Share

CHAPTER 19

ININAT NI Mia ang mga braso niya kasabay ang pagmulat ng mga mata niya at magaan ang pakiramdam niya na umupo mula sa pagkakahiga. Nang masilaw siya liwanag na tumatagos sa kurtina na puti mula sa bintana ng silid niya ay bumangon na siya ng tuluyan. Ang gaan ng pakiramdam niya sapagkat iba ang pakikitungo sa kanya ni Jondray simula nang magpunta sila rito sa kanila. Alam niyang palabas lamang ang lahat, alam niyang pagpapanggap lamang ang lahat pero masaya siya kahit na hindi totoo ang meron sa pagitan nila.

Akmang aalis na siya sa pagkakahiga para ayusin ang sarili ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok mula doon si Jondray na may dalang maliit na tray at puno ng pagkain ang nasa tray na dala nito. May isang basong gatas, tinapay, palaman at prutas.

Tahimik lamang itong naglalakad at kunot ang noo niyang sinundan ng tingin ang binata, inilapag nito ang dalang tray sa side table. Kakain siya sa loob ng kuwarto? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking ‘to. Pagka-usa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status