(MET AGAIN)
CHERRY "Chie, bagay ba sakin?" Tanong ni Charli habang suot-suot ang school uniform na binili ko. "Bagay naman sayo," sagot ko habang nagtutupi ng mga damit niya. "Ay! Oo nga pala may nag papabigay sayo nito Chie," sabi niya at nag tatatakbo papuntang sala, "Ito oh!" Napatingin ako sa hawak niyang sobre, makapal na sobre, at nasisiguro kong makapal ang laman non. Kinuha ko iyon at binuksan. Tumambad sakin ang makapal na pera na puro tag-iisang libo. May nakita akong nakaipit na papel sa pera kaya kinuha ko iyon at binuklat. Dear My Cherry, Alam kong malaki ang kasalanan namin sayo nung araw na hinayaan ka namin, kaya naman pinagsisihan namin yon ng daddy mo, Cherry. Gusto ka naming mayakap, pero alam kong masama pa rin ang loob mo sa amin. Tanggapin mo sana ito para sa iyo at para na rin sa apo namin. Buwan-buwan akong magpapadala. Pag handa kana ay bukas ang pinto ng ating bahay para sainyo ng apo namin. Mahal na mahal ka naming Cherry, tandaan mo yan. Love, Mommy, Napamaang ako matapos masahin ang sulat ni Mommy. "Mama, okay ka lang?" Tanong ni Charli, kaya dali-dali kong pinunasan ang luha kong tumulo na pala. "A-ayos lang...ako," Garal gal Kong sagot. "Okay....Hihihi, excited na ako pumasok bukas. Yes, nakikita ko na rin kung ano yung itsura ng school. Whaaaaaa!" Tili niya at tumakbo papuntang kwarto. Napailing na lang ako at tinapos ang pagtupi. ―――――――――― "WOW ANG GANDA!" Tuwang sigaw ni Charli at nagtatalon mula sa labas ng gate. Sa isang private school ko siya pinasok. Hindi naman malaki ang gastos kaya okay lang. Lagi kasi naming nadadaanan 'to tuwing papuntang palengke kaya sabi niya dito daw niya gustong mag-aral. "Wag kang makulit dito ha? Mag-aral ka nang mabuti," paalala ko sa kanya nang makarating kami sa tapat ng classroom niya. "Opo, Chie, papasok nako, babye." Humalik muna siya sa pisnge ko bago pumasok sa loob. Napatingin ako sa kanya ng nasa harap siya ng klase; mukhang nagpapakilala siya. Kita sa mga asul niyang mata na masaya talaga siya. She have a blue hazel eyes na namana niya panigurado sa Ama ko, nakakaingit nga dahil hindi ko man lang iyon namana kay daddy, pero si Charli ay nabiyayan ng magaganda nitong mata. Bago ako umalis ay nakita ko pang nagpapapabibo pa ito sa teacher niya kaya mukhang tuwang-tuwa ito sa kanya. Nakangiti akong lumabas ng school at pumunta sa part-time job na pinagtatrabahuhan ko sa isang restaurant. Nang magtanghali ay sinundo ko si Charli sa school. Sa sobrang daldal niya kaka-kwento ay umabot na kami ng alas kwatro ng hapon. "Tapos sabi nung lalaki, muka daw akong taga Murs." Naka nguso niyang sabi. "Anung Murs?" "Yung aswang na taga ibang Mundo." "Mars yun. Syaka hindi ka naman mukhang taga ibang kalawakan," sagot ko. "Iba daw kasi yung mata ko sa kanila—itim tapos sakin blue! nat layk yu! Burawn." Mapapatawa na lang ako sa sinabi niya. Lagi na lang siyang nagtataka kung bakit ganon ang mata niya, pero okay lang naman daw kasi pakiramdam niya ay mas maganda daw siya doon, at minsan ay nagagamit niya pa daw itong pangongotong sa labas tuwing may gusto siya. Gagamitin niya lang daw ang mga mata niya at makukuha niya na daw yun. "Tapos Chie, alam mo bang may nagtanggol sakin don? Hihihi, feeling ko nga crush ko na siya. Gwapo kasi siya, Chie, tapos pinagtanggol niya ko sa mga nagsasabing taga-Murs daw ako. Sabi niya ang tulad kong ganito ay may lahi." Kinikilig na sabi niya. "Kasi parehas kami, Ma, grey daw yung sa kanya kasi may lahi rin ang daddy't mommy niya." "Edi friend na pala kayo?" "Hindi! Pagkatapos niyang sabihin yun na kaya niya ako pinagtanggol dahil parehas lang kami, pagkatapos nun tinalikuran niya ako. Gwapo sana siya kaso mukhang masungit." "Hahaha, sige na, gawin mo na ang dapat mong gawin at aalis ako," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo. "Hala, saan ka pupunta?" Gulat na tanong niya. "May trabaho ako, Cherin." "Sasama ako! Ayoko dito, mag-isa na naman ako!" "Hindi ka pwede don, Cheren," saway ko sa kanya at kinuha ang mga gamit ko. "Mama naman e!" Napabuga ako sa hangin sa kawalan ng pasensya. "Tch, sige na." "Yehey!" Tuwang sabi niya at nagtatalon sa sofa. "Halika, magbihis ka na." Dinala ko siya sa kwarto at binihisan ng jacket at pajama. Di na niya kaylangan pomorma. Hindi naman siya lalabas. ―――――――――― "AY! DALA SI BAGETS!" Salubong samin ni Kikay na naglilinis ng lamesa. Isa siyang waiter dito sa bar tulad ko. "Ayaw mag paiwan e." "Chie, dito na lang ako," sabi ni Charli na nakaupo na sa isang bar tab. "Sige, wag kang makulit diyan," sagot ko at kumuha ng basahan at nagsimulang magpunas. ….. KEEFER "Sarado pa ata e?" tanong ni Timothy Kay Isaac. "Hindi yan, ako ang bahala," sagot ni Isaac. "Siguraduhin mo lang, yari ka sakin," pagbabanta niya kay Isaac. "Don't worry, pinsan, ko may ari nito." Sagot nito. Pumasok na lang kami sa loob at nadatnan namin na naglilinis ang ibang waiter. "Welcome to THE RIAS BAR!!" Halos mapatalon kaming apat ng may sumigaw. "Fuck! Who's that?" Gulat na tanong ni Shin. "Hi po!" Biglang may nagsalita sa ibaba kaya napatingin kaming apat sa kanya. At nakita namin ang isang bata. Naka suot siya ng black jacket at pink pajama. "Hindi ko alam na tumatanggap ng bata yang pinsan mo." Pag-aasar ni Shin kay Isaac, pero imbis na sumagot si Isaac, lumuhod siya para matapatan ang bata. "Anong ginagawa mo dito sa bar? Alam mo bang bawal ka dito?" Seryosong tanong ni Isaac dito. "Dito kasi nag wowork ang Mama ko, ayaw ko namang maiwan sa bahay at maglaro ng bulate kaya sumama na lang ako," deredertso niyang sagot. "E asan ang papa mo?" Tanong ni Shion. "Wala. Sabi ni Mama tumakbo daw." "Tumakbo?" "Hmm...tas hindi na bumalik." "I like your eyes," singit muli ni Isaac. "Talaga? Hindi ako mukhang taga Mars?" Tanong niya kaya natawa kami. "No, you're beautiful." "Ahh, okie," sagot niya at tumalikod na sakin. Kita ko naman na umupo siya sa isang table at kinalikot ang nagkalat na papel. "She's so cute," Ring namin sabi ni Isaac. "Hoy! Bawal ma fall bata yan," si Shion. "Bakit bata pa naman ako ah?" sagot ni Isaac. "Mga siraulo," singit ko at naghanap ng mauupuan namin. "Hey, dude." Biglang may sumulpot sa harap namin. "Rias," tawag sakan niya ni Isaac at niyakap Ito. "Guys, this is my cousin Rias...Rias, this is my friend Timothy, Shin, and Keefer." Pakilala niya samin. Kaya nagpakilala rin kami. "Mama, gusto non oh! Yung kulay pink!" Ring Kong sabi ng bata habang nakaturo sa mga alam na aka display. "Hindi pwede yun, Chanel, pang matatanda lang yun," saway sa kanya ng isang babae. "Pero Mama, mukhang masarap o! Tignan mo Mama, kulay pink parang strawberry!" "Alak yun, Chanel, at pang matatanda lang yun." "Pero Mama, big nako!" "Chanel? Anong usapan natin?" Napasimabot naman ang bata sa tanong ng ina niya. "Wag makulit, diba?" "Opo" "Sige na, bibigyan na lang kita ng juice dito, tuloy mo na yan," sabi niya at tinalikuran ang anak. Nangunot ang noo ko nang mapansing pamilyar siya sa akin, lalo na ang hubog ng katawan niya. Yes, her body is too familiar.CHERRYTahimik lang ako habang pinapanood si Ruby na magtimpla ng kape. Yes, Ruby, Keefer's fiancée.Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko matapos kong malaman ang tungkol sa kanya. I just slept with someone's man!"Here's your coffee," aniya, and inilagay sa harap ko ang isang ng tasang kape. Napalunok naman ako ng makita iyon. "I didn't put any poison in there if that's what you're thinking," saad niya na ikinagulat ko.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya bago inumin ang kapeng binigay niya.Isa lang talaga ang pinagtataka ko kay Ruby—bakit sobrang kalmado niya matapos niyang makita ang isang babae katabing matulog ang nobyo niya? Totoo kayang fiance siya ni Keefer? O baka naman nakikipagbiruan lang siya?Pero kasi pamilyar ang boses niya sakin. Naalala ko siya iyong narinig kong kausap ni Keefer sa office―kaya talagang posible na fiance siya ni Keefer."You must be curious why I'm acting like this—you probably expect that I will throw a rage after I saw you sleeping with my fi
CHERRY Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko nang nanatiling nakadikit ang labi niya sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa buhok niya upang mas lalong palalimin ang halik niya sa akin. Siguro ay malakas na rin ang tama ng alak sa katawan ko kaya hindi na ang sisink in sa utak ko kung anong ginagawa naming dalawa. Halos habulin na namin ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi namin. Akala ko ay doon na mahihinto iyon hanggang sa muli niyang abutin ang labi ko at marahan akong hinalikan. "Wait!" tapik ko sa kanya para pigilan siya. "Someone...might see us here," saad ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Kaming dalawa lang naman ang nandidito pero hindi pa rin ako mapakali na baka may ibang makakita sa amin. Kahit medyo may tama na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko iyon. "Then do you mind coming with me?" tanong niya at inabot ang kamay sakin. Napatitig naman ako doon bago iyon kunin. Sabay kaming lumabas ng rooftop at pumuntang parking lot―pinagbuksan ni
CHERRY Tahimik kong pinahiran ng ointment ang nagdudugong kamay ni Keefer, habang siya ay malayo lang ang tingin sa akin. Nandito kami ngayon sa taas ng rooftop―nag papahangin at nag babakasakali na baka lumamig ang ulo niya. Buti na lang ay napakiusapan ni Maam Asarie ang mga media na huwag nang maglabas ng anumang pahayag ukol sa nangyari kanina. But knowing paparazzi, panigurado akong ilalabas at ilalabas nila ang balita patungkol dito. "Are you good?" biglang tanong niya sakin. "Tss. Sarili mo dapat ang tinatanong mo, hindi ako," inis kong sagot sa kanya. "Ano bang pumasok sa kokote mo at sinapak mo yung reporter? Hindi mo ba naisip yung pwede mangyari pag ginawa mo yon? Lalo na sa mommy mo?" "Ngayon ko lang naisip niyan. Earlier, all I could think about was how I could get you away from those reporters. I could barely think about what's going to happen after I punch that asshole," ika niya na nagpahinto sakin. Why would he feel something like that towards me? Nagiwas na
CHERRY Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinapanood ang iba na magsaya. Umalis kasi si Keefer dahil may isang businessman gustong kumausap sa kanya. Sila Ma'am Asarie naman ay busy sa pag-entertain sa mga guest. At dahil wala naman akong ka-close na kilala dito ay nagtatago na lang ako sa isang sulok. May mga media pa rin kasi sa loob ng venue. Mahirap na at baka may makakita sa akin. "Drinks maam." saad ng isang waiter at inabutan ako ng isang baso ng alak. Hindi ko sana iyon tatanggapin dahil nakatatlong baso na ako, pero wala akong nagawa nang maabot niya na iyon sa akin. Napabuga na lang ako sa hangin bago inumin iyon. Medyo masakit na sa tyan dahil hindi na ako sanay uminom, pero buti na lang ay hindi pa nanlalabo ang paningin ko. Ibig sabihin ay wala pa akong tama. 'Goods pako-' Parang huminto ang buong paligid ko ng maramdaman kong sumabit ang heels ko sa damit ko. Akala ko ay tuluyan na akong matutumba mula sa pagkakatayo nang biglang may matigas na braso ang suma
CHERRY Nang makarating kami sa venue ay halos lumuwa ang mga mata ko kung gaano kaenggrande ang ayos ng labas. Oo, labas ng venue, pano nalang sa loob? Alam ko naman na bongga ang magiging selebrasyon pero hindi ko naman inakala na ganito ka bongga, walang wala kaysa sa naiisip ko. Ganito siguro pag mahal ng lalaki ang babae, gagawin lahat para maipakita ang pagmamahal sa asawa. "You good? We have to go inside," agaw ni Sir―Keefer sa atensyon ko. Tumango naman ako sa kanya bago niya ako alalayan papasok sa loob. Halos huminto ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. At tuluyan na ngang lumuwa ang mata ko ng makarating kami sa loob. This is a one-day event! Pero hindi mo maiisip yun dahil sa sobrang engrande ng ayos. Nagulat naman ako ng biglang may mag-flash mula sa paligid. Media? Bakit may media? "You have to walk on a red carpet," rinig kong kausap ng lalaki kay Keefer. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko kung gaano karami
CHERRY Hindi ako mapakali habang paikot-ikot sa loob ng bahay―pano ba naman ay Huwebes na, at mamayang gabi na ang party pero hindi ko pa rin alam kung pupunta pa ba ako o hindi. "Mama, ready nako!" rinig kong sigaw ni Charlie―nang makita ko siyang naglakad papaba ay nagulat ako. Nakasuot lang naman siya ng white dress at naka-shades pa. "Bakit ganyan suot mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Kasi nga diba? Pupunta dito si Tito Keefer? Magplaplay daw kami ni Gray ngayong gabi," saad niya. "Kuya, hold my bag," maarte niyang saad at inabot kay Oliver ang backpack niya. Wala naman nagawa si Oliver kung hindi isukbit sa balikat ang dala-dala nitong bag. "Baket, hindi ka pa naka bihis? Tumawag si Tito Keefer, OTW na daw siya," aniya na ipinagtaka ko. "OTW?" "On the way! Papunta na daw siya," saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" inis kong tanong sa kanyan at tumakbo pataas sa kwarto. "Kanina ko pa sinasabi sayo pero kanina ka pa rin tulala!" sigaw niya.