Share

Chapter 5

"Walang dyo! Talaga ba? Ginawa n'ya 'yon!" wika ni Junel habang tumatawa. "Grabe talaga 'tong si Tan, walang patawad! Nag-ala HR naman ngayon!" dagdag pa nito.

"'Wag naman po kayong ganyan, kanina ko pa nga po iniisip kung tama po ba ang mga sagot ko sa mga tinanong n'ya. Para nga po akong naga-apply ulit, pero mas matindi." Nakatungong sabi ni Zander.

Sumabak si Zander sa isang matinding interview. Simula sa tell me about yourself hanggang sa what do you expect to this company. Bukod doon ay nagtanong din si Ella tungkol sa pagiging accountant. Debit at credit, mga terms na ginagamit. Mga basic computation na madalas gamitin at kung ano ano pa. Kung sa ilalim ni Junel ay naging chill at relax ang binata, pagdating naman kay Ella ay kabaliktaran ang lahat.

Pinipigil ni Junel ang kanyang pagtawa, nakita n'ya kasi ang pamumula ng binata dahil sa hiya. Naisip nitong baka mapikon ang binata sa kanyang magiging reaksyon kung s'ya ay tatawa. "Okay lang 'yon, noong nakaraan nga pinag-exam n'ya 'yung tine-train n'ya," wika ni Junel sabay subo ng kanin.

Napatunghay si Zander sa kanyang narinig. "P---Po? Pinag-exam n'ya po?" gulat na tanong ni Zander.

Tumango-tango si Junel at nilunok ang laman ng kanyang bibig. "Oo, at hindi lang basta bastang exam! Alam ko galing sa previous board exam ang mga tanong na binigay ni Tan. Plus 90% cut-off! O hindi ba saan ka pa! Mas malupit pa sa mock boards," salaysay ni Junel.

Nalunok na lang kabasta ni Zander ang kanyang kinakain ng hindi nginunguya. Nang lamig din ang kanyang buong katawan sa mga sinabi ni Junel dahil sa kaba.

"E, n---nasaan na po 'yung pina-exam ni Tan?" kabadong tanong ni Zander.

Ngumisi si Junel. "Ayon, wala na," agad nitong sagot. "Tumagal naman s'ya ng isang bwan mahigit," dagdag nito.

Pinagpatuloy ni Junel ang kanyang pagkain samantalang si Zander naman ay huminto na ang mundo at nag-isip.

W---Wala na? Ano kayang nangyari sa kanya? Bumagsak kaya s'ya sa binigay na exam ni Miss Tan? Dahil kaya doon kaya s'ya natanggal? Nako po, wala pa akong isang bwan dito, matatanggal na rin kaagad ako? Buti pa s'ya umabot ng lagpas isang bwan, paano kaya ako. Hala! Hindi ko pa naman nabubuklat 'yung mga reviewer ko! Balak ko kasing after one month ko dito sa firm saka ako magsisimulang mag-review. Sabi na nga ba, kaya siguro napapalingon ako kagabi pa sa mga libro ko. Dapat nagbasa na pala ako kagabi, anong gagawin ko.

At nagsimula ng mataranta ni Zander, hindi na ito muling nakasubo ng kanyang pagkain dahil nabagabag na ito sa sinabi ni Junel. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan at tuluyan na itong hindi nakakain.

  

"Oy!" sabi ni Junel at pumalakpak sa harapan ng binata. Nagitla si Zander kaya naman bumalik na ito sa riyalidad. "Kumain ka nga d'yan, sabi ko sa'yo hindi ba, 'wag mo muna isipin si Tan para makakain ka ng maayos," sabi ni Junel.

Paano po ako kakalma? Paano ko po hindi iisipin ang mga sinabi n'yo? E matatanggal ako sa trabaho kapag hindi ako pumasa kay Miss Tan. Hindi po ako matalinong tao, paano ang gagawin ko.

"S---Soriano, talaga bang nagpapa-exam si Tan?" muli nitong tanong. Naisip ng binatang wala namang mawawala kung itatanong n'ya ito kay Junel. Para na rin makakuha s'ya ng ideya kung kaylan s'ya bibigayan ng exam ng dalaga.

"Actually, dipende sa mood n'ya. Minsan napapa-exam, minsan hindi. Sabi ko nga sa'yo may sapak ang utak ni Tan, palibhasa walang katipan kaya laging masungit," biro ni Junel.

Alam ng binatang nagpapatawa si Junel upang mabago ang takbo ng kanilang usapan ngunit hindi n'ya magawang tumawa dahil sa nerbyos na nararamdaman.

Sinulyapan ng tingin ni Junel ang binata dahil hindi man lang ito sumgot sa kanyang biro. Bakas sa mukha ng binata ang kaba. 

Nako, wrong move. Kinabahan ata si Zander sa mga sinabi ko.

Hininto ni Junel ang kanyang pagkain at inabot kay Zander ang bote ng tubig. "Uminom ka muna," ani nito.

Bumalik sa ulirat si Zander at uminom ng tubig. 

"Ano okay ka na?" tanong ni Junel.

Hindi naka imik ang binata. Bumuntong hininga na lamang ito.

"Pasensya ka na sa kadaldalan ko, pero totoo 'yung mga sinabi ko kanina. Nagpa-exam bigla si Tan sa isang tine-train n'ya noon, masyado kasing mayabang kaya ayon. Napikon si Tan at pinag-exam bigla, nagulat din kaming lahat sa ginawa n'ya. Sinopla s'ya ni Tan," paliwanag ni Junel.

"Ah," 'yon lang ang naging tugon ni Zander. 

"Alam mo, dipendi rin kasi sa attitude ng tao ang pakikisama n'yang si Tan. Ewan ko ba, may pagka-psycholigist 'yan minsan. Ang galing n'yang mangilatis ng tao, kahit na unang beses pa lang nilang magkita. At hindi nakakakalimot si Tan lalo na sa mga mayayabang na tao," salaysay ni Junel.

"Nako patay," bulong ni Zander.

Nauliligan ni Junel ang sinabi ni Zander.

"Ha? May sinasabi ka ba?" tanong nito sa binata.

"Ha! Ah, w---wala po. Tara kumain na po ulit tayo," aya ni Zander kahit na pinipilit na lang nitong ubusin ang kanyang pagkain.

Hindi nakakalimot? Lagot na talaga ako! Sa mga sinabi ni kuya Junel, nagawa ko 'yung mga 'yun. Katapusan ko na talaga!

Natapos na ang lunch break at bumalik na ang lahat sa kanilang mga lamesa.

"Basta tandaan mo, susundin mo lahat ng sasabihin n'ya. At kung nagkamali ka o hindi kaya naramdaman mong hindi n'ya gusto ang mga sinasabi mo, humingi ka kaagad ng sorry. Tumatanggap naman 'yan ng sorry, tiwala lang," muling paalala ni Junel bago ito humiwalay kay Zander sa paglalakad.

Tumatak sa kanyang isipan ang sinabi ni Junel. 

Tama! Tyempo na lang ako para mag-sorry, siguro naman sa mga susunod na araw ay makukuha ko na ang kiliti ni Miss Tan. Sana. 'Yan kasi kayabangan mo Zander na papala mo! Minsan ka na nga lang mang-chix sa maling tao pa!

Napapailing na lang ito habang naglalakad. Agad na bumalik si Zander sa lamesa ni Ella.

"Nandiito na po ulit ako," sabi nito kay Ella.

Nakasandal lang si Ella sa kanyang upuan at waring may binabasa sa kanyang monitor. Hindi nito muling inimikan ang binata.

Hindi kaya napapanisan ng laway si Miss Tan? Mula kaninang nandito ako, hindi na s'ya nagsasalita at sigurado ako, wala namang lumalapit sakanya mula kaninang break time. Dito lang kaya s'ya nag-stay? 

Naupo na ang binata sa kanyang pwesto at sinimulan na muli ang pag-aayos ng mga papel.

Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang pinapaayos ni Ellang mga papel kay Zander.

"Tan, ito na po," wika ni Zander at inilapag sa gilid ni Ella ang mga ito, sinalansan pa nito ng maayos ang mga papel. Subalit hindi umimik si Ella. Nakasandal lang ito at tila nakatitig pa rin sa monitor.

"Tan?" ulit ni Zander ngunit wala pa ring kibo ang dalaga. Sinipat ni Zander ang monitor ni Ella, nakabukas ang isang file ng excel at puro numero ang laman nito. Binaling muli nito ang kanyang tingin kay Ella at nagulat itong pikit pala ang dalaga. Dahil sa maliit nitong mga mata, hindi mo kaagad mapapansing nakapikit pala ito.

Ay tulog pala s'ya? Ang galing naman ni Miss Tan, kaya n'yang matulog ng naka-upo.

Napatitig ang binata sa maamong mukha ni Ella, sa isang iglap ay nawalang parang bula ang kabang kanyang nararamdaman mula kanina. Nahalina ito sa itsura ng dalaga habang ito ay natutulog. Hindi sinayang ni Zander ang pagkataon at tinignan ang mukha ni Ella. Lumapit ito bahagya sa dalaga, para kasing may malakas na pwersang humahatak sa kanya para lumapit sa dalaga. 

Ang liit pala talaga ng mga mata n'ya. Ganito ang itsura n'ya kanina, maamo at mala anghel, ang sarap sanang titigan. Sana ganyan ka palagi para hindi ako kabahan sa 'yo.

Biglang kumilos si Ella, umayos ito ng kanyang pwesto. Agad namang lumayo si Zander at tumayo sa gilid ng dalaga at kunwaring hindi n'ya ito nakitang natutulog. Bumaling ito ng tingin kay Ella, balak na sana nitong magsalita ngunit napansin n'yang pikit pa rin ang mga mata nito. Kinikiskis n'ya ang kanyang mga braso sinyales na nilalamig s'ya sa kanyang pwesto. Subalit kahit ganoon ay mahimbing pa rin itog natutulog.

Napangiti ang binata, agad nitong kinuha ang kanyang jacket sa upuan malapit sa kanya upang ikumot kay Ella. Paglingon nito ay biglang dumilat ang dalaga.

"M---Ma'am! Ay Miss pala!" tarantang sabi nito at initsa ang jacket sa may sulok. 

Bahagyang nagulat si Ella sa pagsasalita ng binata, na alimpungatan kasi ito at nakita si Zander malapit sa kanya kaya dumilat ito kaagad. Hindi rin ito nagpahalatang nagulat, umayos din ito ng upo at hinawi ang kanyang buhok.

"Tapos ka na ba sa pinapagawa ko?" agad nitong tanong kahit pupungas-pungas pa ito. Tumitig ito muli sa kanyang monitor na para bang walang nangyari.

Sh*t! Umandar na naman ang pagiging antukin ko! Alam kaya n'yang kanina pa ako tulog? Sana hindi, sa dinamirami ng makakakita sa akin ito pa talagang bago. At s'ya pa talaga! Buhay nga naman!  

"Opo," agad na sagot ni Zander. "Ito na po." Iniusad bahagya ng binata ang papel.

Kinuha ni Ella ang mga ito at binuklat-buklat. Inusisa rin n'ya ang pagkakaayos ni Zander sa mga files na kanyang binigay.

Mukhang tinuruan ka ni Junel ng maayos. Very good, impressive, para sa baguhan okay ka. Mukhang may katotohanan ang mga sinabi mo sa akin kanina. Sige dahil masunurin ka hindi kita papahirapan ngayon. Ngayon lang! 

Wala pa ring reaksyon ang mukha ni Ella, hindi tuloy alam ni Zander kung tama ba ang kanyang ginawa o mali. Inilapag ng dalaga ang mga papel sa kanyang lamesa at nilingon si Zander. "Pag-aralan mong mabuti ang bawat ditalye d'yan sa mga papel na 'yan. Kung paano ang heading at mga pagkasunod-sunod," sabi ni Ella at muling humarap sa kanyang monitor. "Lahat ng 'yan kaylangan mong pag-aralan. Kung para saan sila at bakit kaylangan silang ilagay d'yan," dagdag ni Ella at nagsimula ng tumipa sa keyboard.

"Opo," mabilis na sagot ni Zander.

Hay, bitin pa ako sa tulog kahit nagkape na ako kanina. Inaantok pa talaga ako, bakit kasi sa akin palaging binibigay ni Mr. Villanueva ang mga bago. Nakakainis! Hindi ako makadiskarte ng tulog. Masimulan na nga 'to para matapos na kaagad.

Ginalaw bahagya ni Ella ang kanyang mga balikat dahil nakaramdam ito ng pagkangalo sa kanyang pwesto kanina.

Ano 'yon? Wala man lang compliment o commment sa pinagawa n'ya? Ang dami-dami kaya ng inayos ko! Akala ko aabutin ako hanggang bukas tapos 'yun lang? Haist! Pero mas okay na 'to kaysa mag-exam! Ay baka ito 'yung ipapa-exam n'ya sa akin, tama aaralin ko 'to.

Sinulyapan ng binata si Ella bago simulang pag-aralan ang mga papel na kanyang hawak.

Papatunayan ko sa 'yo Miss Tan, mangyayari lahat ng mga sinabi ko. Itaga mo 'yan sa bato!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status