Share

Kabanata 5 Engagement Posé

“Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.

“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.

“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”

Kontra ni Alex.

“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”

“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.

“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.

“Dahil yan ang norm.”

Simpleng sagot ni Daniel.

“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.

“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.

Tumayo si Alex sa upuan.

“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.

Naglakad siya papunta sa ref at kinuha ang pitsel ng tubig. Saka pumunta sa may lababo para kumuha ng baso. Sinalin niya ang tubig sa baso at ininom ito. Inilagay ni Alex ang baso at pitsel sa mesa.

“So, itutuloy natin tong engagement plan para sa kasal, tama?” maingat niyang tanong.

“Oo, tama,” mabilis nitong sagot.

“Mahal mo talaga siya, no?” tanong ni Alex.

“Mahal na mahal ko siya.”

Buong katapatang pag-amin ni Daniel.

Kinilig si Alex sa katapatan nito.

“Grabe. Nakakakilig ka. Napaka-romantic mo, Daniel.”

Tiningnan siya nito.

“Na-in love ka na ba?” tanong nito sa paos na boses.

Saglit na napaisip si Alexandra sa tanong nito at naisip angex-boyfriend na si Julian Carter at sumimangot.

“Wag na nating pag-usapan ang tungkol sa akin,” mabilis niyang kontra at ibinaling ang paksa kay Daniel. “Paano ka magpo-propose sa kanya?”

“Bago ang kasal. Na gagawin sa loob ng isang buwan.”

Halos lumuwa ang mga mata ni Alex sa sinabi nito at nakatanga siyang tumingin kay Daniel.

“Baliw ka ba?” tanong ni Alex dito.

Pinaglaruan ni Daniel ang hawak nitong gum bottle. Itinapon niya ito sa kabilang kamay sabay salo dito at inulit paulit-ulit.

“Alam kong u-oo siya,” confident nitong sabi.

Tumaas ang kilay ni Alex.

“Kung alam mong sasagutin ka niya ng oo sa proposal mo, ba’t hindi mo pa siya tinatanong?”

“Ayoko. Gusto ko siyang sorpresahin,”

sagot ni Daniel sa tahimik at walang tonong boses.

“Susorpresahin mo siya isang araw bago ang kasal?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex. “Sino ang mag-oo niyan?”

“Siya.”

Kibit balikat nitong sagot.

“Paano ka nakakasiguro?” puno ng agam-agam niyang tanong.

“Alam ko. Kaya lang dinate niya ang bestfriend ko nang lumabas ako ng bansa para magtrabaho kaya may resentment ako sa kanya pero mahal ko talaga siya at gusto ko siyang pakasalan pero dapat daanan niya to para malaman kong totoo talaga ang nararamdaman niya para sa akin,” paliwanag nito.

“Hindi kaya mahirap yan?” tanong ni Alex. “Naging kayo ba?”

Tiningnan siya nito.

“Oo, nang maikling panahon. Kaya lang kailangan kong magtrabaho sa labas ng bansa ng pansamantala…” sagot ni Daniel.

“Gaano ka katagal sa labas ng bansa?” tanong ni Alex.

“Tatlo. Mahal ko na siya since mga bata pa lang kami pero may falling out din kami plus, pagminsan hindi ko siya maintindihan," kwento nito. "Nakakairita nga dahil hindi ko rin siya mabasa at kung ayaw niya magsalita hindi ko siya mapipilit na magsalita. Hindi ko siya maunawaan.”

Tiningnan uli siya nito at nagpatuloy magsalita.

“Kailangan mong maging close sa kanya at alamin mo ang mga gusto niya at hindi. Tanungin mo siya tungkol sa kasal,” utos ni Daniel.

“Ako ang lalarong pekeng bride so kukunin ko lahat ng impormasyon na itatapon niya sa akin at gagawin kong reality, St. Claire.”

Tuwiran niyang sabi dito.

“Aasahan ko yan, Alex,” wika ni Daniel na lumiwanag ang mukha.

“Para pala akong santa nito samantalang siya ang anghel at ikaw ang…” hindi tinapos ni Alex ang sasabihin at tiningnan si Daniel St. Claire ng bagabag ang sariling mukha.

Bumalik ng tingin ito sa kanya at nagsalita.

“So, ako yung devil, you mean?” pakli nito.

“Nakakabasa ka ba ng utak, St. Claire?” pang-aasar niya dito.

“Guhit kaya yung mukha mo, Alex,” balik nito sa kanya na tumatawa.

Kumunot ang noo niya sa naiisip.

“Paano kung hindi ang sagot niya?” pag-aalangan niyang tanong dito.

Ngumisi si Daniel sa kanya at  kumislap ang mga mata.

“Ikaw ang papakasalan ko,” walang patid nitong sagot sa kanya.

Umirap si Alex dito.

“Monster. Baliw,” turan niya saka tumawa ng peke. “Loko ka rin, no?”

“Huwag na huwag mo kong gagawing escapegoat oras na bumaliktad yang plano mo, St. Claire. Tutulungan lang kita bilang utang sa —”  sabi niya habang nakaturo ang index finger sa labi niya, “pagsalba mo sa Juggle House mula sa bankruptcy at sa pagplacate mo sa plano ni mommy sa bahay na ‘to.”

“Favor por favor, eso es gracias, Señorito St. Claire.”

Dagdag pa ni Alex sa wikang Kastila.

“From your Spanish side?” tanong nitong nawili sa pagsasalita niya sa Español.

“Siempre sé cómo devolver un favor de buenas nuevas,” turan pa ni Alex sa Kastila. “Marunong akong bumalik ng magandang pabor, St. Claire.”

“Okay. So, lumabas tayo bukas para sa engagement plan.”

Masayang wika nito.

Pumunta sina Alexandra at Daniel sa bakeshop na tinatawag na Berta’s Bakeshop and CoffeeShop, Catering Services, Inc. na ang pangalang ng paniderya ay maarteng nakasulat sa kurbadong mga letra na nakukulayan ng puti, pula at gold sa babasaging bintana. Ito’y apat na palapag na building. Ang unang dalawang palapag ay business areas kung saan ang ikalawang palapag ay extension coffee shop at ang ikatlong palapag ay paupahang mga kwarto at ang pang-apat na palapag ay pribadong palapag ni Binibining Berta Gertrude.

Ang gintong kulingling na nakalagay sa itaas ng pinto ay tumunog nang pumasok sila sa puting kahoy na pinto na may built-in fan glass. Isang magandang dalaga na may blondeng buhok na hanggang balikat na nakasuot ng puting baker suit na may pulang scarf sa leeg nito ang busy na naglalagay ng mga tinapay sa mga istante habang may isang dalagitang babae na may maikling itim na kulot na buhok na dikit na nakatirintas ang ulo at nakasuot ng pulang t-shirt na napapatungan ng puting apron ang nakaupo sa bandang cashier.

“Kamusta! Magandang Umaga!” magiliw na bati ng dalagita. “Maging malaya kayo sa pagtingin n gaming mga tinapay monsieur-dame. Bago ang mga yan.”

“Kamusta. Andito ba si Auntie Berta?” tanong ni Alex sa babae.

“Nasa likod po siya, mademoiselle,” sagot ng teenagers.

Ang babaeng abala sa paglalagay ng mga tinapay sa mga basket na napapatungan ng red at white na mga checkered na tela kung saan ang tela din ang pumapatong sa mga basket, ay humarap sa kanila. Ang abot balikat nitong gintong buhok ay naaninag ng liawang ng araw nadumaan sa salaming bintana.

“Alexandra! Nice to see you back in town,” tuwang bati ng babae sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at niyakap siya.

“Alice! Good to see you, too.” Sagot ni Alex na hinalikan rin ang babae sa pisngi at gumanti ng yakap.

Umalis si Alice sa pagkakayakap saka tumingin sa bababeng teenager.

“Elisa, pakitawag si Auntie Berta sa kusina. Sabihin mo andito si Alexandra Diaz at hinahanap siya.”

“Oui, Alice-soeur. Un moment.” Agad na tumalima si Elisa.

“Frances ba siya?” usisa ni Alexandra na tumingin sa dalaga na naglakad lagpas sa pinto at nawala.

“Oo. Exchange student yan from Paris. Gustung-gusto ni Elisa anng mga tinapay ni Auntie Berta. Mayroon ding paniderya si Elisa sa Paris na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. Nang nangangailangan kami ng kahera agad na nag-apply dito si Elisa. Tumutulong din siya sa paggawa ng tinapay pagkatapos ng cashier shift niya. Beneficial sa aming lahat ang pagdating niya,” paliwanag ni Alice.

“Kayo pala, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Alice na tinago ang mga kamay sa bulsa ng apron.

“I just got engaged to Daniel St. Claire,” pagpapakilala ni Alex ng pekeng fiancé kay Alice, “at nais naming mag-request ng order para sa engagement party naming sa Biyernes.”

“Oh, wow! Isang magandang news yan, Alex. Congratulations sa inyong dalawa,” masayang bati nito sa kanilang dalawa.

“Salamat,” nakangiting turan ni Alexandra.

“Salamat.”

Makahulugan namang wika ni Daniel na nakangiting tumingin kay Alex.

“Alrighty, maupo tayo dun sa gilid at pag-usapan kung anong nais niyo para sa party,” masiglang sabi ni Alice.

Iginiya sina Alex at Daniel ni Alice sa isang komportableng corner na may apat na puti’t pulang sofas na magkakasalungat na nakaayos kung saan ito’y napapagitnaan ng isang mababang bilugang la mesa na gawa sa kahoy. Napapatungan ito ng isang slim at slender na itim na vase na may single string newly bloomed white orchids at isang single stem na maliit na lily. Dinaluhan sila ni Auntie Berta na isang matabang blondeng babae makaraan ang sampung minute at pinag-usapan nila ang menu kung anong ipe-prepare para sa engagement sa loob ng tatlumpung  minute.

Matapos nilang lumabas sa Berta’s, nagtungo sila sa tindahan ng mga bulaklak.

“May alam ka bang tindahan ng mga bulaklak dito, Alexandra?” tanong ni Daniel habang nagmamaneho.

Saglit na nag-isip si Alex.

“Bumibili si Mommy sa Daisy’s Sunshine Blooms Shop malapit sa Cove Garden.”

“Okay. Doon tayo pupunta.”

“Bago yan sa city hall,” pagbibigay direksyon ni Alex kay Daniel.

Tahimik sila habang nagmamaneho si Daniel papunta dun. Dumaan sila sa iskinita kung saan ang mga bulaklak ay ibinebenta at tumigil sa harap ng Daisy’s Sunshine Blooms Shop. Subalit ito’y sarado.

“Bakit ngayon pa yan sarado sa lahat ba namang araw?” iritadong sambit ni Alex. “Maghanap tayo ng ibang flower shop.”

Tiningnan niya ito. Ang mga mata nito ay nakabaling sa isang flower shop sa kabilang kalye. Makukulay na mums, rosas, lilies at iba-iba pang mga bulaklak ang naka-display sa labas ng flower shop.

“Check-an natin yun,” sabi ni Alex.

“Ha?” tanong ni Daniel na lumilipad ang isip.

Pinagulong ni Alexandra ang mga mata at hinatak ang sleeves nito, hila-hila iyon habang tumatawid sila sa kalsada. Nang huminto sila sa harap ng shop, isang rektanggulong plakang gawang kahoy ang may nakaumbok na sulat sa makintab na berde at gintong mga letra na nade-desenyuhan ng nakasabid na mga bulaklak at baging na nakapilipit sa mga letra ang mababasang Kale’s Bright and Sunny Flowers.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status