Share

Chapter 13 (Flashback 1)

THE BEGINNING OF THEIR LOVESTORY.

Canned goods.

Check.

Noodles.

Check.

Snacks.

Check.

Ngumiti ng malawak si Ashtrid sa harapan ng nakasalansan na mga grocery sa may kataasan na estante. Mas maaga siyang natapos sa pag-aayos ng mga grocery packages kumpara sa mga nakaraan na linggo. Dalawang buwan na siyang nagtratrabaho sa convenience store na iyon na ipinagpapasalamat niya dahil malaking tulong iyon sa mga gastusin niya sa pinapasukan na unibersidad.

Lumaki siya sa bahay-ampunan at hindi na nakilala pa ang mga magulang. Si Rio lamang ang umaalalay sa kanya simula nang umalis siya sa ampunan, ayaw pa sana siyang payagan na umalis ng mga madre pero pinilit niyang umalis para matupad ang pangarap na maging guro. Simula pagkabata ay kaibigan na niya si Apolinario na siyang nagpakilala sa kanya sa manager ng store na pinagtratrabahuhan niya. Isang taon matapos umalis nito sa ampunan siya naman ang nakatanggap ng scholarship mula sa kaparehong unibersidad sa kursong edukasyon.

Simula nang umalis sa bahay-ampunan ay namuhay na siya mag-isa. Gayunpaman hanggang ngayon ay kinakamusta pa rin siya ng mga madre sa loob ng ampunan. Sila na kasi ang itinuturing na pamilya niya.

Labit ang walang laman na karton ay muli niyang binisita ang dulong istante na may mga laman na de lata. Nakaramdam siya ng inis nang mapansin ang isang lata ng sardinas na nasa hanay ng mga corned beef. May mga makukulit talaga na mga customer na pinag-mi-mix ang mga grocery item nila. Ending siya itong pinupotakte ng manager nila na daig pa si Gabriela Silang sa pinaglalaban.

Naiinis na tumingkayad siya para kunin ang nasa ibabaw na sardinas na humalo sa mga canned corned beef pero sa kamalas-malasan ay nawalan siya ng balanse hanggang sa nasanggi niya ang hanay ng mga de-lata na naglaglagan sa istante. Lumikha ng malakas na ingay ang pagbagsak ng mga de-lata na siyang ikinatingin ng ilan sa mga namimiling customer.

Muntikan na siyang mapamura nang gumulong ang ilang de lata sa hallway ng grocery store.

“Arghh!” inis na sambit niya habang hinahabol ang ilang de lata na gumugulong pa rin sa hallway.

Sigurado siya na maghuhurementado na naman si Manager Carlo kapag naabutan niya ito. Mabilis na dinampot niya ang mga de lata na nakakalat sa hallway at inilagay ito sa loob ng basket na kanyang nahablot.

Napahinga siya ng malalim ng may ilang lata pa na patuloy gumugulong sa hallway. Naiinis na hinabol niya ito. Mas nakadagdag pa sa inis niya ang ilan sa mga estudyante sa A.U. na humahagikhik sa pinaggagawa niya. Lihim na inirapan niya ang mga ito saka hinabaol ang de-lata pero natigilan siya nang may pares ng rubber shoes na pumigil sa paggulong nito. Mabilis na yumuko siya para damputin ang buysit na de lata saka sinundan ng tingin ang tao na pumigil dito.

Muntikan na niyang murahin ang de-lata na dala nang mapagsino ang nasa harapan niya na pawis na pawis at nakapang-basketball jersey habang hawak ang isang energy drink sa kanang kamay nito.

Gaya ng dati ay natulala siya sa harapan ng lalaki. Hindi niya maiwasan na pasadahan ng tingin ang binata na matagal na niyang gusto. Umakyat ang tingin niya mula sa sexy na adams apple nito na pinakapaborito niyang titigan, pa-akyat sa mapupulang mga labi, matangos na ilong hanggang sa nangungusap na mga mata nito. Bakit ba ang gawapo gawapo ng lalaki na ito kahit na pawisan? Parang ang sarap lang punasan ng pawis nito sa mukha.

In front of her was no other than Mr. Nicholas Wayne, a varsity basketball player at A.U. and her all time crush since her day one at the university. Una palang niyang makita ang lalaki ay parang tumigil ang mundo niya sa attraction na naramdaman. Cliché it is, pero ganoon talaga ang naramdaman niya lalo na nang ngumiti ito sa kanya habang nakatanga at nakaharang siya sa hallaway na dadaanan nito. Hindi nga lang niya alam kung good or bad nga ba ang ngiti nito since hinawi siya nito patabi sa hallway habang nakatulala pa rin siya rito. Pero keber dahil simula noon ay naging fan na siya nito. It was a love at first sight for her. Hindi nga lang niya alam kung love at first sight din ba ang naramdaman ni Nich sa kanya.

Hindi siya maka-imik habang yakap-yakap ang de lata at nakatitig sa flawless nitong mukha. Ano kaya ang gamit nitong beauty remedy? Ang kinis ng mukha eh! Habang lumilipad ang isip ay napansin niya ang mukha nito na tila sinusuri ang itsura niya na panigurado na hindi kaaya-aya lalo pa’t ramdam niya ang pawis sa mukha.

“Miss?”

Parang tanga na napangit siya sa iniisip. Hindi na niya tuloy napansin ang amused na mukha ng lalaki sa tulalang reaksiyon niya.

“Miss?” Napapitlag siya nang kapain ng binata ang noo niya ba tila inaalam kung may sakit.

“Are you sick?” anito gamit ang baritonong boses. Natataranta na umatras naman siya saka wala sa sariling hinaplos ang pisngi na nag-iinit. Bakit pati boses nito ang gwapo?

Geez! Hinawakan siya ni Nicholas freaking Wayne. Huh! Who you sa kanya ngayon ang mga cheerleader nito.

“Miss?”

“Huh?” nakatingala na aniya sa binata na mukhang nawe-werduhan na sa mga kinikilos niya.

“Are you sure okay ka lang?” tanong nito muli saka dinampot ang isa pang lata na nasa tabi nito saka iniabot sa kanya.

Nakatulala na iniabot niya ito saka ngumiti ng napakatamis sa binata na kumunot ang noo. Handa na sana siyang magpasalamat kaso may epal na tumawag kay Nich na mukhang kaibigan nito. Sayang ready pa naman siya sa mga sasabihin na.

“Nich! Bro. Let’s go. Galit na si coach.” tawag ng lalaki na may kulay silver na buhok. Pamilyar ito dahil palagi itong kasama ni Nich at kasama rin ito sa varsity.

Naghihinayang na tiningnan niya si Nich na higit-higit na ngayon ng kaibigan. Muling sinulyapan siya ni Nich na mukhang may gusto sabihin kaso ay hinila na ng lalaki na tinawag na Torrence ng isa nitong kasama. Nakatanaw pa rin siya sa exit ng grocery store hanggang sa tuluyan nang makalabas ang grupo ng mga ito. Kung hindi lang may kung sino na umakbay sa kanya ay hindi na siya gagalaw pa. Shook pa rin siya sa second encounter nila ng soon to be boyfriend.

“Hoy! Tama na iyan. Tulo na laway mo diyan.” Mabilis na inirapan niya si Rio na nakangisi sa kanya. Ewan ba niya kung saan-saan sumusulpot ang kaibigan.

Lumayo siya rito saka pinasadahan ng tingin ang itsura ng lalaki.  Naka-combat shoes pa rin ito saka naka-uniporme ng pang-militar. Tulad ng dati ay makisig ang itsura nito at lutang pa rin ang kagwapuhan ng lalaki. Hindi man nakilala ni Rio ang mga magulang katulad niya ay hindi maitatanggi na mayroong dugong foreigner ang lalaki dahil sa mamula-mula at moreno nitong balat at sa matangos at kulay asul na mga mata ng lalaki. Saying nga lang at hindi n anito nakilala pa ang mga magulang.

“Eww! Pawis na pawis ka!” reklamo niya sa binata na mukhang katatapos lang ng training ng mga ito sa crminilogy.

 Tulad niya ay nakatanggap din ito ng scholarship sa kursong criminology sa kaparehong uniibersidad. Nakabukod ang building ng mga ito pero madalas pa rin sila magkita lalo pa’t parang nakatatanda na kapatid na niya ito. Noong nasa ampunan pa lamang silang dalawa ay ito na ang palaging nagtatanggol sa kanya sa iba nilang kasama roon.

“Ang art emo! Pawisan rin naman ang Nich na iyon ah.” balik nito sa kanya saka siya tinulungan na magsalansan ng mga de lata na nalaglag kanina.

“Tsk! Pakialam mo naman.”

“’Sus! Kung magsungit parang ang tapang na sa harapan ng crush niya ah.” biro pa nito na ikinairap niya.

Matagal na alam ni Rio na crush niya si Nich dahil ito pa mismo ang nag-di-discourage sa kanya sa binata kesyo mayaman daw ito na hindi niya maintindihan dahil ano naman kung mayaman ito? Kesyo palikero na siyang ikinaiinis niya rito kasi feeling niya ay sinisiraan lamang nito si Nich sa kanya. Pero kahit anong inis naman niya kay Rio ay hindi naman niya matiis ito lalo na’t malaki ang itinutulong sa kanya ng binata.

“Inggit ka lang.” natatawang asar niya sa lalaki na biglang natahimik. Nag-alala tuloy siya kaya kinulbit niya ang lalaki na busy sa pagsasalansan ng mga de-lata, nang humarap ay tinaasan niya ito  ng kilay.

“Galit ka?” aniya na siyang ikinangisi nito saka tinakpan ang ulo niya ng towel nito na b**a ng pawis.

“Eww!” reklamo niya saka hinampas ito sa balikat na siyang ikinatawa nito ng malakas. Hindi na siya nahirapan pa sa pagsasa-ayos dahil tinulungan siya ni Rio.

Humihikab pa si Ashtrid habang naglalakad sa tagong parte ng parke sa likod ng pinapasukan na unibersidad. Alas-sais pa lamang ng umaga kaya napagdesisyunan niyang maglakad-lakad muna habang hinihintay na mag-alas syete. Maaga ang duty niya ngayon sa convenience store. Pero may ilang minuto pa naman siya para magtambay sa parke para hindi rn siya gaanong maburn-out. Naglalakad-lakad siya nang mapadaan sa isang lumang outdoor basketball court sa parke. Napatigil siya nang makilala ang grupo ng lalaki na naglalaro sa loob—Ang varsity player ng basketball team ng unibersidad nila. Kusang tumigil ang mg apaa niya at sinundan ang bawat galaw ni Nich na siyang may hawak ng bola at binabantayan ni Torrence na may ngisi sa mukha.

Walang harang ang court na pinalilibutan ng mga puno. Maliit lamang iyon at may nakalagay na karatula ng isang politiko at proyekto ng pagsasa-ayos ng court. Ngayon lang siya nagawi sa parte ng parke na iyon at hindi rin niya alam na totoo nga ang sinasabi ni Rio na may lumang half court nga raw roon kung saan nakikita nito ang grupo ni Nich na nagba-basketball. Akala niya ay inaasar lamang siya nito para pumunta roon.

Lumapit siya sa half court saka tahimik na nanuod sa naglalaro. Pawisan na si Nich nakasuot ito ng kulay navy blue na jersey. Maaliwalas ang mukha nito na may mga bahid na ng pawis. Bahagyang b**a na rin ang itim na itim at wavy na buhok ng binata dahil sa pawis. Ilang minuto pa siyang tumulala roon at pinanuod si Nich. Limang lalaki ang naglalaro na lahat ay pamilyar sa kanya. Mga kaibigan ito ni Nich na big time rin dahil sa kanya-kanyang profile ng mga magulang nito.

Wala sa sariling napangiti siya habang pinagmamasdan si NIch. Look at those biceps? And those o so wavy hair na bumagay sa mukha nito at those oozing sex-appeal? Aww parang bibigay na tagala siya sa tukso.

Sa pagkakatitig ay hindi niya napansin ang tumalbog na bola na papunta sa kanya. Ni hindi niya narinig ang pagtawag sa kanya nila Nich. Huli na para umiwas siya dahil mabilis na tumama sa ulo niya ang bola. Kaagad niya naramdaman ang impact ng pagtama ng bola sa ulo niya. Sa lakas ng impact ay natumba siya una ang puwet na siyang ikinangiwi niya dahil sa kirot. Wala sa sariling napahawak siya sa ulo na ipinalalangin niya na huwag bumukol.

“Shit!” rinig niyang ani NIch saka mabilis na dinaluhan siya sa lapag. Nakalapit na rin ang iba pang mga kalaro nito kanina sa puwesto niya.

“Let me see.” ani Nich saka hinawakan ang ulo niyang tinamaan. Siya naman ay biglang nawala ang sakit habang nakatingin sa seryosong mukha ng binata na ini-inspeksiyon ang ulo niya. Feeling tuloy niya ang pula-pula na ng mukha niya. Naamoy niya ang mabangong panlalaking pabango ng lalaki na siyang mas ikinakilig niya.

“Namumula ka. Are you okay? Or do you want me to carry you at the clinic.” tanong nito na wala sa sariling napatango siya na-realize lang niya ang sinabi niya nang akmang bubuhatin na siya nito.

“Ai, teka teka lang. Anong gagawin mo?” kunot noong tanong niya na siyang ikinatigil nito.

“Huh? I thought you need to check-up your head” anito saka matalim na tiningnan si Torrence na humahagihik sa tabi. Lumayo tuloy ang mga kasama nito sa puwesto nilang dalawa dahil sa dilim ng awra ng binata. Medyo natakot tuloy siya dahil baka magalit sa kanya ito.

“Whip.” rinig pa niyang bulong ni Torrence habang patawa-tawa na umupo sa bench sa kabilang parte ng puwesto nila.

Inalalayan siya ni Nich na umupo sa kalapit na bench. Saka siya inabutan ng tumbler nito. Parang tanga na tiningnan lamang niya iyon, hindi alam kung anong gagawin sa tumbler.

“Ano iyan?”

“Drink it para medyo mahimasmasan ka. How’s your head?” nag-aalala na tanong nito sa kanya na siyang ikinapula ng mukha niya. Feeling talaga niya bet din siya ni Nich. Medyo nahihiya lang siguro ito.

“Thank you.” pabebe na aniya saka walang hiya na ininom ang laman ng tumbler nito. The sweet taste of blueberry flavored smoothie exploded in her mouth. Umaliwalas ang mood niya habang sarap na sarap na tinitkman ang smoothie. Huli na nang mapansin na nakangiti na pinagmamasadan siya ni Nich. Nahihiya tuloy na ibinalik niya ang tumbler nito saka ngumit. Nakakhiya! Mamaya ay sabihin nito na patay gutom siya.

“Ang sarap. Thank you.” aniya na siyang ikinalawak ng ngiti nito.

“Thanks. I’m happy that you like it.” anito habang nagpupunas ng pawis sa tabi niya.

“Talaga? Ang sarap niya pwede kang magbenta niyan. hehehe.” awkward na balik niya trying to lift the tension between them.

“I’m Nich by the way.” Iniabot ng binata sa kanya ang kanang kamay.

“Huh? Hi! I-I’m…Ashtrid. U-Uhm I actually knew you.” Natatarantang aniya saka tinanggap ang kamay nito. Nakaramdam siya ng kuryente nang maglapat ang mga kamay nila na mukhang naramdaman din ng binata dahil pansin niya na natigilan din ito. Sinundan niya ang kamay nito na hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Ramdan niya ang init ng kamay nito sa kanya kaya ay namumulang binawi niya ang kamay. 

“Yeah?” kakamot-kamot na wika nito which somehow, she found amusing ngayon lang kasi niya napansin ang ganoong side ng binata.

“Wala naman ‘atang hindi nakakakilala kay Nich Wayne. Isa pa medyo sikat kayo kasi ‘di ba varsity ka?” wika pa niya.

“Ah, kaya pala. Ikaw rin iyong na sa convenience store last time, hindi ba?” bahagya siyang nagulat dahil hindi niya ini-expect na maaalala pa siya ng binata.

“Oo ako nga. Salamat nga pala huh. Hindi na ako nakapagpasalamat last time.” Ngiti niya sa lalaki na sinesenyasan na ng mga kasama nito na mukhang aalis na. Bakit ang epel ng mga kaibigan nito sa lovestory nila?

Nag-aalangan na sinulyapan siya ni Nich. She smiled widely. “Okay lang. Mukhang tawag ka na nila?”

Ngumiti nang alanganin ang binata saka tumayo at muli siyang tinitigan na siyang ikina-conscious niya. “Mauna na ako. Or papunta ka ba sa convenience store? Do you want me to walk you there?”

Mabilis na umiling siya. “Naku hindi na. Okay na ako. May hinihintay din ako eh. Iyong kaibigan ko.” pagsisinungaling niya. Hindi niya kasi kakayanin kung ito ang maghahatid sa kanya sa trabaho baka mapakasalan niya agad-agad ito.

Naka-ilang hakbang na ito nang muling bumalik sa puwesto niya. “Mag-isa ka lang dito. Mas okay siguro if sa bandang fountain ka nalang maghintay…just…just to make sure.”

Hindi na siya nakatanggi pa sa offer ng binata at dahil na rin sa ngiti nitong nakakatunaw.

And so far, it was the best walk she ever have with someone. Kahit na kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa binata na mukhang amused na amused sa mga walang kwenta niyang kwento. But at least she’s with him. And that she did have a chance to talk and make him smile.

///

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status