Share

Chapter 08: Athena

Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.

Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso.

"Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."

Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko.

"Kuya, sorry talaga—"

"Ataisha, right?"

Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan.

"U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya.

"Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat.

"Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.

Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!

"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan.

"Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."

Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status