Share

Pahina

Dumaloy ang dugo mula sa aking dalawang daliri. Kakulay ito ng rosas. Dahan-dahan itong dumadaloy mula sa aking daliri mula sa sugat na dulot ng tinik. Di kalauna’y bumalik ang dumaloy na dugo ko pabalik sa sugat sa aking dalawang daliri. Pagkabalik ng dugo sa sugat ay humilom bigla ang sugat na para bang hindi man ako natinikan. Bumaba ako mula sa aking cuarto, lumabas ng bahay at nagtungo sa hardin upang alamin ang kasagutan sa aking mga katanungan. Hinanap ko roon ang halamang itinuro ng aking ina. Ang halamang namumulaklak ng kanyang itinatanging bulaklak, ang rosas. Nakita ko ito sa gawing gilid ng isang sulok sa hardin. Hinahalughog ko ang halaman nagbabasakaling may makita roon na siyang itinuro ng aking ina sa akin.

“Tayo na Carmela. Baka gabihin tayong makauwi,” pag-aanyayang umalis ni Manuela sa akin. Sabay kami umalis sa hardin patungo sa silong ng bahay kung saan naghihintay ang karwaheng aming sasakyan. At pagkasakay namin roon ay agad umusad ang sinasakyan naming karwahe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status