Bully
Pagkarating namin sa cafeteria agad naming napansin si Jez. Nasa dulo siya sa katabing bintana. May iilan na bumabati sa kanya pero ang iba ay hindi niya pinapansin.
Meron namang grupo ng mga babaeng nagtatakang lumapit sa kanya. Sobrang ganda nung isa sa kanila. Apat silang kababaihan na nagtutulukan. Pero 'yung babaeng may hairclip ang talaga namang iba ang mukha sa kanila.
Kahawig ng pusa ang mga mata nito. Ang balingusan ng ilong niya ay depina at ang labi niya ay kumikinang dahil sa glitters ng liptint nito.
Mukha siyang anime dahil sa ikli ng palda niya. Nakakapagtaka dahil nakalusot siya sa guard at alam kong bawal iyon.
Pumila kami sandali habang naghihintay si Jez. Hindi ko alam kung sinasadya ng ilang kababaihan na magtulukan para ang isa sa kanila ay mapayakap sa lalaking nasa likuran ko.
"Ganito ba talaga rito?", aniya Marcus na imbis mainis ay kumamot na lang sa ulo nito.
"Hayaan mo na lang sila. Saka mo na lang pagsabihan pag sumusobra na"
Konting pagkain lang ang kinuha kasi hindi naman ako gutom. Dalawang tasang kanin, menudo, saka lumpiang shanghai tapos pang desert syempre salad.
"Akala ko hindi ka gutom?", sabi niya habang kumukuha ng ulam.
"Hindi nga. Konti lang", sabi ko habang hinihintay siya sa tabi.
Nagtulukan ulit sa pila ang mga babae kaya muntik mabitiwan ni Marcus ang hawak nito. Ang babaeng nasa likod niya ay halos yumakap sa kanya.
"Pasensya na po", lumabi siya at inayos ang buhok nito.
Umikot ang mga mata ko dahil halata namang sinasadya nila iyon.
"Wag kasi kayong magtulukan! Pati ako nadadamay!", saway nito sa mga kaibigan niyang humagikhik.
Akala mo naman hindi sinasadya.
Umupo ako sa tabi ni Marcus ng pinaghila niya ko ng upuan. Si Jez ay salubong ang kilay ang binungad sa amin.
"Girl! Ang tagal niyo ha! Nagmamantika na 'yung mukha ko", reklamo nito habang nagpupunas ng tissue.
May electric fan pero kakaunti lang. Hindi sapat sa dami ng tao sa loob ng cafeteria. Idagdag pa 'yung init na nanggagaling sa ilaw.
"Buti nga nakasingit pa kami", sagot ko.
"Anyways, kumusta ang first day niyo?", si Jez. Tumikim siya ng salad ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Well. Kind of... disaster", humalakhak ako sa sagot ni Marcus.
Sino ba namang hindi masasabi ang ganong bagay? Kahit sa hallway habang naglalakad kami may mga babaeng sumusunod sa kanya.
"Para sa akin, okay naman. Low-key lang kasi ang ganda ko", confident kong sambit.
Halos mabulunan si Jez kaya inabutan siya ni Marcus ng tubig.
"Masyadong feeling te'?"
"Yes. Mana kasi sayo", pambawi ko.
Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan sa gitna ng pagkain. Hagalpak kami sa tawa dahil yung pantalon ni Jez ay sumabit sa pako kaya nasira ang gitnang bahagi nito.
Buti na nga lang daw at hindi ganon kalaki ang sira.
"Nako! Kung alam niyo lang 'yung reaksyon ko! Ang epic!", napasapo na lamang siya sa noo.
Ang kwento niya rin tinawag siya ng professor niya sa unahan para i-guide 'yung freshmen nila. Siya kasi ang President ng kanilang department kaya siya ang nanguna sa pag-orient.
Karamihan ay tumawa sa nangyari dahil rinig kung paanong napunit ang tela ng suot niya.
"Uhm. Sorry for the interruption"
Tumingin kami sa kung sino ang nagsalita. Siya 'yung babae kanina! 'Yung naka hairclip.
"May kailangan ka ba?", sabi ko.
"Baka kasi kailangan ni Jez. You know? His jeans got ripped off", ang ganda ng accent niya kaso maarte.
Nilagay niya ang maliit na sewing box sa mesa.
"No. That won't help", saad ni Jez at hindi manlang tumitingin sa babae.
Taray niya ron!
"It will help. Gusto mo ba ako ang tumahi niyan?", alok nito pero mukhang sumama ang timpla ng kaibigan ko.
Mariin niyang binaba ang hawak niyang kubyertos.
"Pasensya ka na ha. Hindi kasi okay si Jez ngayon", ngumuso ako.
Nakapamewang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Ang kapal naman pala.
"Sino ka ba? Don't be so epal. Akala mo naman may papel ka sa buhay niya"
Grabe lang?
"FYI. May papel talaga ko. Ikaw 'yung mapapel. Saka sino ka ba?"
"Ako si Jaz. You know naka--"
Pinutol ni Jez ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng malakas na pagbaba niya ng baso sa mesa.
"Jaz, please leave habang may respeto pa ko sayo"
"Oh. Come on, Jez", pag-iinarte nito.
Come on, Come on pa siya. Si Dora ba siya?
Come on pahunos everybody let's go?
"Okay. Fine"
Pinanood ko siyang umalis palayo kasama ang mga alipores niya.
"Is that some kind of joke? Chic mo ba 'yun?", sabi ni Marcus na nakuha pangmagbiro.
"Eww! Chic my nerve! Gosh, Marcus! Nakakasuka! Alam mo naman ang fetish ko! Lalaki rin!"
Kinuha nito ang grooming niya saka nag-ayos ng mukha.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang nakatingin sa salamin. "Ayan! Tinubuan na ko ng pimple because of that girl! Stressor ko talaga 'yon!"
Nagkatinginan na lang kami ni Marcus dahil sa reklamo niya.
"Isang pimple lang 'yan. Hindi mo yan ikakamatay"
"Panget sa picture pag may pimple!"
"Kung panget ka talaga wala ka ng magagawa ron, Jez"
Tinignan niya kong masama.
"So, anong gusto mong palabasin?"
"Kung talagang maganda ka kahit may pimple ka maganda ka pa rin. Katulad ko", I flipped hair saka kumindat.
"The nerve. Ewan ko sayo. Nga pala, nagtext si T.H kanina"
Sayang! Bakit hindi na lang si Wyn?
"Siya raw ang susundo sa atin. May pupuntahan mamaya si Wyn", bumaling ang mga mata niya sa akin. "kaya behave ka lang girl. Ayaw non ng maingay sa sasakyan niya"
"Si Latrelle na lang sumundo sa atin. Chat ko lang si Latrelle", suhestiyon ni Marcus. Kinuha niya ang phone nito sa bulsa.
Pinigilan ko siya.
"No! Wag! Okay na ko kay T.H!", agad niyang binalik iyon.
"Uh. Sige. Sayang naman. May freedom tayong mag-ingay don"
Mas gugustuhin kong walang ingay kaysa maingay. Alam ko naman na trip ako ni Latrelle. Ewan ko kung anong kinain ng lalaking iyon kung bakit ako ang laging pinagdidiskitahan.
Nagvibrate ang phone ko.
Unknown Number
Kumusta ang first day, lugaw girl? May nang bu-bully ba sayo?Kahit hindi kilalang number ang nakalagay kilala ko agad kung sino siya.
Buti na lang wala akong load para hindi ako makareply sa kanya.
Ibabalik ko na sana ulit sa bag ang cellphone ko ng muling nagvibrate.
Unknown Number
Sumbong mo sa akin pag may nang bully sayo. Ako lang pwede mangbully sayo.Nagpanting ang tenga ko.
----#HIOR----
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon