Share

Chapter 11 (Chance)

"T-Tor—Torrence!" masiglang bati ni Ash sa lalaki na amused na amused na nakamasid sa kanila ni Nich.

"Akala ko hindi mo na makikilala ang kagwapuhan ko. Long-time no sees. How are you?" tanong nito sa kanya habang naghihintay ng elevator.

Kagaya ng dati ay maaliwalas pa rin ang mukha ni Torrence na gwapong-gwapo sa navy-blue business suit na suot nito. Mukhang maging ito ay naging successful sa paghahandle ng family business nito.

Binawi niya ang braso mula kay Nich at sumunod kay Torrence. Na-miss niya talaga makipag-usap sa lalaki lalo na't ito ang pinaka-close niya sa mga kaibigan ni Nich. Ito lang kasi ang medyo matinong kausap para sa kanya kumpara kay Craig na sobrang seryoso at tahimik.  O kay Spencer na palaging nagmamadali. Mas lalo naman si Clive na palagi na lamang mukhang exhausted at puyat.

"O-Okay naman. A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Meeting.” Tumango-tango siya saka nakipagkwentuhan dito. “And oh, two weeks from now anniversary ng company. Sakto na holiday kaya magkakaroon ng friendly sports event kami at ng mga staff. We'll be playing basketball sa main event." Kwento pa nito sa kanya.

Buti pa ito ay open na magkwento sa kanya. Samantalang si Nich ay walang nababanggit sa kanya. Pero bakit naman babanggitin sa kanya iyon ni Nich?

Naputol ang kanilang kwentuhan nang tumikhim si Nich na nasa likuran niya. Sakto namang bumukas ang elevator at pumasok si Torrence dahil sa pananabik sa dating kaibigan ay sumunod siya kay Torrence.

"What the fuck! Ash! Come here." galit na pahayag ni Nich na nasa labas ng elevator at pinipigilan itong sumara.

"Huh? Bakit ako sasama sayo?" naguguluhang tanong niya.

"Shit! Torrence, get your ugly face out of our sight!" asik ni Nich sa kaibigan nito.

Hindi naman ito pinansin ni Torrence na nakangisi sa tabi niya at muli siyang kinausap habang madilim na ang mukha ni Nich sa labas ng pinto.

"Anyway, may practice kami mamaya. If you want to come you can join us." Kulang na lang ay magpuso ang kanyang mga mata nang yayain siya nitong manuod ng practice ng mga ito.

Hindi man halata ay fan na fan siya ng basketball dahil na rin siguro kay Nich. Nich and his friend were varsity back then and she was their fan na halos lahat ng game ng mga ito ay nakikipagsiksikan siya para mapanuod lamang niya ang mga ito.

Ngunit ang lahat ng excitement niya ay naglaho ng higitin ang kamay niya ni Nich palabas ng elevator. "Hindi s’ya pwedeng sumama." pinal na payahag nito.

"Pass muna ako mamaya, bro." dagdag pa ni Nich bago sumara ang elevator. Nakita pa niya ang mapang-asar na ngisi ni Torrence bago tuluyang sumara ang elevator.

"B-Bakit ang epal mo!?" she pouted.

"May iba tayong pupuntahan."  Anito saka hinigit siya paalis sa company nito. “Ikulong na lang kaya kita para wala na sa ‘yong makakitang mga asungot.” Bulong ni Nich na hindi masyadong narinig ni Ashtrid.

“Huh? May sinasabi ka?” ani Ash. Hindi sinagot ni Nich ang tanong ni Ash at nagpatuloy lang sa paghigit dito papuntang parking lot.

Hindi pa nga niya nakukuha muli si Ash, ang dami ng mga asungot na umaaligid. Dumagdag pa ang Mabini na iyon. Gigil na reklamo niya sa isipan habang binabalewala ang takot na nararamdaman. Takot na baka this time hindi siya ang piliin ni Ash.

***

Nakanguso si Ashtrid habang kinukuha sa dryer ang mga damit ni Nich na nilabhan niya. Talagang iniinis siya ng lalaki, akala pa naman niya ay kung saan siya dadalhin nito kung alam lamang niya na paglalabahin siya nito ay sinapak na niya ito kanina. Nagdadabog niyang hinanap ang lalaki. Naabutan niya itong prenteng nakaupo sa sofa sa sala hawak ang gitara nito.

She was about to call his name when Nich started to strum the guitar. Bigla siyang natigilan at tila naglaho ang galit na nararamdaman nang pumailanlang ang malamyos na boses nito.

...There are three words,

Nakapikit ito habang nag-strum ng guitara habang ninanamnam ang bawat liriko na lumalabas sa labi nito. Ramdam mo ang emosyon ng lalaki habang kumakanta. Natural na natural ang lamyos ng boses nito. Walang nagbago. Magaling parin itong kumanta.

Nabigla siya nang nagmulat ang lalaki at naglanding ang mga mata nito sa kanyang mukha. Nangungusap ang grey na mga mata nito, na para bang sa kanya sinasabi nito ang bawat liriko ng kanta. Hindi siya makagalaw. Ni hindi niya magawang ikibo ang mga paa.  

I wanna say I love you...

Kumalabog ang kanyang puso. Ang tibok ng kanyang puso ay sumasabay sa ritmo ng kanta. Pabilis ng pabilis. Nakatitig lamang siya sa gwapong mukha nito. Sumasabay ang buhok nito sa paggalaw ng mga kamay nito at labi.

…Baby, I l-o-o-ve you...

Wala siyang marinig kung hindi ang tibok ng puso niya. Sinapo niya iyon. No! This can't be! Hindi pwedeng mahulog muli siya sa lalaki na nanakit sa kanya. Pero…

Ini-angat niya ang mukha at muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Nag-init ang gilid ng kanyang mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagsambulat ng emosyon niya.

.…alam niya sa sarili na nagsisinungaling lamang siya.

Naramdaman niyang may namumuong luha sa kanyang mga mata. At alam n’ya kung para saan iyon. Dahil ngayon alam n’yang tuluyan nang bumigay ang pader na kanyang ginawa. Wala na hulog na hulog na s’ya muli.

"Baby, I love you." Nich whispered. Imbis na kantahin nito ang huling linya ay seryoso nitong sinabi ang linya habang mariing nakatitig sa kanyang mga mata.

Like he really meant it.

Like it wasn't just a part of a song,

That it was part of what's inside of his heart.

At doon na siya tuluyang humaguhol. Hindi na niya kinaya pang pigilang ang damdamin. Bumalik lahat ng sakit ng nakaraan.

"Ash? Hey why are you crying?" he worriedly asked.

"Bakit ang unfair mo, Nich? Unti-unti na kitang kinakalimutan eh. Okay na eh. Tanggap ko na hindi tayo ang para sa isa't isa. Pero bakit ganoon? Ginugulo mo pa rin ako. Nagagawa mo pa ring patibokin ang puso ko. Bakit ba ang unfair...u-unfair...u- unfair lang?" lumuluhang wika niya.

Inabot naman ng lalaki ang kanyang mukha at marahang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha.

"I don't want you to forget me. Alam ko gago ako na saktan kita. Pero can you give me one more chance?" anito habang yakap siya.

Umiling s’ya rito. "Hindi naman ganoon kadali yun, Nich," lumuluhang sabi niya habang lumalayo dito. Nanghihinang tumayo siya at tiningan ito na ngayon ay nakayuko na.

"Ni hindi ko nga alam kung bakit mo ko iniwan noon. Alam mo bang pinaniwala ako ng nangyari na may mali sa akin na may kulang sa akin kaya moa ko iniwan? Tapos ngayon manghihingi ka ng second chance? Ayaw ko, Nich. Maiiwan lang ulit akong wasak." tinalikuran n’ya ito.

Hindi pa man siya nakakalayo ay may biglang yumakap sa kanyang beywang at sinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

" I love you, Ashtrid. Please believe me, sweetie. I love you." Umiling-iling siya sa mga sinabi nito.

"Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan. You don't know what I've been through all those years, Nich" nanghihimutok niyang wika dito na mas humigpit ang yakap sa kanya.

"I know...I-I know sweetie. And I'm really really sorry. But please, maniwala ka sa akin. I love you. There are just few things I can't tell you, baby," pilit siyang bimitiw sa yakap nito.

Naramdaman na rin niya ang pagyugyog ng balikat nito tanda na umiiyak na rin ito. Pero hindi siya basta-basta magpapadala sa lalaki. Ayaw na n’yang magpakatanga sa harapan nito.

"Everything we had, had been destroyed already. Hindi ko na hahayaan na masaktan muli ako. Let me go." Tinatagan niya ang boses. Pumiglas siya sa yakap nito at muling naglakad paalis.

Hinabol siya nito saka lumuhod sa harapan niya. The scenario was familiar to her. Ginawa na rin niya iyon—noong mga panahon na kaya pa niyang ipaglaban ang pagmamahal.

"Please nagmamakaawa ako just one more chance, baby. Just one more chance, please." Namumula ang mga mata nitong samo habang nakaluhod at nakayakap sa tuhod niya.

Nahihirapan siyang huminga. Nahihirapan siyang makita na umiyak si Nich. Pero pinilit niyang iiwas ang tingin sa lalaki.

"Let me go Nich." Nang lumuwag ang yakap nito sa kanya ay mabilis siyang naglakad pabalik sa kanyang kuwarto.

Pinigilan niyang maramdaman muli ang sakit. Ngunit 'di na n’ya kinaya. Naupo siya sa tabi ng kanyang kama at doon humagulhol.

Ang sakit pa rin.  'Bakit ang sakit sakit pa rin NIch?' Tanong niya sa lalaki kahit pa nga hindi nito iyon naririnig.

Kinabukasan, masakit man ang mga mata dahil sa pag-iyak ay pinilit ni Ash na imisin muli ang mga gamit. Halos wala siyang tulog. Magdamag siyang nag-isip at umiyak at ngayon nga ay napagpasyahan niyang tuluyang umalis na sa unit na iyon. Hindi niya i-risk ang puso para kay Nich. Malaki na ang nagbago sa kanya. Kung dati ay pinilit niyang ipaglaban ang lalaki ngayon ay hindi na. Hindi na niya kaya.

Nagulat pa siya nang makita si Nich nakatalikod sa kanya at may kausap sa cellphone. Sa boses nito ay mukhang may hindi magandang nangyari. Anong nangyari?

“St. Clair hospital? Okay papunta na ako dyan.” Hospital? “Yeah. Yeah tell—” naudlot ang sasabihin nito nang humarap ito sa kanya at makita siya. Kumunot ang noo nito sa maleta na dala niya. “Ash? What are...cous? Hello? Yeah wait. Papunta na ako just wait for me.”

Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang umalis na habang busy pa ang lalaki sa cellphone. Ang alma lang niya ay hindi niya kayang iwan ito sa lagay nito…mukha itong may malaking problema. Namalayan na lang niya na tapos na ito maipag-usap at nasa harapan na niya ito.

“Ash, please ‘wag ngayon. Huwag ka mo nang umalis please. I need you.” He frustratedly plead to her.

“Bakit? Anong nangyari? Sinong nasa hospital?”

“Granma Elise. Hindi ko alam kung anong nangyari but tinawagan ako ni Hana na itinakbo nila si lola.” He said. “Please…U-Uhm, dito ka muna. Wait for me here.” Anito saka akmang lalabas nan ang pigilan niya ito.

“Teka…Sama ako. N-Nag-aalala rin ako kay Granma.” Tumango lamang ito saka nagmamadali na silang umalis.

Hindi niya maintindihan ang nangyari pero iniwan niya ang maleta na dapat dadalhin sap ag-alis niya at sinamahan si Nich sa hospital. Pagdating nila roon ay sinalubong sila ni Hana na nagpakilalang pinsan nito. Tinanguhan lamang niya ito habang kinakausap ni Nich ito. Pero kumalma rin sila ni Nich nang marinig na false alarm lamang daw ang nangyari. Hindi nila maintindihan iyon kaya pumasok na sila sa kuwarto nang matanda. Naabutan nila itong naka-upo sa hospital bed at masayang nakikipag-kwentuhan sa doctor.

“What the— Granma? Anong nangyari? Anong false alarm?” bungad ni Nich kay Granma Elise na umaliwalas ang mukha nang makita siya. Hindi nito pinansin si Nich kundi ay bumaling sa kanya at sinenyasan na lumapit.

“Ashtrid? Apo…oh my…ikaw nga. Naku na-miss kita. How are you ija?” Pag-upo niya ay hinimas nito ang buhok niya na siyang ikinangiti niya.

“G-Granma…okay lang po ako. Ikaw? Inatake raw po kayo?” nag-aalalang tanong sa matanda na s’yang ikinangiti nito.

“Naku. False alaram ija. Sumakit kasi yung d****b ko kanina habang nag-zu-zumba ako pero nang dinala ako rito ay biglang nawala. Hindi ko nga rin alam ang nangyari.”

“Lola, paanong hindi sasakit yang puso mo eh maya-maya raw gusto mong mag-zumba sabi ni Hana.” singit ni Nich matapos kausapin ang doctor na lumabas na rin. Maging si Hana ay nagpa-alam na muna para kumuha nang pamalit ni Granma.

“Nonsense, ijo. I want to maintain my figure. Saka anong maya-maya minsan lang naman iyon. Now, lumabas ka muna at asikasuhin ang release paper ko dito para makauwi na tayo. Go.” natawa siya nang makita ang itsura ni Nich nang palayasin ito ni Granma sa kuwarto. Wala rin itong nagawa at umalis rin sa kuwarto.

“Now, ija. We’ll talk. Time to fix the messed-up things.” Hindi niya alam pero nagbago ang tono ni Granma na siyang ikinakaba niya.

Matalino ang matanda at she had ways alam niya na kung ano man ang pag-uusapan nila ay malaki ang magiging epekto sa desisyon niya na iwan ang lalaki. ///

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status