Share

Chapter 75

Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.

Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.

“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”

“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.

Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.

“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.

Makakauwi pa kaya akong buhay?

“Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status