligo na ako. Nasa labas lang sila at sinarado ko ang pinto with lock.

Nang natapos ay pumunta na kami sa puting Van kung saan nila kami pilit na sinasakay.

“Unang transakyon mo ito, diba? Behave ka lang.” Sabay pasimpleng hawak niya pa sa binti ko. Inalis ko ang kaniyang kamay sa aking binti.

“Pwede ba! Wag mo akong hawakan.”

Humalakhak lang ang kalahi ng demonyo at ilang ulit pa ang pagtankang hawakan ako.

Isang oras din bago kami nakarating sa destinasyon namin. Isang malaking old abandoned warehouse ang pinasukan namin. Walang kabahayan sa labas at malayo ang mga ibang establishmento.

Nasa harap namin ang 10 mga lalake, ang lima sa kanila ay may mga baril sa gilid ng kanilang mga tagiliran. Kami naman ay 5 lang kasama na akong babae. Ang 4 na kasama ko ay may mga baril din.

Sa isang mahabang mesa ay nakalapag ang 5 malalaking briefcase, ito ay naglalaman ng tig iisang libo na perang buo na aabot sa ilang milyon.

“Exchange.” Malamig na saad nang ka transaksyon namin.

Nilapag ni Migs ang 4 na malaking brief case at binuksan niya ito para makita ng sa kabila. Napanganga ako sa nakita ko. Ngayon lang ako nakita ng ganito kadaming gamot. Sa isang plastic na may lamang droga ay parang kasya ang dalawang kilong bigas.

Nag senyahan ang dalawang grupo na sabay magsipat ng briefcase. Tiningnan nila kung tama ang mga nasa loob ng briefcase at nung okay na ay sabay nilang isinara ito at nagkamayan.

“Until next transaction.” They both said.

Umalis na ang kabilang grupo. Kinuha na ng mga kasamahan ko ang briefcase na may mga lamang pera.

Inabot lang kami ng ilang minuto at bumalik na sa sasakyan. Pagbalik namin sa warehouse ay dumeretsyo na kami sa office nang amo nila.

“Kamusta first transaction?” Tanong sa akin ng boss nila.

Hindi ako sumagot kaya si Migs ang sumagot sa akin.

“Tahimik bagong bata mo, boss. Mukhang natuto na.” Sabay tawa niya.

“Dapat lang, kung hindi ay talagang bugbug abot niya kasama ng iyakin niyang kapatid.” Hindi ko pinahalata pero nilagay ko sa likod ko ang aking kamay at kinuyom ko ito.

“Sampung libo ang sahod mo ngayon pero dahil malaki ang utang ng tatay mo ay iipunin mo ‘to sa akin hanggang sa makabayad ka.”

“Balik mo na yan sa kulungan niya at may transaction yan bukas.”

Nagpatuloy lang ako sa pagsama sa mga transaction ni Migs hanggang sa nag ilang buwan ako sa grupo at nalaman ko na kung sino ang ibang mga ka transaction nila, mula sa high profile, group and normal people. Sa ilang buwan ay feeling ko unti-unti na akong pinagkakatiwalan ng boss na umalis mag-isa para makipag deal mula sa normal people, hanggang sa nag isang taon na pati pinaka malaking transaction ay sa akin ibinibigay at binibigyan din ako ng pera iba ang kaltas sa sahod ko.

Naging masunurin ako sa lahat ng pinapagawa nila sa akin. Ang once a month na pag bisita ng kapatid ko ay ginawa niyang 2 basta maging okay ang lahat ng ginagawa ko.

Natuto na rin akong makihalubilo sa mga kasamahan ko, makipag tawanan alang-alang sa pakikipag plastikan at makuha ang loob nila. Tunay nga na malaki ang pera dito sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Malaki ang binibigay na pera sa akin para ganahan daw ako.

Itinatabi ko ang pera at ang iba ay nilalagay ko sa simbahan. Sa dami nang nasira kong buhay, dito man lang ay makabawi ako.

“Ilang years kana sa pagiging pusher?”

“4 years.”

“Okay. Sa 4 years na iyon, Tumikim ka ba ng kahit anong drugs?” Tumango ako.

“Yeah. Thrice.”

Only thrice. Ayaw ko sana but they keep on pushing me to try baka daw magustuhan ko. Pinagbigyan ko sila ng 3 beses at hindi na nasundan pa.

“Cocaine?”

“No. Marijuana.”

“Okay. Dahil nasabi mo na ang lahat ng hinihingi namin. May gusto ka pa bang idagdag?”

“My sister. They abducted my little sister.”

“Yeah. Your Ex told us about her. Don’t worry, we already have a planned and we need some time and timing para makuha namin ang kapatid mo.”

“U-ntil w-hen? Baka patay na ang kapatid ko!”

“No. May spy kami sa loob and he said na okay naman daw ang kapatid mo and so far ay hindi pa naman siya ginagalaw ng boss mo.”

Nabunutan ako ng tinik dahil jan.

“As I want to save you at hindi na isama ang fact na gumamit ka ng marijuana but as a good officer, I need to do my job.”

“It’s okay.” I smiled at him.

“So... Paano na yan? I guess tapos na tayo? Is there anything you want to say?”

Umiling ako.

“Are you sure?”

Umiling ulit ako.

“Tsk. Are you sure? How about your thing with our buddy—Ad, the mad Ap--.”

Malakas siyang siniko ni Stefan.

Tumawa lang siya at itinaas ang dalawang kamay.

“Woaaah buddy. I just wanted to know.”

“Ikaw, baka may gusto ka itanong dito? O kamustahin dito?” baling niya pa kay stefan na natatawa. 

“Tsk. Stupid.” Seryoso lang si stefan nang sinabi niya iyon. Tumayo na siya at hinila ang braso ng police patayo.

“Good luck with your hearing, Miss.Peña Vega.” 

Kinamayan ako ng dalawang police bago sila lumabas.

“Good decision, Miss.Peña Vega. Congrats.”

“Thank you, Atty.”

“2 days from now, Haharap ulit tayo sa hearing mo and we hope na last hearing mo na ‘iyon at payagan kana sa plea of bargain.”

“I hope so...”

Yan ang huling usapan namin bago kami nagpasiyang lumabas na. Nagpaalam na si Atty.Santos na aalis na siya and ako ay binalik sa selda.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status