Ang tunay na pangalan ng Tinig Adarna, ang bagong kasapi ng La Indio Independiente, ay hindi Mateo Vicente kagaya ng pagpapakilala niya sa lahat. Hindi rin siya kapatid ni Damian Vicente, batay sa pagkilala ng mga kasapi sa kanya. Muli namang bumalik sa alaala ni Julian ang gabing tinutukoy ng dating maestro. Naaalala pa niya ang mga pamamaalam nito sa kanya--ang nobelang binabasa niya noon--at maging ang nakakagulat na bagay na nakita niya sa maestro sa gabing iyon ay sumulpot din pabalik sa kanyang alaala.Ang totoo, siya ay isang tunay na babae at nagpanggap lang bilang isang lalaki para makapasok sa lilim ng tagong kapatiran ng mga ilustrados. Siya ay Adelaida Vicente y Benitez, ang dalawampu't apat na taong gulang na biyuda nang nasirang si Damian Vicente, ang Tubong Ilokano at ang pinuno ng nabigong himagsikan sa bayan ng Nueva Seguida.At kasabay ng bumayong malamig na hangin, muling bumalik sa pagiging uwak ang nakatalukbong itim na babae. Mulang dinakip ng mga kawal ng guardia
Lumiliwanag sa pula ang kanyang mga mata. Tila nabubuhay rito ang apoy na parang lumagalablab. At nang kumidlat muli, nakita ko ang kanyang mukha. Isa itong ordinaryong tao sa kanyang tindig at pananamit. Hindi ko alam at papaanong lumaki ng ganoon ang pagngiti ng aking labi. Napakasaya ng puso ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko mailarawan ang kasiyahang bumalot sa aking pagkatao na sa kaunaunahang pagkakataong bilang isang dalaga ay nakadanas humalik sa isang makisig na binata ngunit ang nakikita kong dahilan sa aking damdaming iyon ay ang mailabas ko ang tunay na aking naramdaman sa nag iisang taong aking minamahal.“Nasaan sina Ikaapat, Ikaanim at Ikawalong Sinag?” tanong ng prayle sa mga kasamahang naroon sa mesa nang makitang may tatlong bakanteng upuan roon. “Pinaabot ni Ikaapat na Sinag ang kanyang paghingi ng paumanhin sa inyo, Unang Sinag. Marahil ay patungo na siya rito,” wika ng isang matandang lalaking may mahabang bigote.Napansin ko na sa nagdaang oras ng aming paglalakba
Bukod sa pagiging kasapi niya sa kuta ng Tatag Bato, isa rin si Sarhento Loreto sa mga ilustrado na kawani ng La Indio Independiente, isang kapatiran ng mga reformista at propagandista,kung saan nakilala siya sa bansag niyang Batong Kawal. Habang kinukuyod ni Raul ang dalang kawayan para magpalalim, si Clara naman ay itinatanim na sa lupa ang mga tuyong buto ng mais. Siya ang namagitan sa pagkakaugnay ng Tatag Bato at La Indio Independencia sa isa't isa, kahit ang dalawang kapatiran ay may malayong pagkakaiba sa ginagamit na mga pamamaraan sa pag-abot ng hangarin nilang matapos ang baluktot at maalipusta na pamahalaan ng mga dayuhang Kastila sa buong lalawigan. "Kailangan kong makitang ligtas ang aking ina at ang tatlo kong mga kapatid. Walang ibang ginagawa ang mga Kastilang sibil sa bayan kundi pasakit at pagpapahirap.At sa huling banda ng lamesa ay naroon ang dalawang pinuno ng mga tulisanes sa bayan ng San Vicente, ang magkapatid na Lazrena na sina Calimo Lazrena, tatlumpu't anim
Maulan sa ganing iyon. Papauwi na noon ang mag-amang Armando at Julian Guevarra sakay nang isang karwahe. Buong akala lamang nila noon ay siniyasat lamang sila ng mga kawal na karaniwang ginagawa tuwing gabi, ngunit isang malakas na putok ng baril ang yumanig bigla na siyang gumuluntang kina Julian at ang ama niyang si Don Armando Guevarra na nasa loob ng karwahe. Mga ilang sandali pa'y bumulwak na lamang bigla ang pintuan ng sinasakyan nila at dito'y laking gulat ng mag-ama na tumambad roon ang dalawang lalaking nakamaskara na parehong nakasuot ng damit pangkawal ng mga guardia civil. Tinutukan sila ng mga hawak nitong mga rebolber o maliliit na baril sabay pagpilit na pagpapalabas sa kanila ng karwahe. Agad namang lumabas ang mag-amang Guevarra pagkatutok ng mga baril sa kanila, at pagkalabas ay walang anu-ano'y bigla na lamang tinadyakan at ginulpi ng dalawang lalaki si Don Armando. Walang nagawa si Julian dito kundi ang umiyak lamang ng malakas habang napapanood ang walang humpay
"Mga mahal na hukom," ang pagsasalitang muli ng nakatayong abogado. "Tago mang umiiral ang kapatiran ng mga nasasakdal, ngunit hindi ibig sabihin nito na nagluluto na ng pag-aalsa ang kapatiran laban sa pamahalaan. Sa halip ay tumutulong pa po ito sa mga mamamayang Pilipino sa Ilocandia na salat sa usaping pang-edukasyon at legalidad. Sila rin ay nagkakawang-gawa sa mga taong talagang nangangailangan ng anumang uri ng tulong nila. Kaya, maliban sa mga dokumento na aking ibinigay po sa inyo ay may mga testigo rin kaming dala ngayon na magpapatunay sa mga mabubuting bagay na nagawa ng kapatirang ito," paglalahad ng abogado sa mga dala umano niyang mga testigo.Hindi agad nakasagot si Padre Mariano sa katanungang iyon ni Padre Agustin. Hindi naman niya talaga alam ang buong kuwento. Buhat pa kasi nung una siyang mabalitaan tungkol nito, lagi na niyang itinatanong sa sarili kung bakit o talaga nga bang magagawa ni Hen. Ramon Trinidad ang magpakamatay. Matagal na kasing magkakilala sina Pad
Nadinig na lang bigla ni Anastacio na umingay ang pintuang gawa sa bakal ng kanyang kulungan kaya naputol ang mga pagmuni-muni niya sa may bintana. Mula sa mataginting na pagkuha ng kandado at kadena ay maluwang na bumukas ang pintong ito at paglingon niya'y pumasok mula roon ang dalawang kawal ng guardia civil na agad niyang nakikilala dahil sa mga suot nilang karaniwang uniporme na kulay asul derandilyo.Nang madaanan na ang malaki at batong tarangkahan, dito lang niya nabatid na nakarating na siya sa Fuerte de San Nicolas. Nagpatuloy lamang ang kanyang karwahe sa pag-usad, papasok sa pook-tanggulan, at mula sa tarangkahang ito ay nagpatuloy ang karwahe papuntang kanluran kung saan naroon ang gusali ng Tribunal de Oficio Ilocandia na siyang lugar na pagdadaosan ng paghahatol. Pagkarating ng karwahe sa silong ng batong gusali ay lumabas agad ang Bastong Loro dito at nagmamadaling pumasok sa loob. Pagpasok niya sa maluwang na entrada ay narating ni Andracio ang malaking pasilyo ng pinu
Naisipan ni Agapito na makipag usap sa akin. Dinala ko siya sa kalapit na bahay inuman upang doon ako makikipag usap. Ginawa ko iyon dahil ibig kong hindi makita sa mga alagad ng aking ama. Pagkarating ko sa bahay inuman ay nandoon siya sa isang lamesa at nakaupo habang sinisigop ang isa tasang kape. Inusisa ko muna ng maagi ang bawat paligid na baka isa itong patibong. Isang sinag si Agapito at ang pangunahing adhikain ng kanyang organisasyon ay ang patayin ang mga bampira. Isa akong bampira kaya hindi ako dapat maging kampante at basta-bastang magtiwala sa kanya.Nagpahayag naman si Fernando Valenzuela sa kanyang puna sa mga sinabing iyon ni Ginoong Asuncion. "Buo ang tiwala kong hindi tayo ilalaglag ni Don Condrado. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Pablo. Hindi ka nauubusan ng papuri sa akin,” natutuwang anya ng aking tiyuhin sa binata. “Talaga pong tiyak ang aking sinabi, Don Ciano,talagang magaganda ang mga dilag na nasa aking harapan ngayon,” wika ni Pablo na may pangiting tingin kay M
Sinamahan ko si Manuela sa kanyang pagpunta rito. Naatasan siya ng kanyang ina upang mamili ng mga sangkap na kakailanganin para sa nalalapit a hapunan. Kahit may mga alipin na maaring utusan,hindi ninais ni Tiya Dolores na hindi makagawa ang kanyang dalagang anak ng mga kadalasang ginagawa ng mga babae.Tumingala ako sa may nakasabit sa tindahan. Isang hindi sinindihang lampara. Tinitigan ko ito ng mariin at bigla itong sumindi at umapoy. Kumain ako agad pagkatapos kong magluto. Bilang pasasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap, nagdasal muna ako bago ako kumain.Nanais ko namang sumama sa kanya upang ako’y makapaglibot sa bayan. Marami akong nakikitang mga dayuhang nagtitinda rin doon. May mga Instik, Arabo, at Indiyanong nagtitinda sa paligid. Ang mga paninda nila ay mga tela, palamuti, korales, mga perlas at mga mahahaling porselana at mga lagayan.Kinalakihan ko na ang pagiging madasalin sapagkat laki naman talaga ako sa simbahan. Sumasabay ako sa mga prayle sa kanilang pagdarasal