Share

Chapter 6

Chapter 6: A senseless interrogation with you.

Lumabas na ako sa court right after the trial. Napangisi ako. Hundred thousand again. Naipanalo ko na naman ang kaso. I'm such a great lawyer. Hay.

Naaubutan ko sa labas ng sasakyan si Galand. He's obviously waiting for me. Nang makita niyang palapit na ako ay seryoso niya akong tinitigan. Inirapan ko lang sya at pumasok na sa sasakyan. Psh. Alam ko ang ganoong klaseng tingin ni Galand, ibig sabihin may kasalanan ako at may nagawang hindi niya nagustuhan. Madalas ko ng makita ang ganoong tinginan sa loob ng tatlong buwan. Palagi kasi syang kontra sa ginagawa ko kaya hindi kami magkasundo.

"Tumuloy ka pa rin..." saad niya at pabagsak na isinara ang pinto ng sasakyan.

"So? Share mo lang?"

Hindi na sya sumagot pa at nag-drive na lang kaya napairap akong muli. Whatever. Pikon.

Lumipas ang ilang minuto ng mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin. Napakunot ang noo ko at tumingin kay Galand.

"Sa labas tayo mag-didinner. Wala akong balak ipagluto ka."

Nagmake-face na lang ako sa sinabi niya. So, anong pinapalabas niya? Na kapag hindi sya nagluto walang ibang choice kung hindi kumain na lang sa labas? Share niya lang? Medyo mahilig sya mag-share ha.

Binalot na kami ng katahimikan hanggang sa marating namin ang fast food chain na gusto niya.

"Bakit dito? Atsaka ano yan? Ang dami namang tao. Sa iba na lang." saad ko ng makita ko syang nagtatanggal na ng seatbelt.

"Masarap dito. Mura pa. Huwag kang mag-inarte." bumaba na sya ng sasakyan. Napairap na lang ako at tinanggal na ang sariling seatbelt. Pagbaba ko ng sasakyan ay naabutan ko syang nakatayo sa labas. Nang makita niya ako ay kaagad syang naglakad patungo sa fast food chain.

"Huy! Wait lang!" binilisan ko ang paglakad ko. Oo, lakad lang. Hindi ako pwedeng tumabo. Imagine, naka-lawyer suit ako ngayon. Nakakababa ng dignidad.

"Kuya, penge pera." napahinto si Galand kaya naabutan ko sya. Napasulyap ako sa harapan niya at nakita ang isang maduming bata. Napangiwi ako ng ilahad nito ang kamay niya kay Galand.

"Huy, bata. Tumigil ka nga. Umalis ka dito. Nasan ba ang magulang m--"

Natigilan ako ng makitang umupo si Galand upang mapantayan ang bata. Anong ginagawa ng bobong 'to?

"Bakit? Anong bibilhin mo?"

"Huy, Galand. Tumayo ka nga dya--"

"Kain po. Gugutom na ako."

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita muli ang bata.

"Oh? Anong pagkain?"

Tumalikod ang bata at itinuro ang bakery na medyo malayo rito.

"Yun po."

"Ah. Sandali. Pa'no ka pupunta dun? Marunong ka bang tumawid?" bakas sa tono ni Galand ang pag-aalala niya kaya napairap ako. Ang drama, hindi naman bagay. Napakaplastic.

"Runong po ako."

"Talaga?" hinawak ni Galand ang braso ng bata kaya tumango ito.

"Oh sige." tumayo si Galand at dumukot sa bulsa niya. Nakita kong naglabas sya ng isang daan kaya nahablot ko iyon. Baliw ba sya?! Paano kung hindi naman pagkain ang bibilhin ng batang 'yan? Malay ko ba, uso na ang droga ngayon. Pati bata user na.

"Ano ba, Galand?! Bobo ka ba? Bakit magbibigay ka ng ganito kalaking pera sa batang yan?"

Kumunot ang noo niya saka ako inirapan. Ang akala kong nanalo na ako ay mali pala. Muli syang dumukot sa kaniyang bulsa at naglabas ng panibagong isang daang piso atsaka iyon iniabot sa bata.

"Ito oh. Ibili mo yan ng pagkain mo."

Lumaki naman ang ngiti ng bata. "Talaga po?! Mamat!" ginulo ni Galand ang buhok ng bata bago pa kumaripas ng takbo ito palayo sa amin.

Dumiresto ng tayo si Galand sa nakapamulsang naglakad papasok ng fast food chain na parang walang nangyari.

"Galand, bakit mo ginawa yun?" sumunod ako sakaniya at hindi mapigilang mailabas ang pagkairita sa tanong.

"Anong sinasabi mo? Do what?" inirapan niya ako ng makapasok na kami sa loob. "Ang dami mong satsat, maghanap ka na lang ng bakanteng lamesa. Ako na ang o-order."

Magsasalita pa lang ulit ako ng bigla na syang umalis. Nakakabwisit. Hindi ko alam kung bobo lang ba talaga sya o nagmamaang-maangan. Pareho pa sila ng sagot ni ate ng itanong ko din sakaniya iyan. Wala na akong choice kundi ang padabog na tumalikod at naghanap ng sinasabi niya. Hindi naman ako nahirapan at kaagad na natanaw ang bakanteng table malapit sa transparent wall at hagdan ng fast food chain.

KATAHIMIKAN ang namayani sa pagitan naming dalawa habang kumakain. Napasulyap ako sa kaniya na seryoso lamang at parang galing sa isang marangyang pamilya kung umasta. Tuwid sya kung umupo at parang taga-palasyo kung gumamit ng kutsara at tinidor.

"Galand." tawag ko sa kaniya. Tumingin naman sya sa akin at nag-taas ng kilay. Nakaramdam ako ng inis sa inasta niya pero piniling pahupain iyon kaysa awayin sya. May kailangan akong itanong. Bigla kasi akong na-curious sa personality niya.

"Asan ang mga magulang mo?" tanong ko. Saglit naman syang sumulyap sa akin bago muling bumalik sa pagkain at hindi pinansin ang tanong ko.

"Tagasan ka ba? Sa'n ang totoo mong tirahan?" usisa ko pa. Nakaka-curious naman talaga. Three months ko na syang kasama and yet pangalan lang niya ang alam ko. Nakapagtataka nga na pinayagan sya ni ate na tumira kasama ako. Pa'no pala kung masama ang taong ito? Baka pinaglamayan na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit tiwalang-tiwala sya sa lalaking 'to.

Hinintay ko syang magsalita at bumuntong-hininga ng hindi na naman niya pansinin ang sinabi ko. Bastos.

"Galand, sumagot ka." napasulyap ako sa kwintas niya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na umiilaw. "Saan nanggaling ang kwintas na iyan? Bakit hindi napupundi? Atsaka saan mo nakukuha ang pera mo?" tiningnan niya lang ako kaya tuluyan na akong nainis. Nanggigigil ko syang tinitigan.

"Sino ka ba talaga?"

Pinagmasdan ko kung paano niya ibinaba ang kutsara't tinidor. Pinunasan niya ng tissue ang kamay saka humarap sa akin.

"Ang ingay mo. Kababae mong tao. Hindi mo ba alam na hindi pwedeng magsalita kapag may laman ang bibig mo? Saka bakit ba? Ang dami mong tanong." saad niya at umirap.

"I already told you. My parents are leaving in a far place, so do I. Hindi mo na kailangang malaman pa kung saan iyon. It's not that special, as if my life's details are really important." sagot niya sa mga itinanong ko sa kaniya but leaving some questions unanswered. Napamaang ako at nagtanong muli.

"So who are you? Bakit may mga bagay kang alam na tungkol sa akin? How come did you say that I'm predestined to fight for justice? Are you numb? I'm a liar but I'll fight for justice? Malabo." umiling-iling ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Well Mikaela, to tell you the fact, nothing is impossible. Even the word itself says 'I'm possible'. So what kung alam ko iyon? I just know it. Kailangan ba may rason palagi? In fact, everybody are born good, kaya hindi pwedeng mawala ang kabutihan sa loob nila. At ikaw Mikaela... I can see it through your eyes. You'll be a great hero someday."

Napairap ako sakaniya. What a claptrap. Wala talaga syang kwenta kausap. At ako? Hero? Hero as in bayani? Nagpapatawa ba sya? Hindi ko gagawin ang ginagawa ng mga bayaning pagbuwis ng buhay para lang mailigtas ang maraming tao at ang bansa. No way. Over my dead body.

"Take it seriously, Mikaela. Take my words seriously. You'll understand me soon. And believe me. Mas masarap sa pakiramdam ang makatulong sa mabuting paraan. Mas masarap damhin ang karangyaan gamit ang malinis na paraan."

Kinunotan ko sya ng noo. Napakaraming sinasabi. Kaninang marami akong tanong, ayaw sumagot. Ngayon namang ayaw ko ng marinig ang boses niya saka dumadaldal ng walang kabuluhan. Ang gulo kausap.

"Huwag kang mag-make face, Mikaela." saad nito kaya napairap ako. Napakalinaw ng mata. Maliit magalaw na nga lang ang ginawa ko pero nakita pa din. Katahimikan muli ang namayani sa pagitan namin. Maya maya pa ay napansin kong natigilan sya at napatingin sa paligid bago humarap sa akin.

"Mikaela, gagawin mo ang sasabihin ko."

Kumunot ang noo ko. "Anong sinasab--"

"Basta gawin mo lang!"

Napaigtad ako at nakaramdam ng kaba dahil sa pagsigaw niya. Ano bang nangyayari sakaniya? Anong pinagsasasabi nito?

"A-Ano b--"

Natigilan ako ng iabot niya sa akin ang babasaging lagayan ng toyo.

"Anong gaga--"

"Bibilang ako. After five seconds ihahagis mo yan sa kaliwa mo. Naiintindihan mo?"

"Bakit b--"

"Five."

"Hoy. Galand, ano bang--"

"Four." bulong niya.

"Three."

"G-Galand. Ano ba? Bakit ko ito babasa--"

"Two."

"H-Hey. H-Hindi ko gagawin y--"

"One! Ngayon na!"

Nataranta ako at nabitawan ang bote sa lamesa. Parang bumagal ang galaw ng lahat ng tao sa paligid. Wala akong marinig habang nakatitig lang sa mukha ni Galand. May isinisigaw sya pero walang matanggap ang tenga ko. Para bang natataranta sya. Huminga ako ng malalim. Mabagal ang galaw ko pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mikaela, wake up! Ano ba?"

Narinig ko na ang sigaw ni Galand. Naramdaman ko ang pagkabuhay ng lahat ng cells sa katawan ko. Naramdaman kong parang gumagaan ang pakiramdam ko. Mabilis kong hinablot ang bote ng toyo at inihagis sa kaliwang parte ko.

Nakaramdam ako ng kilabot ng tila muling bumagal ang galaw ng mga tao sa paligid. Napatingin ako sa sariling kamay at napailing. Hindi. Hindi nangyari iyon. Hindi pwede. Hindi bumilis ang paggalaw ng kamay ko. Hindi sya naging kasing bilis ng kisap-mata. Dahan-dahan naman akong napalingon sa kaliwang parte ko at nanlaki ang mata ng makitang tutumba na ang isang lalaki. Tinamaan sya ng bote sa sensitibong parte ng kaniyang katawan. Nakarinig ako ng pagkalabog kaya nabalik ako sa sarili ko.

"Ayan! Yan yung magnanakaw! Hulihin nyo!"

Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang nagdilim ang paligid.

---

"Yes. She's completely fine."

"Are you sure, ate Kim?"

"Ofcourse. Nakaramdam lang sya ng matinding kaba kanina kaya sya nag-faint. No need to worry, base sa ikinwento mo, wala namang dapat ikabahala."

"I hope so, ate Kim."

Nagmulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang puting ilaw. Muli akong napapikit dahil sa silaw at kumurap-kurap hanggang sa luminaw na ang paningin. Napatingin ako sa kaliwa at nakita si ate at Galand na seryosong nag-uusap.

"Ate..." mahinang tawag ko kaya hindi niya ako narinig.

"Ate..." ulit ko. Mabilis naman silang napahinto at napatakbo papalapit sa akin si Galand ng makitang gising na ako.

"A-Anong nangyari?" tanong ko at tumingin sa paligid. Nakita kong bumuntong hininga si Galand.

"You fainted. Sabi ni ate, kinabahan ka daw ng sobra. If it's about sa pagsigaw ko kanina, I'm sorry." saad nito kaya napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa kisame ng maalala ang nangyari kanina. Napakurap ako. I thought it was just a dream. Totoo palang nangyari iyon.

"W-What time is it?" I asked. Napatingin naman si ate sa relo niya.

"It's two o'clock am, Mikaela. You slept for nine hours." saad niya kaya napatango ako at tumingin kay Galand.

"Umuwi na tayo." saad ko kaya tumango sya.

--

Nauna na akong pumunta sa sasakyan dahil kausap pa ni ate si Galand. Baka naghahabilin na naman sya ng kung ano-ano tungkol sa akin. Napatulala ako sa labas. Naalala ko na naman ang eksena kanina. Hindi ko alam pero nahihiwagaan na talaga ako sa pagkatao ni Galand. How come did he know na dadaan ang lalaking iyon in five seconds? He's kinda mysterious... and creepy.

Biglang may tumigil na van sa madilim na parte ng hospital. May bumabang lalaki at dumiretso sa public comfort room malapit sa hospital. Ibinalik ko ang tingin ko sa sasakyan at napatuwid ng upo ng makitang may bata na pilit na lumalabas sa sasakyan. Umiiyak ito habang pilit na hinila ng iba pang lalaki sa loob ng sasakyan.

Napasandal ako sa upuan. Natatandaan ko ang batang iyon. Nakita ko sya kanina. Sya iyong batang binigyan ng pera ni Galand pero anong nangyayari?

Muli kong tinanaw ang sasakyan at nakitang umandar na ito paalis.

"Anong tinitingnan mo?" napaigtad ako at napasandal sa upuan ng magsalita si Galand. Sa sobrang tulala ko, hindi ko naramdaman ang presensya niya.

"W-Wala." I lied. Muli akong tumanaw sa labas at napailing.

Wala kang nakita, Mikaela. You're just hallucinating things. Wala kang nakita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status