Share

Bruja

Hindi mahulugan ng karayom ang kalagitnaan ng plaza. Maraming taong pumalibot dito na nakikiusyoso sa mga nangyayaring naroon. Nagkamayaw silang makita at mapanood ang pangyayaring minsan lang masasaksihan sa buong bayan. At ito ay ang pagbitay sa isang mangkukulam.

Pinalibutan ng mga tao ang isang pinataas ng platapormang yari sa makakapal at matitigas na tabla. Sinadyang pinataas ito upang makita ng buong taong naroon ang ganapang iyon. Sinadya ring pinataas ang plataporma upang bigyang taas rin ang pagitan ng lupa sa bibitayin. Sa bandang likuran naman ng platapormang iyon,may isang posteng nakatirik na yari sa makapal at mahabang kahoy ng narra na pinakoan pa ng isa pang mahaba na posteng nakahiga sa itaas nito na lumampas sa kalawakan ng plataporma. May nakabiting makapal na lubid rin ito na may binuong pabilog sa dulo para sa ulo. Karaniwang ginagamit ang platapormang iyon sa pagbitay ng mga makasalanang tao gaya ng mga kriminal, rebelde at iba pa ngunit sa kaganapang yaon ay gagamitin ito sa isang mangkukulam.

Napilit kong naisama si Manuela upang masaksihan ang kaganapang iyon. Kinuyog ko siya kahit ayaw niyang nandoon kami at wala siyang nagawa kung hindi ay samahan ako. Umusad ako sa ilang mga taong nanood sa plataporma sa gitna upang makita ko nang mabuti ang masasaksihang pagbitay sa di umano’y mangkukulam. Nang makahanap ng maiging lugar, tumingin ako ng mabuti sa tatlong tao na naroong nakatayo sa platapormang nakaharap sa mga tao.

Ang isa ay lalaki na may kakisigan ang katawan. Nakasuot ito ng puting camisa at maitim na damit pang-ibaba na mataas. Nasa edad ko lamang ang lalaking iyon na sa kanyang tindig ay para itong isang alilang naatasan lamang roon. Ang isa naman ay nakasuot ng kasuotang pangmongha. Ang suot niya ay mahaba at makapal na tila na ang kulay ay kulay-puno na halos binalutan ang kanyang katawan at may makapal na kulay puting lubid ito na pinalibutan ang kanyang tiyan. Mapuputi na ang kanyang buhok na siyang mahahalata mong may katandaan na. Pango ang ilong at maangas ang kanyang noo. Mapagkakaila itong isang prayle, isang kayumanggi prayle dahil sa hawak nitong bibliya sa kanyang kaliwang kamay at sa tindig nito.

Ang isa naman ay pinagitnaan nilang dalawa. Nakatayo ito na may lubid na pinahigpitang itinali sa kanyang dalawang kamay. Ang kanyang ulo ay tinakpan ng maruming langgotse. Malalaman mong isa itong babae dahil nakasuot ito ng isang mahabang puting saya na may tapis na b**a at nababahiran na ng putik.

Hindi kalauna’y nagsimulang magsalita ang prayle sa mga taong naroon sa gitna ng plaza.

“Mga kababayan ko!,” anya sa harap ng maraming tao. “Ngayong araw na ito. Masasaksihan ninyo ang isang kaganapang hindi ninyo malilimutan! Matagal na tayong natatakot at nababahala sa mga ereheng mga mangkukulam na mga ito. Balitang-balita mula noon ang tungkol sa mga alagad ng diyablong mga ito. Isa sa ating kababayan ay nakaranas ng matinding pagsusuka ng mga uod at ibat ibang insekto sa hindi malamang dahilan at namatay ito nang walang dahilan. Ngunit, nalaman na namin ang dahilang iyon! Isinumpa siya! Isinumpa siya ng isang mangkukulam!,” wikang paririnig ng prayle sa mga taong naroon na tahimik na nakikinog sa kanya.

Nagpatuloy pa rin ang prayle sa kanyang pagsasaad.

“Mga mahal kong mga mamamayang taga Santa Barbara! Itong nasa inyong harapan ay ang mangkukulam! May nakasaksing isang mangangahoy sa mangkukulam na ito. Nasaksihan niya na sa isang gabi sa gubat ay nakita niya ang babaeng ito bagama’t madilim ay nakahubo’t h***d habang may hinahaplas na isang uri ng likido sa kanyang buong katawan. Walang kahit sinong anak ng Diyos ang humuhubo ng kanilang katawan sa kadiliman kung hindi ang mga alagad lamang ni Satanas! Agad naman itong isinumbong sa amin na agad naming idinunog hanggang sa madakip itong nasabing ereheng mamamatay taong mangkukulam na ito. At sa araw na ito, ibabalik na natin ang magkukulam na ito mula sa impyernong pinanggalingan niya sa paraang pagbitay,” ani ng prayle sa lahat.

“Claudio!,” pagtawag ng prayle sa isa pang lalaking naroon sa plataporma. “Ipakilala mo na sa lahat ang mukha ng mangkukulam!,”

At matapos masautos ng prayle yaon ay agad namang hinubad ng lalaki ang nakatakip ng langgotse sa mukha ng babaeng hindi umano’y mangkukulam. Doon matapos maihubad ang langgotse sa mukha ay laking gulat ng mga mamamayan sa  kanilang pagkakilala sa mangkukulam. Lahat ay nagbubulungan ng mailantad ang mukha nito na siyang hindi nila nakailang mangkukulam.

Ang mangkukulam gaya sa nawari ko ay isang babae. Umiiyak ito na siyang napagbasa sa kanyang mukha. Puno ng pasa at sugat ito sa katawan. Bukod rito ay napuputikan at nadudumihan ang kanyang suot na damit na nadungisan rin ng lupa ang kanyang pagmumukha.

Sa pagkalantad ng nasabing mangkukulam, iyon ay laking gulat naman ito kay Manuela. Hindi siya makapaniwala sa nakita niyang babae sa harapan at bigla niyang nasampit ang pangalan nito.

“Mariana,”

Nang marinig ko ito mula sa kanya ay nagtaka ako kung bakit nasampit niya ito.

“Kilala mo siya?” tanong ko sa kanya. Matapos ang ilang segundo ay kumibo sa aking katanungan si Manuela. “Oo, Carmela. Siya si Mariana. Minsan na siyang bumisita sa bahay. Binisita niya si....” ani niya na pinutol ang dulo ng binigkas nang may maalalang ikinagulat niya. Halos mangiyak ngiyak na siya nang maalala ang bagay na iyon.

“Carmela,” pagbatid niya at tumingin siya sa akin. “Kapatid ni Alana si Mariana,”

Nagulat ako sa binulalas ni Manuela. Ang mangkukulam umano ay kapatid ni Alana. Si Alana, ang alila mga Agoncillo. Ang babaeng alila na nakita ko sa daungan kasama si Tiyo Graciano. Ang pangalan ng alilang nagbabantay kay Carmelita. Ang alilang may pangalang Alana na walang iba kung hindi ang kapatid ng bibitaying mangkukulam. Nang magsimula na namang magsalita ang prayle, binalik namin ni Manuela ang aming pansin sa kanya.

“Tingnan ninyo ang mukha ng mangkukulam mga kapatid ko sa Diyos! Siya ay may pangalan! Si Mariana! Ang bruja ng Santa Barbara!,” ani ng matandang prayle sa lahat. Matapos marinig iyon ay nagsidamputan ng mga bato ang taong naroroon at walang awa nilang pinagbabato ang di umano’y bruha.

Umiiyak na lamang sa sakit si Mariana na halos nawawalan na ng tindig sa mga batong lumilipad patungo sa kanya. Sumasampit naman ng “bruja” ng paulit-ulit ang mga nambabatong tao sa kawawang babae. At kahit nagmamakaawang umiiyak ito sa kanilang harapan, hindi mapipigilan ng kanyang pag-iyak ang mapanghusgang madla.

Nang makita nang prayle ang nag-iinit na madla sa paglantad sa bruha, pinigilan niya ang mga ito sa pambabato.

“Mga kababayan! Huwag nating dungisan ang ating mga kamay sa maruming kaluluwa ng bruhang ito. Hayaan nating ihulog siya sa paraan ng hustisya ng Diyos!,” bulalas ng prayle sa lahat upang pigilan ang pambabato. Humupa at tumigil naman sa pambabato ang mga taong naroon ngunit hindi pa rin sila tumigil sa pagsampit ng “bruha” sa kaawa-awang babae.

“Ihanda na siya,” utos ng padre sa kasamang lalaki nang umhaon na ang pambabato. Kinuyog niya si Mariana palapit sa binilog na lubid at inilagay niya ito sa kanyang leeg.

“Hindi ako isang mangkukulam!,” umiiyak na sigaw ni Mariana sa mga tao. “ Wala akong pinatay. Wala akong isinumpa!,” dagdag pa niya. Ngunit ang buong madla ay hindi bumakas ng pagkaawa sa kanya. Hindi rin pinakinggan ang kanyang sinabi, sa pagtangging isa siyang mangkukulam. Umiyak na lamang siya buhat dito.

“Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno,” wika ng padre sa lahat. “Maglaan muna tayo ng isang dasal para sa ating bayan, para sa ating lahat. Sana ay bigyan tayo ng proteksyon ng Poong Maykapal laban sa mga diyablong kagaya ng mga ito,” ani pa nito sa lahat. Nagsimula siyang nagdasal sa lahat na sinabayan naman ng mga taong naroon. Hindi ko maisip na sa kabila ng pananampalataya ng mga tao sa Diyos ay magagawa pa rin nilang maniwala sa mga kabalbalang sabi-sabi kagaya ng pagkakaroon ng mangkukulam. At hindi ko rin naisip na isa pang prayle ang mangunguna sa ganitong mga kaganapan.

At sa kalagitnaan ng kanilang pagdarasal, biglang may umabat na isang lalaki sa ibabaw ng plataporma. “Huwag na nating patagalin pa ito! Bitayin na iyan!,” sigaw nito at galit na itinuro ang bibitayin. Natigilan ang lahat sa pagdarasal nang bumungad ang lalaki. Tutungo siya sana kay Mariana upang gawin ang pagbibitay nang pinigilan siya ng lalaking kasama ng prayle.

“Julio, bumaba ka na,” pagpigil niya sa lalaking tumambad sa kaganapan. “Pabayaan mo nang ang alagad ng Diyos ang magbibigay hustisya para sa iyong asawa. Huwag mong dungisan ng iyong kamay ng dugo niya,” wika niya na pilit kinukuyog ang lalaking umabat roon pababa. Kahit na buong lakas ang kasamahan ng prayle sa pagpipigil, nanlaban pa rin ang umabat na lalaki.

“Ano ang ginawa sa iyo ng asawa ko!?” pagalit nitong tanong sa bibitaying babae. “Walang ginawang masama ang asawa ko sa iyo! Bakit mo siya pinatay!?” dagdag pa nito sa kanya.

Walang maisagot si Mariana sa kanya kung hindi ay malubhang pag-iyak na lamang na parang hindi alam ang pinaparatang sa kanya.

“Halika na, Julio,” anya ni Claudio, ang kasamahan ng prayle, na malakas na ipinilit na ibaba ang naghihinagpis na lalaking si Julio. Naghihinagpis ito dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Namatay umano ito dahil sa kulam at ang pinaratangang may gawa nito ay ang nadakip at bibitaying si Mariana.

Hindi napigilan ni Julio ang kanyang sarili upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa kaya mula sa malakas na pagpigil ni Claudio sa kanya ay nakapiglas ito. Napigilan naman ito agad muli ni Claudio nang palapit na ito sa nakatayong bibitaying babae na nasa kanyang leeg ng ang lubid.

Kahit anong pagpigil ni Claudio kay Julio, nanlalaban pa rin ito nang nanlaban. Dahil sa pagdurusang pagkawala ng kanyang asawa ay hindi mapigilan ni Julio ang kanyang pagkagalit sa umano’y mangkukulam na may dahilan sa pagkamatay ng kanyang irog. Buong pigil pa rin si Claudio upang hindi malapitan ni Julio si Mariana kahit nanlalaban ito ng buong lakas sa kanya at hanggang sa nabundol nilang dalawa ang nakalubid sa leeg na bruha na siyang pagkahulog nito sa plataporma at ikinabitay nito. Halos naghumindik sa sigaw ang mga kababaehang naroon sa biglaang pangyayari. Paduyan-duyang nabitay si Mariana sa harap ng mga tao. Lumalaban ito sa pagkakahigpit ng lubid sa kanyang leeg. Buong kilos niyang pilit pagpumiglas at pagluluwag sa nakataling lubid ngunit wala itong nagawa sa halip ay isang nakakakilabot na tunog ang maririnig mula sa kanyang lalamunan. Nagpatuloy ang tunog na ito hanggang sa nguminig ang kanyang buong katawan at tuluyang binawian ng buhay. Dilat na dilat ang kanyang mga mata at nakauslit palabas ang kanyang dila mula sa kanyang nangingitim na bibig na habang paduyan-duyan pa rin siyang nabibitay.

Nang makitang nabitay at natiwakal na si Mariana, hindi na nanlaban si Julio mula kay Claudio.

“Mga kababayan ko,” pagsisimulang ani ng prayle matapos ang kagulat-gulat na tagpo sa harap ng mga tao. “Hindi natatapos sa kanya ang lahat ng ito! Ang pagiging bruha ay nananalaytay sa dugo. Alam kong mayroon pang mga kamag-anak ang bruhang ito na nandito sa ating bayan. Ang kamag-anak ng isang bruha ay mga bruha din dahil ang kadiliman ay dumadaloy sa kanilang pagkatao! Kaya upang mapuksa natin ng tuluyan ang mga ereheng ito, tulungan natin ang mga sibil at ipag-alam sa kanila ang mga kinaroroonan ng mga mangkukulam na mga ito! Damputin at ibalik natin sila sa impyernong pinananggalingan nila!,” bulalas pa ng prayle sa madlang naroon. At nang makaraang marinig ko ang isinumbat ng prayle sa lahat, naalala ko si Alana, ang kapatid ng namatay na bruha.

Hindi na ako nagpatumpik pa at kinuyog kong muli si Manuela paalis sa plaza at patakbong sumakay sa karwaheng aming sinasakyan. Pinasaringan ko ang kutsero ng iusad ng mabilis ang karwahe pauwi sa bahay.

Isa lang ang nais kong gawin at naisip sa pagkakataong iyon, hindi idulog sa mga sibil ang alila, kung hindi ay iligtas ito sa tiyak na kapahamakan.

Tahimik ang buong bahay ng nakabalik kami ni Manuela. Patakbo akong pumasok sa loob at agad kong tinawag si Alana.

“Alana!,” pasigaw kong pagtawag sa kanya. Tinatawag ko siya mula sa sala, sa comador, sa mga cuarto at hanggang sa cucina. Muli ko naman siyang tinawag ng buong pagsigaw nang hindi ito tumambad.

At sa pagkakataong iyon mula sa likuran ng bahay, mula sa bakuran, papasok sa cucina, tinugon ni Alana ang aking pagtawag. “Seǹorita?,” tugon nito sa akin upang malaman kung ano ang kailangan ko sa kanya. “Alana, makinig ka,” wika ko sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat upang pakinggan niya ako nang mabuti. “Umalis ka na rito. Pumunta ka sa mga kamag-anak mo at lumayo na kayo sa bayan,” ani ko sa kanya na may paghingal. “Bakit po?” nagtatakang tanong ni Alana sa aking sinabi. “Wala nang katanungan pa! Umalis ka na! Bago ka pa abutan ng mga sibil!,”pagpapaalis ko sa kanya.

Hindi pa rin mawari ni Alana ang buong pangyayari, at kahit na ganoon ay tumakbo siyang agad sa likuran ng bahay palabas. Malamang ay hindi niya naintindihan ang aking biglaang pagpapaalis sa kanya. At pagkaraan ng ilang saglit ay nagsidatingan ang mga guardia civil at kasama ang hepe sa bahay at hinahanap si Alana. “Nasaan si Alana Madrigal?” tanong sa amin ng hepe ng sibil. “Bakit po, seǹor?” pagmaang-maangan kong tanong sa hepe. “May palutuntunan kami mula sa simbahan na dakpin ang mga kamag-anak ng bruha. May nakapagsabi sa amin na dito nagtratrabaho bilang alila ang isa sa mga kapatid ng bruha na nagngangalang Alana Madrigal,” pagsagot naman ng hepe sa aking katanungan. “Naku, matagal nang wala si Alana rito, seǹor. Hindi namin alam kung nasaan siya ngayon,” anya ni Manuela upang ako’y tulungan sa pagkakataong iyon.

“Ano ito!?” wikang pagtambad ni Tiyo Graciano nang makita kaming may kausap na mga sibil. Mula sa pintuan ng bahay ay lumapit si tiyo sa hepeng kaharap ko. Binigay naman agad ng hepe ang isang papel palatuntunan sa kanya at inilupi niya ang papel na nabasa.

Ignorante!,” sambit niya matapos m****a ang nakasulat na palutuntunan. “Walang mga mangkukulam sa bayang ito! Pawang mga kathang isip lamang ang mga ito! Hindi ko inakalang ang simbahan pa ang nangunguna sa mga bulaang ito!,” dagdag pa ni Tiyo Graciano na may bakas ng galit sa timbre ng kanyang pananalita.

“Seǹor,” malumanay na sagot ng hepe sa aking tiyuhin. “ Ayon sa palutuntunan, kailangan namaing dakipin ang mga kadugo ng mga mangkukulam at napapabalitang nandito sa inyong pamamahay ang isa sa mga kadugo nito,”

“Sino!?”

“Alana Madrigal ang kanyang pangalan, seǹor,” sagot ng hepe kay Tiyo Graciano. “Si Alana?” pagkagulat ng aking tiyuhin sa kasagutang ibinigay ng hepe sa kanya. “Hindi maari iyon. Matagal nang naninilbihan rito si Alana. Siya ang nagbabantay sa aking bunsong anak. Wala naman nangyaring masama sa aking pamilya nang nandito siya. Kaya isang malaking pagkakamali ito! Isang kahibangan!,” wika na aking tiyuhin. “Ngunit, seǹor,” pagtitigas ng hepe. “Wala kaming magagawa. Utos ito ng simbahan at ayon sa ipinag-utos ni Padre Paterno, ang mga nagtatanggol sa mga ito ay mamamarkahang mga erehe ng simbahan. Kaya kung ayaw ninyong makakarating ito sa simbahan, pabayaan mo kaming dakiping ang nasabing kamag-anak ng bruha,” wika ng hepe na may bahid ng pagbabanta sa aking tiyuhin.

Mula sa sinabi ng hepe, hindi nakapagsalita si Tiyo Graciano. Wari ko ay ayaw niyang maging erehe ang pagtingin sa kanya ng mga taga bayan lalong lalo na sa kanyang pamilya. Alam niya na kapag mangyari ito, iyon na ang ikakabagsak ng kanyang negosyo at ikasisira ito ng kanyang buong pamilya. Kaya wala siyang nagawa buhat nun nang ipinag-utos ng hepe na halughugin ang buong bahay niya upang hanapin ang alilang si Alana. Agad namang tumugon ang mga kasamang sibil at binulabog ang buong kabahayan. Nakapagkapit sa aking bisig si Manuela sa mga kaganapang iyon na tila natatakot sa mga mga kaganapan. At nang walang makitang alilang si Alana, agad bumalik ang mga sibil upang ibigay alam ito sa kanilang hepe.

“Nakatakas na siguro iyon,” wika ng hepe nang malamang wala na si Alana sa bahay. “ Sige, hanapin niyo sa buong paligid. Hindi pa iyon nakakalayo!,” pag-utos niya sa mga kawal ng  bayan na agad namang tumugon at umalis palabas.

“Seǹor,” ani ng hepe kay Tiyo Graciano. “ Kung babalik si Alana rito, ipagbigay alam niyo ito agad sa amin. Kailangan nating madakip ang mga salot na ito,” dagdag pa niya. Hindi sumagot si Tiyo Graciano sa kanyang paalala. Napamahal na sa kanya ang mga alila sa bahay kahit nagsisilbi lamang ang mga ito sa kanila kaya kahit bumalik man rito si Alana, hindi niya magagawang itambong siya sa mga ito lalo’t alam niyang mapapahamak ito.

Matapos paalalahanan ang aking tiyuhin ay tumuloy na sa paglabas ng bahay ang hepe. Napabuntung-hininga siya nang lumabas na ng tuluyan ang mga sibil sa kabahayan niya.

“Pagpasensyahan mo na ang pangyayaring ito, Carmela,” paghihingi niya ng danyos nang mapansin niya akong nasa kanyang paligid. “Sadyang napakahigpit ng bayang ito sa mga ipinatutupad ng may mga katungkulan,”

“Nauunawaan ko po, tiyo,” ani ko naman sa kanya kahit alam ko na hindi dapat siya humingi ng despensa dahil wala naman siyang nagawang kamalian sa akin. “Mabuti at nakatakas si Alana bago pa man dumating ang mga sibil,” maasang napawika si Tiyo Graciano. “Hindi ko kayang makitang nagdudurusa sa isang kahibangan ang isang inosenteng taong wala namang nagawang kasalanan,”dagdag pang wika ng aking tiyuhin.

Hindi kalauna’y bumungad papasok ng bahay si Tiya Dolores. “Manuela! Carmela!” pagtawag niya sa amin nang papasok pa siya kasama ang bunsong si Carmelita. Nang makita niya kaming dalawa, bigla niya kaming niyakap at naramdaman ko ang buo niyang pag-aalala.

“Mabuti at nasa maayos kayo. Galing kami sa bayan at malaman ang mga pangyayaring sumulong rito ang mga sibil,” wika ni Tiya Dolores sa amin. “Nang malaman yaon ay agad akong umuwi at nag-alala sa inyo at baka may masamang nangyari na,”

Napaupo laman si Tiyo Graciano sa kalapit na silyang yari sa matigas na yakal.

“Talaga bang bruha si Alana, Ciano?” tanong ni tiya sa kanyang asawa. “Ano ka ba Dolores,” ani Tiyo Graciano. “Alam mo naman matagal nang naninilbihan sa atin si Alana. Siya pa nga ang nagbabantay palagi kay Carmelita. Wala namang nangyaring masama sa atin kaya alam nating hindi iyon totoo,” pagsagot ng aking tiyuhin. Bakas pa rin sa mukha ni Tiya Dolores ang hindi kumbinsido.

“Bakit ang kanyang kapatid na si Mariana, isang bruha. May nakakita sa kanya sa gubat,”

“Dolores,” anya ng aking tiyuhin sa kanyang asawa. “Ang mga mangkukulam na mga iyan ay pawang mga kathang isip lamang nga mga tao. Hindi totoo ang mga iyan. Hindi dapat tayo maniwala sa mga ganyan. Paparusahan tayo ng Diyos,” sagot lamang ni Tiyo Graciano kay Tiya Dolores. Hindi parin nagbago sa mukha ng aking tiyahin ang hindi pagkakumbinsido at binato na naman niya ng isang katanungan si Tiyo Graciano.

     “Kung paparusahan tayo ng Maykapal dahil sa naniniwala tayo sa mga bagay na iyan, bakit naniniwala si Padre Paterno sa paniniwalang totoo ang mga ito na isang alagad ng Diyos,?

At walang maibigkas na sagot ang aking tiyuhin sa katanungang gumugulo sa isip ni Tiya Dolores.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status