Share

IKA-SAMPUNG KABANATA

PUSHER

“336, Pinapatawag ka sa interrogation room, andun na rin ang abogado mo.”

This is the day na haharap ako sa mga police at sasabihin ko na ang nalalaman ko. There is no room for retreat since I need to get my sister from my boss. Panalangin ko lang na sana walang gawing masama ang boss ko sa kapatid ko sa gagawin ko ngayon.

I breathed and ready myself for confessions.

Binuksan na nang Police ang isang kwarto. Andun si Stefan and isang police, sila yata ang mag tatanong sa akin kasama sa isang side si Atty.Santos.

Unang naka kita sa akin ay si Atty. Tumayo ito at sinalubong ako. Tiningnan lang ako ng dalawang police at ginalaw ang kanilang mga ulo bilang pagbati.

“Good Morning, Miss.Peña Vega. Kami ang magtatanong sayo about sa case mo. I need your confession about that drug syndicate as well as its members.”

“Mag tatanong din naman talaga kami sa’yo about sa sindikato na iyon, but it’s good na ginamit mo itong confessions mo as your opportunity for your own good.”

Nginitian niya ako. I can tell na mabait siya and hindi naman siya mukhang aso ng sindikato na kinabibilangan ko, compare sa hepe na iyon.

Tumango ako sa kanya.

“So... Let’s start?” Huminga ako ng malalim, tiningan sila isat-isa bago ako pumikit at inalala ang lahat.

Basang-basa ako. Nanginginig ako sa ginaw at sobrang init ng katawan ko. Nakikita ko ang mga mapanuring mata ng mga tao sa akin. Tinalikuran ako ni tita alma pagkatapos ng nangyare. Hindi niya ako binalikan at humingi ng tawad sa kaniyang mga sinabi.

Durog na durog ako. Hindi ko na alam kung paano ako mag-uumpisa. Kung ano ba ang dapat kung unahin at kung ano ba ang dapat kung gawin muna.

My father died because of selling drugs. My mother died because of drug syndicate while my sister was taken away by those monster and ang nag baon sa akin ay ang pag cheat sa akin ng boyfriend ko at masasakit na salita galing sa nanay ng taong mahal ko.

Sa araw na ito para akong nagluksa sa kanilang lahat. Naiwan akong mag-isa at wala man lang gustong tulungan ako dahil natatakot na madamay.

Pinuntahan ko kung saan nabaril si nanay. Andun ang mga pulis at nag iimbestiga. Wala na ang kaniyang katawan pero nagkalat ang dugo sa kalsada.

“Ayan po, Sir! Siya po anak ni Aling Susan!” Sigaw ni aling Rosa.

Bulungan ng mga tao at flash ng camera mula sa pulis ang maaabutan sa lugar na ito. Ibat-ibang mga tao ang nakapalibot, animo’y nanunuod ng isang taping.

“Ikaw ba ang Anak?”

Hindi ako sumagot. Hindi ko kinumpirma at hindi ko rin naman itinanggi.

Tiningan ko lang siya at binalik ang tingin kung saan nabaril ang nanay ko. Andami niyang sinasabing salita but it looks like my ears was bleed and it can’t be able to hear. Wala na akong naririnig pagkatapos nun pero napapansin kong bumubuka ang kaniyang bibig.

Dapat umiyak ako dahil patay na si mama. Dapat umiyak ako kasi wala na dito ang bangkay niya at sa isang araw ay nawala silang lahat pero... pagkatapos ng eksena sa bahay nila adrian ay para akong naglalakad sa hangin. May naririnig na tunog pero hindi buo at walang maintindihan kahit kinakausap ako.

“Miss, Sumagot kana man! Kanina ka pa tinatanong. Nanay mo ba yan?”

“Miss inaapoy ka ng lagnat.”

“Hooy kane!”

“Hoy sumagot ka!”

“Kane! Tumakas na kayo!”

“Ateeeee!”

“Nakakahiya kayo! Nagbebenta ng illegal na gamot para sumira ng buhay ng iba! Buti nga sa tatay mo yan dahil pusher siya! Karma na ang gumagawa ng paraan para parusahan kayo! At ikaw! Wala ka nang babalikan dahil hindi na ikaw ang mahal ng anak ko kaya tumigil kana at wag nang magpapakita dito at baka may pumunta pang pulis dito at hulihin kami dahil kakilala namin kayo. Anak ng pusher!”

“Pusher ang papa mo!”

“Umalis na kayo dito! Pamilyang gumagamit ng droga!”

“Namatay ang tatay mo dahil isa siyang pusher!”

“Salot!”

“Aaaaaaaaaahhhhhhhhh”

Humawak ako sa ulo ko nang sunod-sunod ang mga eksena sa utak ko. Parang isang plaka na paulit-ulit at mga tawa tawa ng tao.

“Miss! Tumawag kayo ng ambulansiya.”

And the next things I knew ay nasa ospital na ako at may dextrose na naka kabit.

“Buti gising kana!” Isang kayumangging babae ang nasilayan ng mata ko, naka puti ito at inaayos ang Dextrose sa kamay ko.

“Dalawang araw kang tulog dahil sa sobrang taas ng lagnat at stress. Nag breakdown ang katawan mo.”

“Buti na lang ngayon ay gising kana.” Saad niya.

“S-ino a-ng n-agdala s-a akin dito?” mahina kong sabi.

“Ang mga police ang nagdala sa’yo dito. Wala sila ngayon eh, tatawagan na lang daw namin sila pag gaising kana.” Tumango ako.

Tapos nang mag-ayos ang babae at umalis na. Dumating din naman siya agad kasama ang isang sa tingin ko ay doctor, sunuri niya lang ako at may mga pinagbilin.

Kailangan ko nang makaalis dito dahil kailangan ko pang puntahan si mama at hanapin ang kapatid ko.

May dumating na mga Police at inayos ang discharge paper ko. Okay naman na daw ako but I need to rest para maka bawi ng lakas.

Sinakay ako ng mga pulis at pina gitnaan nila ako. Hindi ko sila kilala. Hindi ito ang mga pulis sa lugar kung saan namatay si mama. Iba rin ang sasakyan, hindi patrol car. Naka damit pang police pero hindi mukhang police.

Wala na akong nagawa.

Iba ang daang tinatahak namin, hindi papuntang police station. Wala nang police station sa medyo liblib na lugar. Kinabahan na ako. Napansin nilang parang aligaga na ako kaya nagtaas ng baril ang katabi ko at itinutok sa ulo ko.

“Subukan mo.” Sabi ng katabi ko.

Pumasok kami sa isang malaking gate. May dalawang lalaking may malalaking baril ang nagbabantay. Sumaludo ito sa kotseng sinasakyan ko at pagkaraan ay isinarado ang gate.

Hinawakan nila ang aking kamay at hinila papunta sa isang maliit na pinto, binuksan nila ito at ang tumambad sa amin ang isang lalaking nasa edad 40s na naka upo at naninigarilyo. Nasa katabi niya ay isang lalaki na may malaking baril.

Humithit muna ito bago kami pinagtuunan ng pansin. Nang natapos na ang paninigarilyo nito ay kaniyang itinapon ang maliit na sigarilyo at lumapit sa pwesto ko. Hinawakan nito ang aking buhok at kinaladkad sa upuan sa harap ng lamesa niya.

“Kamusta? Kala mo tanga ako at makakatakas ka sa amin?!” Sigaw ng lalaki.

“S-ino k-ayo?” sagot ko naman.

“Ako lang naman ang boss ng tatay mo! Anlaki ng utang sa akin ng tatay mo tapos gusto niyong takasan iyon?”

“H-indi k-o a-lam ang sinasabi niyo!” sigaw ko.

Sinampal ako nito. Humalakhak siya.

“I bet you already know that your father is a drug pusher, Right? Kaya nga kayo tumakas dahil alam niyong madadamay kayo!” Hinawakan niya ng madiin ang panga ko. “Malaki ang kasalanan sa akin ng tatay mo! Ang ganid mong tatay ay ninakaw ang mga shabung dapat sana ay i i import sa china but because of greediness in drugs ay kinuha niya ito.”

“Anlaking pera ang nawala because of that, and hindi na nabawi pa ang droga dahil binuhos niya sa ilog nung alam niyang wala na siyang kawala sa amin!” A-aaray! Pilit niyang idinidiin ang hawak niya sa panga ko.

“Sa sobrang galit ko ay ako mismo ang pumatay sa tatay mo! Binaril ko siya ng paulit-ulit hanggang sa mamatay at matanggal ang galit ko pero wala! P*tangina! Ang droga na nagkakahalaga ng limangpong milyong pison ay naagos ng tubig sa ilog.”

Fifthy million!

“He’s too obsess in drugs na nagawa niyang traydurin ako!”

“P-ero w-ala na p-o si t-atay.”

“So? Kahit wala na ang tatay niyo, kayo ang magbabayad nang ginawa ng tatay mo! Ikaw ang magbabayad ng ginawa ng tatay mo!” Sigaw niya sa akin.

Umiling iling ako. Simapal niya ako.

“Agree or not, you will pay your father’s debt by selling drugs. You will continue you father’s activity until makabawi ako sa nalugi sa akin and makabayad kayo sa akin!”

“Ayaw ko po! Hindi po ako magbebenta!”

“Son of b*tch! Hindi ka pa natuto! Pinatay ko na ang mga magulang mo, nasa akin ang kapatid mo! Kaya kong ayaw mo pang mamatayan ng taong malapit sa’yo, sundin mo ang gusto ko!”

Hindi ko na napansin na kanina pa pala ako umiiyak. Ang sama niya! Ang sama nila! Demonyo sila! Siya! Pinatay niya ang mga magulang ko! Pati ang kapatid ko kinuha niya!

“Kayo! Kunin niyo itong babaeng to at ilagay niyo kung nasan ang kapatid niya. Ipakita kung paano saktan ang kapatid niya at palanghapin ng gamot!”

“Saan niyo ako dadalhin?! Bitawin niyo ako!”

Pumapalag ako pero sinuntok lang ako sa tiyan ng kaninang nag tutok sa akin ng baril. Inubo ako dahil sa nangyare pero walang nagawa pa dahil kinaladkad na ako nito.

Dinala niya ako sa isang hallway kung saan may mga nadadaanan akong mga equipment and mga powder. May mga lalaking busy sa pag lagay ng powder sa pakete at ang iba ay sumisinghot.

Sa dulo ay may isang parang selda at andun ang kapatid kong nakatulala. Sa tabi nito ay isang lalaki na sumisinghot.

“K-iana...kiana...kiana!” Sigaw ko.

Parang bingi ang aking kapatid dahil hindi niya ako nililingon. Patuloy lang itong nakatulala. Maraming galos sa katawan at dumudugo ang kanang bahagi ng ulo. Anong ginawa nila sa kapatid ko?!

Tinulak ako ng Police at napasubsub ako sa sahig. Kahit nanghihina ay pinilit kong gumapang para maabot ang selda ng aking kapatid. Nahawakan ko ang kaniyang kamay ngunit hindi ko siya mahila ng mas malapit dahil nanlalambot din ako.

“K-iana... Baby... andito na si A-te. K-iana, G-ising na. Andito na si A-te. U-uwi tayo. Gising na! Kiana, gising na!” Humagulgul na ako dahil nakatulala pa rin ang aking kapatid.

“Anong ginawa niyo?! Bakit ganito ang kapatid ko?!”

Tumawa ang isang lalaki.

“G*go ka talaga, Migs! Haha Pina hithit mo ‘to ng shabu?”

Tumawa lang ang lalaking nag ngangalang migs at patuloy pa ring humihithit. Nilapitan niya ang aking kapatid at sinampal sa mukha. Sumigaw ako at pilit ko siyang hinahablot ngunit hindi ko siya makuha. tumatawa ang mga lalaki habang sinasampal ang kapatid ko, hindi pa nakuntento ang nagngangalang migs at pina amoy sa kapatid ko ang hinihithit nito kanina.

Iyak ako ng iyak. Awa at galit ang naramdaman ng puso ko ngayon. Ang inosente kong kapatid ay pinaparusahan nila ng ganito.

Bakit! Bakit ba nararanasan namin ito!

“Pumayag kana sa gusto ni boss para makasama muna ang kapatid mo.” Tawa pa ng dimonyo.

Boses ko lang ang naririnig sa buong hallway. Iyak ko lang ang namumukod tanging kanta na pinapatugtog sa gitna ng kasuklam-suklam na araw na ito.

“Pakawalan niyo ang kapatid ko! P-apayag na! P-apayag na ako, J-ust get my sister out of here, please! Parang-awa niyo na!”

“Oh pakawalan mo na daw Migs! Akin na susi. Sus papayag din naman pala. Andami pang arte. ”

Pinakawalan nila ang kapatid ko at nilapag sa harap ko. Yinakap ko ang katawan ng kapatid ng sobrang higpit. Nag sisisi kung bakit hindi ko hinabol hanggang maabutan ang van na iyon. Na sana ako na lang ang andito at kapatid ko na lang ang makatakas. Mas kaya kong tiisin iyon kesa makita siyang puro bugbog at walang malay dahil sa gamot.

Gusto kong pumatay sa galit. Nag didilim ang paningin ko sa lahat ng ito.

“I-m s-orry bunso. N-atangalan si A-te. P-atawarin mo si A-te.”

“I-lalabas ka ni A-te dito. P-romise ko yan.”

“Oh tama na drama! Nag text si boss dalhin daw sa kwarto ang bata.”

Kinuha nila ang kapatid ko at ibinigay sa kararating lang na lalaki.

“Saan mo dadalhin ang katapit ko?! Akin na yan! Ibalik mo ang kapatid ko!”

Pinagsasampal ko ang paa ng lalaki. Tinadyakan lang ako nito kaya napahiga ako. Hindi ko na alam kung saan nila dinala ang kapatid ko.

“Ikaw, tumayo kana! Hanap kana ni Boss!”

Kinaladkad nila ako, Nang nakita nilang wala akong lakas ay binuhat nila ako at pasalampak na binagsak sa sahig sa kwarto kung nasaan ang pinaka demonyo sa lahat. Ang may gagawan ng lahat ng ito, ang pumatay sa mga magulang ko.

“Did you see your sisters situation? Did I surprise you too much? because you are too emotional right now!” He smirked.

G*go ka!

Makahanap lang ako ng tiyempo, ako mismo ang papatay sa’yo.

“I see. You will start your training the day after tomorrow. Migs will train you. You will accompany him sa mga transaction niya. Hindi muna kita paghahawakin ng negosasyon, only observe then pag natuto na tsaka na ikaw magbebenta.”

I wanna ruin his ugly face. Kill him with my bare hand and burn this hell down.

“Demonyo ka.”

He laughed.

“Dimunyo talaga ako. Kaya tandaan mo kung sinong demonyo itong kaharap mo.”

“Hayden Williams.”

“Hayden William ang name ng boss ko.”

“Sa Barrio Sapang putik, Sa liblib na lugar, isang sakay ng tricycle mula sa amin ang hide out nila.”

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Si Stefan ay diretsyong naka tingin sa akin samantalang ang isa ay nagsusulat at patingin-tingin sa pwesto ko.

“Walang masyadong kabahayan ang lugar na iyon kase walang kuryente dun kaya hindi kayo mahihirapan na hanapin iyon. Isang malaking warehouse na may malaking kulay itim na pinto. May nagbabantay dun na dalawang lalaking may malaking baril. If you want to go there, don’t use your normal set of uniform since makikilala kayong mga police and mag didisguise sila na walang armas.”

“People was not suspicious since the organisation disguise the warehouse as plastic factory. Sa In front building makikita ang pagagawaan ng plastic na ginagawa nilang cover up. May papasukan kang isang hidden door sa likod ng isang malaking painting ng mga bata and from there, there is Hallway and sa kaliwa at kanan ay mga mga room na may mga gawa sa glass na bintana, Mamga makikita kang mga equipment dun na ginagamit sa paggawa ng ibag-ibang drugs. Kada room Ibat-ibang drugs and Ibat-ibang grupo ang naka toka.”

“Most of the men was armed with heavy guns.”

“You said you were threaten with Hayden williams that they will harm you sister if hindi mo susundin ang utos nilang maging pusher ka katulad ng tatay mo?”

“Yes.”

“Okay.” At nagsulat siya sa papel.

“Do you know where your mother’s was buried?”

“I don’t. I don’t have any chance to know where she’s buried since I got busied on the training.”

“Fablicion cemetery.”

Huh?

I looked at stefan for what he have said.

“We transfer her remains at Fablicion cemetery.” He looked serious.

“We? With whom?” I asked.

“Your Ex.”

“Who’s his Ex, buddy?”

“F*cking Ad.”

“Nice.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status