Lumipas ang isang linggo at nagpatuloy sa trabaho si Alexandra. Ipinakilala si Daniel St. Claire sa kanyang kompanya ng Lunes ng umaga sa isang miting at lahat sa palapag nila’t opisina ay alam ng siya ang fiancée nito.
Natapos ni Alex ang trabaho niya bago mag-alas kwatro at kinuha ang kanyang bagong proyekto kay Samantha, ang kanyang senior editor. Siya ay itinalagang gumuhit ng illustrations para sa isang sci-fi genre.
“Siyanga pala, Alex, nasabi sa akin ni Daniel na binigyan ka niya ng bagong proyekto kung saan mag-i-illustrate ka para sa isang larong kanyang ginagawa.”
Tumango si Alex.
“Oo, Sam. Nabuo ang game plan na iyon dahil sa pamangkin niya.”
“That’s sweet of him,” tugon ni Samantha. “Sinabi niya rin pala na bubuo siya ng bagong team of illustrators para sa game design projects niya in the future so soon malilipat ka sa next floor as senior editor para mamuno ng mga projects.&r
Malamlam at malungkot ang Biyernes ng hapon habang nagmamaneho si Alexandra patungong Avery Hills. Madilim at abuin ang kalangitan. Ang takipsilim at liwanag ay mabilis na nagtatalo sa langit at lupa habang nakikinig siya sa musika sa radyo. Nag-commercial break ang Top 10 Hits ng musikang pinapakinggan niya at napalitan ito ng balita.“At para sa ating latest news update. Ang Hurricane Valencia ay inaasahang huhugpa sa Lungsod ng Prieto sa lakas na 350 kph mamayang alas dose ng gabi. Pinaaantabayanan ang mga residente na mag-ingat at siguraduhing nasa loob na ng bahay bago humugpa ang bagyo. Siguraduhing mayroon kayong flashlights sa bahay sakaling mawala ang kuryente. At siguraduhin din na sapat ang nakatago niyong pagkain sakaling lumakas ang bagyo at ang mga tindahan ay sumara bago alas nuwebe. Mag-ingat kayong lahat. Ito si Bridget Riverdale nag-uulat.”Matapos ang ilan pang komersyal, nagpatuloy ang Top 10 Hits sa ere. Nagpatuloy si Alex sa paki
Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.
Nangangatlo ng baso si Alex ng alak habang nakaupo sa may madilim na dulo ng counter kung saan ang isang bartender ay nakatayo isang metro ang layo mula sa kanya humihiging sa sarili habang nililinisan ang mga baso ng puting tela. Para sa isang taong mahina sa alak, nakakasorpresa para kay Alex na nakakarami na siyang ininom. Ikinaway niya ang walang lamang baso sa bartender.“Georgie, bigyan mo pa nga ako ng another shot, please.”“Cheerie, mukhang broken hearted ka,” nag-aalalang wika ng bartender na ang pangalan ay George habang sinasalinan nito ng alak ang kanyang baso. “Pang-apat mo na tong baso, Alex.”Si Alex na medyo may tama na sa iniinom na na alak ay nainis sa sinabi nito at ininom ang alak sa isamg lagok.“Nakakainis ka. Tumahimik ka lang at bigyan mo pa ako ng isang shot.”“Ibibigay ko sa’yo ang huling shot mo ng alak.”“Whatever.”Sinikmatan ni
Malakas na isinara ni Alexandra ang pinto ng kanyang SUV matapos itong i-garahe sa loob ng garage at dumiretso sa balkonahe ng kanyang bahay na mahahaba ang lakad. Bago makaapak ang kanyang mga sapatos sa balkonahe, bumukas ang harapang pinto sabay labas ng isang excited na St. Bernard na tumalon papunta sa kanyang dibdib.“Smarty!” masayang wika ni Alex. “Palagi kang excited na makita ako, no?”Hinagkan niya ang aso habang ang mga paa nito ay naglaro sa kanyang dibdib at paakyat sa kanyang balikat para yakapin din siya.“Masyado mo ba akong namiss?” tanong niya.Dinalaan ng aso ang kanyang mukha bilang sagot.“Right. Ngayon ay binasa mo na ako ng laway mo, ikaw talagang aso ka.”Ibinaba niya ang aso sa sahig at hinaplos ang ulo nito.“Meron ka bang balita para sa akin, Smarty?” tanong niya habang hinahaplos ang leeg nito kung saan masyadong naaliw ang aso.Tumalikod s
Ininat ni Alexandra ang kanyang mga braso at humikab ng malalim. Inalis niya ang night mask na ginagamit niya sa pagtulog mula sa kanyang mga mata. Medyo madilim pa sa labas. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock. Alas kuwatro pa lang ng umaga.Umalis siya sa higaan at pinalitan ang suot niyang pajamas ng damit pang-exercise. Isang pares ng itim na jogging pants na may pink linings ang pinair-up niya sa isang black pink na jacket. Sinuklay niya ang mahaba at itim niyang buhok at ipinusod ito sa isang ponytail habang nakaharap sa salamin. Saka tiningnan ang sarili sa salamin. Ang kanyang hazel-brown na mga mata ay bumalik ng tingin sa kanya.Pagkatapos kinuha niya ang isang pares ng medyas at isuot ito sa kanyang mga paa. Naglakad siya sa fluffy sleepers niya at pumunta sa front door at isinuot ang kanyang running shoes. Habang sinusuot niya ang sapatos, si Smarty naman ay nakamasid sa kanya naghihintay sa may pintuan ng salas.Palagi niyang kasama si Smarty sa
Saglit na kumurap si Alexandra sa narinig. Maaaring namali ang tenga niya sa narinig.“Kelan ka naging may-ari ng bahay na to, Mr. St. Claire?” nangangalit na tanong ni Alex. Nagpanting ang tenga niya at kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng ulo sa bawat minutong lumilipas.“Walang For Sale sign ang bahay na to.”“Kanina lang," sagot nito sa medyong paos na boses. "Maaari mo pala akong tawaging Daniel or Dan alinman ang naisin mong itawag sa akin, Alexandra.”Sabi nito sa magiliw na boses.“At pwede ba maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo.”Dagdag pa ni Daniel na nakatingin sa nakatayo niyang itsura.“Salamat pero mas gusto kong tumayo.”Kontrang saad ni Alex habang matalim itong tinitingnan.“Subalit nakatayo ka habang nakaupo ako. Isang unfair conversation ito para sa ating dalawang hindi magkakilala. Hindi ba dapat ipakita
“Ha? Bakit naman?”Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain.“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”Misteryosong wika nito.Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.“Baliw ka ba? Bakit kita p
“Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”Kontra ni Alex.“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.“Dahil yan ang norm.”Simpleng sagot ni Daniel.“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.Tumayo si Alex sa upuan.“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.Naglakad