(Haidei POV)Akmang lalapitan na ni Darius si Stan buti na lang pinigil ito ng babaeng nandoon."No Darius. Let me fix this," bulong ng babae sakanya.Napakalma naman agad siya nung babae. Kaano ano ba ni Darius tong babaeng to?Napalunok ako.Naglakad naman papunta sa amin si Stan."Should go take a shower and rest. This night is quite long," Nakangising sambit pa ni Stan. "Haid, I'll wait for you in our room," saad niya pa at nilagpasan na kami.Napailing ako.Nakita ko ang pagsingkit ng mga mata ni Darius na halatang nagpipigil lang talaga."Okay now guys, lets go there with your curtains. May magandang pwesto doon para matulog. Sa ilalim ng mga bituin at buwan!" Masayang usal pa ni Theron bitbit ang mga kurtina na kung saan lang nila kinuha."Good thing that this curtains is not only for displays and designs." Mapang-asar na sambit ni Aiden na nakatingin kay Darius habang tinutupi ang kurtina niya para dalhin.Si Dylan at Clai din nagdala na ng kurtina papunta kung saan sila balak
(Darius POV) (2 weeks earlier) Kumuha ako ng isang piraso ng bato mula sa lupa. Medyo malaki. Maging ang mga bitag ko ay nawasak dahil sa masamang bagyo kagabi. Sa palagay ko kailangan kong maglagay ng mga bago. Habang lumilingon ako sa paligid, napagtanto ko kung gaano kalakas ang bagyong iyon. Ang ilang mga puno ay nabunot sa lupa, ang makapit na mga ugat na dati'y nagpapanatili sa kanila na matayog ay lumalabas na. Ang iba ay naging mga tuod na mukhang delikadong maupuan o mabagsakan. Ang mga mas malaki ay nananatiling tuwid ngunit nawalan ng libu-libong mga dahon, na ngayon ay tumatakip sa lupa kasama ang dose-dosenang mga sanga na ngayon ay nakakalat sa lahat ng dako, ang ilan ay hanggang tatlong talampakan ang haba at ang ilan ay nahati sa dalawa. Alam kong masama ang bagyong iyon, marahil ang pinakamasamang nakita ko simula nang lumipat ako rito o pinili kong manirahan dito hindi ako nakatulog ang mga patak ng ulan na humahampas sa bubong na parang unos ng bala ang dahilan
Good Plan(Darius POV)"Ang hirap mong hanapin. Kahit number ng cellphone mo wala ako, o sa telepono," saad ni Sarah habang naghahalungkat ng mga gamit ko na siyang ugali niya na noon pa. She always check things around."May kuryente dito, wala nga lang telepono at pahirapan sa signal," pahayag ko.Isa ito sa mga unang bagay na inalis ko nang magpasya akong manatili dito pansamantala, at hindi ko ito pinagsisihan.Hinawakan ni Sarah ang kamay ko. "So, are you happy in here?""Happy? Not so, it's peaceful staying here. Not happy, pero ayos lang ako rito," sagot ko.Tinapik niya ang braso ko. "Masasabi kong higit pa sa mabuti ang ginagawa mo."Tiningnan ko siya. "Iyan ba ang sasabihin mo kay Liam?"Alam kong si Liam ang nagpadala sa kanya ang dati kong boss. Kaibigan ko si Sarah, ibig sabihin alam niyang gusto kong mapag-isa.Kaya siguro hindi siya nagpapakita, not until this time. At alam kong nagtatrabaho pa rin siya para kay Liam dahil mayroon pa siyang bracelet na ibinigay sa kanya
(Haidei POV) Ayaw ko talaga ng uniform ng C.U. Napakaikli ng palda tapos long sleeves na pang-itaas, parang tali na necktie at may belt pa ang top huh. Wala sa palda ang belt kundi nasa pang-itaas na uniform. Habang nakatitig ako sa mga estudyanteng babae naiirita ako lalo na sa kumikinang kong black shoes, napapaligiran ng maiikling putol ng bermuda grass. Di ko naman kase napansin na nagmow pala ang mga janitor ng grass kanina, edi sana sinunod ko na lang ang signage na "keep off the grass". Yan tuloy nakadikit sa kumikinang na sapatos ko, nakakahiya, ang naiisip ko lang ay kung paano ko gustong mawala o kainin na lang mg lupa. Naaalala ko laging akong nakasuot ng itim na sapatos sa mga araw na gusto kong tumakas. Mga araw sa mahigpit na mansion ni Dad, kung saan ang lahat ng iniisip na ako ay matalino at magaling na babae, nagkakamali sila sa iniisip nila tungkol sa akin. Yong iba naman minamiit ako, kaya lang naman nila ako sinusunod ay dahil sa Dad ko! Masaya nga akong nakaali
At Stan's House(Haidei POV)Pagkatapos ng klase ay sumama ako kay Stan umuwi sa bahay niya since naging mapilit siya at wala naman akong magagawa para tumanggi dahil may binabayaran pa akong utang na loob sakanya.Wala akong magawa dahil siya ang may kakayahang gawin ang di ko kayang gawin.Tama. Lahat ay nakikinig kay Stan, maging ang aming school teachers and school head, dahil siya ang matalino, mabait, responsable at plus na lang siguro yong pagiging gwapo at matapang niya. Mas gusto siya ng lahat. Siya ang modelong estudyante. Kabaliktaran ko, siguro. Ako ang mahina at padalosdalos. Siya ay isang tunay na pinuno. Ako ay isang rebelde, isang gumagawa ng kalokohan. Siya ang lalaking may mabuting puso. Ako ang may maalab na init ng ulo at masamang bibig na naglalabas ng masasamang salita.Isa pa, ako ang magulo habang siya ang nag-iingat sa lahat. Na hindi ko maitatanggi, lalo na kung paano niya ingatan ang mga kapatid niya.Malalaman mo agad na isa siyang maayos at organisadong ta
(Haidei POV)Nagpakawala ako ng hininga. Kapag nalaman to ni Stan ang tungkol sa texts ni Cami, pupunta kaya siya.Parang may kung ano sa loob ko na tumututol sa pagkikita nila.Buburahin ko ba ang messages?Kung sakaling pupunta nga si Stan, pupunta rin ako. Matagal na niyang hindi nakasama si Cami kaya pupuntahan niya yon for sure. Kung buburahin ko ang messages niya, hindi naman siguro malalaman ni Stan. Ang weird ng iniisip ko. Bakit ko naman buburahin? Sigurado akong malalaman din ni Stan sa oras na magkita at magka-usap sila. At magkikita pa rin sila lalo na sa school.Kung sakali ngang pupunta si Stan ay susundan ko siya. Yon ang naiisip ko.Magagawa ko ring malaman kung gusto ko siya ni Stan, at kung gusto nga niya si Cami, ano naman? Kaso iba si Cami sa mga naging babae ni Stan, alam kong espeyal silang dalawa pareho sa isa't isa. Stan is Cami's hero!Parang ang labo ko!Isa pang mensahe ang pumasok."Stan, are you there?"Nakatitig lang ako sa text message nung may malakas
Kung Saan Nagkakilala sina Cami, Dylan at Stan(Cami POV)(3 years ago)Namamanhid na ang katawan ko. Malakas ang ulan at sobrang lamig na lamig na ako. Mula noong lumayas ako sa pamilyang pinagbentahan ng mga kuya ko saakin, magtatatlong araw na akong pagala gala sa City na to. Walang kain, buti na lang umuulan kaya nakakainum ako kahit papaano. Walang may balak patuluyin ako. Lahat ng napuntahan ko, pinagmalupitan ako at minamaltrato. Nginig na ang buong katawan ko at manhid na ang mga paa. Gustuhin ko mang magpatuloy pero di ko na talaga kaya. Wala akong masilungan, bakit ang malas ko yata? Umupo ako at sumandal sa basurahan. Damn! Napangiwi ako."Hey? What are you doing in this kind of place?"Napaangat ang ulo ko. Medyo blured ang paningin ko kaya inaninag ko nang maayos ang taong nakatungo sa akin. Napatingin ako sa gwapong mukha niya. Nakasuot siyang pulang jacket na may tatak na letter S na kulay black. "Dapat hindi ka nagpapaulan! Pagabi na at delikado sa labas," naka
AKTAB 23Win Against Him(Haidei POV)"Wow, bagay na bagay talaga kayo ni Dylan. So what's the real score between the two of you?" tanong ni Stan kay Cami. Si Dylan nasa stage na for the speech.Natawa si Cami,“Wow. Nagbibiro ka ba, Stan? Sinong mag-aakalang bagay kami ni Dylan, ikaw lang? Pero hey, natutuwa ako at nakitaan mo kami ng chemistry." Hinawakan ni Cami ang braso Stan. "At natutuwa talaga ako na nakasama kita ulit," saad ni Cami nagngiti-an pa silang dalawa.Cute nilang tingnan. Tss.Matutuwa rin sana ako, kung hindi lang ako naalala na mas maging sweet silang dalawa, ang babaeng ito gustong makita si Stan na lagi naman silang nagkikita sa school. Di niya lang gustong makita, gusto niyang makasama!"Haidei, are you okay?" puna ni Cami kaya napilitan akong ngumiti."Ah yes, I just need a little drink," pahayag ko. I should feel proud that my act is convincing enough for her, mapaniwala siyang okay lang ako kahit kanina pa ako naduduwal.Naguguluhan ako, nalilito. Bakit gust