Share

Chapter 4

“May dinner pa kayong nalalaman. You didn’t even bother telling me. Hindi mo pa nga sinasabi the real score between you two? Kaya ba parang wala na lang sa’yo yung ex mo? Oh my! I’m so bobo! That’s why hindi ka pala affected sa unggoy na ‘yun kasi may iba naman pala. Now I know.”

Anabelle is really annoying. Kanina pa siya nandito sa bahay at kanina pa rin niya ako kinukulit sa mga tanong niyang ganiyan. I don’t want to answer it kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

What should I tell her? Should I tell her na parang ako pa ang nag-aya kay Mr. Gregorio na pakasalan ako? Well, iyon naman talaga ang nangyari but no! I would never do that. Ayokong mapahiya ako and of course, the deal should only be between me and him. Wala na dapat makaalam.

I trust Anabelle but I don’t trust her that much na sasabihin ko ang deal namin ni Mr. Gregorio. She’s so talkative, she might spill it kahit kanino. Wala pa naman preno ang bibig ng babaeng ito.

“We just went on a date like how what we should do,” explain ko sa kaniya.

Kita ko ang pagtaas ng kilay niya when she heard my explanation. “What reason is that? It’s not even acceptable in the jury. And? Where did you go after? Don’t tell me umuwi kayo agad?” I nodded at her which made her gasped. “I can’t believe it! Cindy! Oh my! Hindi man lang ba kayo nag-hotel? Nag-check in?”

Gaga? Bakit naman gagawin naming iyon? “Shut up, belle. That matter should be only just for the both of us. Huwag ka na magtanong pa. Anyway, why are you here?”

She rolled on my bed then stomped her feet after. “Wala lang? I found an agency nga pala. They are looking for young talents na syempre gusto maging model. I don’t want to go syempre if you won’t go kaya ako pumunta rito. So, what do you think?” pag-uumpisa niya ng seryosong usapan.

“Belle, that’s not a proper way of sharing something. Give me a little bit background naman of that agency. Anong tingin mo sa akin? Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin? Hindi pa naman ako nabigyan ng power na makabasa ng iniisip ng ibang tao,” prangka ko sa kaniya.

But I think I would not go muna. My parents might get the reason kung bakit ako magpapakasal, baka tumutol pa siya sa mismong kasal. I think, I will behave myself for now? Nandiyan naman si Mr. Gregorio, he promised that he will help me and I trust him.

I don’t want his help though. Gusto kong makuha ang pangarap ko without the help of others. I just want them to support me though, okay na iyon sa akin. Support lang naman talaga ang kailangan ko. Ayaw ko naman na umangat agad dahil lang may mga pangalan na nagdala sa akin.

“Opps! Sorry. I just heard na maganda naman doon. Medyo ligwak nga lang daw sa medyo alam mo na, sa mga matandang lalaki na bastos. ‘Wag na lang pala tayo roon. I will try to find some. I am having a hard time finding one kasi alam mo na, baka malaman ng parents mo, sabihin pa na kinukunsinti kita. Well, ganun naman talaga but hehe let’s proceed to another topic na lang. Is he good in bed?”

“Of course! Now, shut up.”

She gasped and clapped her hands. Looking amused at me. “Sinasabi ko na nga ba! Sa tindig pa lang parang alam ko na agad eh.”

Tumango na lang ako sa kaniya. I lied, okay? Hindi ko naman talaga alam, I just did that para matigil na siya katatanong. If I would answer her na hindi ko alam, malamang magtataka siya kung bakit, then that would lead to other miles of question-and-answer portion.

Well, based sa mga babaeng nali-link sa kaniya ay iyon naman ang sinasabi. They describe him as a monster on bed, kaya malamang tama ‘yun kasi madami naman ang nagsasabi. Napagod na siguro katatanong si Anabelle kaya pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinikit na lang niya ang mga mata niya.

My phone lit up and alam ko na agad kung sino ang tumatawag. I immediately rejected it kasi baka makita ni Anabelle. I just texted him na I am with my friend. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko. I already told him about Anabelle.

“He’s calling?” gulat ako sa tanong ni Anabelle. Nakapikit pa rin ang mga mata niya nang tingnan ko siya kaya nakakapagtatakang alam niya. Grabe naman ang pandinig ng babaeng ito. Kahit mabilis lang na tumunog iyon kanina ay napansin niya pa rin. Akala ko naman mananahimik na siya.

“Yeah. I already told him na you are here,” pagsasabi ko ng katotohanan.

“Miss ka agad? Nag-date pa nga kayo kagabi. Grabe naman ‘yang lalaki na ‘yan. Baka mamaya ipagpalit mo na ako sa kaniya but anyway, I am happy for you. Sa wakas, medyo may hitsura na ang lalaking pinili mo. Nakakasuka kasi ang mukha ng unggoy na ‘yun. What’s his name again? Shessh?”

Gaga talaga ang babaeng ito. Kailan pa nagkaroon ng lalaking pangalan ay Shessh? “It’s Chris,” pagtatama ko sa kaniya.

“Sounds like a joke kasi ‘yung pangalan niya. Mukha pa siyang unggoy,” sabi niya. Kahit nakapikit siya ay ang daldal pa rin.”

Ilang oras din siyang nag-stay sa bahay bago niya naisipang umalis. Kung hindi pa siya hinanap ng magulang niya ay hindi pa siya uuwi. Parang gusto pa yatang dito na lang maghapunan. Sa sobrang aga niya kanina ay dito na siya nag-breakfast and she also ate lunch here. Napailing na lang ako sa kalat na iniwan niya. Kahit kalian talaga ang babaeng iyon.

“What’s this?” tanong ko kay Mr. Gregorio nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko na may dalang bulaklak. Siguro kilala na siya ng mga kasambahay as my fiancé kaya hinayaan na lang nilang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Mabuti na lang at tapos na akong maglinis ng kalat ni Anabelle kanina kaya medyo maayos na ang kwarto ko kasi kung hindi ay baka mapahiya pa ako. It wasn’t my fault na makalat ang kwarto naman kaya lang nakakahiya pa rin kung nadatnan niya ang kalat kanina.

“A flower? Isn’t it obvious?” balik niyang tanong sa akin.

Inirapan ko siya at inilagay ang bulaklak sa maliit na table na nasa gilid ng kama ko. “I know, hindi naman ako bobo para hindi ‘yan alam. What I mean is what for? Anong meron?”

“Just because flower? I have read somewhere that girls like it when they receive flowers out of nowhere,” explain niya.

I raised my brows at him. Then? Iyon lang? I don’t appreciate flowers that much, mas okay pa kung pagkain. I just think that flowers are not very practical. Mahal na nga tapos hindi pa nakakain. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang makita kong tinanggal niya ang suot niyang coat.

“It’s hot,” sabi niya nang mapansin ang paninitig ko sa kaniya.

I looked at the aircon. Anong mainit ang sinasabi niya? Gago ba siya? Ang lamig na nga ng kwarto tapos sasabihin niya pa na mainit? Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makuha kung bakit siya nagkaganiyan.

Mabilis na lumipad ang dalawang kamay ko sa dibdib para takpan iyon. Hindi pa nga pala ako nakapagbihis. Si Anabelle lang naman kasi ang kasama ko kanina rito and busy rin ako kanina kaaayos ng kalat kaya hindi ko na napansin ang suot ko. Mabilis ko rin na inamoy ang sarili ko baka may amoy na ako. Hindi pa naman ako nakaligo dahil kay Anabelle.

It’s all Anabelle’s fault! Nakahinga ako nang maluwag, medyo mabango pa rin naman ako but I guess I just need to freshen up muna bago makipag-usap sa lalaking ito. Hindi rin naman kasi siya nagsabi na pupunta siya rito. Hindi ko man lang napaghandaan.

Hindi nga magulo ang kwarto ko pero ako naman ang magulo.

“I’ll just take a shower. Maiwan na muna kita,” pagpaalam ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na tinahak ang daan papunta sa banyo ko. Hindi na rin ako nag-abala pa na magdala ng damit kasi connected lang naman ang banyo ko at ang walk-in closet.

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo baka kasi mamaya ay magtaka pa ang parents ko kung bakit ang tagal namin lumabas ni Mr. Gregorio. Wala naman kaming ginagawa na masama but we can’t deny the fact na medyo magkaiba talaga ang isip ng tao.

Mommy is a judgmental one kaya alam ko na agad kung ano ang iniisip niya.

“What the fck?!” gulat kong sambit nang makita siyang walang damit pang-itaas. Napabalikwas siya nang marinig niya ang boses ko. Nakadapa kasi siya kanina kaya mabilis niya akong nilingon.

“Sorry. It’s just really hot and also, your bed is kind of inviting me to dive in,” pagpaliwanag niya. Kita ko ang pagpasada ng tingin niya sa buong katawan ko. “You looked gorgeous.”

Gago ba siya?! “And what do you want me to say? Thank you? Alis ka nga! Sa labas ka galing tapos hihiga ka riyan. That’s so unhygienic,” sabi ko sa kaniya.

“That’s why I undressed myself before lying on your bed,” paliwanag niya pa pero umiling ako. “What do you want then? You want me to barge in your bathroom and join you? That’s more hygienic and we can conserve water as well. Well, okay. I will take note of that.”

Gago talaga ang lalaking ito. Kung ano-ano na lang ang iniisip. Bastos!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status