Share

I Need You, Sebastian

Natigil siya sa paglalakad patungo sa silid. Sunod-sunod ang naging paglunok niya nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaki. Kaagad nanikip ang kanyang dibdib. Ibinagsak niya ang bag sa sahig at pilit siyang humugot ng malalim na hininga. 

Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Masyado lang sigurong matagal mula nang huli niyang marinig ang tinig ni Stefan. Nasorpresa lamang siya. Hindi niya inakala na tatawag pa ito sa kanya.

"S-Stefan?" aniya nang bahagya siyang makahuma. "H-how did you---?" Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "H-how.... How did you get this number?"

"I got it from Pauline. She didn't want to give it at

first. I bugged it out on her. I-I just need to hear your voice and talk to you."

Napabuntong-hininga si Gilliane. Noong inaasikaso niya ang pagtatrabaho sa Pilipinas, isa si Pauline sa una niyang tinawagan gamit ang bagong biling cell phone. Kinailangan kasi niya ng tulong ng kaibigan at dating katrabaho sa ospital sa ila

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status