Share

Kabanata 3 Hindi Inaasahang Proposal

Saglit na kumurap si Alexandra sa narinig. Maaaring namali ang tenga niya sa narinig.

“Kelan ka naging may-ari ng bahay na to, Mr. St. Claire?” nangangalit na tanong ni Alex. Nagpanting ang tenga niya at kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng ulo sa bawat minutong lumilipas.

“Walang For Sale sign ang bahay na to.”

“Kanina lang," sagot nito sa medyong paos na boses. "Maaari mo pala akong tawaging Daniel or Dan alinman ang naisin mong itawag sa akin, Alexandra.”

Sabi nito sa magiliw na boses.

“At pwede ba maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo.”

Dagdag pa ni Daniel na nakatingin sa nakatayo niyang itsura.

“Salamat pero mas gusto kong tumayo.”

Kontrang saad ni Alex habang matalim itong tinitingnan.

“Subalit nakatayo ka habang nakaupo ako. Isang unfair conversation ito para sa ating dalawang hindi magkakilala. Hindi ba dapat ipakita mo ang maganda mong ugali?”

Magalang nitong tanong.

Bago siya makasagot, nag-ring ang cellphone niya.

“Excuse me for a while.”

Mabilis na sabi ni Alex.

Kinuha niya ang cellphone mula sa pantalon niya, lumabas ng kusina at sinagot ang tawag sa hallway.

“Bakit mo ko tinatawagan, Sabina?” tanong niya ng makita na si Sabina ang tumatawag sa kabilang linya.

“Ayan, andiyan ka na, Alex," masiyang wika ni Sabina. "Mabuti at sinagot mo ang tawag ko. May news ako mula sa kompanya natin.”

Bago makapagsalita si Sabina, sumabad si Alex.

“Kararating ko lang sa Avery Hill at kausap ko si Mr. St. Claire, Sabina, nang tumawag ka.”

" Ganun ba? Anong pinag-usapan niyo?” tanong nito mula sa kabilang linya, nakalimutan ang dahilan kung bakit tumawag siya kay Alexandra.

“Mukhang ang lalaking ito ang bagong may-ari ng bahay ko which is not only surprising but a shocking news to me,  Sab.”

Sagot ni Alexandrang nagtitimpi ng galit habang nilalahad ang masamang balita sa kanyang best friend. Naglakad siya sa hallway habang nagsasalita sa phone.

“Tawagan mo kaya ang nanay mo tungkol diyan?” pag-aalalang sabi ni Sabina. "Maaaring siya ang nagbenta ng bahay mo.”

Malalim na napaisip si Sabina sa kabilang linya.

“Hindi niya pwedeng gawin yun nang walang consent ko,” tahasang sabi ni Alex na nagtitimpi.

Tumahimik si Sabina ng ilang minuto sa kabilang linya.

“Hey, Sabi, andiyan ka pa ba?” tanong niya dito nang tumahimik ang kabilang linya.

“Oo, andito pa ko, Alex. Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati tungkol diyan sa bahay mo nang ipinamana ng lolo’t lola mo sa iyo noong sixteen ka pa lang kung saan sinabi mo na kailangan ilagay ang pangalan ng nanay mo para makuha ang bahay?”

Tanong nito na pina-alala sa kanya ang matagal na nilang pag-uusap ni Sabina noong mga teenager pa lang sila kung saan naikwento ni Alex kay Sabina na ibinigay ng lolo't lola niya ang bahay sa kanya pagpanaw ng mga ito. Ikinuwento niya ito kay Sabina isang hapon habang nag-re-review sila para sa exams sa bahay ni Sabina kung saan madalas siyang tumambay.

Suminghap si Alex, naalala ang tungkol dun at tinampal ang noo.

“Dapat tinawagan muna ako ni Mommy bago niya ibenenta sa kanya.”

Galit niyang wika. Hindi man lang ako sinabihan ni Mommy, naisip niya na sumimangot habang kausap si Sabina sa cellphone.

“Dapat kong tawagan si Mommy,” sabi ni Alex na inaalam pa lang ang sitwasyon. Saka niya tinanong si Sabina kung bakit tumawag ito sa kanya bago niya tapusin ang pag-uusap nila. 

“By the way, bakit ka pala tumawag sa akin?”

“Oh, yeah. Tumawag ako sayo to tell you na si Mr. St. Claire ang bagong  CEO ng kompanya natin. Kakabasa ko pa lang ng news mula sa web page natin.”

Pag-papaalam nito sa kanya.

“Ano…?!” Nangangalaiting daing ni Alex.

“Isn’t that news? Hindi ko talaga mapaniwalaan ang lalaking ito. Ano ba ang gusto niya sa bahay ko?”

Umiirap ang mga mata ni Alex habang kausap si Sabina. Naiinis at nanggigil siya sa narinig na balita.

“Mukhang may whim sickness siya para sorpresahin tayo sa bawat corner.”

Inis niyang turan kay Sabina.

“Tinanong ka na ba niya kung ano ang iguguhit mo para sa illustration?” excited na tanong ni Sabina mula sa kabilang linya.

“Wag mo ngang ibahin ang usapan, Sab," asar niyang turan. "Hindi ba sinabi ko sayo na nagsisimula pa lang kaming mag-usap nang tumawag ka?”

“Tanungin mo siya,” utos nito sa kanya.

“Tatanungin ko siya pagkatapos kong tawagan si Mommy at malaman kung bakit niya pinagbili ang bahay na to sa isang hindi ko kilalang tao nang hindi man lang ako sinabihan.”

“Pwede mo rin sigurong tanungin si Mr. St. Claire na pakasalan ka.”

Biro ni Sabina sa kabilang linya.

"Very funny, Sabina. Seryoso ka ba? Siguro dapat ay tanungin ko siya kung gusto ka niyang asawahin,” mariing sabi ni Alex.

Tumawa si Sabina sa sinabi niya.

“Ibinalik mo sa akin ang joke ko, Alex. Sige na, magpapaalam na ko. Magkikita-kita pa kami nina Julian at ang iba kong mga pinsan sa bahay ni lolo para sa family gathering ngayon. Magbibihis pa ako," paalam ni Sabina. "See you. Bye!”

Dinial ni Alexandra ang numero ng mommy niya matapos sila ni Sabina mag-usap. Ang dad niya ang sumagot ng tawag niya.

“Hello, Alexandra. Bat ka napatawag, sweetheart?” tanong ng daddy niya.

“Hi, dad. Bakit ikaw ang sumagot sa phone ni Mommy? Wala ba siya diyan?” sorpresang tanong ni Alex.

“Nasa bathroom siya, Alexa. Naliligo, ” sagot ng daddy niya.

“Uh—okay,” wika niya at biglang tumahimik subalit may naalala. “Dad, kakaalis nyo lang ba sa Avery Hill?”

“Oo, kanina lang," sagot nito. "Kararating lang namin sa bahay. Nakilala mo na ba si Daniel St. Claire? Siya ang bago nating kapitbahay.”

Bigay-alam ng daddy niya sa kanya.

Huminga muna si Alex bago sumagot. Pinilit niyang huwag pagulungin ang mga mata habang ikinikuwento ang lalaking komportableng kumakain sa kusina.

“Oo at nasa kusina siya. Komportableng kumakain ng lasagna ni Mommy habang abala sa harap ng laptop.”

“So, nakilala mo na pala siya,” saad nito na mukhang may ngiti habang nagsasalita. " Mabait siyang bata at tahimik."

“Yeah, right, dad," may pag-irap ng wika ni Alex at iniba ang usapan. "Kayong dalawa ba ni Mommy ang nagbenta ng bahay na to sa kanya?”

Tuwirang tanong ni Alex.

Tumahimik muna ang daddy niya bago sumagot.

“Hindi ko masasagot yan, sweetheart.” Kinakabahang tawa ng daddy niya.

Narinig niya ang pinto na bumukas mula sa cellphone.

“Andito na ang mommy mo," saad nito na halatang guminhawa ang boses. Mukhang tinakpan ng daddy niya ang phone at tinawag ang asawa sa malakas na boses. “Agnes! Nasa phone si Alexa. Gusto ka niyang makausap.”

Mukhang binigay na ng daddy niya ang cellohine sa mommy niya dahil narinig na ni Alex ang boses ng mommy niya sa kabilang linya.

“Hello,  sweetie," masuyong bati ng mommy niya. Maliwanag ang boses nito. "Bat ka napatawag?”

“Alam niyo kung bakit ako tumatawag, mom.”

Pitakang labi na sabi ni Alex.

“Oh, dear. Tungkol ba sa bahay to?" natatawang tanong ng mommy niya. "Oo, kabebenta ko lang ng bahay kay Mr. St. Claire, Alex. Alam mo, sinabi ko sa kanya habang masigla kaming nagkwe-kwentuhan sa salas na gusto kong gawing inn ang bahay ni Mama kung meron sana akong pera para gawin ito. At sinabi niya sakin na gumagawa siya ng inns at lodges mula sa mga abandonadong mga bahay.”

Ipinikit ni Alex ang kanyang mga mata.

“Mom, hindi ko alam na ang bahay ni lola ay isa na palang abandonadong bahay nang kaka-stay over niyo pa lang dito the last time. Kakabakasyon ko pa lang dito last month, ah. Kelan ba to naging abandonadong bahay?” sarkastikong tanong ni Alex sabay buntong-hininga.

“Pero may mga oras na walang tumitira sa bahay, Alex," malumanay na sagot ng mommy niya, "at kesa naman walang tao diyan, hindi ba't mas maigi kung gagamitin natin yan kung saan mas tataas ang value ng bahay? Makakatulong pa ito sa atin ng malaki.”

Makatwirang paliwanag ng mommy niya.

“Pag-iisipan ko, mom,” sagot niya na idiniin ang kaliwang kamay sa templo ng ulo.

“Pero binenta ko na ang bahay kay Daniel, Alex," pagpapa-alam ng mommy niya. "Kailangan mo na lang pirmihan ang mga papeles.”

Bagot na napabuntong hininga si Alex. Ang mommy niya talaga magaling makakita ng golden opportunity. Mabilis itong sumangyon sa plano nang hindi man lang siya tinanong.

“Sana sinabihan mo muna ako, mommy, bago mo binenta ang bahay. Binigay ni lolo’t lola ang bahay na to sa akin. Hindi sayo,” turing niya na nayayamot.

“Hindi ko kayang palagpasin ang ganitong brilliant idea na ako ang nag-suggest in the first place, Alexandra,” excited na turing ng mommy niya.

“Oh, mom…” turan ni Alexndra na walang masabi sa pagtatapat ng mommy niya.

Pinindot ni Alex ang end button matapos siyang magpaalam sa mommy niya at isinilid ang cellphone sa side pocket ng jeans niya. 

Bumalik siya sa kusina at naupo sa harap ni Daniel St. Claire na abalang nagta-type sa kanyang laptop. Tahimik niya itong sinuri habang ito naman ay walang alintana sa kanya habang busy na gumagawa ng kung anong hindi niya alam sa laptop nito.

Pinagninilay-nilayan niya ang dahilan kung bakit biglaang ibinenta ng mommy niya sa estrangherong itong ang kanyang bahay.

Nang tahimik na tumayo si Daniel St. Claire mula sa upuan at pumunta sa may lababo at kumuha ng plato, tinidor at baso at nilagay ito sa harap niya.

Nabigla siya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan ang mga galaw nito. Mapanghinala niyang pinagmasdan ito habang bumalik sa ref at kumuha ng isa pang pitsel.

“Huwag mo kong paglisikan ng mga mata mo, Alexandra,” sabi nito habang nakatalikod sa kanya.

“May mata ka ba sa likod ng ulo mo, St. Claire?” namamanghang tanong niya dito.

“Nararamdaman ko ang mapangmatay mong titig sa akin, Alex,” sagot nito na nakaharap pa rin sa ref halatang kumukuha ng mga pagkain.

Sumimangot siya sa sinabi nito.

“Para sa isang dayuhan sa lugar na to, halatang at home ka sa bahay ko, St. Claire,” pag-iiba ni Alex ng usapan.

Bumalik si Daniel sa mesa na may dalang pitsel na puno ng Coke sa isang kamay at plato ng cake sa kabilang kamay.

“Binake din ito ng mommy mo,” turan nito sa kanya habang hinahapag anh mga pagkain sa mesa.

Manghang sinuri ni Alex si Daniel. Ang pagkairita niya ay napalitan ng pagkamangha. Itinago niya ang ngiti sa mga labi.

“Mukhang nagustuhan ka nina Mom at Dad, ha?” turing niya.

“Oo, nagustuhan nila ako. Nakita nila akong dumating ng unang araw ko sa bahay sa kabilang kalye. In-invite nila ako during dinner."

Kumuha siya ng slice ng cake at nagsimulang kumain.

Kumuha din si Daniel ng slice at nagsimulang lantakan ang cake.

Tiningnan niya lang ito at iminustra gamit ang tinidor na ipagpatuloy ang pagkwento.

“Gaano ka na katagal sa bahay na to?” tanong  niya na ngumunguya ng cake.

“Isang linggo.”

“Hindi ka marunong magluto, no?”

Biglang umubo si Daniel habang kumakain ng cake.

“Mahilig si Mommy na mag-asikaso ng mga nakakaawang tuta na mahal ang kanyang pagluto at pagbake,” kampanteng kuwento ni Alex. “Isa kang maswerteng gala.”

Dagdag niya habang tinuturo ang tinidor dito.

“Magaling magluto si Agnes at mula ng gabing iyon, tuwiran niya akong inalok na kumain at sumabay sa kanila ng daddy mo. Wala akong alam sa kusina at mabait ang mama mo.”

“O, di dapat mag-asawa ka na kung ganun,” walang pakialam na buwelta ni Alex. “Hindi palaging magluluto sayo si Mommy, St. Claire.”

“Pwede mo kong pakasalan, Alexandra, kung gusto mo,” balik nito sa kanya.

Kumuha ng helping ng lasagna si Alexandra at ninamnam ito. Saka niya tiningnan si Daniel.

“Hindi ako kasinggaling ni mommy sa kusina, so no thanks.”

Diretso niyang sagot.

“No, I mean it, Alex. Pakasal ka sa akin.”

Sabi ni Daniel na nakatingin sa kanya habang kumakain.

“Sinong gustong magpakasal sa isang tulad mong helpless sa kusina?”

Uminom siya ng Coke at tiningnan ito.

“Kung mag-aasawa ako, St. Claire, sisiguraduhin kong marunong sa kusina ang papakasalan ko.”

“Alexandra Diaz, will you do me a favor?” 

Tiningnan lang ni Alexandra si Daniel na seryoso na ang mukha.

Inulit nito ang tanong sa kanya.

“Will you marry me?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status