Share

OBOAM #1

CHAPTER ONE :

Fated

Tinanaw ko ang orasan na nasa ibabaw ng mismong pintuan nitong kusina. Lagpas alas diyes na ng gabi, malapit nang matapos ang shift ko. Hindi na rin ganoon kadami ang costumer sa labas, mga tatlong lamesa na lang yata at parehas patapos na.

"Hay, buhay! Gusto ko na matulog!" mahinang sigaw ni Shantal.

Justine rolled her eyes sabay sabing, "Reklamadora!" at saka tinungo ang pintuan at malakas na isinarado.

"Magsusumbong na naman 'yon, for sure," si Layla na kumuha na rin ng isang upuan at dinamayan kami sa pagkain. 

"Anong problema sa sinabi ko? Tao tayo, normal na gusto din nating matulog lalo't gabi na. Palibhasa abnormal siya. . ." She looked at me. "Gusto mo na rin matulog, Pria, 'di ba?"

Tumango ako sa kaniya at binigyan ng kaunting ngiti. Pagod na rin talaga ako, kailangan lang talagang kumita dahil mamatay akong dilat ang mata kung tatamad-tamad. I finished my meal saka tinungo ko ang sink para mahugasan ang pinggan.

After that, bumalik ako sa tatlong taong nag-uusap. "-may research na nga kami. Grade twelve pa, tapos may research na? Ano pang aasahan ko sa college? Kayo, Pria, thesis 'yong ginagawa niyo? Mahirap ba 'yon?" inosenting tanong ni Shantal.

"Medyo. Mas mahirap pa kung wala kang pera." Bakas na rin sa boses ko ang pagod. 

Malapit na matapos ang first semester, bukas ang huling araw ng midtern exam namin. My brain is literally strained, ang daming bayarin na poproblemahin.

"Basta ikaw magpaaral sa 'kin college, huh?" sabay higa niya sa balikat ko. "Ako naman gagawa ng bahay, libre, pati SSS, PhilHealth, sagot ko na rin St. Peters mo," panloloko niya habang tumatawa.

"Hindi na ako aasa diyan, oy! May boyfriend ka na nga, baka magpamilya ka na agad pagkatapos mong magkolehiyo. Basta akong bahala sa college mo, mag-aral ka lang nang mabuti." I patted her head.

"Hiwalayan mo na kasi si Andong," sabat ni Layla.

"'Yoko! Siya naghahatid-sundo sa akin, tipid pamasahe 'yon, boba ka!" Umayos pa siya ng upo para maharap ang kapatid niya.

Umiling ako sa pinag-uusapan nila at ipinatong ang ulo sa lamesa, minabuti ko na ring pumikit. 

Shantal and lei were both Senior High School student, sa isang malapit na paaralan nag-aaral. 

Isang apartment lang din ang tinutuluyan naming tatlo, pinagkakasya ang sweldo para makaraos. They became my family, for I've been abandoned since I'm ten years old. Sa isang amponan kami nagkakilala, kaming apat.

My parents dumped me for whatever reason, ang natatandaan ko na lang kinakausap na ni Mama ang isang madre at sinabing iiwan na niya ako dito. That shredded my heart into million and million of pieces. 

I grew up having this mindset that 'dependance is independance', na kailangan kong dumepende sa ibang tao para maisukatuparan ang aking minimithi, yet the reality is the other way around. You need to only depend on someone, and that someone is yourself, per se.

Nandiyan lang ang ibang tao para tulungan ka, hindi para dumepende ka sa kanila.

Naging helper ako ng amponang iyon dahil ayaw kong may kumuha sa akin na pamilya. I built my own philosophy and beliefs. I needed to work for myself, para walang kung sino ang puwedeng gumiba ng pinaghirapan ko. I needed to stand on my ground, alone.

One day, three girls approached me while I'm cleaning the window pane. Lahat sila mahiyain, lalo na ang pinakabata sa tatlo-Riane.

They helped me realize realities, that life is just like a movie, there is and will always be a bearer of hope. It's not always a hot lad as depicted in romance, not mere human appointed with superpowers, but the conclusion is, there will be.

However, life was still a shit. 

I leaned so much with the thought that I did found my family in them, and it broken me once again. May umampon kay Riane and I almost gave up on life because of that, the agony felt so similar as my mother left me without looking back.

I am so guilty na wala akong ginawa para mapigilan iyon; she asked me na sabihin kay Mother Lily na huwag itong ituloy. But I failed her. Hindi ko na napigilan dahil wala daw akong karapatan sa kaniya. 

All she knew was I let that happened, that I let her go.

"-Shantal boss, ayaw na raw niyang magtrabaho." Narinig ko habang natutulog. 

Natutulog?!

"Putangina! Bakit natutulog ang isang 'yan?" 

Bigla akong napaayos ng upo nang marinig ang pamilyar na boses. Takte!

"Isa pa 'yan, Boss. Sabi niya ang sama raw ng ugali niyo!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Justine. Kailan ko sinabi 'yon?

"Sir, hindi po siya natulog. Humiga lang po siya saglit," tanggol ni Shantal.

"Bobo ba ako?! Kitang-kita kong natulog 'yang h*******k na 'yan! Gago ba 'ko, Shantal?" Nanlilisik na ang mga mata niya.

Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nag-init ang aking tainga. Nanlamig ang aking mga kamay. Mukhang alam ko na ang kahahantungan nito.

Lumuhod kaagad ako sa kaniyang harapan at humingi ng pakiusap. "S-Sir Lloyd, pasensya na po, hindi na ma-"

Hindi ko naituloy dahil agad niya akong sinipa sa pisngi. Napapikit ako sa sakit at napahawak sa sahig. Ang sakit!

"Physical abuse! Puwede kayong makasuhan!" Nakisali na rin si Layla.

"Tinatakot mo ako?!" umalingawngaw ang boses niya sa loob ng kusina.

Bumalik ako sa pagluhod sa harap niya at naiyak na. Alam ko na ang gagawin niya, tatanggalin ako sa trabaho. Ilang tao na ba ang napaalis niya dito dahil ayaw niya raw sa tamad. Ako na ang susunod.

"H-Hindi na po mauulit, hindi na po mauulit, hindi na po mauulit-" Bumuhos na ang mga luha ko nang makita ang inihagis niyang mga pera sa sahig.

"Layas! Tanggal ka nang tamad ka!" Bahagya siyang huminto. "Guard! Palabasin mo 'to! Useless!"

My world stopped with his words!

I can't think of anything but curse! Tangina! Gaga ako! Tanga!

Inalalayan ako ni Shantal habang si Layla ang kumuha ng mga perang nagkalat sa sahig. I can sense the shocked on the girl behind him but there was still a glimpse of triumph. 

I cried so bad, basa na ang uniporme kong puti. Talaga bang nangyayari 'to?

"Apat na taon na po kami rito pero ngayon lang niya nagawa 'to. Sana naman po magbago pa ang isip niyo," may himig ng galang na saad ni Shantal.

Sir Lloyd sighed out of annoyance. "Apat na taon na din pala akong lugi sa pagpapasweldo sa kaniya, ganiyan pala 'yan ka tamad. Isang salita pa bata, pati ikaw damay! Guard! Bilis naman!"

Kitang-kita ko ang awa sa mukha ni Manong Gardo nang kunin niya ang mga kamay ko. "Pasensya na, Pria, may pamilya akong binubuhay, gusto ko sanang magreklamo rin," bulong niya.

Sa gitna ng pag-iyak ay nagawa ko pang ngumiti sa kaniya. I am in owe with this people, I'm grateful for them. Kinuha pa ni Manong gardo ang backpack ko, mukhang siya pa ang magdadala palabas. "Ako na, Manong. Una na ako, Shan, Lie," paalam ko sa dalawa.

"Kapal talaga ng mukha!" parinig ni Sir Lloyd.

Nag-bow ako sa kaniya saka tinungo ang pintuan palabas. Wala ng kumakain, nakapatay na rin ang ilang ilaw. Kahit pa naramdaman kong dinaya ako, alam kong wala na akong magagawa. 

"Dito na lang ho, Manong Gardo. Salamat." 

"'Pag ako yumaman, 'Day, kukunin talaga kita para makatrabaho." Bakas sa kaniyang boses ang pagpapatawa.

"Aasahan ko 'yan, Manong, huh? Una na ako." Ngumiti ako saka tumalikod.

Sa puntong iyon, hindi ko na natigil ang ilang pares ng luha. The cold breeze even made it more painful. I glanced above, I wish I could be bright and cheerful as the star. I wish I could still lit up the world when my own was objectively dimmed.

"Wala na akong trabaho," I cried even more.

"Midterm na bukas, bayaran sa mga susunod na linggo. Kailangan ko pang tapusin ang draft ng Thesis. Paano. . ." I sob.

Narating ko ang Apartment nang hindi ko alam kung papaano. Naglakad lang ako at huminto sa ilang mga lugar. Pagkabukas ko ng pinto, nakahiga na ang dalawa. Babalik pa sana ako sa labas nang tawagin ako ni Shantal.

"Shan, gising ka pa?" pilit kong tinatago ang lungkot.

"Si Layla kasi umiiyak. Hindi ako makatulo-" Hindi niya natapos ang sinasabi, nahagip siya ng unan ng katabi.

"Mas malakas ka ngang umiyak gaga ka!"

Nagmadaling tumayo si Shantal at niyakap ako. "Akala namin umalis ka na, iniwan mo na kami."

"Bakit ko naman kayo iiwan?"

"OA ka kasing Shantalahiban ka!" Isang unan ulit ang tinapon niya.

"Sige na. . . matulog na kayo. Anong oras na." Pinahid ko ang mga luha ng yakap-yakap kong babae at iginiya sa higaan. "Magbibihis lang ako, tulog na."

I didn't opened the light para na rin makatulog na sila. Sapat na naman ang ilaw ng buwan na pumapasok sa loob upang makapagbihis ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko  pa nakukuha lahat. Ang bigat ng puso ko pero kailangan kong maging matatag para sa dalawa.

"Saan ako makakahanap ng trabaho bukas?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status