Share

Isang Pagdiriwang

Maraming tao ang naroon sa umagang iyon sa bahay ng mga Ramirez. May nagsidatingang mga magagagarang karwahe ang pumarada sa tapat ng bahay nila. Ganoon na lamang ang mga tao roon dahil ginugunita ang ikalimampung taon ng kanilang pagawaan ng tabako na siyang nagpaluho sa pamilyang tinaguriang maimpluwensiya sa buong bayan ng Santa Barbara.

Dumating kami sa pagdiriwang na iyon ,kasama ang pamilya ng aking Tiyo Graciano buhat sa dalawang karwahe. Gaya ng mga naunang araw, magkasama kami nina Manuela, Carmelita at Tiya Dolores sa isa sa mga karwaheng nagdala sa amin sa bahay ng mga Ramirez.

Malaki, malawak at yari sa bato at konkreto ang buong bahay. Pinalilibutan rin ito ng ibat ibang halaman sa gilid. May ikalawang palapag  rin ito na purong yari sa bato at konreto. Mayroong nakabiting mga magaganda at makulay na kurtina sa bawat bintana sa itaas ng bahay.

Puno ng tao ang silong ng bahay na ang mga tao ay labas-pasok

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status