Share

Chapter 3

Pagkatapos nang usapan namin ay lumabas din agad si Mr. Gregorio. After he shut the door saka pa lang nag-proseso sa akin kung ano ang pinasok ko. Wala sa sariling sinabunutan ko ang sarili ko. Really? Tama ba ang ginawa ko?

Did I just offer myself to become his wife? He agreed and now we are already engaged? I am his fiancée and he is my fiancé? I didn’t even explore myself that much tapos ngayon magpapatali na agad ako sa lalaking hindi ko naman naging boyfriend or worst hindi ko kilala talaga ang ugali.

Okay, calm down.

Mabilisan ang ginawa kong pagligo dahil ayaw kong mag-antay sila sa akin nang matagal at ayaw ko rin na maging pulutan nila. I know my mom, alam kong madami siyang itatanong. I don’t know if she is fully convinced pero alam kong hindi pa rin sapat para sa kaniya ang sinabi ni Mr. Gregorio.

Pagkatapos kong magbihis ay agad din akong lumabas ng kwarto ko. I didn’t see Mr. Gregorio sa labas ng bahay ko kaya malamang ay nandoon na siya kasama ang parents ko. Dahan-dahan lang akong naglakad pababa. I don’t want to embarrass myself.

Kahit na nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang pekeng tawa ni mommy. Mom’s really laugh like that kapag ibang tao ang kaharap niya but she would never laugh if kami lang sa bahay. She would always wear that stern face of her. She is not that strict pero gusto niya na palagi akong nasa tabi niya.

“Good morning, dad,” bati ko kay daddy dahil siya ang malapit sa akin. I kissed his cheeks bago ako lumapit kay mommy para bumati and did the same thing. “Morning, mom.”

Nagtagal ako sa likod ni mom kasi hindi ko alam kong ano ang susunod kong gagawin. I can’t pretend. I don’t know how to act and that’s the reason why I want to become a model. I have always dreamed of becoming a model since I was a child and that dream of mine never changed.

Now that I am at the right age to decide for my own, akala ko okay na but no, my parents won’t let me. They are still the one who decides for me. I am still not free to choose my own path dahil lang sa gusto nila na hindi ko iiwan ang nasimulan nila.

“Why are you still standing there? Sit with your fiancé, Cindy,” sabi ni mommy sa akin nang mapansin na hindi ako umalis sa likuran niya. Yeah, right. I am engaged already.

Mr. Gregorio stood and kissed my cheek! Halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Pinaupo niya ako pagkatapos pero ‘yung utak ko ay nasa ibang planeta pa dahil sa ginawa niya. What? I didn’t expect that. I thought he would just kindly let me sit with him.

“What a majestic ring!” sambit ni mommy na ikinahiya ko.

Bago lumabas si Mr. Gregorio sa room ko ay may binigay siya sa akin. Ang bilis ng mga pangyayari kaya halos hindi ko na alam din ang mga nangyayari basta ang alam ko na lang ay may suot na akong singsing na galing sa kaniya.

The ring is too flashy to not be noticed.

Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko nang mapansin ni mommy iyon. Kanina pa ako halos hindi mapakali dumagdag pa ang kaba na nakita ni mommy ang singsing na binigay ni Mr. Gregorio. Of course, alam ko naman na dapat may singsing talaga but I didn’t expect him to give me a ring as elegant as this.

“Yes, ma’am. Beautiful ring for your beautiful princess,” dinig kong sabi ni Mr. Gregorio. Seeing him in my peripheral view looking at me, halos hindi na ako makagalaw nang maayos. Can I say na I am not really comfortable with this breakfast.

Kinausap ni mommy at daddy si Mr. Gregorio tungkol sa business nito. Their conversation went on and on hanggang sa halos hindi na nila napansin na nandito ako which was totally okay for me. Gusto ko na nga na umalis kaya lang agaw eksena naman kung aalis ako habang nag-uusap sila.

Mabuti at naisip nilang tapusin muna ang breakfast bago magpatuloy sa pinag-usapan. Hindi na rin gaanong madalas ang titig sa akin ni mommy. She’s focused on her food, parang gusto na niyang matapos para matuloy ang pinag-usapan nila.

“Aakyat lang po ak---”

“No, iha. We will talk about your upcoming wedding. We need to discuss important matters. I am sure Mr. Gregorio would like to discuss about it as well, right?” Nilingon na ni mommy ngayon si Mr. Gregorio na kausap si daddy.

Biglang natigil sa usapan ang dalawa at walang pagdadalawang isip na tumango si Mr. Gregorio sa sinabi ni mommy kahit na alam kong hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. Kita ko ang munting sulyap niya, medyo naguguluhan sa sinabi ni mommy pero nagsalita pa rin naman.

“Yes, ma’am.”

Halos mapairap ako sa sinagot nito. Alam mo talagang walang alam sa sinabi ni mommy but of course, he wants to please them kaya sumang-ayon na lang.

“I’m just going to get my phone, mom. Babalik din naman agada ko,” palusot ko sa kaniya. Sumingkit ang mata niyang nakatingin sa akin pero nginitian ko na lang. “I promise to come back right after I get my phone,” pamimilit ko.

May binulong sa kaniya si daddy kaya wala na siyang nagawa. Tipid akong ngumiti kay Mr. Gregorio bago umakyat. Mahaba ang mga hakbang na ginawa ko para mabilis na makarating sa kwarto. Nang maisarado ay saka ko pinakawalan ang buntong hininga na kanina ko pa pinipigilan.

I don’t know what’s happening, sa sobrang bilis ng pangyayari ay halos hindi ko na naisip kong tama pa ba ang pinanggagawa ko. Parang kagabi lang ay nagpakalasing pa ako dahil sa gagong lalaking iyon tapos ngayon bigla na lang akong magpapakasal sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mambabae nang mambabae?

Mabilis kong kinuha ang phone ko dahil ayaw kong puntahan pa ako ni mommy dito or worst baka si Mr. Gregorio pa ang pupunta. Wala na sila sa dining area kaya dumiretso na ako sa receiving area. Okay, here we go again. Nasa akin na naman ang tingin ng lahat.

“Iha, we are talking about your wedding already. What do you prefer? A beach wedding or church wedding? For me, I think beach wedding is beautiful but of course, you should be married at the church! Hindi pwedeng hindi. I can’t choose,” mabilis na sabi niya sa akin.

Really? Sino ba ang ikakasal? Bakit parang siya pa ang nagdedesisyon, hindi naman niya wedding? Umupo ako sa tabi ni Mr. Gregorio nang umusog siya para makatabi ako. Of course, I have to pretend as well that we are madly in love with each other kahit hindi naman talaga.

“Anywhere is fine, mom. Just chose whatever you want,” sabi ko na lang sa kaniya.

She nodded and looked at the brochure. May wedding planner na pala, hindi ko man lang napansin. Tipid itong ngumiti sa akin. I just nodded at her. “Why don’t we just choose both? You can have the beach wedding that everyone dreams to be have and a church wedding as well, right Mr. Gregorio? I am having a hard time kasi choosing between the two.”

“Yes, ma’am. We can do that.”

Itong isa naman walang ibang ginawa kung hindi ang pumayag sa kung ano ang gusto ni mommy. Wala man lang sariling desisyon sa buhay. Wala ring imik si daddy sa gilid. Tahimik lang itong nagmamasid sa amin.

“Okay, then let’s do both.”

Marami pa siyang sinabi sa wedding planner. Parang wala ring kwenta na nandito ako kasi siya naman ang nagdedesisyon sa lahat. Tumatango na lang ako kapag may tanong siya o kung ano kasi wala rin naman akong magawa kasi siya naman ang masusunod sa lahat.

“Can I take you out later?” bigla akong napaayos nang upon ang marinig iyon galing kay Mr. Gregorio. Binulong niya lang para hindi masyadong marinig ni mommy. Ramdam ko ang hininga niya sa bandang leeg ko, medyo nakakakiliti pero hindi ko pinahalata. I maintained my poker face kahit medyo nagulat ako sa kaniya.

“Where will you take me? Hindi ka ba busy?” tanong ko sa kaniya. Pabulong lang din iyon dahil ayaw kong marinig ni mommy ang kung ano man ang pinag-usapan namin.

“On a date? It will be unbelievable if public won’t see us together on a public place,” bulong naman nito pabalik.

Yeah? Paano nga naman sila maniniwala? But wait? Bakit naman kailangan pa namin silang papaniwalain? “What for? I am not a public figure, kaya okay lang naman,” sagot ko naman sa kaniya.

“But you will be, soon,” sabi niya na ikinatigil ko. Yeah… We have a deal… Glad that he remembered it well. Wala sa sariling napatango na lang ako sa kaniya. “Then, it is a deal. See you at 6 later. I will pick you up, so don’t bother about anything,” dagdag na sabi niya.

Walang kaalam-alam si mommy sa pinag-usapan namin. Nang tumingin ito sa banda namin ay tipid lang itong ngumiti. “I found a perfect place for your beach wedding!” she exclaimed after.

“Thanks for initiating to help, ma’am! I don’t want my future wife to be stressed out that’s why I am thankful to you,” sabi naman ni Mr. Gregorio. Siguro kung wala lang nakatingin ay inirapan ko na ito sa sinabi niya.

“You shouldn’t stress out your wife! Hindi kayo makakabuo agad kung stress ang wife,” dugtong ni mommy na ikinagulat ko. What did she say?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status