Share

Muling Pagkikita

Gaya nang napagtantuhan ni Manuela, dapithapon na nang makauwi kami sa bahay. Maraming gulay at mga sangkap ang pinabili ni Tiya Dolores sa kanya kaya natagalan kami sa pamilihan. Bawat isa sa amin ay nagdala ng buslo. At nang makarating at makauwi, may nakahintong karwahe sa may tapat ng bahay. Yaon may dumating yatang panauhin si Tiyo Graciano na hindi mapapagtakhan dahil isang maimpluwensiyang negosyante ito. Nang huminto ang aming karwahe ang silong ng bahay, pumasok agad kami ni Manuela dala ang buslong may mga laman ng mga pinamili namin. Nagtungo kami sa cucina kung saan naghihintay ang tagapagluto na si Soyang at ibinigay namin sa kanya ang mga gulay at sangkap na aming binili. Nang maibigay at mailagay sa mesa ng cucina ang mga buslong dala namin ni Manuela, bumalik kami sa sala at nakita namin roon ang isang binatang lalaki na nakatayo malapit sa silid-aklatan ng bahay.

“Ginoong Edurado?” ang aking nasampit nang makilala ang lalaking

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status