Share

Chapter 07: Kuya Creed

Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek.

"Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.

Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.

Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago.

"Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.

Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?

Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng tawad. Dapat siyang mangako na hinding-hindi na iyon mauulit. Kasi 'yon dapat! Kasi may girlfriend siya! Kasi may Ataisha na nagmamahal sa kaniya! Si Ataisha na kasama niya sa buhay!

At ang kapatid ko pa talaga? Bakit sa dinami-rami ng babaeng maaari niyang matipuhan, siya pa? Si Athena pa talaga?

Gusto kong isigaw sa kaniya lahat ng hinanakit ko, pero bakit gano'n? Sa isipin palang na baka hiwalayan niya ako dahil sa sasabihin ko, hindi ko na agad kakayanin? Na maigi pang mamatay nalang kaysa hiwalayan niya?

Umaasa ako. Nakakapit pa'rin ako sa mga alaala naming masaya. Ayaw kong tanggalin ang mga iyon sa akin. Ayaw ko 'yong kalimutan. Ayaw ko siyang kalimutan.

Siya lang ang masayang nangyari sa buhay ko. Siya lang ang nagpakita ng pagmamahal sa akin kahit sa bilang na panahon lang. Siya lang 'yung nagparamdam na talagang may pakialam siya sa akin.

Siya lang.

Kaya... Hindi. Hindi ko siya kayang bitawan.

Pero kung bibitaw siya. Sige. Magpaparay na ako.

Kasi gano'n ko siya kamahal.

Kung sabihin niyang ayaw na niya. Kung sasabihin niyang may iba na talaga. Kung sasabihin niyang pagod na siya sa akin. Kung sabihin niyang hindi na ako.

Okay lang.

Tatanggapin ko.

Pero kung sa akin nakasalalay ang pagsasama naming dalawa, hindi ko kakayaning bitawan siya. Selfish na kung selfish. Pero akin siya. Akin lang siya.

***

Tahimik ang biyahe namin pauwi sa bahay. A small part of me wanted him to explain it to me. Matatanggap ko kung ibang babae kasi ginagawa naman na niya 'yon simula noong manlamig siya sa akin.

What I don't understand is now. My sister. He kissed my sister.

It's not your usual goodbye kiss sa isang kakilala. It wasn't a cheek kiss either. It was a romantic kiss. A lip kiss.

I don't lip kiss Chaos when I meet him sometimes. I don't even cheek kiss him. I don't kiss him at all! Kaya hindi pwedeng idahilan sa akin ni Creed na dahil kapatid ko si Athena kaya niya iyon ginawa.

Pero wala. Wala akong narinig mula sa kaniya.

Ilang minuto rin akong nakaupo doon at nakatitig lang sa kalsada sa harap namin, obviously waiting for him to explain kahit na inaantok na talaga ako.

Then I realized na... hindi na. Wala na talaga. Hindi siya magpapaliwanag. Hindi siya magso-sorry. Hindi man lang niya ako kakausapin pampalipas oras sa haba ng biyahe.

Wala.

So, I slept.

***

Masyado akong antok at maga ang mga mata ko kaya kahit naalimpungatan ako nang tumigil ang sasakyan namin, hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, pero hindi naman 'yon sa parte ko. Baka lumabas na si Creed at balak akong iwan dito.

Babalik nalang sana ako sa pagtulog nang hindi pinapansin kung ma-suffocate man ako hanggang bukas dahil duto ako matutulog. Pero agad ding napukaw ang ulirat ko nang bumukas ang pinto sa gilid ko at bahagya pang umihip ang hanging papasok sa sasakyan.

Narinig ko ang pag-click ng seatbelt sa tagiliran ko bago ang bahagyang pag-angat ko sa ere.

Si Creed?

Iyon na ang pinakahuli kong naalala dahil hinila na ako nang tuluyan ng antok.

"Aisha, si Kuya Creed nasa labas!"

Nangunot ang nuo ko sa sinabi ni Kanya. Inaalog-alog pa niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila kong balikat.

"Kanya!" Saway ko nang bahagyang maramdaman ang hilo sa ginagawa niya.

Malisyoso siyang ngumisi at nginuso ang labas ng classroom namin. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil ayaw niya akong bitawan.

"Si Kuya Creed, nakasandal sa railing sa hagdan. Ikaw yata hinihintay." Taas baba ang kilay niya sa akin.

Tinalikuran ko na siya't sinimulang sikupin ang mga gamit ko sa desk na ginamit namin kanina sa Permutations. "Asa namang ako pinunta niya dito. Baka naman si Ate Steffi lang pinunta niya."

Katabi na kasi ng room namin ang hagdan papunta sa third floor at pababa sa first floor. Bali-balitang may gusto raw si Ate Steffi, ang constant panlaban ng school sa mga beauty competitions, kay Kuya Creed. Parehas silang nasa Senior High at baka kaya nandito si Kuya Creed para hintaying makababa si Ate Steffi na nasa room lang sa mismong taas ng amin.

"Si Ate Steffi kamo pero nakatitig sa pinto ng room natin?" Komento ni Kanya habang pilit na pinapahaba ang leeg at may tinatanaw sa kung saan sa labas ng room namin,

"Tumigil ka na nga, Kanya. Inaasar mo nanaman ako. Hindi interesado si Kuya Creed sa akin. Ang bata pa natin, oh. Tsaka ang sikat-sikat niyan, sino ba ako?" Sinukbit ko na ang bag ko sa isang balikat at sinimulan nang maglakad palabas.

Padami na ang mga estudyante sa labas ng corridor, lalo na dahil dito nga ang hagdan sa banda namin. Halos dito sila lahat dumadaan. Mahaba pa naman ang corridor namin kaya maraming classroom.

Naiiritang hinarap kong muli ang room nang nasa bungad na't palabas na.

"Kanya, bilis naman! Pagagalitan ako neto, e."

Naiinis kong pinanuod siyang nag-apply pa ng lip color. Pabango dito't doon.

Antagal! Uuwi lang naman kami, ah.

"Ba't ka pa ba nagpapabango-pabango diyan? 'Di kita gets. Uuwi lang naman tayo."

"Marami tayong madadaanang pogi palabas ng gate, 'no. Alangan namang amoy classroom ako." Umirao siya't lumapit na sa akin. "Ikaw din kaya. 'Di ka na fresh."

Ha?

"Anong 'di ako fresh ka diyan?" Tinalikuran ko na siya't handa nang iwanan siya sa classroom nang mabangga ako sa kung sino. Masyadong mabilis at masyado siyang malapit na hindi na ako nakaiwas o nakatigil pa.

Agad kong nalanghap ang panlalaking pabango na halatang mamahalin dahil napakabango pero hindi masakit sa ilong. Mabilis akong umatras.

"I'm sorry, 'di ko sinasadya!" Bahagya pa akong yumuko.

"Oh my gosh ka, Aisha!" Rinig kong mahinang sigaw ni Kanya. Hindi ko siya nilingon at tiningala ang lalaking nabangga ko.

Kinailangan kong sobrang tumingala dahil ang tangkad-tangkad niya. Ang bango-bango. Ang gwapo-gwapo.

Nailang ako. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Isang pakiramdam na hindi ko naman madalas na maramdaman.

"I'm sorry." Paumanhin niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status