Share

Chapter 12 (On Sorry & Heartbreak)

Ilang araw nang hindi nag-uusap sila Ashtrid at Nich. Halos hindi na sila nagkikita sa loob ng unit dahil maaga itong umaalis at gabing-gabi na uuwi. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa tila panlalamig ng lalaki sa kanya. Nagsimula lang naman iyon nang nakita ng lalaki si Rio sa café kasama siya. Pero mukhang nadagdagan pa ang galit nito nitong nakaraang araw nang malaman na nakipag-dinner date siya kay Rio.

Rio was spending his one month leave in the town. Ito pala ang sinasabi nitong ‘see yah soon’ sa text. Akala nila ni Ayesha next month pa ang leave nito pero napa-aga dahil tapos na ang misyon ng mga ito sa Mindanao. Rio was now in military. Napa-assign ito sa Mindanao at matapos ang matagumpay na peace talk last month ay pinull-out na rin ang tropa nito roon.

Nag-demand ng dinner date si Rio sa kanila ni Ayesha nitong nakaraang araw pero dahil busy si Ayesha ay siya lamang ang nakarating. Iyon na ang simula ng panlalamig sa kanya ni Nich. Sakto kasing nakita sila nito sa restaurant na kaibigan pala ni Nich ang may-a*i.

Napabuntong hininga si Ash bago tumingin kay Rio na masayang nagkwekwento sa harapan niya. Kasalukuyang nasa sikat na coffee shop silang dalawa. Simula nang dumating si Rio ay ilang beses na silang nag-date. Alam niyang mali ang ginagawa niya lalo pa’t alam niya na may nararamdaman sa kanya si Rio. Alam niyang hindi bastang friendly date iyon para sa lalaki.

Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Ayesha na, “Huwag kang mag-trial and error date kay Rio, Ash. Masasaktan lang siya kapag na-realized mo na mahal mo pa rin si Nich.’

"Tulala ka na naman." puna sa kanya ng lalaki.  

Ngumiti lang siya sa kaibigan. Hinayaan naman siya nito at ipinagpatuloy ang pagkain niya ng cake na i-norder. Matapos ang ilang minuto ay hinatid na rin siya ni Rio na mukhang na-apektuhan na rin ng pagiging tahimik niya kanina.

Bago siya ihatid ni Rio ay muli itong nagsalita. Ramdam niya ang pagbabago ng mood ng lalaki.

“Ash? I know you’re trying. But I also know na hindi ko siya mapapalitan diyan sa puso mo. I know mahal mo pa rin siya.” Ramdam niya ang lungkot sa bawat salita ni Rio. At doble ang sakit noon sa kanya kasi alam niya na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ang kaibigan. Ayaw niyang masaktan ito, kung pwede nga lang na dalawa ang puso niya. Pero kahit anong gawin niya hindi pa rin niyang kayang palitan si Nich sa kabila ng nangyari.

Humarap siya rito at sinalubong ang malamlam na mga mata ng kaibigan. “R-Rio…” malungkot na aniya. Ang tanga niya dahil hindi niya man lang kino-consider ang nararamdaman ng lalaki.

“I-I’m sorry.” She almost whispered.

Pilit na ngumiti ito saka pabirong ginulo ang buhok niya. “Hey…Don’t be. Sinabi ko naman sa iyo. Huwag mong pilitin ang sarili mo. I know where do I stand. And I want to say thanks for spending time with me.” nakangiting anito. Pero iyong ngiting alam niyang hindi umabot sa mga mata nito. Walang sabi na nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito hanggang sa niyakap din siya nito pabalik.

“Hey…it’s okay. Kailangan ko lang talaga siguro ng bakasyon para tuluyang mag-move on. I’ll go to Palawan this next week.” Suminghot siya habang hinihimas nito ang likod niya. Ang bait talaga ni Rio.

“I’m sorry, Rio. You’re wonderful person. Hindi ko lang talaga alam kung bakit siya pa rin.”

Niyakap lang siya nito muli bago nagsalita. “Alam mo Ash kung bakit. Ayaw mo lang tanggapin.” anito na siyang mas ikinaluha niya pa lalo.

Pagkatapos ng iyakan nila ni Rio ay sa bahay siya ni Ayesha nagpahatid. Nakaupo silang dalawa sa sofa habang kaharap t.v. at nanunood ng ‘Riverdale Season 3’. Kanina pa sila tahimik na dalawa. Alam niyang naiinis din sa kanya si Ayesha lalo na’t alam niya na may feelings ito para kay Rio.

"Nich said that he still loves me." Basag niya sa katahimikan. Nilingon siya ni Ayesha saka tumango.

"And? What's the problem with it?"

"I declined him."

Ayesha sighed. "Bakit ba naman kasi pinipigilan mo ‘yang puso mo na sumaya ulit. Halata namang mahal mo pa rin ‘yong lalaki. Bakit ba ginagawa mong komplikado ang buhay mo?" Bahagyang tumigil ito para sumubo ng Piatos bago muling nagpatuloy.

"Humihingi na nga sorry sayo at ng chance. Bakit hindi mo bigyan ng chance if mag-work edi wow, if hindi at least you tried ‘di ba?" anito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kanya.

"Hindi ko alam kung kaya ko." she frustratedly said.

"Kaya mo. Talaga nga lang na pinipigilan ka n’yang pride mo. Look, Ash. Kung mahal mo pa bakit hindi mo patawarin? Nakikita ko naman na sincere ‘yong tao. Malay mo may dahilan siya sa nangyari noon." Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.

Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Granma Elise na naging mahirap din daw kay Nich ang lahat at may ibang dahilan ang lalaki kung bakit siya iniwan nito. Naging duwag lang daw talaga si Nich para ipaglaban siya. Pero naguguluhan pa rin siya, hindi kasi sa kanya sinabi ni Granma kung ano iyong dahilan ni Nich kung bakit siya iniwan noon. Hindi natuloy ang pag-alis niya sa unit dahil maging siya ay naguguluhan rin.

"Maiikli ang panahon para magpatawad, Ash. Baka bukas o makalawa eh may babaeng umagaw kay Nich sayo. Gwapo pa naman si Nich. Sige ka baka maunahan ka ng iba." Inirapan niya si Laika na tatawa tawa lamang sa harapan niya.

Bigla naman siyang nakaramdam nang inis sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya namamalayan na minu-murder na pala niya ang Nachos sa plato.

"Subukan lang niya. Hmp!"

Umuwi rin si Ash kinagabihan, naabutan niya si Nich sa sala na nanunuod ng boxing habang umiinom ng beer. Hindi siya pinansin nito nang dumaan siya sa sala. Nanatili ang mga mata nito sa tv. Anong problema nito?

“Ginabi ‘ata kayo ng ka-date mo?” out of nowhere na tanong nito nang papasok n asana siya sa kuwarto.

“Anong ka-date pinagsasabi mo?”

“Tsk!” Bigla siya nainis sa tono ng lalaki. Para kasing nag-aakusa ito.

“Galing ako kila Ayesha.” Sagot niya bago tuluyang pumasok sa kuwarto.

Maya-maya, lumabas rin siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi na nasundan pa ang pagtatanong ni Nich na nasa kuwarto na nito. Maya-maya ay may binuksan niya ang pinto dahil sa sunod-sunod na doorbell. Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang isang babae sa labas ng pintuan katabi si Torrence na kakamot-kamot sa batok. Tinaasan niya ng kilay ang babae na kulang nalang ay hindi na magdamit dahil sa sobrang hapit ng maikling dress nito.

"Is Nich here?" nakangiti tanong ng babae.

Umirap muna siya bago nagsalita. "W-Wala sya rito. Kaya shoo!" pagsisinungaling niya saka tinitigan ng matalim si Torence na nasa likod na nito.

Isa pang malandi itong si Torence at talagang dinala pa niya ang babaeng hitad na ito sa unit ni Nich.

Kumunot ang noo ng dalawa nang sumilip si Nich sa pintuan. Bagong paligo ang lalaki at mukhang fresh na fresh. Hindi pa rin sila nag-iimikan na dalawa na hindi alam ni Ashtrid kung bakit hindi siya iniimikan ng lalaki na kung sa tutuusin ay malaki ang atraso sa kanya.

Dumungaw ito sa pintuan kaya natabig siya nito. "Jenny? Torence? What are you two doing here?" singit nito sa kanila.

Natakpan siya ng likod ng lalaki na ngayon ay nakahara na sa pintuan. Halos itulak naman niya si Nich sa asar dahil mukhang sayang-saya ito na makita ang malanding babae. Sa asar niya ay itinulak na niya papalabas si Nich at pinagsarhan ng pintuan.

Lumagabog ang pintuan.

Malandi! Magsama-sama kayong malalandi!

Masama ang loob na nagkulong siya sa loob ng kuwarto. May mga luhang tumulo sa kanyang mga mata habang nakatalukbong siya ng kumot. Marahas na pinunasan ng kamay niya ang mga luha.

Bakit ba niya iniiyakan ang lalaki na iyon? Tsk! Hindi siya kawalan. Himutok niya.

Hindi siya nakatiis at lumabas rin siya nang kuwarto at agad umasim ang mukha niya nang makita ang mahaderang babae sa loob ng kusina na at home na at home na nagluluto. Samantalang si Nich ay tinutulungan pa ang babae.

She crossed her arms at her chest as she was watching them. Nang maramdaman ng lalaki na may nakamasid ay tinapunan siya nito ng tingin na s’yang ikinasimangot niya.

"Come here, Ash." Imbis na lumapit s’ya ay nagdadabog na tinalikuran niya ang mga ito at maluha luhang kumuha ng gamit sa kuwarto niya.

Paglabas niya sa sala ay sinalubong siya ng nakakunot na noong si Nich. "Where are you going?"

"None of your business, you jerk!" sagot niya rito bago binuksan ang pintuan. Maagap na pinigilan iyon ng lalaki.

"Hey, baby. Where are you going? I'm damn worried here." Malambing na anito.

Ngumuso naman siya rito na tila batang pinalayas ng magulang. "Kila Ayesha na lang ako matutulog.”

Akmang yayakapin siya nito pero umekstra ang babae. "Nich?" tawag nito sa lalaki.

And his jerk ex-husband had even guts to stared at the girl sa harapan niya. Sa sama ng loob ay tinadyakan niya ang lalaki saka sinigawan.

"M-Magsama kayo!" Marahas na isinarado niya ang pintuan ng unit nila.

Days had passed. Hindi pa rin siya umuuwi sa unit. Hindi naman tumitigil sa kakatawag o text si Nich sa kanya pero lagi niyang pinapatayan ng cellphone. Si Rio naman ay madalas dumadalaw rin ditto kila Ayesha.

" Hindi ko na alam kung anong nangyayari sayo at napapatulala ka sa pinapanuod natin. Eh-dapat nga ay magsisisigaw ka dahil horror ito." Tukoy ni Ayesha sa zombie movie na pinapanuod nila.

"Alam mo minsan tayo rin lang ang nagpapalala ng sitwasyon natin. 'Di ba nga, yun naman talaga ang gusto mong mangyari dati?" pagpapatuloy nito.

"Ayaw ko nang masaktan, Yesha."

"Sino bang nagsabing sasaktan ka n’ya? Pain is part of our life. Kahit anong pag-iingat ang gawin mo masasaktan ka at masasaktan ka. Masasaktan ka rin naman bakit hindi pa roon sa at least may chance na sumaya ka?" tingin nito sa kanya habang nilalantakan na ang pizza na inorder nito kanina.

"Hindi ganoon kadali ‘yon." Salungat niya sa sinasabi nito.

"Alam kong hindi madali. Pero ano ba ang madali para sa iyo? Ang bigyan sya ng chance? O, pahirapan ang sarili mo hanggang sa kainin ka nyang sakit na nararamdaman mo? I've been through a lot of pain, Ash. You knew very well that pain is like my oxygen to live with. But now, see I've learned how to live with it. Nasasaktan ako pero at least nagiging masaya ako. You see my point? Pain and happiness coincide on each other. Hindi porke’t ayaw mong masaktan hindi ka na masasaktan…"

“Alam mo naman kung gaano ako naapektuhan ng nangyari dati noon, ‘di ba?” tumango sa kanya si Yesha bago muling nagsalita.

“Alam ko. Pero hindi mo ba napapansin na dahil rin sa kanya unti-unti mo na na-oovercome ang mga iyon. Pansin mo ba ang pagbabago sa iyo. Hindi ka na gaano na-iilang kapag nakikipag-usap ka. Unti-unti ka na rin nag-oopen up ng mga nararamdaman mo. Katulad ngayon.” Napa-isip siya sa sinabi nito.

Bahagyang tinapik nito ang balikat niya. " 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Learned how to manage your emotions well and the situation. Take a risk, Ash. And see if that risk is worth it. Kaysa naman habang buhay kang tumulala d’yan," pagpapatuloy nito.

Muli nilang ibinalik ang tingin sa t.v. pero nakatulala lamang siya sa monitor habang ninanamnam ang mga sinabi sa kanya ni Ayesha. At habang inililipad sa nakaraan ang isip niya.

Sa nakaraan kung saan nagsimula ang lahat.

The beginning of their lovestory.

///

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status