Share

CHAPTER 1: THE STRUGGLES TO BEGIN WITH

Priscilla was sitting comfortably on the couch, which she was inside the hotel lobby, with her daughter, Haven. Naalala lang naman niya ang pag-uusap nila ni Marco Madrigal. Ang anak ng isang mayaman na negosyante sa Mindanao at nagkataon na nandoon sa Laguna, para sa bidding ng mga antique Collection na pinuntahan nito. At nang magawi ito sa kanyang shop, ay may nagustuhan kaagad ito. Mukhang mahilig ang binata sa mga lumang collection.

    "Gawa sa Japan ang mga 'yan," wika niya sa mga antigong vase na collection niya na nalikom niya mula sa Japan at naiuwi ng paunti-unti sa Pilipinas. Ang mga klase kasi ng mga iyon ay mga lumang vase na hindi lamang basta ordinaryo ang mga iyon. Tila nag-isip pa ito, "Then name your price," 

    “Six million, magaganda ang mga 'yan kunin mo na bago pa makuha ng iba." mabilis na sagot niya. Kailangan na kailangan lang kasi niya ng pera. Iyon na ang kanyang pagkakataon na may isang mayaman na nagkainteres sa kanyang collections. Hindi ito nagsalita at parang nag-iisip. Mukha kasi itong hindi interesado. Pangalawang beses na itong dumayo sa kanyang shop. Noong una hindi ito bumili pero sa pagbalik nito nakikita niyang bibili na ito. 

    "Total, mahilig ka naman sa mga antique. I think you should invest it from me," she suggested.

    "Si Celestine lang ang mahilig sa ganyan," tugon ni Marco. 

    "Hmn...napakaswerte mo naman at may nobya kang mahilig sa mga antigong bagay."

    "She's not my girlfriend," depensa nito. Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. 

    "Then who is she?"

    "My, mother." hindi na siya nagulat sa paraan ng pagtawag nito sa ina nito kanina. Mukha naman itong walang galang. 

    "I know your mom, will definitely like it. Ganyan kaming mga alam mo na nagkaka-edad, mahilig sa mga luma."

    "She's much younger than you." sabi ulit nito.

    Gulong-gulo na siya ano ba ang pinagsasabi nito?

    "H-how old is she?" mahinahong tanong niya kahit naiinis na siya dito nagtitimpi lang siya, mahirap na baka ma-provoke niya ito at hindi na ito bibili sa kanya.

    "Thirty-eight," maikling sagot nito, na muntik na niyang iki-nabuwal mula sa kanyang pagka-upo! Was he really serious? May nanay itong sampung taon lang ang agwat nila? Napag-alaman niya na bente-nuebe pa lang ang binata.

    "To tell you frankly Priscilla, I'm not interested to your collections," nawala ang pagkakangiti niya sa mga labi sa sinabi nito.

    "W-what do you mean. Don't you like them?" sana naman mapapayag niya ang lalaking ito para mabili nito ang collection niya. She needs money!

    "Relax, I still buy that old thing. May nakita lang ako,” he paused “…na mas nakaka-interesting pa sa mga mata ko." he said smiling and his eyes twinkled. May kung anong tinignan ito at sinundan niya iyon ng tingin. Hindi siya maaaring magkamali. It was Haven! Nag-aayos ito sa kabilang shelves.

 Nangingiting tinignan niya si Marco.

    "Ahm, ano ang ibig mong pakahulugan? Do you know that woman?"

    "Alam kong anak mo siya. Ano Priscilla, kung gusto mo akong maging son-in-law. Allow me to have her, gagawin ko pa siyang reyna sa Villa ko." malisyosong sabi nito habang hindi pa rin humihiwalay ang mga tingin nito sa kay Haven. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanyang anak. 

    She even tried to paired her to some of those wealthy people she had known, pero matigas ang ulo ni Haven she never listens to her! At mukhang 'yon na ang pagkakataon para mawala na sa buhay niya si Haven! Mas bata at mayaman pa ang magkakainteres sa kanyang anak. And who doesn't want his offer? She will no longer have to work hard to earn money. She raised her eyebrows and look at the arrogant young man. May itsura din ito kaya nga lang parang may pagkahambog na ugali.

    "Then what will I get in return?" ngumiti ito sa sinabi niya,

    "I'll double the price," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ilan na lang ang magpe-presyo ng ganoon sa isang tao!

    "Shoot. Believe it or not birhen pa ang anak ko," tila hindi man lang ito nasurpresa sa sinabi niya.

    "Paano mo nasabi 'yan?"

    "Mr. Madrigal, I know her very well, wala nga siyang pinapakilalang boyfriend niyan sakin. Bakit hindi mo nalang muna suyuin baka sakaling mahulog pa ang loob niya sayo." she said trying to convince him. 

Tumindig ito mula sa pagkaka-upo, "Priscilla, wala na tayo sa makalumang istilo, dinadaanan na ngayon sa santong paspasan as long as money involves." diretsong sabi nito. 

    "Yes I know, pero magkaiba kami ng anak ko. She's decent unlike me na pumapatol sa may asawa."

    "I don't care about you, Priscilla. Kapag nakuha ko na ang anak mo, I think you should vanish and find a place, that she will no longer sees you." saan pa ba siya makakahanap ng ganyang kalaking pera kung aayaw pa siya? Pera kapalit ng puri ng ni Haven. 

    Napangisi siya, "Okay, ano ang plano?"

   

    "Ma, kanina pa tayo naghihintay dito sa lobby, nasaan na 'yong ka-business partner niyo? Sigurado ba kayo? Business pa ba itong dadaluhan natin para kasing tayo lang ang tao dito maliban sa mga employee." iritadong saad nito. Hindi niya namalayang nakabalik na pala ang anak mula sa comfort room dahil sa pagbabalik tanaw niya sa usapan nila ni Marco.

    "Oh, well hinihintay ko nalang 'yong text niya. Maghintay pa tayo saglit."

    "Baka naman niloloko lang kayo niyan, ang layo-layo pa ng byinahe natin at alas dyes na, ma." naiirita na wika nito.

    "Pwede ba maghintay ka!" pagalit na sabi niya. Knowing Haven, isang galit na boses niya lang tatahimik na ito. Maya't maya nagvibrate ang phone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bag 

    Magtungo na kayo sa taas room 203 make sure hindi kahina-hinala ang mga kilos mo.

    Text iyon ni Marco. "Halika na. We'll go upstairs," tumayo na siya mula sa lobby ng hotel. 

    "What? Bakit kailangan pa natin magtungo 'run."

    "Sumunod ka nalang ang dami mo pang tanong."

    Hinila niya ito sa itaas ginamit nalang nila ang hagdanan. Dire-diretso sila sa room 203, nagulat siya ng hindi nakalock iyon. Pagkapasok nila sa loob walang Marco Madrigal ang nabungaran nila.

    "Ma, where is your business partner?"

    "Sinabi ko na sa 'yong maghintay ka!" nagtungo na lang anak niya sa may open glass door ng hotel, sa maliit na terrace. Maya't maya nagvibrate muli ang phone niya.

    Umalis ka na. Text ni Marco. 

    She took a deep breath and put her phone inside her bag. Sabik na sabik na siyang mawala sa buhay niya si Haven! Siya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya! Kung sabagay hindi naman siya ang nagluwal sa babaeng iyon at nakuha na niya ang gusto niya dito. Ilang beses na ba niya ito pinahamak? Hangga't may pakinabang pa ito sa buhay niya ay hindi niya ito titigilan! She hadn’t enough. 

    "Ah, Haven, lalabas na muna ko susunduin ko lang si Mr. Madrigal." sabi niya.

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa labas.

Mabilis na lumabas siya ng hotel room at dahan-dahang isinara ang pinto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status