Home / Romance / My Ella / Chapter 13

Share

Chapter 13

last update Huling Na-update: 2022-05-03 13:26:11

"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.

Agad na lumapit ang mag-ina.

"Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat.

"Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga.

"Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa.

 

"Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."

Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito.

"Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.

Nangiti na lang si Zander sa naging reaksyon ng babae.

Nako, si ate binuking pa ako. Mamaya sabihin ni ate Ella, ang effort ko. Nanghingi pa talaga ako ng tissue para ibigay sa kanya.

Tinignan ni Zander si Ella matapos magsalita ng babae, wala naman itong naging reaksyon at nakatayo lang sa tabi ng binata.

Mukhang wala naman s'yang paki alam, Hay buti naman.

"Kuya, sorry. Nako, nasugatan ka pa! Tara muna sa may tindahan para malinis natin 'yang sugat mo," aya ng babae sa dalawa.

"Kuya, tara na po," aya naman ng bata at hinawakan si Zander sa braso upang igiya paglalakad. 

Hindi naman na ako siguro kaylangan doon. Dito na lang ako. 

Hindi na kumibo si Ella at malalagpasan na ito ni Zander.

Hala, bakit hindi s'ya gumagalaw, hindi n'ya ako sasamahan? Hindi pwede 'to.

Bago pa man makalagpas si Zander ay hinawakan nito ang kamay ng dalaga. May kirot man itong nararamdaman ay hindi nito ininda. "Ate, samahan mo ako," sabi nito.

Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi magpadala sa paghila ni Zander.

Hindi kalayuan ang tindahan ng mag-ina, kaya agad nila itong narating. Pinapasok ng babae sina Zander at Ella at pinasamahan sa kanyang anak sa may hugasan. May mga bumibili na rin kasi at hindi na magkanda ugaga ang kasama ng babae sa pagtitinda.

Medyo malaki ang sugat dahil ito ang itinuon ni Zander upang pigilan ang bisikleta.

"Kukuha lang po ako ng alcohol at betadine," sabi ng bata sa dalawa.

Tumango lang si Zander, habang nililinis ang kanyang sugat. 

Nakatayo lang si Ella at pinagmasdan ang binata sa kanyang ginagawa.

Hindi ba ako tutulungan ni ate? Ang sakit igalaw, hindi ko matanggal 'yung ibang buhangin sa sugat.

Tiniis na lang ni Zander ang sakit at sa wakas ay nalinis na n'yang mag-isa ang sugat. Sakto namang dumating ang bata. May dala itong pamunas at bitbit ang kanilang medicine kit.

"Kuya ito po." I-aabot na sana ito ng bata kay Zander subalit kinuha na ito ni Ella.

"Ako na," sabi nito sa bata at binigyan ng maliit na ngiti.

"Sandali lang po, ikukuha ko po kayo ng mauupuan," paalam muli ng bata at saka umalis.

Hindi na umimik si Ella, kinuha na nito ang pamunas at idinampi sa sugat ng binata.

Namula na naman si Zander. "Ate, ano kaya ko na. Ako---."

"Ako na," maiksi nitong sabi.

Hindi na umangal si Zander, hindi naman din n'ya malalagayan ng gamot ang kanyang sugat ng maayos dahil sa sakit. Kaya pinagmasdan na lang n'ya ang dalaga. Pagkapunas nito sa sugat ay kinuha na nito ang alcohol.

"Mahapdi 'to, pero nasa may pulsuhan 'yung sugat mo. Kaylangan nating linisin ng mabuti para hindi maimpekyon," sabi ni Ella.

Tumango lang si Zander. Dahan-dahang dinampi ni Ella ang bulak na may alcohol sa sugat, napa-kislot ang binata sa hapdi.

Ang hapdi! Pero hindi ako makasigaw, nakakahiya!

"Tiisin mo na lang kaysa maimpeksyon," wika ng dalaga. "Higpitan mo ang hawak mo sa braso ko kapag mahapdi," utos nito.

Pero imbis na hapdi ang maramdaman ay kilig ang nadama ng binata habang hawak ang braso ng dalaga. Hinipan din ni Ella ang sugat upang paibsan ang hapdi habang nililinis ang sugat ni Zander.

Bumilis muli ang pagtibok ng puso ni Zander, habang hinihipan ni Ella ang kanyang sugat. Para bang may mga ilaw na umaaligid sa dalaga habang maiging nililinis ang kanya sugat. Hindi maiwasan ni Zander na ngumiti kahit mahapdi ang bawat lapat ng alcohol sa kanyang sugat.

"Amin na 'yung kabilang kamay," sabi ng dalaga. 

"O---okay na 'to, maliit lang---," napahinto si Zander sa pagsasalita dahil sinamaan s'ya ng tingin ni Ella. Nangilabot ang kanyang buong katawan ni Zander hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa kilig na kanyang naramdaman.

A---Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako kinikilig e, para na akong sasaksakin ni Miss Tan sa talim ng titig n'ya. Pero ito ako parang sasabog ang puso sa tuwa.

Bukod doon ay hindi pa rin umalis ang maliliit na ilaw sa paligid ni Ella na kaysarap pagmasdan. Lalong gumanda sa paningin ni Zander ang dalaga.

'Wag mo ako titigan ng ganyan Miss Tan, kahinaan ko na ata 'yang mga ganyang tingin mo.

"Ito na," nanghihinang sabi nito.

Makaraang lagyan ng gamot ang mg sugat ni Zander ay nagpasya na ang dalawang umiwi. Lumalalim na rin kasi ang gabi at may pasok pa sila bukas.

"Kuya, pasensya na talaga sa nagawa ng anak ko," muling paghingi ng tawad ng babae.

"Okay na po ate, maliit lang naman ang sugat at malayo sa bituka," biro ng binata na may malaking ngiti.

Tapang tapangan ka rin ano? Kanina no'ng nililinis ko ang sugat mo, pigil na pigil ka sa pagsigaw sa sakit, ang sakit ng braso ka sa higpit ng hawak mo. 'Wag ako Zander.

Nakatingin lang ang dalaga kay Zander.

"Kahit na, ito nga pala." May inabot ang babae na plastic. "Nakita ko kasing nakakalat na sa lupa 'yung binili mo kanina. Binili mo pa naman 'yon para sa tissue. Kaya ayan pinalitan ko na lang at dinagdagan, pakunswelo sa ginawa ng anak ko. Nilagyan ko na rin ng maraming tissue 'yan para hindi ka na manghingi," sabi ng babae.

Pilit na tumawa si Zander.

Si ate naman, okay na e. Ayon na, may pauwi na. Tapos binanggit na naman 'yung sa tissue at dinetalye pa. Ay talaga naman.

Kinuha na lang ni Zander ang plastic. "Salamat 'te, hindi ko na 'to tatanggihan," sabi nito.

Akala mo magpapakipot pa ako ha. Nako, quits na tayo ate. Dahil sa pangbubuking mo, akin na 'to.

Lumisan na ang dalawa. Habang naglalakad ay napapasulyap si Zander sa dalaga, ito ang unang beses na masabayan n'ya sa paglalakad si Ella. Napansin nitong mas mataas pala 'ya ng bahagya sa dalaga. Ang itim nitong buhok, balingkinitang katawan at mabangong amoy.

"Ano ate Ella," tawag nito.

Nako, bakit ko ba s'ya tinawag? Anong sasabihin ko? Hindi ka na naman nag-iisip bago magsalita Zander!

Lumingon si Ella at tumigil sa paglalakad, hinihintay kung anong sasabihin sa kanya ng kasama.

"Ano ate, ikaw lang ba magisa?" tanong ni Zander.

Zander anong klaseng tanong 'yon! Ovious naman hindi ba! Kanina pa kayo magkasama, malamang kung kasama n'ya si kuya Junel, sana kanina pa s'ya hinahanap no'n. Galing mo talaga Zander, husay.

"Oo," maiksing sagot ni Ella at tumingin muli sa dinadaanan. "Ihahatid na kita sa inyo," wika ni Ella at nagsimula na ulit na paglakad.

Nagulantang si Zander sa kanyang narinig. "Ha? Ano, kasi ate," hindi malaman ni Zander ang sasabihin.

Tulad ng unang beses s'yang sinabay ni Anica, ay nahihiya ito. Ngunit may parte sa kanyang isipan na nagsasabing, okay lang 'wag mo ng tanggihan. Subalit sa kabilang banda ay inaalala rin ni Zander na baka may mga tsimosang makakita sa kanila at bigyan ng malisya ang paghatid ni Ella sa kanya.

Hindi na muling umimik si Ella, kaya naman lalong na pressure si Zander sa pagsagot. Natanaw na rin ni Zander ang motor ni Ella at malapit na sila roon.

Minsan na nga lang maging mabait, hindi pa pagbibigayn. Ang ayaw ko sa lahat, 'yung namimilit. Ayos lang naman kung ayaw n'ya.

"Okay lang kung---," 

"Sige po ate," biglang sabi ni Zander kaya naputol ang pagsasalita ni Ella.

Bahala na kung may makakita, parang masakit na din ang binti ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Masamang tanggihan ang grasya.

Nagulat si Ella, mabuti na lang at nauuna s'yang maglakad kay Zander kaya hindi nito napansin kanyang reaksyon. "Si--- sige," sabi nito.

Itinuro ni Zander kung saan banda ang kanilang bahay. 

Hala, bakit walang ilaw sa loob? Tulog na ba sila?

"Ate, dito na," sabi nito kay Ella.

Inihinto ni Ella ang motor. Dahan-dahang bumaba si Zander, ngayon n'ya lang naramdaman ng tuluyan ang sakit ng kanyang binti. Naisip nitong kung nag-inarte pa s'y kanina ay malamang na gumagapang na s'ya pauwi dahil sa sakit.

"Salamat ate," sabi nito sa dalaga at nagtungo ng gate.

Teka, bakit naka-lock?

Hinikit ni Zander ang handle ng gate, kaya lumikha ito ng ingay. Paalis na dapat ang dalaga ng marinig n'ya ang pagtunog ng gate. Pagbaling nito ay hindi pa rin nakakapasok si Zander sa loob ng kanilang bahay. Pinagmasdan n'ya ito at inobserbahan.

Mukhang napagsaraduhan pa ata? Pero hindi pa naman masyadong gabi?

Panay pa rin ang hatak ni Zander sa handle.

Sandali nga, matawagan nga. Hindi man lang nila tinignan kung nasa bahay na ako, alam naman nilang lumabas ako. Nag-lock kaagad, kainis.

Kinapa nito ang kanyang cellphone sa bulsa.

Ay talaga nga naman! Ang swerte ko! Ngayon ko pa naiwan sa kama 'yung cellphone ko. Teka nga, tignan ko nga dito 'yung susi.

Sinilip ni Zander ang isang paso sa gilid ng gate. At sa kasamaang palad, lupa at halaman lang ang nandoon. Napapikit na lang si Zander sa inis.

"May problema ba?" tanong ni Ella.

Nagulat si Zander na hindi pa umaalis si Ella.

Dahan dahan itong lumingon. "Umalis yata sina papa," sagot nito.

Nakatitig lang si Ella.

"At ano, hindi ko alam kung saan nila tinago 'yung susi ng bahay." Napayuko na lang si Zander bago muling magsalita, alam n'ya kasing kat*ng*han ang kanyang ginawa. "Tapos ano, nakalimutan ko sa kwarto 'yung cellphone ko."

Napangisi na lang ang dalaga, bumaba ito ng kanyang motor at lumapit sa binata. "Oh," sabi nito sabay abot ng kanyang cellphone.

Dahan-dahang tumunghay si Zander.  "S----Salamat ate," nahihiyang sabi Zander at kinuha ang cellphone.

Matapos n'yang i-text ang kanyang mga magulang ay binalik na ni Zander ang cellphone sa dalaga. 

"Ano ate Ella, ayos na ako rito," sabi ni Zander sa dalaga.

"Hintayin na natin ang reply ng parents mo," wika ni Ella at umupo ito sa gilid ng binata.

"Ate madumi d'yan," saway ni Zander.

Hindi lang ito pinansin ni Ella, bumunot din ito ng yosi sa kanyang bulsa at nagsindi.

Nanlaki ang mga mata ni Zander sa kanyang nakita. Napansin ito ni Ella ngunit binalewala lang nito muli ang reaksyon ng binata. Tuloy lang ito sa pagyoyosi.

"May hika ako," sabi ni Zander at tinabihan ang dalaga.

Tinaktak ni Ella ang upos ng sigarilyo ay inilagay sa kabilang kamay, malayo kay Zander.

Nako naman. Pero teka lang, may hika s'ya pagkatapos tumabi pa sa akin? Anong kalokohan 'to?

"Okay lang ba na pag magkasama tayo, hindi ka magsisindi?" seryosong sabi ni Zander kay Ella.

"Bakit ako susunod sa gusto mo?" wika ni Ella.

"Dahil masama 'yan para sa 'yo," agad na sagot ng binata. "Ayaw kong may nagsisinding babae sa harapan ko. Lalo na kung ikaw." Kinuha nito ang sigarilyo sa kamay ng dalaga, pinatay ay sindi ito at tumayo. "Kasi papahalagahan pa kita," mahinang sabi nito at saka naglakad upang itapon sa basurahan ang sigarilyo.

Ba---Bakit, ang bilis ng tibok ng puso ko? A---Ako? Papahalagahan mo pa ako?

Nagtatakang sabi ni Ella sa kanyang isipan habang sinusundan ng tingin si Zander. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Ella   Chapter 76

    “A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a

  • My Ella   Chapter 75

    Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na

  • My Ella   Chapter 74

    Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El

  • My Ella   Chapter 73

    Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung

  • My Ella   Chapter 72

    “Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano

  • My Ella   Chapter 71

    Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status