Share

Chapter 74

Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.

“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.

Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.

Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.

Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.

A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.

Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.

Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status