Share

Chapter 8 (Missin' U)

Nich had an early flight to Seattle. He needed to visit their company site there and met some of the investors. Matagal na dapat siyang nakaalis kaso ay hindi niya kayang iwanan si Ashtrid na halatang iniiwasan siya.

He wanted to have some serious discussion with her but she kept on avoiding his presence. Paano naman niya kakausapin ito kung maaga itong umaalis sa unit at kapag umuuwi naman siya ay naka-locked na ang kuwarto nito. He didn't want to lose her again. Natatakot siya na baka pag-uwi niya ay wala na ito sa unit at kailangan na naman niyan bulabugin si Torrence para ipa-locate ang babae. And he's fucking worried na baka muling mawala sa kanya ang babae, so he needed to monitor her as much as possible.

Ngayon nga ay pinilit niya ang sarili na gumising ng mas maaga para maabutan ang dalaga na alam niya na nagluluto at nag-aalmusal sa kusina nila ng mga ganitong oras.

"Give me your number," he said while they were having breakfast. Mabuti na lamang at naabutan niya ang babae sa unit. He was thankful na sabado ngayon dahil kung hindi, sigurado siyang hindi na naman niya maabutan sa unit ang babae.  

Natigilan ang babae sa sinabi niya. "I don't want to." anito saka muling bumalik ang atensyon sa cellphone na kanina pa nito hawak. Kahapon pa ito abala sa pag-tetext kung kanino man na lalong nagpapainit ng ulo niya.

Tumiin ang titig niya sa babae pero ni hindi siya binigyan ng pansin nito kahit pa halos matunaw na ang cellphone na hawak nito sa talim ng titig niya roon.

Nang hindi pa rin siya pinansin ay may diin na nagsalita muli siya.  "Give me your phone then."

Umangat ang tingin nito at tinitigan siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis na nagbawi ito ng tingin saka muling bumalik sa pagtitipa sa cellphone.

“I said give me your phone.”

"Huh?" hinablot n’ya ang phone nito na s’yang ikinairap ng babae. Hindi niya hinayaan na muling makuha ng babae ang cellphone na nasa kamay niya kahit pa todo hablot nito niyon.

Nabuksan n’ya kaagad ang phone nito. Maya-maya ay nag-vibrate ang Goldstricker iphone niya sa ibabaw ng lamesa tanda na may tumatawag. Nang matapos ay ibinalik niya ang phone sa babae saka muling nagsalita.

"I'll be gone for two to three days. I have to visit our company in Seattle. Be sure you locked the door," bilin niya sa babaeng natigilan sa sinabi niya.

"So, aalis ka?" anito na may pinipigilan na ngiti sa labi which irritates him.

Tumango siya. "Now, you have to be a good girl while I'm not here." Babala niya habang pinag-aaralan ang reaksiyon ng dalaga. Naiinis siya dahil parang gustong-gusto ng babae na umalis siya at mapalayo rito.

"Of course. I-I mean good girl naman talaga ako. So, kelan ang alis mo? Ngayon? Ingat ka ha." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang kaharap na magana nang kumakain ng cereal ngayon.

"So, you're this excited, huh? You know what, I think I better not go mukha kang may binabalak. I'll just cancel my—" aniya. Akmang tatawagan na niya ang secretary para ipa-cancel ang flight niya. He is willing to lost a million dollar deal just for Ashtrid.

Mabilis na umiling ang babae. "No. I mean 'di ba importante ‘yong lakad mo? Promise I'll be good here." Pigil nito sa kanya. Tinitigan niya ang nakangiting mukha nito habang nakataas pa ang isang kamay nito na tila nangangako.

"Tsk! Just make sure that you won't do anything. I'll get going now, ma-la-late na ako." aniya saka tumayo na para kunin ang maliit na maleta sa kuwarto niya.

Nasa likuran niya ang babae nang buksan niya ang pintuan nila upang umalis. Humarap siya rito at tinitigan ang mukha nitong nakangiti sa kanya. He memorized her lovely face then sighed.

"Be good," he said while playfully brushed his finger on her nose. "I will miss you, baby." he said as he gave her a goodbye kiss.

Agad dumaloy ang kuryente nang maglapat ang kanilang mga labi. So sweet as ambrosia. Natawa siya sa reaksiyon ng babae na tila gulat na gulat sa ginawa niya. Nanlalaki ang mga mat anito habang wala sa sariling hawak ang namumulang labi nito. He would miss his baby for sure.

Ngumiti lamang siya ng malawak saka walang salitang tumalikod na para umalis. Mahirap na, baka hindi na siya matuloy sa pag-alis.

Damn! Three days, baby. Wait me here. He said on his mind as he walked away.

***

Two days without Nich meant a peacetime for Ashtrid. Solong-solo niya ang unit. Bukod sa hindi niya kailangan pang mapuyat dahil sa pag-iwas sa lalaki.

Simula nang umalis ang lalaki ay wala na siyang ginawa kung hindi ang kumain, manuod ng N*****x at kalikutin ang mga gamit sa unit. Kagabi ay nag-message ang lalaki sa kanya na ma-eextend ang trabaho nito sa Seattle. Hindi pa nakontento ang lalaki at binilinan pa siya ng kung ano-anu. Para namang may paki siya rito. Like she really cares!

Duh! Alam naman niya ang kalandian ng lalaki at hinding hindi na siya magpapaloko sa mga kalandian nito. Once is enough for her.

Napairap siya sa hangin nang muling makita ang pamilyar na number ng lalaki sa cellphone niya. Hindi niya sinagot iyon at itinutok ang mga mata sa t.v. saka hinayaan niyang mag-ingay ang cellphone niya sa lamesa.

Ilang oras pa ay may kumatok sa pintuan. Wala sa mood na tumayo siya saka mabagal na binuksan ang pintuan kung saan bumungad ang naiiritang mukha ni Jakob na agad iniumang ang cellphone nito. Naka-PJ’s terno ito at halatang na-istorbo sa pagtulog nito.

“Where’s your phone? Your stupid man is kept on calling us at the middle of our sleep. Talk to him. So, I could have a peaceful time with my girlfriend.” Reklamo ng kaharap na humihakab na sa antok. Ramdam niya na may kalakip na pagbabanta sa tono ng abogado. Magulo ang buhok nito at mukhang wrong timing talaga ang pang-aabala ni Nich sa abogado.

Dahan-dahan niyang inabot ang cellphone na nakaumang sa harapan niya saka sinagot ang kung sino man ang tumatawag.

“Hello?”

“What the hell, Ashtrid!? Kanina pa ako tumatawag sayo. Nag-aalala na ako!” Inilayo niya sa tainga ang cellphone nang pumailanlang ang may kalakasan na boses ni Nich.

Tinakpan niya ng bahagya ang speaker ng cellphone saka sinagot ang galit na lalaki. “Hello, uhm, sa phone ko ka na lang tumawag. Medyo masama ang templa ni attorney eh.”

“Tsk! Make sure you’re gonna answer it.” madiin na sabi nito. Pasempleng sumulyap naman siya kay Jakob na mukhang inip na inip na talaga sa gilid.

“Oo na. sige na ibababa ko na.” Hindi pa man nakakasagot ang lalaki nang patayin niya ang tawag at ibigay sa abogado.

“Salamat.”

Jakob waved at her bago tuluyang pumasok sa unit nito. Mabilis na bumalik sa puwesto siya saka hinanap ang cellphone. Hindi pa man tuluyang nakakaupo ay muling tumunog ang cellphone niya na nasa gilid ng sofa pala.

“Nich?”

“Hey, make sure to lock your door.” Napa-irap siya sa sinabi nito. Daig pa talaga nito ang magulang kung makahabilin sa kung anong dapat niyang gawin. Akala mo naman ay bata siya.

“Oo na.”

“Tsk! I just want to make sure na okay ka. By the way, I miss your voice.” Natigilan naman siya sa huling sinabi nito. Hindi man niya aminin ay nami-miss na rin niya ang boses nito.

Noong unang araw ay masaya siya na solo niya ang unit. Pero nitong mga nakalipas na araw ay tila na-mi-miss niya ang boses at presensya ng lalaki. Pero hindi niya aaminin sa lalaki iyon dahil tiyak na lalaki na naman ang ulo nito.

“Well, I don’t miss you.” mataray na sagot niya kahit lihim na nakararamdam siya ng kilig.

“Hmmmmm.” sagot nito gamit ang tila pagod na boses. Hindi niya napigilan na usisain ang kalagayn nito.

“Are you okay?”

“How sweet. Nag-aalala sa akin ang baby ko.” He teased her na agad ikinairap niya.

“Ewan ko sa ‘yo. Sige na matutulog na ako.” aniya dito kahit wala pa siyang balak matulog. Desidido kasi siyang tapusin ang N*****x series na pinapanuod niya. Super crush n’ya kasi ang leading man doon.

“Make sure you are going to sleep, now. Tigilan mo na muna ‘yang pinapanuod mong singkit na lalaki na ‘yan. Tsk! Mukha namang bakla.” Nahimigan niya ang inis sa boses nito. Ilang beses na rin kasi siya nitong senesermonan para itigil na ang pagpupuyat sa series pero hindi niya pinapansin ang lalaki.

“F.Y.I. lang mister noh!? Hindi siya bakla. Lalaki siya!”

In the end ay halos wala na siyang maintindihan sa pinapanunod dahil tawag ng tawag ang lalaki. Kaya ayon nakatulugan na niya ang pakikipagtalo rito na hindi bakla ang actor. But she slept with smile that night.

Four days had passed at hindi na rin tumawag sa kanya ang lalaki. Pagkatapos kasi ng pagtatalo nila tungkol sa actor ng pinapanuod niyang series ay hindi na muling tumawag ang lalaki ni message ay wala, na kanyang kinaiirita. Hindi niya alam kung bakit naiirita siya sa halip na matuwa dahil walang nang-iistorbo sa kanya. Pero sa ‘di mapaliwanag ay tila na-miss niya ang boses at presensya nito.

Tinitigan niya ang cellphone na hawak. Nag-aalangan siya kung tatawagan ang lalaki o ano. Pero bakit naman niya gagawin iyon? Ni wala siyang sasabihin sa lalaki. Alangan naman na sabihin niya na nami-miss niya ito. Never! Hindi niya sasabihin iyon sa lalaki. Kaya sa huli ay hindi n’ya tinawagan ang lalaki.

Kinabukasan ay tinawagan siya ni Ayesha para sa lakad nila. Isa pa ito sa kagandahan nang wala ang lalaki. Malaya siyang magpagala-gala sa syudad ng walang asungot na bigla na lamang susulpot. Pero kahit ganoon ay naiiinis siya sa tuwing lilipas ang araw na hindi siya nito kinakamusta.

Naiiritang itinago niya ang cellphone sa closet saka nagpokus sa pinapanuod nila ni Ayesha. Na sa bahay siya nito at dinadamayan sa pag-ce-celebrate kuno nito sa break-up nila ni Kyle ‘the maniac’. Kung alam lang niya na nasasaktan din ito dahil sa muling heartbreak nito.

“Na-miss mo noh?” untag ni Yesha sa kanya nang mapansin ang pagtitig niya sa hawak na cellphone.

“Huh? Sino?” kunwari’y hindi niya kilala ang sinasabi nito. Pero alam naman niyang si Nich ang tinutukoy nito. Kilalang-kilala siya ni Ayesha. Minsan nga mas kilala pa siya nito kaysa sa sarili.

Pabirong hinampas siya nito sa braso. “Deny pa more. Huwag nga ako Ash. Kilala kita. Miss mo na si Nich noh? Hindi pa rin ba nag-tetext?”

Umasim ang mukha niya sa tanong nito. “Tsk! Mukhang nag-eenjoy sa ibang bansa.” Padaskol na binuksan niya ang Piatos saka sunod-sunod na isinubo ang potato chips.

Matapos ang ilang oras ng panunuod ay nainip na rin si Ayesha sa ginagawa nila.

Napansin niya ang paghinga ng malalim ni Ayesha bago tumayo ito sa harapan niya at nagsalita. “Alam mo nakaka-bored ang ginagawa natin. Let’s go clubbing. May bagong bukas daw riyan sa malapit lang. And don’t worry mahigpit daw ang security doon. Makapag-enjoy man lang tayo once in our life. Hindi iyon puro stress tayo dahil sa mga lalaki na iyan.” reklamo nito habang hinihigit siya papasok sa kuwarto nito.

Mabilis na naglabas ito nang mga damit na isusuot nila. Parehong balingkinitan ang katawan nila ng kaibigan kaya nakahihiram siya rito ng mga damit. Mahilig sa mga damit ito na may kanya-kanyang collection ng mga bagong labas sa masa na mga design. Siya naman ay walang kahilig-hilig sa mga damit, tam ana sa kanya ang simpleng shirt o blouse at jeans. Pero palagi siyang ipinag-sho-shopping ng kaibigan na walang kasawa-sawa sa mga damit.

“Huh! Stress talaga iyang mga lalaki na iyan!” anito habang naghahalungkat sa closet nito ng mga damit na susuotin nila.

Natawa siya sa sinabi nito. “‘di inamin mo rin na stress ka sa break-up nyo ng ex mo.” Natatawang asar niya sa kaibigan. Hindi ito umimik imbis ay binato siya nito ng isang mini-skirt na ikinangiwi niya.

She definitely won’t wear that kind of clothes. That’s for sure.

///

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status