(A MOTHER'S LOVE)
CHERRY 'That night makes my life miserable,' Nasira ang buhay ko. Nawala ang kinaiingatan kong career, na wala ang pangarap ko, lahat nawala sakin. "Chie, gutom nako." Napahinto ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin, at nakita ko si Charlie. "Hindi pa tayo kumakain e." Nakanguso niyang sagot. "Hmm. Dito ka lang, ipagluluto kita," sagot ko at tumayo papuntang kusina. Habang nagluluto ako, biglang sumulpot si Charlie sa likod ko. "Chie, bat Hindi ako nag-iiskol? May nakikita akong bata laging may dalang bag. Alam ko punta silang iskol." Naka labi niyang sabi. "Kulang pa ang edad mo para pumasok ng school," sagot ko at inahon ang itlog na niluluto ko. "Hindi, sabi ng iba ganto nako o!" Inis na sabi niya at pinakita ang nakaangat niyang anim na daliri. "Sabi ng iba pag ganto na yung edad nag iiskol na, pero ako? Bakit hindi pako niiskol?" Napabuntong hininga na lang ako sa kadaldalan niya. Kaya inis ko siyang hinarap pero hindi ko pinalahata. "Charli, limang taon gulang ka palang. Pero wag kang mag-alala, maghahanap ako ng trabaho para maipasok ka sa school," sagot ko at binuhat siya. "Talaga? Pramis?" Tuwang natong niya. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at inupo siya sa upuan. "Oo, kumain kana," sabi ko at sinadukan siya ng kanin. "Sige! Basta yung pangako mo ha?" "Oo na, Oo na." ―――――――――― "OKAY, YOU'RE HIRED. Bukas ka na magsimula," sabi nang manager dito sa isang bar. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat bago lumabas sa bar. Paguwi ko ay agad kong nakita si Charli sa bakuran na naghuhukay. Ewan ko ba ang hilig-hilig niyang maghawak ng lupa. "Charli!" Tawag ko sa kanya at pumasok sa gate. "Chie!" Sagot Niya at nagtatatakbong lumapit sakin. "Ano yang hawak mo?" Taas kilay tanong ko ng makitang nasalikod niya ang dalawa niyang kamay at nakatago sa likod niya. "Ano lang to Chie....hmm... Pang hukay ko! Oo pang hukay nag tatanim ako e." Tarantang sagot niya. "Patingin nga." Nakapamewang na utos ko sa kanya. "E kasi...." Parang nagdadalawang isip pa niyang ipakita ang kamay niya. Sa sobrang inis ay kinuha ko ang kamay niya at dinala sa harap. "Oh my God!" Tarantang sigaw ko at pinagpag ang kamay niya. "Charli! Madumi ang bulate. Baka magkabulate ka sa tyan niyan." "Sori na Chie wala kasi akong magawa sabi mo wag akong lumabas ng bahay sinusunod ko naman ang boring kaya dito tapos wala pakong kaibigan." Nakanguso niyang sagot. Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa loob. "Madumi ang lupa, Charli, baka kung ano ang makuha mong bakteriya," sabi ko habang hinuhugasan ang kamay niya. "Bakit kasi wala akong Papa? Edi sana siya naghahanap ng trabaho at hindi ikaw, edi sana hindi ako naiiwan mag-isa dito." Nangingilid ang luhang sabi niya. Binuhat ko siya mula sa pagkakaupo niya sa lababo at niyakap. "Wala tayong magawa dahil tinakbuhan tayo ng tatay mo." Wow! Diba ikaw ang tumakbo nung araw na yun? Baliw ka talaga, Cherry. "Gusto kitang makasama araw-araw, Chie. Gusto ko araw-araw kitang nasa tabi ko na kahit wala akong Papa, meron naman akong Mama." Pinigilan ko ang pag-hikbi na lumalabas sa bibig ko dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "Kaylangan mag trabaho ni Mama Charli, diba gusto mong mag...iskol? Mag tratrabaho si...Mama para may pang iskol ka." Garalgal sabi ko. "Hindi na pala ako mag-iiskol para hindi ka na aalis. Para lagi nalang tayong magkasama," hikbing sabi niya. "Anong kakainin natin kung ganon? Magugutom ka." "H-hindi na lang ako kakain para hindi ka na magtratrabaho para lagi ka na lang dito at hindi nako iiwang mag-isa. Pwede naman, diba, Mama? Para hindi ka na mahirapan," sagot niya na nagpahagulgol sakin ng todo. "P-patawarin mo si Mama, p-patawarin moko kung hindi ko mabibigay ang hiling mo." ―――――――――― MABIGAT ANG paghinga ni Charli habang natutulog. Sa kakaiyak niya ay nakatulog na ito sa balikat ko kaya dinala ko na siya sa kwarto. Magandang bata si Charli. Bilugan ang mukha niya, meron siyang mahabang pilikmata, maganda ang shape ng ilong niya, at matataba rin ang pisngi niya na mapula. Naging miserable ang buhay ko nang mabuntis ako, pero kahit kelan ay hindi ko naisip na si Charli ang dahilan, dahil alam kong ako ang may kasalanan dahil sa katangahan ko ay naging miserable ang buhay ko. Nung malaman ng manager ko na buntis ako, ginawan niya ng paraan para matulungan ako, pero napatalsik pa rin ako dahil isa iyon sa hindi ko sinunod na rules sa kontra namin; hindi kami pwedeng magbuntis hanggang hindi pa kami nagpapakasal para maiwasan ang isyu. Pwede naming ipagpatuloy ang career namin kung kasal kami pag nagkaanak. Pero dahil sa katangahan ko ay nadali ako. Sobrang ingat ko ng malaman kong mahina ang kapit niya sa sinapupunan ko. Ilang beses akong dinudugo nung lagpas dalawang buwan ko na siyang pinagbubuntis. Lalo na nung limang buwan na siya na muntikan nakong makunan. Buti na lang na obserbahan agad. Nung lumabas naman siya, napakaliit niyang sagol, samantalang nasa tama naman siyang buwan kaya naubos rin ang pera ko dahil sa mahina at mabagal ang presensya niya. Sasobrang takot na nawala siya, ay wiling akong magbayad ng malaki para umayos ang lagay niya. Ilang milyon ang nagastos ko. Mas naging sakitin siya ng isang taon siya. Buti na lang ay malaki pa ang pera kong naitatabi. Naubos rin ang mga laman ng credit cards ko dahil sa pagiging masakitin niya. Nahinto lang iyon nang mag-aapat na taon na siya. Binenta ko ang mansion ko para lang may maibibigay ng pangangailangan niya. Buti na lang at may natira pakong bahay kaya doon kami nanirahan. Nung nag dalawang taon si Charli ay kumuha ako ng mag-aalaga sa kanya. Nagtry akong bumalik sa pagiging artista pero wala nang kumuha sa akin dahil sa images ko. Kaya wala akong magawa kundi alagaan ang anak ko hanggang maubos ang pera ko. Cherin Jane ang totoo niyang pangalan pero pinalitan niya matapos mapanood ang music video ni Charli Puth. Minsan ay tinatawag ko pa rin siyang Cherin dahil nagmumukha siyang lalaki sa pangalan niya. Hinawakan ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "Wag lang mag-alala, anak ko, hahanapin ko ang tatay mo para matulad ang araw-araw mong hinihiling," bulong ko bago lamunin ang dilim.CHERRYTahimik lang ako habang pinapanood si Ruby na magtimpla ng kape. Yes, Ruby, Keefer's fiancée.Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko matapos kong malaman ang tungkol sa kanya. I just slept with someone's man!"Here's your coffee," aniya, and inilagay sa harap ko ang isang ng tasang kape. Napalunok naman ako ng makita iyon. "I didn't put any poison in there if that's what you're thinking," saad niya na ikinagulat ko.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya bago inumin ang kapeng binigay niya.Isa lang talaga ang pinagtataka ko kay Ruby—bakit sobrang kalmado niya matapos niyang makita ang isang babae katabing matulog ang nobyo niya? Totoo kayang fiance siya ni Keefer? O baka naman nakikipagbiruan lang siya?Pero kasi pamilyar ang boses niya sakin. Naalala ko siya iyong narinig kong kausap ni Keefer sa office―kaya talagang posible na fiance siya ni Keefer."You must be curious why I'm acting like this—you probably expect that I will throw a rage after I saw you sleeping with my fi
CHERRY Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko nang nanatiling nakadikit ang labi niya sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa buhok niya upang mas lalong palalimin ang halik niya sa akin. Siguro ay malakas na rin ang tama ng alak sa katawan ko kaya hindi na ang sisink in sa utak ko kung anong ginagawa naming dalawa. Halos habulin na namin ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi namin. Akala ko ay doon na mahihinto iyon hanggang sa muli niyang abutin ang labi ko at marahan akong hinalikan. "Wait!" tapik ko sa kanya para pigilan siya. "Someone...might see us here," saad ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Kaming dalawa lang naman ang nandidito pero hindi pa rin ako mapakali na baka may ibang makakita sa amin. Kahit medyo may tama na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko iyon. "Then do you mind coming with me?" tanong niya at inabot ang kamay sakin. Napatitig naman ako doon bago iyon kunin. Sabay kaming lumabas ng rooftop at pumuntang parking lot―pinagbuksan ni
CHERRY Tahimik kong pinahiran ng ointment ang nagdudugong kamay ni Keefer, habang siya ay malayo lang ang tingin sa akin. Nandito kami ngayon sa taas ng rooftop―nag papahangin at nag babakasakali na baka lumamig ang ulo niya. Buti na lang ay napakiusapan ni Maam Asarie ang mga media na huwag nang maglabas ng anumang pahayag ukol sa nangyari kanina. But knowing paparazzi, panigurado akong ilalabas at ilalabas nila ang balita patungkol dito. "Are you good?" biglang tanong niya sakin. "Tss. Sarili mo dapat ang tinatanong mo, hindi ako," inis kong sagot sa kanya. "Ano bang pumasok sa kokote mo at sinapak mo yung reporter? Hindi mo ba naisip yung pwede mangyari pag ginawa mo yon? Lalo na sa mommy mo?" "Ngayon ko lang naisip niyan. Earlier, all I could think about was how I could get you away from those reporters. I could barely think about what's going to happen after I punch that asshole," ika niya na nagpahinto sakin. Why would he feel something like that towards me? Nagiwas na
CHERRY Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinapanood ang iba na magsaya. Umalis kasi si Keefer dahil may isang businessman gustong kumausap sa kanya. Sila Ma'am Asarie naman ay busy sa pag-entertain sa mga guest. At dahil wala naman akong ka-close na kilala dito ay nagtatago na lang ako sa isang sulok. May mga media pa rin kasi sa loob ng venue. Mahirap na at baka may makakita sa akin. "Drinks maam." saad ng isang waiter at inabutan ako ng isang baso ng alak. Hindi ko sana iyon tatanggapin dahil nakatatlong baso na ako, pero wala akong nagawa nang maabot niya na iyon sa akin. Napabuga na lang ako sa hangin bago inumin iyon. Medyo masakit na sa tyan dahil hindi na ako sanay uminom, pero buti na lang ay hindi pa nanlalabo ang paningin ko. Ibig sabihin ay wala pa akong tama. 'Goods pako-' Parang huminto ang buong paligid ko ng maramdaman kong sumabit ang heels ko sa damit ko. Akala ko ay tuluyan na akong matutumba mula sa pagkakatayo nang biglang may matigas na braso ang suma
CHERRY Nang makarating kami sa venue ay halos lumuwa ang mga mata ko kung gaano kaenggrande ang ayos ng labas. Oo, labas ng venue, pano nalang sa loob? Alam ko naman na bongga ang magiging selebrasyon pero hindi ko naman inakala na ganito ka bongga, walang wala kaysa sa naiisip ko. Ganito siguro pag mahal ng lalaki ang babae, gagawin lahat para maipakita ang pagmamahal sa asawa. "You good? We have to go inside," agaw ni Sir―Keefer sa atensyon ko. Tumango naman ako sa kanya bago niya ako alalayan papasok sa loob. Halos huminto ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. At tuluyan na ngang lumuwa ang mata ko ng makarating kami sa loob. This is a one-day event! Pero hindi mo maiisip yun dahil sa sobrang engrande ng ayos. Nagulat naman ako ng biglang may mag-flash mula sa paligid. Media? Bakit may media? "You have to walk on a red carpet," rinig kong kausap ng lalaki kay Keefer. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko kung gaano karami
CHERRY Hindi ako mapakali habang paikot-ikot sa loob ng bahay―pano ba naman ay Huwebes na, at mamayang gabi na ang party pero hindi ko pa rin alam kung pupunta pa ba ako o hindi. "Mama, ready nako!" rinig kong sigaw ni Charlie―nang makita ko siyang naglakad papaba ay nagulat ako. Nakasuot lang naman siya ng white dress at naka-shades pa. "Bakit ganyan suot mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Kasi nga diba? Pupunta dito si Tito Keefer? Magplaplay daw kami ni Gray ngayong gabi," saad niya. "Kuya, hold my bag," maarte niyang saad at inabot kay Oliver ang backpack niya. Wala naman nagawa si Oliver kung hindi isukbit sa balikat ang dala-dala nitong bag. "Baket, hindi ka pa naka bihis? Tumawag si Tito Keefer, OTW na daw siya," aniya na ipinagtaka ko. "OTW?" "On the way! Papunta na daw siya," saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" inis kong tanong sa kanyan at tumakbo pataas sa kwarto. "Kanina ko pa sinasabi sayo pero kanina ka pa rin tulala!" sigaw niya.