공유

Kabanata 5

작가: JCuenz
last update 게시일: 2024-10-19 11:37:30

Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya.

Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya?

Why did he feel different? Or has she changed after six years?

"Saan tayo, Zian?" Sinilip pa siya ni Arthur mula sa rearview mirror ng kotse.

Kapag sila lang dalawa ay first name basis ito sa kanya. Anak si Arthur ng isa sa mga katiwalang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Pinaaral nila ito at nang makatapos nga ay ito ang nagboluntaryong maging assistant niya kahit saan. Alam niyang may mga magagandang oportunidad itong natanggap na hindi na kailangan pang manatili sa pamilya nila para manilbihan.

Siya mismo ang nagtulak sa lalaki na tanggapin iyon dahil hindi naman nila inoobligang magtrabaho pa sa kanila si Arthur, pero si Arthur ang nagpumilit na manatili sa kanila. Sa tingin niya ay paraan nito iyon para tumanaw ng utang na loob sa kanilang pamilya.

Ipinagpasalamat din naman niya ang pananatili nito. Halos magkasing-edad lang kasi sila ng lalaki at sa kanila na ito lumaki. Itinuring na nga niya itong kapatid. Kahit ang lola niya ay kapamilya na rin ang turing kay Arthur.

Hindi siya umimik at napatinging muli sa boutique na nilabasan nila kanina.

"Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya, Arthur. Biglang bumalik sa akin kung gaano ako kahalimaw no'ng gabing iyon," parang walang lakas ang boses niya nang sabihin iyon.

"Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo alam ang ginawa mo. Wala ka sa matinong pag-iisip dahil nilagyan ng drugs ang ininom mo. Ni hindi mo nga alam kung ano'ng klase dahil ang sabi mo ay para kang hayok na hayok sa laman na halimaw pagkatapos. Sa ngayon ay mag-focus ka sa kung ano pa ang magagawa mo para makabayad sa kasalanan mo sa babaeng inangkin mo nang marahas. I think you should start by explaining what really happened that night para maintindihan niya kung bakit mo iyon nagawa."

Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nangyari dahil sa pagtalikod sa kanya ni Heather. Mahal na mahal niya ang babae. Apat na taon ang relasyon nila nang mag-propose siya sa kasintahan. Hindi niya matanggap na hindi pa pala sapat ang pagmamahal at yaman nila para manatili si Heather sa kanya.

Alam niyang may nilagay na drugs ang lalaki sa inumin niya dahil sa kakaibang naramadaman niya nang gabing iyon. Isa iyong drugs na nagpainit ng buong katawan niya kaya't alam niyang hindi iyon simpleng kalasingan lamang nang pwersahan niyang angkinin si Chelsea.

Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niya munang balikan ang gabing iyon dahil binabalot na naman siya ng matinding guilt.

Muling bumalik sa pag-uusap nila ni Arthur ang isip niya.

"Do you think she will believe me? I still can't get the sound of her cry that night out of my mind. Anim na taon iyong nag-eecho sa utak ko na para bang isa akong demonyong lalaki. Pinuwersa ko siya, Arthur! I took her virginity with force!" Bakas ang paghihirap sa kalooban niya nang isambulat ang nararamdaman.

He was sure that she was pure and innocent because when he woke up, there was a trace of blood on the bed under the light.

Naaawang napalingon si Arthur sa kanya.

"And you found her already, you have the chance now to make it right."

"I know my responsibility to her, Arthur." Medyo mahinahon na ang boses niya.

"And that is?" Curious na tanong ni Arthur.

"I'm going to marry her. Ito lang ang paraang alam ko para maalis nang tuluyan ang guilt na nararamdaman ko. I will marry her. This time, hindi ko pakikinggan ang lola. Hindi ko pakakasalan ang isang Jenna Alegria na sinasabi niya dahil kay Chelsea Rivera ako may pananagutan." Pinal na sabi ni Zian bago ito umayos na nang upo sa likod ng sasakyan.

"Let's go to the villa."

Nagulat man sa naging desisyon ni Zian ay hindi naman matanong ni Arthur ang desisyon ng lalaki. Saksi siya sa anim na taon na tahimik na nalulunod ito sa pagkakasalang hindi nito kailan man ginusto.

Sa isang apartment naman sa UK...

"Okay, I will return to the Philippines in a week at the latest to prepare for this project," sagot ni Jenna sa kausap sa telepono.

"Mommy, are we going to the Philippines na?" Isang bibong bata ang basta na lang sumulpot sa likod niya at yumakap sa isang binti niya.

He's just five years old, but he already exuded an unparalleled aristocratic temperament.

Ngumiti siya habang niyuko ang anak, "Do you want to go to the Philippines with Mommy?"

"Yes! Yes! I want to go to the Philippines, Mommy. I want to see Lolo Diego. I will be able to see my lolo at last, right?" Bumitiw ito sa binti niya saka masayang tumalon-talon.

Napalis ang ngiti sa mga labi niya nang banggitin nito ang ama. Kahit kasi itinakwil na siya nito ay hindi niya naman ipinagkakait sa anak na makilala nito ang lolo nito kahit man lang sa mga larawang ipinapakita niya.

Ang trabaho niya lagi ang ibinibigay niyang dahilan sa tuwing nagtatanong ito kung bakit nasa malayo sila at hindi kasama ang lolo nito.

Nakatingin siya sa kawalan nang biglang nagtanong uli ang anak.

"Mommy, is Daddy in the Philippines too?"

Mas lalo siyang natameme sa tanong na iyon ng anak.

Sa lahat ng mga tanong nito, iyon ang tanong na lagi niyang kinakatakutan dahil kahit siya mismo ay hindi alam ang pagkakakilanlan ng lalaking lumapastangan sa kanya.

Ang tanging pamilya na mayroon siya ngayon ay ang anak na si Xavier na siyang naging bunga ng gabing kanyang isinumpa at pilit na kinakalimutan sa loob ng anim na taon.

Napatitig siya sa maamong mukha ng anak. Kung may nakikita man siyang minana ng anak sa kanya ay ang tanging hugis-pusong labi lang nito.

Hindi iilang beses na napapatanong siya sa sarili sa tuwing natititigan nang gano'n ang anak.

Kahit limang taon pa lang ang anak ay makikita na ang mestiso features nito na alam niyang hindi nakuha sa angkan nila.

Kamukha ba ng anak niya ang ama nitong kinamumuhian niya?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 227

    Ikalawang araw na mula nang magkita sila ni Mrs. Conchita. Hindi pa rin sila nagkikita ni Arthur, at ipinagpasalamat niya iyon. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng mga nalaman niya tungkol kay Clarisse at tungkol sa sakripisyong ginagawa nito para sa ex. Lagi pa rin naman si

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 226

    "Oh, no, please don't cry, iha." Nagmamadaling kumuha si Mrs. Conchita ng panyo mula sa bag nito saka ipinahid sa mga pisngi niya. Saka lang niya naalalang nasa harap pa pala niya ang matanda. Nahihiyang pinigilan niya ang kamay nito sa pagpahid ng mga luha niya, saka kumuha ng tissue at siya na mi

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 225

    Parang déjà vu ang pakiramdam nang pumasok siya sa restaurant na iyon. Kahit ilang taon na ang lumipas mula nang makipagkita sa kanya si Mrs. Conchita nang silang dalawa lang sa lugar na iyon, bumabalik muli ang kaba at ang hindi niya maintindihang pakiramdam. Nakatanggap siya ng tawag mula sa mata

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 224

    Dahil sa naalala ay nilunok nga niya lahat. Napahawak sa ulo niya si Arthur habang nakatunghay sa kanya. Nang wala nang lumabas mula sa ari nito ay saka niya inuluwa ang subo-subo sa bibig. Parang nawalan ng lakas na napaupo siya sa sahig at napasandal sa dingding. Mabilis na itinaas ni Arthur ang

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 223

    Wala sa loob na kinagat niya ang pang-ibabang labi habang umaakyat ang kamay niya sa pisngi nito. Nakita niyang may mumunting balbas na itong tumubo. Sa sobrang busy yata nito ay hindi man lang ito nakapag-shave man lang. Iyon pala iyong kumikiliti sa mukha niya no'ng naghalikan sila. Pero mas nag

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 222

    Nagiging busy si Arthur nang mga sumunod na mga araw. Lagi naman itong nag-uupdate sa kanya. Sa tuwing tatawag ito sa gabi ay halata niya ang pagod sa boses nito, kaya't iniintindi niya kahit tatlong araw na silang hindi nagkikita ng nobyo. Mas nagiging madalas ang activities nito sa school. Mi

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 91

    Hindi na rin siya tumanggi dahil gustong-gusto niya ang pakiramdam kapag nasa dibdib nito ang ulo niya. "Sleep now." Masuyo ang boses nito sabay ng mabining halik sa buhok niya. Nagsimulang hagurin ni Zian ang buhok niya na lalong nagpaantok sa kanya. Dahan-dahang pumikit na nga ang mga mata niya

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 90

    Isinuot nilang muli ang basa pang mga damit upang makabalik na sila sa resort. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Gamit nila ang gasera nang lakarin nila ang madilim na daan. Mabuti na lang at tumigil na nga nang tuluyan ang ulan. Hindi binibitiwan ni Zian ang isang kamay niya habang naglalakad sila paba

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 86

    Pumasok siya sa loob at naghanap ng switch ng ilaw pero wala. May nakita siyang lampara at posporo sa maliit na mesa sa gilid. Tuluyan na nga siyang pumasok. May isang kamang kasya sa dalawa ang ando'n, maliit na mesa at isang upuan. Kahit maliit ang kubo ay parang nakaka-relax tumambay do'n. Wala

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 85

    Pinauna niya munang mag-shower si Zian pagkarating sa kwarto nila. Manghang-mangha siya sa laki ng kwartong nakalaan para sa kanila. Naalala niyang sinabi ni Zian kanina na "own room" nito sa resort ang tutuluyan nila. Kaya pala may mga personal na gamit itong naroroon. Pati ang malaking kabinet sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status