Nagising ako nang may dumampi sa aking mukha na kung ano. Pagtingin ko ay isang nahulog na dahon.
Nakatulog pala ako...
Pagtingin ko ng oras ay nanlaki ang aking mga mata.
Alas dos na ng hapon?!
"Nalintikan na, oh," bulong ko sa sarili.
Napakamot na lang ako sa aking buhok.
Sigurado kasi ako na bunganga na naman ni Mama ang bubungad sa akin!
Dali-dali akong nagpara ng tricycle para makauwi agad.
Lagot talaga sa akin mamaya si Tenshi! Ni hindi man lang ako ginising at hinayaan pa ako matulog.
"Saan, miss?" tanong ng driver.
"Sa kanto lang," wika ko rito.
"Ay, may aksidenteng nangyari roon pero may iba pa namang daan," saad niya.
Nangunot ang noo ko. "Hindi na. Ayos lang, ide-deretso mo na lang."
Utot mo! Akala siguro niya ay hindi ko mahahalata ang ganoong mga galawan. Halata naman sa mga pananalita niya ang hindi mapagkakatiwalaan.
Wala pa kami sa kanto ay agad na akong bumaba dahil sa traffic at dahil na rin nagpupumilit itong driver na 'to na sa ibang daan na lang daw kami dumaan.
"Excuse me po," wika ko sa taong nagkukumpulan.
"Ay, ano ba 'yan?!" sigaw sa akin ng babae.
Nag-sorry na lang ako rito kahit na deep in side ay gustong-gusto ko ito tarayan din dahil hindi naman ako ang nakadanggi sa kaniya.
Paglagpas ko sa kumpulan ng mga tao ay bumungad sa akin ang SOCO.
"Ma'am, bawal po rito," wika ng isang lalaki na parte ng SOCO.
"Dadaan lang ho ako. Sa kabilang daan po kasi ang papunta sa bahay ko," paliwanag ko sa kaniya.
"Doon na lang po kayo sa gilid, ma'am," saad niya at tinuro ang daan.
Nagpasalamat naman ako sa kaniya.
Hindi naman ako natagalan na dumaan sa gilid dahil wala masyadong kumpulan doon, hindi tulad sa rinaanan ko kanina.
Paglapas ko ay tuloy-tuloy akong naglakad ng tahimik. Gusto ko pa nga sana sumayaw-sayaw habang naglalakad pero baka isipin ng mga makakakita sa akin ay isa akong abnormal.
Natigilan ako matapos makita ang isang naparaan na multo. Nang makita niya na tumingin ako sa kaniya ay agad niya akong nilapitan.
"Nakikita mo 'ko?!" gulat na sigaw niya.
Napatakip naman ako ng aking tainga dahil sa tinis ng boses niya.
"Shut up!" I shouted.
Natigilan ako nang mapatingin sa akin ang mga taong napaparaan.
Bumuntong hininga ako.
Come on, Avi. Act like you didn't saw anyone.
Tuloy-tuloy akong naglakad ngunit agad din nito akong hinabol na kinatigil ko.
"Bakit ba?!" bulong na sigaw ko sa kaniya.
"Kilala mo ba kung sino ako?" tanong niya.
I tilted my head. Siya 'yong babae na nakita ko sa aksidente kanina, ah? Kaya naman pala mukhang bagong-bago kaluluwa siya.
"Patay ka na," wika ko rito.
"Ano?! Hindi 'yan totoo," saad niya sa akin.
Pinitik ko ang aking daliri at doon naman lumabas si Tenshin.
"Nandito ka lang pala!" sigaw ni Tensin at dali-dali na linabas ang pinto.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay mas giginhawa na ang buhay niya.
"Ayaw ko pa!" sigaw ng babae ngunit wala na siyang nagawa pa.
Natawa ako matapos isara ni Shi no Tenshi ang pinto.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala ka bang pasalamat sa akin?" Proud na tanong ko.
"At bakit naman?" Naguguluhan na tanong niya.
"Kun'di dahil sa akin, hindi mo mahuhuli 'yong babae. Mukha ngang nahirapan ka pang kunin ito, e," pang-aasar ko.
"Tsk!" singhal niya at agad na naglaho na parang bula.
Napasimangot na lang ako. Kahit kailan talaga ang taas ng pride niya! Hindi man lang marunong magpasalamat.
"Ay, naku!" bulong ko sa sarili nang maalala na kailangan ko na pala umuwi.
Nang makarating sa bahay ay halos nagdadalawang isip ako na buksan ang pinto dahil hindi ko alam ang bubungad sa akin pagbukas ko.
Maaari kasi na flying tsinelas na naman ang sumalubong sa akin o mas malala pa...
Bumuntong hininga ako. "Kaya mo 'yan, self."
Dali-dali kong binuksan ang pinto at agad na pumikit.
"Buksan mo nga 'yang mata mo. Nagmumukha kang tanga," wika sa akin ni Ate.
Napasimangot naman ako dahil doon at saka sinara ang pinto.
"Alam kong tanga ako pero huwag mo naman ipamukha," sabi ko sa kaniya.
"Oh, buti naman alam mo," saad niya na may halong pagkakasarkastiko.
"Nasaan si Mama?" tanong ko sa kaniya kasi wala man lang bumungad na rap sa akin.
"Pumunta sa kabilang bayan. May kailangan daw bisitahin sa hospital," paliwanag niya.
Agad naman akong napalapit kay Ate dahil sa kursyudad.
"Sino naman 'yon, Ate?" tanong ko ulit.
"Aba'y malay ko! Pero narinig ko, mukhang anak yata ng kumare ni Mama," wika ni Ate.
Nahampas ko naman si Ate sa kaniyang balikat ngunit hindi naman ganoon kalakasan.
"May pagka-chismosa pala, Ate, ha," pang-aasar ko sa kaniya.
"Che! Manahimik ka riyan. Huwag ka maging panatag dahil pagdating ni Mama ay raratratin ka na naman diyan," wika sa akin ni Ate.
Napasimangot naman ako. "Bente kwatro anyos na ako pero under pa rin ako ni Mama."
"Siyempre naman. Hangga't nasa puder ka ni Mama, under ka talaga niya. Hayayaan ka lang niya sa buhay mo kapag may nahanap ka ng asawa mo," paliwanag sa akin ni Ate.
I looked at her with disgust on my face.
"Ew! Asawa? Sino nagsabing mag-aasawa ako?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa sofa at saka pinag-cross ang mga legs.
"Sige. Ihanda mo na 'yang tainga mo na mabingi sa lifetime na pagra-rap ni Mama," Natatawang wika ni Ate sa akin.
Napailing-iling na lang ako dahil doon at kahit papaano ay natawa na rin.
"Nasaan nga pala si Seya?" Ngunot-noo na tanong ko.
"Nasa taas," saad niya.
Napatango-tango ako at matutulog sana ulit sa sofa nang may maalala.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto nila Ate.
Pagpasok ko ay nanlaki ang aking mga mata nang makita na sa tabi ni Seya ay nakaupo ang anino.
"Huh!" bulong ko dahil matapos kong pumikit ay agad na naman itong nawala.
Minsan parang ayaw ko na lang talagang pumikit.
Dali-dali akong tumabi sa bata at saka ni-check ang temperatura niya.
Mabuti na lang at hindi nilalagnat si Seya...
"Sino ka?!" matapang na sigaw ko ngunit sakto na para hindi magising si Seya at hindi marinig ni Ate na nasa baba.
"Magpakita ka!" utos ko rito.
Ngunit kahit anong sigaw ko ay walang nagpapakita na kahit anino.
"Huwag mo lang talagang subukan saktan ang pamangkin at ang Ate ko kun'di malalagot ka sa akin!" pananakot ko pa rito.
Natigil lang ako sa pagsigaw nang maramdaman na gumalaw si Seya agad ko itong niyakap at tinapik-tapik upang makabalik ulit siya sa kaniyang pagtulog.
Dahil na rin sa lambot ng kama nila Ate ay mabilis din akong nakatulog.
Nagising lang ako nang tapikin ako ni Seya.
"Tita Vivi, dinner is ready," she said and smiled at me.
I smiled too and kissed her forehead.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya nang makita ang isang ngunot sa kaniyang noo.
"Did something happened, Tita?" she asked.
Umakto ako na nag-iisip. I hummed. "There's nothing happened. Why?"
"Because you only kiss me on the forehead when something happens or when it needs to," she said.
I laughed and pinched her nose. "I just love you, okay? That's why I can't stop kissing you on your forehead."
She scrunched her nose that made me laugh and later on, the room was filled with laughter.
Natigilan lang kami sa pagtawa nang ituro niya si Mama na nasa pinto.
"Kain na," wika niya.
Tumango naman ako at kinuha si Seya.
Ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway dahil sa kaba.
Jusko! Sana naman kahit ngayong gabi lang ay hindi ako makarinig ng rap ni Mama.
Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit niyang lines. Wala na bang bago?
Nagtaka ako dahil habang kumakain kami ay wala pang rap si Mama sa akin.
May nangyari bang kung ano sa pinuntahan ni Mama? Bagsak din ang balikat niya...
Gusto ko man siya tanungin pero baka rap lang ang isagot niya sa akin.
Hinayaan ko na lang siya na ganoon kahit na hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kaniya.
Tahimik ang lahat habang nakain hanggang sa matapos. Ako na rin ang naghugas dahil ako rin naman ang naka-schedule.
Nang matapos ako maghugas ay agad lumapit sa akin si Kuya.
"Anong mayroon kay Mama?" tanong nito sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam. Pagdating niya galing hospital, ganiyan na ang mukha niya."
"Sa tingin mo ay may nangyaring masama ba?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko 'yan masasabi..." bulong ko.
Sinundan ko si Mama papunta sa kaniyang kuwarto para sana kausapin siya ngunit natigilan ako nang marinig ang usapan nilang dalawa ng kumare niya.
"Sana gumaling siya, mare," wika ni Mama.
"Isasama ko sa dasal ang anak mo," pahabol pa niya.
Tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa kuwarto ko matapos ko iyong marinig.
Sino naman 'yong tinutukoy ni Mama?
Pinitik ko ang aking kamay at agad na lumabas si Tenshin.
"May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin.
"May bago ka bang nakolekta na kaluluwa ngayong araw?" tanong ko sa kaniya.
"Ang ibig mo bang sabihin ay 'yong mga 'fresh na kaluluwa' pa?" paglilinaw niya at tumango ako bilang tugon.
"Bukod sa babaeng nakita mo kanina, wala na. Halos lahat ay pakalat-kalat na lang na multo ang nahuli ko," paliwanag niya.
Napatango-tango naman ako ng ulo.
May posibilidad kaya na ang babaeng iyon ang tinutukoy ni Mama?
"Maaari ko bang malaman ang mga impormasyon niya?" tanong ko sa kaniya.
Umiling-iling siya. "Hindi puwede," seryosong saad niya.
"Please!" pagmamakaawa ko.
"Kapag sinabing hindi puwede, hindi puwede, Averill Mae Fuentes. Hindi mo alam ang maaaring mangyari ang pagbibigay ng isang impormasyon ng namayapang tao sa isang taong tulad mo rin," seryosong wika niya sa akin at pinagsabihan pa ako.
Napasimangot naman ako at saka naupo sa aking kama.
"May gusto lang naman ako malaman," wika ko rito.
"Bibisita ako sa hospital na binisita ng Mama mo para alamin kung ano ba talaga ang totoo," sabi niya.
"Sige—wait!" Bago pa ako matapos sa aking sasabihin ay agad na naman siyang naglaho.
Nakakainis naman siya! Binasa na naman niya ang laman ng aking isipan nang wala man lang permiso.
Nahiga ako at nag isip-isip ng kung anu-ano.
Sandaling nangunot ang aking noo nang may ma-realize.
Paano malalaman ni Tenshi kung saan ang pinuntahan ni Mama? Ang alam ko lang na kakayahan ng mga grim reaper ay kumolekta ng mga kaluluwa at magbasa ng isipan ng mga tao. Bukod ba roon ay may iba pa silang kakayahan?
Napasabunot na lang ako sa aking buhok.
"Bakit ko ba pino-problema ang problema ng iba?" tanong ko sa sarili at napabuntong hininga.
Agad akong nag-half bath para linisin ang katawan bago matulog.
Nang akmang magto-toothbrush na ako ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang sulat sa salamin.
Hindi ako sumigaw ngunit nagulat pa rin ako.
Sinubukan ko itong basahin ngunit hindi ko talaga alam kung anong lenggwahe ba siya nakasulat.
Agad ko itong kinuhaan ng litrato bago magpasiya na burahin ito sa salamin.
Paano naman nagkaroon ng putik itong salamin?
"Imposibleng kagagawan ito ng isang multo," bulong ko sa sarili at maiiging nilinisan ang salamin dahil kun'di ay malalagot na naman ako kay Mama.
Nang matapos ay agad ulit akong nag-half bath dahil narumihan ulit ang aking katawan. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at binuksan ang aking laptop.
Ni-transfer ko sa laptop file ang picture na ito at pagkatapos ay ni-search dahil nagbabakasali ako na ma-translate ito sa salitang Ingles ngunit 'language can't understand' daw.
Napabuntong hininga na lang ako at sinubukan ulit basahin ang nasa larawan.
Malinis na malinis ang pagkakasulat ngunit hindi ko nga lang maintindihan kung ano ito! Siguro ay itatanong ko na lang kay Tenshi kapag nagkita ulit kami.
Sinarado ko ang aking laptop at saka nagpasiya na matulog na.
Pinikit ko ang aking mata ngunit nagpagulong-gulong ako sa aking kama nang hindi maramdaman ang tamang pwesto para sa pagtulog.
Umupo ako at saka nagpapadyak.
Paano ako makakatulog nito kung ayaw rin naman matulog ng katawan ko?!
Bakit pa kasi ako ulit nakatulog, eh...?! Iyan tuloy, hindi na ako makatulog.
Nagpasiya akong lumabas sa veranda. Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang liwanag ng bayan.
Napatitig naman ako sa buwan ngunit ganoon na lang ang pagkakasimangot ko nang takpan ng ulap ang liwanag nito.
Kung puwede ko lang ihipan ang ulap para lang maalis sa pagkakatakip sa buwan ay ginawa ko na!
Papasok na sana ako sa loob dahil sa lamig ng hangin nang matigilan ako dahil nakita ko ang anino na nasa loob ng aking kwarto at sa tingin ko ay sa akin ito nakatingin...
Sinubukan kong hindi ipikit ang aking mata ngunit nabigo ako. Pagmulat ko ng mata ay nawala na naman siya.
Sino ka ba talaga...? Ano bang intensyon mo? Mabuti ba o masama?
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview. Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako. Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba. Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya. "Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop. Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon. Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak." Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon. Nagtaka ako dahil may lumabas ulit
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito."Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Impos
Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon."Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.Napabuntong hininga naman ako."Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili."Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi."Sinong multo?" tanong niya.Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin."Aray!" sigaw rin nito."Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak
"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At
Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi
Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n
Agad na nanginig kalamnan ko dahil sa pagiging seryoso niya."N-nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong ko, sapat na para marinig niya.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko at ngumiti sa akin."Nagbibiro lang naman ako," sabi nito.Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi.Alam kong mahirap magsinungaling sa tulad niya dahil talo niya pa ang Nanay ko dahil bawat detalye sa pagkatao ko ay alam na alam niya."Sige na. Bumaba ka na roon para makakakain," wika niya sa akin.Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Bawat pagdaan ko sa pagbaba ng hagdan ay sinisilip ko ang bawat sulok para mahanap si Silas.Natigilan lang ako nang makita si Seya na nasa baba ng hagdan at nakangiti sa akin.Ngumiti rin ako sa kaniya at dali-daling bumaba."Seya," tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya gumaan ang aking pakiramdam.Pagharap ko rito a
Napa-roll eyes na lang ako. Napaka-baduy talaga kausap! Imbes na sagutin ang tanong ay tatanungin din ng isa pang tanong."Malamang. Kung gusto mo na hanapin natin ang katawan mo ay dapat alam ko kung saan ka nagpupunta para naman mahanap kita agad kapag nahanap ko na ang katawan mo," mahabang paliwanag ko sa kaniya at saka naupo sa sofa na hindi kalayuan sa pwesto niya."Nagpunta lang ako sa kusina niyo kanina. Balak ko lang sana takutin ang Mama mo kaso nga lang ay hindi pala siya nakakakita ng multo," tila malungkot pa na wika niya.Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumapit sa kaniya at saka piningot ang tainga."Aray! Aray!" sigaw niya.Mabilis ko rin naman na tinigil ang pagpingot dahil naaawa rin naman ako rito.Kaluluwa na nga, sasaktan ko pa? Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na naramdaman nila noong pagkamatay nila."Bakit mo 'yon ginawa?" nagtatakang tanong ko habang dinuro-duro siya.Ngumuso pa ito. "Gusto ko lang