Share

KABANATA LABING-DALAWA

SAVE

“Hearing mo?” Tanong ni Nanay Bilog.

Ngumiti ako kay Nanay Bilog.

“Opo, Nay.” Sagot ko sa kanya.

Pagkatapos nang pag-amin ko sa mga Police ay gumawa na sila ng report about sa sindikatong sinalihan ko. Pinabalik ako nang gabi ding iyon para sa sketching ng ibang tauhan at ng pinuno ng grupo.

Naging maayos naman ang takbo ng lahat pagkatapos kong umamin. Dahil nga may mga tauhan ang dati kong Boss dito ay may mga police na inassign si Stefan na pasimpleng magbabantay sa akin para sa security ko.

Hinahanda na nila ang warrant of arrest and nagpa plano na rin sila para sa pagdakip sa leader at sa member ng grupong sinalihan ko.

“Goodluck, Anak! Sana ay makapag piyansa ka o makaalis kana talaga dito.” Nanay Bilog grabbed my hand and slightly squeeze it.

“Sana nga po, Nay.”

Dumating ang isang Police na magsusundo sa akin para sa hearing ko.

Ngumiti ako kay nanay Bilog at nagpaalam na.

Pagpunta ko sa place ay napansin kong si Atty.Santos lang ang nasa labas at wala si Adrian. Napansin naman ni Atty. Na para bang may hinahanap ako.

“He has a sudden meeting so baka dumalaw na lang iyon pagkatapos ng hearing.” Informing me.

“Ahhh” Tumango na lang ako.

“So, shall we?” Binuksan ni Atty. Ang pinto at pumasok na kami at umupo sa unahan.

Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na rin si Judge Romulo, we all rise to acknowledge his presence.

Binigay na ng isang babae na naka formal suit ang isang report at pinasadahan ito ng basa ni Judge Romulo.

“Miss.Peña Vega...” The Judge first words.

“So... This is your second hearing, right? Your Atty. Request for plea of bargain as a request to lower your sentence in exchange of your confession.”

“As a stated on the law, since you had two cases in the drug prevention act and those cases hold life imprisonment, the only hope that left you is plea of bargain...”

Napalunok ako.

Eto na iyon.

“That I’ve... never easily give to Inmate.”

What the F*ck!

Is he serious?

Tumingin ako kay Atty.Santos.

“A-tty.”

Atty. raised his hand to get the attention of the Judge.

“My client already confess everything your honour.”

“But I’ve never promise that I will approve your request once she confess, am I right?”

Poota naman talaga.

“B-ut, Your honour!”

“Are you questioning my words, Miss Peña Vega?” He seriously looked at me but I see a ghost of smile for a seconds.

Pinapakalma ako ni Atty.Santos pero nag uumapaw na ang ka bwesitan ko sa Judge na nasa harapan ko. I knew that he never promise but I expect that he will after all give me a chance.

“Can we petition for a bail, Your Honour?”

“No, Atty.Santos.”

Bad vibes talaga ako sa Judge na ito. Kung hindi ko lang narinig na inaayawan nito ang mga inmate na may kaso na drugs, iisipin ko na connection ito ng boss ko para ‘di ako makalabas dito eh.

Kaya ang ending... wala rin kaming napala sa araw na ito. Halos hindi ko matingnan si Atty.Santos sa mata hanggang sa nagpaalam na itong aalis na.

May next hearing pa naman pero hindi ko alam kung para saan pa gayong nakapag desisyon na siyang hindi niya ako bibigyan ng plea of bargain.

“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Ate Josie.

“Hindi. Badvibe sa Judge. Ayaw talagang pumayag na babaan ang kaso ko.”

“Sino? Si Judge.Romulo? Mahirap talagang pakiusapan nun. Kahit lumuhod ka siguro, basta may kinalaman sa drugs ay mahihirapan kang lumabas eh.” Sang ayon din ng ibang inmate na nakarinig.

“Dahlia!” Napatingin ako sa biglang sumigaw. Sa banda nila Nanay Bilog ay nakita ko si Dahlia na humahawak sa tiyan niya at sa bibig, Parang nasusuka.

“O-kay lang... medyo masama kasi pakiramdam ko.” Sabay hawak niya pa sa ulo niya.

“May lagnat kaba?” Tanong ni May habang nilalagay ang palad niya sa nuo ni Dahlia.

“Wala ka namang lagnat, Halika samahan kita sa office ni Jowa para makapag pahinga ka.”

Pumayag naman si Dahlia at nang aalis na sila ay nabuwal siya sa pagkakatayo at muntik ng matuba kung hindi lang naagapan ni Ate Saddy.

Nagtawag sila ng isang police at inakay si Dahlia papunta siguro sa office at sumama naman si May.

Nang nag-gabihan ay sama-sama kami papuntang cafeteria. Okay na rin ang pakiramdam ni Dahlia isang oras makatapos niyang magpahinga sa office ng jowa ni May ay bumalik na rin sila agad.

Pagpunta namin sa cafeteria ay pumila na kami para maka kuha ng pagkain. Papunta na sana kami sa pwesto namin nang nakita namin na inuukupa na ito ng grupo nila aling Marites.

“Mga Boss, Teka lang. Kami yata ang may pwesto jan.” Saad ni Ate Saddy.

Maangas na tiningnan kami ng grupo nila Aling Marites at nagtawanan pa sila.

Tumayo ang isa sa kanila at tiningnan kami isa-isa.

“Hindi mo ba nakikita? Pwesto na namin ‘to simula ngayon.”

“Ayaw namin ng gulo mga boss kaya lipat na lang kayo ng pwesto.”

“Mga bingi yata ‘tong mga ‘to eh. ‘no, marites?”

“Tanga mo panget! Ikaw ang bingi, mag linis ka ng tutuli baka ‘di mo narinig na kami nga ang may pwesto diyan.” Inis na asar ni May.

“Anong sabi mo, Kabit? Lakas ng loob ah?”

Binabangga niya pa si May na ngayon ay galit na ang itsura.

May namumuo nang tensyon sa pagitan nila at kaunting palitan ng salita nalang ay magkakaroon na ng gulo.

“Umalis na lang kayo dahil amin na ‘to.” Tamad na utos ni Marites.

“Rinig mo yan, P****k? Amin na ‘to.” Sabayan pa ng tawa nila. Hindi na nakapag timpi si May at tinulak niya ang ale sa katabing mesa namin.

Ang iba naman ay nakita kong nag sasabunutan na at naghahagisan sa mga mesa. Sumali na rin ang halos lahat ng preso sa riot kaya hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Aalis na sana ako nang may humila sa buhok ko at kinalakdkad ako sa kung saan.

“aahhhh bitaw! Ano ba!” Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit sadyang malakas ang ale at hindi ko matanggal-tanggal ang kamay niya sa buhok ko.

Tinulak niya ako sa isang lamesang puno ng pagkain.

“Gulat ka ba?” Nanlaki ang mata ko. Si Aling Marites! A-nong.

Sinipa ko siya sa hita para makatakas ako. Tumakbo ako ngunit nakuha ang buhok ko ng isang babae at binalibag ako sa pader. Hilong hilo ako pagkatapos nun.

“Kala mo makakatakas ka, Kane!” Sigaw pa sa akin ni Aling Marites.

“P-arang... a-w*.. m-una.”

Sa nanghihina kong mga kamay ay niyakap ko ang kaniyang paa ngunit sinipa niya lang ang gilid ng aking ulo kaya napa hampas ang katawan ko pabalik sa pader.

Nakarinig ako ng putok ng baril ngunit sadyang malakas yata ang tama ng katawan ko kung kaya’t hindi ko maigalaw ang katawan ko at mabukas ang mata ko.

May naramdaman akong malamig at matalas na bagay na bumaon sa tigiliran ko. Hindi lang isa, dalawa kundi tatlo bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako sa isang panaginip. Nagkaroon daw ng away at nasaksak daw ako.

Tiningnan ko ang kapaligiran at napakunot ang aking noo, imbes na kasamahan ko sa kulungan ang maabutan ko at ang selda namin ay isang kulay punting kwarto ang nabungaran ng mata ko.

Nasaan ako?

Iginala ko ang aking mata, May isang flat screen TV, Air-conditioned, Itong queen size bed then Closet, may isang malaking bintana din.

Tatayo na sana ako ngunit sumakit ang tagiliran ko kung kaya’t bumalik ako sa pagkakahiga.

Paanong mangyayareng andito ako imbes na sa selda? Ngunit nang may napagtanto ay nilukob ng matinding takot ang d****b ko.

Na-akuha ba ako ni Boss ulit?

Mas domoble pa nang may marinig akong yapak nang paa papunta dito.

Mabilis akong nagtalubong ng kumot at baka tama ang hinala kong ang dati ko ngang boss ang dumukot sa akin.

Naramdaman kong bumukas ang pinto at lumubog ang gilid ng higaan ko.

Sa sobrang takot ay mabilis kong kinuha ang unan at pinaghahampas ko ang taong nasa gilid ko.

“Ahhhhhh pakawalan mo ako!” Sigaw ko sa kaniya.

 Patuloy ko lang siyang hinahampas hanggang sa maramdaman ko ang sakit uli ng tagiliran ko at mabitawan ang unan na pinanghahampas ko.

“Ahhh o-uuch.”

“Hey. F*ck! Are you alright?” Tinangka niyang hawakan ang sugat ko ngunit sinampal ako ang kamay niya.

“G*go ka b---” Naiwan sa ere ang mura ko.

“A-drian?”

A-nong p-aanong siya huh?!

“Of couse. Who do you think will save you?”

Tuluyan niya na nga nahawakan ang sugat ko at sinipat niya pa kung ano na ang lagay nito.

“A-kala ko kinidnap na ako ni boss.”

“Stop worrying too much, kane. Tingnan mo nga sa ginawa mo muntik nang bumuka ang tahi mo.”

Pinahiga niya ako at Ibinalik niya ang unan sa ulo ko.

“Paanong andito ako? Ano bang nangayare at may sugat ako?”

“You were stabbed and got hospital for f*cking three days, kane.”

“Eh paano ako napunta dito? Edi dapat bumalik na ako sa selda? Tinakas mo ako?!!”

“Lower down your voice, womn. Hindi kita tinakas and to answer your question ay malaya kana.”

“H-ow? I mean hindi ako pinayagan ng korte and kung papayagan ay makukulong pa rin ako, Adrian! Kaya anong sinasabi mo na malaya na ako?”

“Do you want to go back there?” Sobrang sama ng tingin niya sa akin. “I will not bring you on that jail. You will not go back to that jail over again.”

“After you got stabbed, stefan called me and tell me what happen, nasaksak ka raw ng leader ng isang grupo and you know how devastated i was nung narinig iyon?! D*amn kane! After mo ma Hospital I offer huge amount of money on that Judge and I even blackmailed him na pag hindi siya pumayag na i release ka and ibasura ang kaso mo ay pababagsakin ko ang Law firm na mayroon siya.”

Ginawa niya iyon para sa akin?

“He’s mad but took the offer because I know all his weaknesses. I even paid all official that I’ve know to release you silently without record.” He grabbed my hand, close his eyes and kiss it wholeheartedly.

I fight an urge to hug him. I just silently crying but he lay beside me and put his right hand on the back of my head and pulling it close to his chest.

Masuyo niyang hinalikan ang nuo ko habang patuloy lang akong umiiyak. Nagising na lang ako na katabi ko ang natutulog na si Adrian.

Pinagmamasdan ko ang lahat ng parte ng mukha niya. Mula sa mahahabang pilikmata, mapulang labi, matangos na ilong at malambot na buhok.

Ang taong nanakit sa akin nuon.

Ang taong minahal ko ng sobra at pinaglaban ko sa harap ng pamilya ko.

Ang taong pilit kong kinakalimutan ngunit bumalik para lang tulungan ako.

He said na liliwanagin niya ang lahat ng issue na mayroon kami at ang sinabi ng nanay niya about sa ex niya.

Kumulo ang tiyan ko pero nahihiya naman akong gisingin siya. Halatang gutom na dahil magmula pa kaninang nagising ako ay wala man lang kahit anong tubig o pagkain ang dumaan sa bibig ko.

Babangon na sana ako nang mapansin ko ang mabigat na kamay na nakadagan palibot sa bewang ko, inalis ko ito ng dahan-dahan dahil alam kong mabilis lang magising itong si Adrian.

Masakit ang Katawan at ang tahi ko pero pinilit ko pa ring bumangon at humakbang ng paunti unti hanggang sa makalabas ako.

Gagi may hagdaan. Taena buhay nga naman.

Imbes na akala ko ay makakakain pa ako ay po problemahin ko pa pala kung paano ako bababa sa hagdan.

Sa sobrang gutom ko na ay mas pipiliin ko pa yatang mabalian ng buto pag nagkamali ako ng apak sa hagdan kaysa ang mamatay sa sunod-sunod na tunog ng tiyan.

Nag dahan-dahan ako sa pagtapak kada baitang, parang pinupunit ang laman ko kada pinipilit ko ang sarili ko sa pagtapak. Nasa kalagitnaan pa lang ako nang nagpasiya na ako na tumigil muna dahil feeling ko magiging manananggal na ako dahil humihiwa na talaga.

“Anong ginigawa mo dito?” I looked behind only to see the sleepy image of him. Magulo ang buhok at halatang naalimpungatan lang dahil wala ako.

“Nagugutom na ako.”

Binuhat niya ako ng pa bridal style at nag flex ang muscles niya sa balikat.

“If you’re hungry then wake me up don’t try to go down alone. You have me...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status