Share

Isang Samahan

Sinag Araw

Malalim na ang gabi ng naglakbay kami ni Padre Paterno patungo sa Maynila. Naitanong ko naman sa kanya kung bakit sa ganitong oras pa niya naisipang magtungo roon. Ang isinagot lamang niya sa akin ay may dadalawin lamang siyang isang mahalagang pulong. Hindi naman ako nagtanong muli sa kanya. Naisip ko na marahil isa itong pulong sa simbahan. Alam ko naman na sa isang kura na kagaya ni Padre Paterno, may mga araw rin siya kung magpupunta sa isang kapulungan na mag ukol sa simbahan.

Narating na namin ang Maynila. Una ko itong salta sa lugar na ito kaya namamahangha ako sa malawak at magandang pook na iyon. Kahit gabi na, may mga tao pa ring abala sa kanilang mga ginagawa. May mga nadaanan kaming mga kababaihang nagtatabako sa isang madilim na gilid ng kalye. May mga lasing pa kaming nadaanan na naglalakad. May mga bukas pa ring tindahan roon na may mga mamimili pa sa mga ganoong oras. Mayroon ring mga naglalakbay na karwahe sa da

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sheryl Mae Florida
pabasa pa po ako....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status