(A MOTHER'S LOVE) CHERRY 'That night makes my life miserable,' Nasira ang buhay ko. Nawala ang kinaiingatan kong career, na wala ang pangarap ko, lahat nawala sakin. "Chie, gutom nako." Napahinto ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin, at nakita ko si Charlie. "Hindi pa tayo kumakain e." Nakanguso niyang sagot. "Hmm. Dito ka lang, ipagluluto kita," sagot ko at tumayo papuntang kusina. Habang nagluluto ako, biglang sumulpot si Charlie sa likod ko. "Chie, bat Hindi ako nag-iiskol? May nakikita akong bata laging may dalang bag. Alam ko punta silang iskol." Naka labi niyang sabi. "Kulang pa ang edad mo para pumasok ng school," sagot ko at inahon ang itlog na niluluto ko. "Hindi, sabi ng iba ganto nako o!" Inis na sabi niya at pinakita ang nakaangat niyang anim na daliri. "Sabi ng iba pag ganto na yung edad nag iiskol na, pero ako? Bakit hindi pako niiskol?" Napabuntong hininga na lang ako sa kadaldalan niya. Kaya inis ko siyang hinarap pero hindi ko pinalahata.
Last Updated : 2025-06-14 Read more