Share

Silabhiyaw

Marahil ay lubos nabighani ang Amang Bathala sa kagandahang hatid ng buwang sumisibol sa makarimlang kalangitan kaya naging mahinahon ang buong Look ng Nawaan. Ang mga malalakas at rumaragasang mga alon na karaniwang makikita sa yaong look ay tila nakakapanibago ang kalumanayan, kahit pa man sa ritmo ng mga along ito'y bumabayo sa paligid ang malakas na hanging amihang hatid ay nakakahindik na lamig na animo'y malalambot na mga kamay kung humahaplos sa sinumang balat na makakaramdam. Batid tunay at nangilabot si Anok sa 'di pangkaraniwang bungad na ito ng look. Kung kaya, habang sumasagwan siya sa sinasakyang bangka ay hindi mapigilang umusbong sa isipan niya ang magtaka kung bakit ganoon kabanayad ang asal ng napuntahang anyong-tubig na siyang taliwas sa mga naririnig niyang mga nakakagimbal na mga kuwento mula sa mga taong nakapaglayag na sa bahaging iyon.

"Mukhang pinagpala tayo ni Amang Bathala ngayon mga kasama," imik ng isa mga kasama ni Anok habang nakaupo sa may giliran ng ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status