Share

Chapter 6

CHAPTER 6

            Mabilis na tumakbo si Kismo papunta kay Castiel nang hinila siya ng ama palayo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa kirot dulot ng kamay nitong mistulang bakal sa diin.

            “What are you doing, Jonelyn?” singhal nito nang tumigil sila sa parting walang masyadong tao. “Hindi mo na nga nakukunan ng pera ang asawa mo, ipinakita mo pa ang batang iyon sa kanya.”

            “Hindi ko sinasadya, Pa.”

            “Tonta! Nanlamig sa ‘yo ang asawa mo dahil may anak ka sa iba. Kaya hindi sinusunod ang gusto mo.”

            Kailan pa niya naging kagustuhan ang humingi ng milyones kay Castiel?

            Mas dumiin ang pagkakahawak ni Marcos sa kanyang braso at mas naging mabagsik ang tabas ng mukha.

            “Sinabi ko na kasi sa ‘yo na ipalaglag ang batang iyon dahil magdadala lang ng kamalasan. Tingnan mo ang nangyari! Kapag sinabi ko sa asawa mo ang mga ginawa mo noon, pupulutin ka sa putikan. Huwag mo kaming subukan ng mama mo. Magkaroon ka ng utang na loob sa pagpapalaki namin sa ‘yo.”

            Padaskol na binitawan nito ang kanyang kamay bago walang lingon-likod na umalis kasama ang ina niyang bagaman ay hindi nagsalita ay nanunuya naman na nakataas ang isang kilay.

            Hinanap ng kanyang mga mata ang pamangkin. Kapit na kapit ito sa binti ni Castiel na nakatingin sa kanya.

            Nilapitan niya ang mga ito at walang imik na kinuha si Kismo. Mukhang nahulaan na hindi maganda ang kung anumang pinag-usapan nila ng ama. Maging si Kismo ay nawala ang kislap sa mga mata.

            Napuno ng awa ang sistema niya para sa pamangkin. Konklusyon niya ay hindi ginusto ni Jonelyn na mabuntis sa anak kaya umaabot itong minamaltrato ang bata. Gayunpaman, ay binuhay pa rin nito si Kismo kahit p inapalaglag ito ng ama nila.

            Sa mga oras na iyon ay gusto na lang niyang akuin si Kismo. Kung patuloy itong sasaktan ni Jonelyn, kukunin niya na lang ang bata at siya ang mag-aalaga.

            Nang makabalik sila sa Rancho Revamonte, tulog na sa mga bisig niya ang bata. Kinuha ito sa kanya ni Castiel nang mag-text sa kanya si Luis na hindi pa ito makakauwi dahil nagkaroon daw ng komplikasyon ang panganganak ni Lyana.

            “Kailan siya kukunin?” tanong ni Castiel na bagaman ay hindi na malamig ang boses ay wala pa rin emosyon ang mukha.

            “Hindi muna siya makukuha. Pwede bang dito muna siya?”

            Lihim siyang napalunok ng mas tumiim ang titig sa kanya ni Castiel.

            “Kung hindi pwede, magche-check in na lang ako sa malapit na hotel. Akin na si Kismo.”

            Napangiwi siya nang walang sali-salitang tinalikuran siya nito nang akmang kukunin niya ang bata. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito pataas.

            Lihim siyang napangiti nang maingat na inalisan nito si Kismo ng sapatos matapos ilapag sa kama nila. Kinuha sa kanya ni Castiel ang bag na naglalaman ng damit ng bata at ito na rin mismo ang nagbihis. Dahil walang cotton short sa bag, naka-brief lang si Kismo sa gitna ng kama.

            Nang matapos ay tumuon ang tingin sa kanya ni Castiel. Iyon na naman ang titig nito na hindi niya alam kung galit ba o ano.

            Iba kasi ang mga tingin nito sa kanya mula nang makalabas sila sa gadget store.

            Tungkol ba sa kanya ang binabasa nito sa cellphone?

            Napahugot siya ng hininga nang tumigil ang lalaki sa mismong harapan niya at sinalubong ang kanyang mga mata.

            “Anong problema mo? Ba’t ka naninitig? Kanina ka pa.” Pinataray niya ang tabas ng mukha.

            “May gusto ka bang sabihin sa akin?”

            “Tungkol saan?”

            “About yourself.”

            Nadakma niya ang laylayan ng suot-suot niyang dress sa sinabi ng kaharap. Nabuking na ba siya nito? Papalayasin na yata siya dahil hindi siya si Jonelyn.

            “Wala naman. Alam mo naman ang tungkol sa akin. Naging tayo no’ng college.”

            “You told a little about yourself. Hindi kita masyadong kilala noon. Lalo na ngayon.” Humina ngunit may kariinan nang banggitin nitong ang huling salita.  

            Umanggulo ang ulo nito at lumipat ang mga mata sa may bandang sintido niya. Pagkatapos, ay tumaas ang sulok ng labi.

            “Marami naman tayong time para kilalanin ang isa’t isa. Ba’t ka nagmamadali? May lakad ka?”

            “Why don’t you tell me about your full name?”

            Ekspertong kumunot ang noo niya, kunyaring nagtataka sa inaakto ng lalaki. “Para kang ewan. Ilang buwan na tayong kasal hindi mo pa alam ang buo kong pangalan. Bigyan kita ng kopya ng birth certificate ko, gusto mo?”

            “Your name,” pilit nito na mas lalong kinakabog ng dibd ib niya.

            “Jonelyn,” parang slow motion sa pelikula na dahan-dahang nagsalubong ang kilay ng lalaki, “Interino.”

            Dumiin ang pagkakalapat ng mga labi nito. Mistulang nagpipigil sumabog sa hindi niya malamang dahilan.

            Mali—alam niya pala kaya lang hindi niya pwedeng ipahamak ang kakambal. Malalagot si Jonelyn at ang atay at balun-balunan niya. Baka bigla na ang siyang palayasin ng lalaki sa kalagitnaan ng gabi.

            Lihim siyang napausal ng kaginhawaan nang sa huli ay tumango si Castiel.

            Maangas itong pumamewang bago hinawakan ang kanyang pisngi.

            “Jonelyn…” usal nito sa mahinang paraan. Nangaligkig siya nang idampi nito ang hinlalaki sa kanyang labi at hinaplos iyon.

            “Jonelyn…” ulit nito at nakapikit.

Agad niyang sinaway ang sarili nang gumuhit ang sakit sa kanyang dibd ib. Pinatahimik niya ang kanyang puso na nagsusumigaw na dapat ay Joana ang pangalan na sinasambit nito at hindi ang pangalan ng kanyang kakambal.

            Nang muling magmulat ng mga mata si Castiel, mahina siyang napa-igik nang bigla na lang siya nitong haklitin sa baywang at sinabisab ng h alik ang kanyang bibig.

            Mabilis ang hudyo! Walang panama ang bilis niya.

            “My wife. Let’s go to the bathroom.”

            “Huh?” Hilo pa siya sa padampi-dampi nitong labi.

            Natagpuan na lang niya ang sarili na nagpaubaya sa paghila nito sa kanya papasok sa bathroom. The next thing she knew, she was above the sink and making love with Castiel.

            Iyon ay kung matatawag na making love ang ginagawa nila.

            Sinampal niya sa isipan ang isang bahagi ng utak niya na nagsasabing, s ex lamang iyon sa pagitan nila ng asawa ng kakambal at t raydor siya dahil ilang beses niyang pinakialaman ang dapat hindi niya pinakialaman.

            Nakailang beses sila sa banyo at pati sa ilalim ng shower ay hindi siya pinatawad ng lalaki. Pinatuwad lang at saka lumuhod—inakupo!

            Nakadapa na si Castiel sa tabi ni Kismo nang lumabas siya ng banyo. Dumiresto siya sa loob ng walk-in closet at ni-on ang cellphone niyang iniwan kanina dahil dead-batt.

            Sandali niyang hinayaan pumasok ang ilang notification habang nagbibihis siya. Nang marinig niya ang special ringtone sa cellphone ay agad niya iyong sinagot.

            Sumilip siya sa pintuan ng closet para tingnan kung gising pa ba si Castiel. Nang makitang tulog na tulog na ito ay maingat niyang isinara ang pintuan ng closet bago nagsalita bilang senyas kay Jonelyn na walang ibang tao at pwede na itong magsalita.

            “Magpalit na tayo. Nasa Bicol na ako.”

            “Ano?” Hindi niya alam kung halata ba sa boses niya ang pagkabigla at pagkadismaya.

            “Wala na akong gagawin. I have already done all of it. I am ready to take my life now.”

            “Jonelyn…”

            “I realized that Mama and Papa can manipulate me but Castiel can protect me. Katulad ng dati kaya niya akong protektahan. Kilala naman naming ang isa’t-isa. Minahal niya ako noon. Maaring nawala ang pagmamahal na iyon dahil galit siya sa akin. But I know deep inside I still have special place in his heart.”

            Natapos ang tawag na wala siyang ibang nasabi kundi oo at hindi. Wala siyang masyadong naintindihan sa pinagsasabi ni Jonelyn sa kabilang linya dahil ang utak niya ay naiwan sa ideyang babalik na ito.

            Tapos na ang palabas, kailangan na niyang um-exit dahil papasok na ang totoong bida.

            Nanikip ang dibd ib niya at nanlambot ang mga tuhod na napaupo siya kasabay ng pag-agos ng mainit na luha sa kanyang pisngi.

Comments (10)
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
sakit naman
goodnovel comment avatar
Ravenjane Milagan Nakila
Sana may update na,. kahit hindi daily,..
goodnovel comment avatar
Melinda Villanueva-Quiambao
naexcite ako,i love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status