Share

Marrying My First Love
Marrying My First Love
Author: Leigh Green

Kabanata 1 Ang Sulat Mula Sa Estranghero

Malakas na isinara ni Alexandra ang pinto ng kanyang SUV matapos itong i-garahe sa loob ng garage at dumiretso sa balkonahe ng kanyang bahay na mahahaba ang lakad. Bago makaapak ang kanyang mga sapatos sa balkonahe, bumukas ang harapang pinto sabay labas ng isang excited na St. Bernard na tumalon papunta sa kanyang dibdib.

“Smarty!” masayang wika ni Alex. “Palagi kang excited na makita ako, no?”

Hinagkan niya ang aso habang ang mga paa nito ay naglaro sa kanyang dibdib at paakyat sa kanyang balikat para yakapin din siya.

“Masyado mo ba akong namiss?” tanong niya.

Dinalaan ng aso ang kanyang mukha bilang sagot.

“Right. Ngayon ay binasa mo na ako ng laway mo, ikaw talagang aso ka.”

Ibinaba niya ang aso sa sahig at hinaplos ang ulo nito.

“Meron ka bang balita para sa akin, Smarty?” tanong niya habang hinahaplos ang leeg nito kung saan masyadong naaliw ang aso.

Tumalikod si Smarty at binuksan ang pinto. Sumunod si Alex sa aso. Pumunta sila sa sala. Tumungo si Smarty sa coffee table, kinagat ang mga nagpapatong na mga liham, at ibinigay ang mga ito kay Alex.

“Mga sulat para sa akin, buddy?” tanong niya habang kinukuha ang mga liham mula sa bibig ng aso. “Manatili ka muna diyan Smarty habang tsine-tsek ko ang mga ito.”

Naupo si Smarty sa harap niya. Tsinek ni Alex ang mga sulat isa’t isa. May dalawang sulat ng mga bills. Isang liham mula sa kaibigan niyang si Chloe na nagbabakasyon sa Sartorini, Greece at isang liham mula sa hindi niya kilalang tao. Mamaya ko na itse-tsek ang tatlong liham, isip niya.

“Smarty, pakibalik ang mga sulat na ‘to sa mesa, please?” utos niya sa aso na agarang kinagat ang mga liham at ibinalik sa mesa.

Naupo si Alex sa pinakamalapit na sofa at pinunit ang sobre. Nagsimula siyang magbasa ng liham.

Hulyo 15, 2019

Mahal kong Bb. Alexandra Jane Diaz,

Kamusta, Alex. Ako si Daniel St. Claire, bagong residente sa dati mong bayan sa Avery Hill. Isa akong fan ng mga book illustrations mo. Gusto kong gumawa ka ng illustrations para sa akin. Maaari ba kitang makilala? Pumunta ka dito sa dati mong bayan sa Avery Hill. Nakatira ako sa tapat ng bahay mo.

P.S. Sana tanggapin mo tong alok ko. Gustung-gusto ko talaga ang mga illustrations mo. Nahanap ko na ang mga ito ay kawili-wili, nakakalibang paminsan-minsan, at kasiya-siyang tingnan.

Taos puso sayo, 

Daniel St. Claire

Maikli ang sulat subalit ito’y diretso sa punto. So, meron siyang isang fan na nangangalang Daniel St. Claire at nais nitong gumawa siya ng illustration para dito. Pero ng ano? Habang tanong ni Alex sa sarili kung ano yun, naramdaman niya ang dalawa pang mga papel sa ilalim ng sulat. Ito’y mga gupit ng kanyang mga illustrations na minsang na-feature sa isang magasin.

Bukas ay Sabado, naisip niya, so bakit hindi? Si Alex ay palaging excited kapag may trabahong naghihintay sa kanya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at pumunta sa kusina. Sumunod sa kanya si Smarty. Isinaksak niya ang coffee maker.

Kinuha niya ang karton ng Kellog’s mula sa cabinet at ang karton ng gatas mula sa fridge at inilagay ang mga ito sa counter. Tapos, kinuha niya ang kainan ni Smarty mula sa gilid ng dingding na malapit sa likod na pinto ng kusina, iniligay niya ito sa counter katabi ang Kellog’s  box at ang karton ng gatas at binuhos ang flakes at gatas sa kainan ng aso.

Saka niya ito ibinaba kung saan si Smarty naghihintay. Mas gusto ni Smarty ang Kellog’s kaysa sa dog food kaya ito ang ipinapakain niya para maging masaya ang aso niya.

Matapos niyang magpakain ng aso, kinuha ni Alex ang receiver mula sa dingding at dumayal ng mga numero sa telepono.

Naghintay siya sa kabilang linya hanggang may babaeng sumagot sa kanya ng hello.

“Sabina!” sambit niya. “Salamat naman at sinagot mo ang tawag.”

“Oo, Alex. Kararating ko lang sa bahay. Maaga kang umalis ngayon,” sagot ni Sabina mula sa kabilang linya. “Lalabas pa ba tayo bukas?”

“Ah, actually yan ang rason kung bakit ako tumawag sa’yo, Sabi. Alam mo, may natanggap akong liham mula sa isang Mr. St. Claire ngayong araw at tinanong niya ko kung pwede akong gumawa ng illustration para sa kanya.”

“Illustration? Anong uri?” usisang tanong ni Sabina.

“Malalaman ko,” pitaka labing sagot ni Alex.  “Kaya ayos lang ba sa’yo kung hindi ako makapunta sa lunch date natin bukas sa bahay ng lolo mo?

“Oo naman, walang problema, Alex,” sagot ni Sabina mula sa kabilang linya. “Subalit hindi mo makikita sina lolo at Julian. Gustung-gusto ka pa naman na makita ni Julian.”

Umirap ang mga mata ni Alex bago siya sumagot kay Sabina.

"Alam mo, Sabina, kung iyan ang nag-iisang dahilang kung bakit dapat ay hindi ko ma-miss ang Saturday date natin, talagang ma-mi-miss ko yan.”

Mapang-uyam na sagot ni Alex.

Si Julian Carter ay ex-boyfriend ni Alexandra na nais buhayin ulit ang kanilang ugnayan. First cousin nito si Sabina. 

Mas nanaisin pa niyang halikan ang dragon kesa sa palaka na lumabas din na walang kuwenta kundi isang palikero lamang. Maaaring siya ang pinakamatagal na naging girlfriend nito na tumagal nang tatlong taon subalit ang isang ahas hindi mabilis kung magpalit ng kaliskis. Matapos niyang makipag-break dito dahil nahuli niyang may ibang babae ito sa kama, mabilis na nagmove-on si Julian mula sa kanya at palaging may bagong girlfriend buwan-buwan.

“Hindi ba palaging may bagong girlfriend ang lalaking yan buwan-buwan?” tanong niya, nang-u-usisa.

“Oo, meron. Ang pangalan niya ay Anna. Siya ay young model on the rise.” 

Saglit na napaisip si Alex at nakita niya ang magasin na basta niya lang nilagay sa mesa matapos niyang masuri ang loob nito kaninang umaga habang nag-a-almusal. Kinuha niya ito at muling pinag-aralan ang mukha ng babae. Ito’y isang Anna sa front cover ng Flair magasin.

“Siya ang mukha ngayong month sa Flair magasin.”

Kwento ni Alex kay Sabina.

“Oo. Nakita ko na siya nang in-invite ako ni Julian na sumabay sa kanya for lunch. Seventeen years old yan,” sagot ni Sabina.

Ibinalik ni Alex ang magasin sa counter at tiningnan ang coffee maker. Ito’y kumukulo na.

“Hindi ba ang pinsan mo ay malapit nang mag-celebrate ng 30th birthday niya?” tanong niya.

“Hindi pa hanggang Disyembre, Alex.”

“Then, maaari mo bang sabihin sa kanya sa missed date natin bukas kapag dumating na siya sa lunch date niyo na ihinto na niya ang pag-de-date ng mga teenage girls?” 

Sabi niya sa receiver. Narinig ni Alex si Sabina na tumawa.

“Nagseselos ka ba, Alex?” tukso ni Sabina mula sa kabilang linya.

“Hahahaha. Very funny, Sabina,” kalmado niyang sagot. “Pero mas makakabuti sa kanya na makipag-date sa mga babaeng kaedad niya.”

“Nag-aalala ka pa rin pala sa kanya,” anas ni Sabina.

“Sabina, magha-hang-up ako sa’yo kapag in-insist mo ang pinsan mo.”

Patuyaw na wika ni Alex.

“Teka, Alex. Wag ka munang umalis, okay?” mabilis na turan ni Sabina. “Dahil hindi ka makakapunta bukas, ikuwento mo sa akin ang detalye ng meeting niyo ni Mr. St. Claire.”

“Sure, Sab. Sasabihin ko sa’yo lahat ng juicy details na kailangan mong malaman,” sagot niya dito.

Narinig ni Alex ang beeping sound ng coffee maker.

“O sige, mag-ha-hang-up na ko, Sabina. Tatawagan kita. Bye.” Paalam niya sa kaibigan.

“Tawagan mo ko agad, Alex, ha?" Paalam ni Sabina. "Bye.”

Ibinalik ni Alex ang receiver sa dingding.

Pumunta siya sa lababo at kumuha ng mug mula sa tray rack at pumunta sa coffee maker. Kinuha niya ito at ibinuhos ang kape sa kanyang mug. Binuksan niya ang fridge at kinuha ang vanilla creamer at nilagyan ang kanyang kape. Kumuha rin siya ng isang slice ng carrot cake, naupo sa stool at kumain sa kitchen counter top.

Madilim na sa labas nang matapos siyang kumain ng meryenda. Kumain pa si Alex ng dalawang piraso ng cake at nilantakan ang salad at uminom ng pangalawang mug ng kape. Tiningnan niya ang wrist watch niya na nagpapakitang alas sais na ng gabi.

Hinugasan niya ang plato at ang mug niya saka ang kainan ni Smarty. At bumalik siya sa salas para manood ng mga latest news sa TV.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status