Share

CHAPTER TWO

last update Last Updated: 2023-11-14 13:25:59

Napaisip tuloy ako kung sino ang babaeng tinutukoy ni Lennon na pareho nilang nagugustuhan ni Lennox?

Ang swerte ng babaeng iyon... gusto siya ni Lennox, samantalang ako kahit anong gawin kong papansinin simula pa noon parang wala man lang epekto.

Ang tagal ko na nililihim ang nararamdaman ko para sa kanya at ang tagal na panahon ko na rin itong kinikimkim ngunit wala akong lakas ng loob sabihin.

Natatakot ako, natatakot akong hindi niya tanggapin ang pag-ibig ko para sa kanya.

Alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman, wala lang ako para sa kanya. Hindi niya magugustuhan ang kagaya kong sa tingin niya ay mas bata sa kanya.

Sa paraan ng kung paano niya ako tingnan doon pa lang itinataboy niya na ako, alam ko na ayaw niya sa presensya ko simula pa man noon kahit magpasa-hanggang ngayon.

Pero siya, gustong-gusto ko, gustong-gusto ko ang lahat ng mga tungkol sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, nabubuhayan ako. Nagkakaroong kulay ang mundo ko.

I love him but I'm not hoping in return.

Sapat na sa akin ang mapalapit ako sa kanya, presensya niya lang sa tabi ko ay nagdudulot na sa akin ng hindi maipaliwanag na saya.

"Bakit ka nag-iisa? Ayaw mo sa loob?" tanong sa akin ni Lennon at naupo siya sa tabi ko dito bench sa labas sa may garden nila.

"Gusto ko lang magpahangin at magpababa ng kinain," sagot ko naman habang nakatanaw sa malayo.

"May boyfriend ka na ba?" diretsuhan niyang tanong kaya napabaling na ako sa gawi niya.

Medyo nagulat ako nang makitang titig na titig pala siya sa akin.

"Wala, I have no time for that," sagot ko.

"You have no time for that or you are waiting for someone to love you back?" makahulugan niyang sinabi kaya nanlaki bigla ang mga mata ko.

Bakit pakiramdam ko alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko at kung sino ang laman nitong puso ko.

Napatawa ako. "Sino namang hihintayin kong mahalin ako pabalik? Wala. Nag-focus lamang ako sa pag-aaral sa loob ng ilang taong wala ako rito sa Pinas," sagot ko na may katotohanan naman.

Pero sa totoo lang, wala talaga akong ibang magustuhan at tanging si Lennox lang. Tila nga lang parang bituin na kay hirap abutin kahit pa ang lapit-lapit niya na sa akin.

Naalala ko tuloy ang naging tanong ni Lennon kanina sa kanyang Kuya Lennox habang nasa hapag kainan kami.

"Matanong kita... sana ay okay lang itanong ko," hinging pahintulot ko sa kanya dahil sa pagaalangan kong itanong ito.

"Ask anything, I don't mind," saad niya naman.

"Iyung sinabi mo sa Kuya mo kanina... na may pareho kayong babaeng nagugustuhan, totoo ba iyon?" usisa ko.

Ngumisi siya at bored siyang tiningnan ako.

"Bakit mo tinatanong?" Imbis na sagutin ako ay tanong din ang sinabi niya.

"W-Wala naman... curious lang," kabadong sagot ko at napayuko na lang ako dahil bigla akong nahiya.

Bakit ko pa kasi tinanong?

Narinig ko lang siyang bumuntong hininga at tumingin sa malayo.

"Meron isang babae nagustuhan namin pareho, hindi man aminin ni Kuya alam kong gusto niya rin ang babaeng iyon at pinipigilan niya lang ang sarili niyang ipakita iyon dahil sa hindi ko malamang dahilan," paglalahad niya na ikinatigil ko.

Ang swerte ng sino mang babaeng iyon, bigla tuloy ako nakaramdaman ng inggit sa kanya.

"P-Pero bakit mo pa iyon kailangan banggitin kanina nang kumakain tayo?" tanong ko na may bahid iritasyon.

Napahalakhak siyang bigla kaya kunot noo ko siyang pinasadahan ng tingin. Muka siyang natutuwa sa hindi ko alam na dahilan.

"I just want to pissed him off, masarap asarin si Kuya sa harap ng ibang tao," rason niya pero hindi pa rin ako sang-ayon sa ginawa niya.

"Hindi naman kami interesadong marinig ang tungkol sa babaeng nagugustuhan niyo lalo na ng Kuya Lennox mo kaya walang dahilan para sabihin mo iyon sa harap naming mga bisita niyo," saad ko sa kanya na nagmistulang isang pagalit sa kanya.

Mas lalo siyang natawa at naaaliw niya akong tiningnan. "Are you mad?"

"I am not. Tingin ko lang kasi ay inappropriate iyon," sagot ko dahil sa katunayan kinakain talaga ako ng matinding selos.

Ilang sandali niya akong pinakatitigan na tila tinatatantya kung ano talagang nasa isip ko.

"Do you like my brother?" diretsuhan niyang tanong sa akin buhat ng malalim niyang boses.

Nalaglag ang panga ko at awang ang bibig kong tiningnan siya.

"NO!" mariin kong pagtanggi kasabay ng padarag kong pagtayo kaya napatingala siya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kabado akong nag-iwas ng tingin sa kanya. He is now putting me on a hot seat.

"No? Really? Pero hindi iyan ang nakikita ko. You are lying, Cherry. Ilan taon na kitang kilala you can't deny it," may pagkasarkastiko niyang sinabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba ang galing mong mang-inis, Lennon? Hindi ka pa rin talaga nagbabago," saad ko sa kanya.

"Tell me honestly, you like Kuya Lennox?" muli niyang tanong nang hindi pinansin ang sinabi ko.

Huminga ako ng malalim. Gusto niyang aminin ko at naging obvious ba ako kaya nararamdaman niyang gusto ko ang Kuya niya?

Should I tell him?

"Paano kung sabihin ko sa iyong oo, sasabihin mo ba sa kanya?" saad ko na may pagsuko na ngunit may himig ng hamon sa boses ko.

Ang kaninang ngisi sa mukha niya ay biglang naglaho at napalitan ng pagiging seryoso.

Wala na rin naman silbi kung itanggi ko pa dahil huling-huli niya na ako kahit ano pang tanggi ko. Marahil noon pa man ay halata niya na sa akin na gusto ko nga ang kapatid niya.

"So may gusto ka nga talaga kay Kuya Lennox, tama ang hinala ko sa iyo noon pa man," saad niya na tila napagtanto na.

Ewan ko pero parang nahimigan kong may pait sa boses niya o baka guni-guni ko lang.

"Sasabihin mo ba sa kanya?" kabadong tanong ko.

Ayaw kong malaman ni Lennox ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ako handa sa magiging reaksyon niya dahil alam kong kailan man hindi niya ako gugustuhin gaya ng pagkagusto ko sa kanya.

"No, I won't tell him. Ayaw kong pangunahan ka at isa pa it's none of my bussiness," sagot niya na ikinahinga ko naman ng maluwag.

"Mabuti naman kung ganoon, dahil ayaw kong malaman niya dahil alam ko masasaktan lang ako," saad ko na may himig ng tinatagong lungkot.

"Alam mo rin? Aware ka pala na kailan man hindi ka magugustuhan ni Kuya Lennox, you are not his type, ang kagaya mo ay hindi niya magugustuhan dahil hindi niya hilig ang mga mas bata sa kanya," saad niya na mas lalong nagpadagdag sa bigat na nararamdaman ko.

"Hindi mo na kailangan pang sabihin... alam ko na iyan," saad ko at hindi niya na kailangan ipamukha pa.

"I'm glad you are aware of that, I don't want to see you get hurt. Hindi ka na iba sa amin ng pamilya ko, Cherry. Kaya hindi maganda kung masaktan ka ng kagaya ni Kuya baka magsilbi pang alitan kung magkataon." Ang layo na ng narating ng sinabi niya.

"Iba ka rin mag-isip, masiyado kang advance," puna ko sa kanya at muli akong naupo sa tabi niya.

"Masiyadong maingat ang mga magulang mo sa iyo dahil nagiisa ka lang nilang anak, kaya naman hindi nila gugustuhin mag-confess ka sa isang lalaking wala naman pakialam sa iyo lalo na't sa anak pa ng kaibigan nila, sigurado masakit na salita lang ang matatamo mo kay Kuya Lennox, nasisiguro ko iyan," mahabang lintanya niya na mas lalong nagpamulat sa akin na wala ngang patutunguhan ang nararamdaman kong ito.

Ganoon ba kalalim ang tingin niyang nararamdaman ko para sa kapatid niya kaya nasasabi niya ito? Alam niya rin na masasaktan lamang ako kung ipagpapatuloy ko.

Pero wala akong kakayanan pigilan. Hindi ko kontrolado, hindi ko kayang patigilin ang sarili ko sa paghahangad ko sa kanya kahit na sobrang labong makamit ko siya.

"Alam ko naman walang patutunguhan hangarin ko ang Kuya mo, pero wala rin naman ako kakayanang pigilan ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya kaya sana ay hayaan mo lang ako, hindi ko naman siya guguluhin, presensya niya lang masaya na ako," saad ko ngunit may himig pa rin ng pait.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga at nanatiling seryoso lang ang mukha niya.

"Gusto mo bang mawala iyang nararamdaman mo para kay Kuya?" seryosong tanong niya sa akin.

Sinalubong ko ang mga mata niyang nangungusap na tila may ibig ipabatid.

Gusto ko nga bang mawala ang nararamdaman ko para kay Lennox? Napapaisip ako kung gusto ko nga ba.

"Hindi ko alam kung gusto kong mawala o kung mawawala pa ba," malabong sagot ko.

"Let me help you," prisinta niya kaya kunot noo ko na naman siyang tiningnan.

"Anong klaseng tulong naman? At anong maitutulong mo?" taka kong tanong.

"Let me court you, then let me be your boyfriend," simpleng sagot niya na nakapagpaawang ng bibig ko.

I look at him in disbelief. He wants me to divert my attention to him so I can get Lennox off my mind?

Ganoon ba ang gusto niyang mangyari?

"You are kidding me," I said with a laugh without a trace of humor.

"I'm not kidding," saad niya na wala ngang bakas ng kahit anong pagbibiro sa kanya.

"Let me court you so I can help you with your feelings with Kuya Lennox, and give me your whole attention so you can forget him," he offered. That's why my jaw dropped.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER NINETEEN

    "Cherry, sorry nawala ako ng ilang oras. Nagpasama sa akin si Daddy tapos nasiraan pa kami ng gulong." Kamot sa ulong saad ni Lennon nang makauwi sila ni Tito Enriz."Ayos lang, Lennon. I was entertained naman by Caroline kaya walang problema," saad ko naman sa kanya na ikinatango niya at dumako ang tingin niya sa kanila.Magkatabing nakaupo sina Lennox at Caroline sa mahabang sofa at bahagya pang kumaway si Caroline kay Lennon at tipid lamang siyang nginitian nito saka muling bumaling sa akin."Kumain ka na?"Tumango ako. "Oo, kasabay ko sila. Ang Mommy mo naman nasa taas ngayon may ginagawa. Kayo, kain na kayo ni Tito Enriz.""Kumain na rin kami habang ipinaayos ang gulong ng sasakyan kanina, I'm full, tara sa garden."Iginaya niya ako sa hardin nila at naupo sa madalas naming pwesto sa tuwing kami ay nagkukwentuhan."Kamusta naman habang wala ako?" tanong niya habang nakatanaw sa malayo. Parang kay lalim ng kanyang iniisip."Ayos naman... walang bago ganoon pa rin," sagot ko habang

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER EIGHTEEN

    "Well... then, congrats! My brother got into a serious relationship with a decent woman." Tumango-tango siya habang sinasabi iyon pero mukang hindi naman siya masaya."Thanks, your brother is a good man, he deserves my yes," kimi kong sinabi ngunit alam kong hindi naman ako masaya ro'n sa naging desisyon ko."He will take care of you, I know." He smiled but he seemed like he is in a deep thought.Kung sana lang ikaw iyon, Lennox."But I have a favor... can we keep this as a secret? I-I don't want to make it public, parents ko lang ang may alam at ang parents niyo wala pang idea kaya sana mapakiusapan kita h'wag ito ipamalita sa mga kakilala niyo. Can you do that for me?" May pakiusap sa boses ko. Nangunot ang noo niya at napakamot sa kilay. "You know what Cherry, I think that's not fair for my brother's part, you want to keep him like he's your secret lover? What's your real reason behind that?" nalilito niyang tanong.Natatandaan kong naipaliwanag ko naman na sa kanya ngunit natanon

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SEVENTEEN

    "Madalas kang bumisita rito sa kanila?" tanong sa akin ni Caroline nang maiwan kaming dalawa rito sa kusina.Gusto niya raw siya ang gumawa ng meryenda namin at nag-prisinta akong tulungan siya, wala naman akong ibang gagawin."Ah, oo, sa katunayan niyan halos magkakabata na kaming tatlo nina Lennox at Lennon," sagot ko na ikinatango-tango niya lang."Then, what's your relationship with Lennon? Friends lang ba talaga kayo?" usisa niya na ikinatigil ko sa kasalukuyang paghihiwa ng garlic.Gagawa raw kasi ito ng garlic bread."Friends lang kami," tipid kong sagot na pawang kasinungalingan. Sino ka para pagsabihan ko ng sikreto."Talagang friends lang? Pero ang sabi sa akin ni Lennox, his brother is now courting you." Bigla namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.Ikaw na Lennox ka, kadaldal mo pala."Nagsisinungaling ang boyfriend mo."She chuckled. "Hay, si Lennox talaga mahilig mag-conclude na porke't magkasama tunay nang nagliligawan.""Eh, ikaw ba? Matagal na ba kayong magkakilala

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER SIXTEEN

    Naging maayos naman ang naging paguusap ng mga magulang ko kaharap si Lennon, at humingi ito ng dispensa sa hindi niya pagharap ng pormal sa kanila.Ngunit akas kay Daddy na hindi pa rin siya pabor sa ginawa kong biglaang desisyon na gawin nobyo si Lennon ngunit wala na rin siyang nagawa pa. "Natakot ako sa mga magulang mo kanina, akala ko sasakmalin na ako ng Daddy mo," saad ni Lennon habang nagmamaneho.Natawa ako. "Gano'n lang iyon si Daddy, pero mabait at supportive siya. Ayaw niya lang na naglilihim ako. Pareho sila ni Mommy."Papunta kami ngayon sa bahay nila, gusto raw akong bumisita nina Tito Enriz at Tita Solen.Isang araw lang daw ako hindi nagpunta sa kanilang mansion ay nangulila na raw sila agad sa akin. Natawa na lang ako nang sabihin iyon ni Lennon sa akin kanina.Sa palagay ko ay minsan na nilang ginusto magkaroon ng babaeng anak kaya ganoon na lamang sila kabait makitungo sa akin sa tuwing nasa kanila ako o kahit minsan ay makita lamang nila ako kahit saan."Inaasahan

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FIFTEEN

    "Mommy... sinagot ko na po si Lennon..."Bakas ang pagkagulat sa mukha niya sa ibinalita ko, ganoon din si Daddy na alam kong alam niya na rin ang ginagawa ni Lennon na panliligaw sa akin."Sandali lang, anak. Hindi ba't nag-usap lang tayo kagabi? Paanong sinagot mo na siya ng ganoon na lang?" naguguluhang tanong sa akin ng aking ina."Cherry, ni hindi pa nga siya umaakyat ng pormal na panliligaw dito sa bahay, hindi pa siya humaharap sa amin bilang manliligaw mo, tapos sinagot mo na agad? May isang linggo pa lang simula nang naglalalabas kayo niyan ni Lennon," dismayadong bulalas naman ni Daddy.Paano ko ba ipaliliwanag? Si Mommy ay walang problema ngunit si Daddy ay halata nang galit at iritable sa nalaman. He thinks I bypassed him."Daddy, sorry for not telling you, alam ko nang alam niyo na dahil sinabi naman na sa inyo ni Mommy pero ako nagsabi kay Lennon na ilihim namin ito. Kaya po hindi na siya naglakas loob sabihin sa inyo, at pormal na umakyat ng ligaw," alanganin paliwanag

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER FOURTEEN

    Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ng aking silid habang sapo ang aking dibdib."You are such a fool, Cherry! Ba't ka naman umiyak??" pagalit ko sa sarili sabay sapo ko sa aking noo.Ngayon magtataka na sila para saan ba ang luhang iyon... naalala ko ang gulat sa mukha ni Lennox nang magtama ang aming mga mata.Nasapo ko na lang din ang magkabila kong pisngi dahil sa labis na kahihiyan ganoon din ang aking dibdib na ang lakas ng pagtibok.Siguradong kahit si Lennon nabigla rin at hindi niya inaasahan ang inasta kong iyon.Ano naman kayang paliwanag ang gagawin ko? Anong idadahilan ko? Nagpaikot-ikot ako sa loob ng aking silid... hindi alam kung anong gagawin.Dumako ang tingin ko sa pinto nang may biglang kumatok mula sa labas, mas lalo tuloy ako nataranta."Cherry? Can we talk?" Boses iyon ni Lennon.Huminga muna ako ng malalim at saka tumungo sa pinto. Hawak ko na ang door knob at mariin muna akong pumikit bago ko binuksan."Lennon..." nahihiyang tawag ko sa kanya.His face

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER THIRTEEN

    Magdamag na naging masarap ang tulog ko, nakatulong ang pakikipagusap ko sa aking ina patungkol sa mga bagay na hindi ko lubusang maunawaan.Marami akong napagtanto, at nakuhang sagot sa aking ibang mga katanungan.Nag-ayos na ako at ginawa ang nakasanayang ginagawa sa umaga.Bumaba na ako para sana mag-umagahan, habang papalapit ako sa dinning mayroon akong naririnig na panlalaking mga boses.They are here? I'm shocked to see Lennon with Lennox and they are talking to my parents, they seem like they are in deep talks bago pa man ako makalapit.Nagpa-lipat-lipat ang tingin ko sa dalawang binata na kay aga-aga ay mga naririto. Ang agang pag-bisita... bakit pati si Lennox ay kasama?"Sa susunod ay h'wag naman sana kayong humantong ulit sa ganoon, hindi maganda tingnan gayong magkapatid kayo," payo ni Mommy sa kanila na narinig ko.Napalingon silang lahat sa akin nang mapansin na nila ang paglapit ko ngunit ang mga mata ko ay nanatili kay Lennox. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa pagig

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER TWELVE

    "Ayaw namin ng Daddy mo na maghabol ka sa isang lalaki dahil diyan sa nararamdaman mo, ngunit ayaw rin naman namin lokohin mo ang sarili mo at paniwalaing si Lennon ang gusto mo kahit si Lennox naman talaga. Do you get my point here?" Tumango ako. "Yes, Mommy.""Minsan, ang pagsiwalat ng nararamdaman ay malaking tulong, hindi naman ibig sabihin na umamin ka, maghahabol ka na, at least pag umamin ka malalaman mo ang totoo, kung dapat pa bang ipagpatuloy ang kahibangan na iyan, o kung dapat na talagang itigil." She pointed it out."Kasi anak, look. Lennon is there but you don't like him but he is willing to win your heart and unlike Lennox, still a mystery... who's already won your heart effortlessly," saad pa niya.Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya kaya naman tumatak iyon lahat sa aking isipan. Gusto niyang subukan ko ihayag ang tunay kong mararamdaman kay Lennox para malaman kung may pag-asa ba o wala.Should I make a first move? And the answer is yes, dahil ako lang naman ang ta

  • A LOVE HIDES BY FATE   CHAPTER ELEVEN

    "Ano itong nabalitaan kong nasuntok daw ni Lennox si Lennon? Anong nangyari?" bungad agad sa akin nang makapasok ako ng bahay at ginabi na ako.Malamang ay naitawag na agad ni Tita Solen kay Mommy kaya alam na nito agad, hindi rin niya ako hinayaang ihatid ng anak niyang si Lennon kaya sa driver na lang nila ako ipinahatid pauwi."Nag-umpisa sa random topic na nauwi sa pikunan, Mom. Kahit nga ako hindi ko alam ang pinaka-dahilan nila kung bakit ba sila nagkakainitan," sagot ko kasabay ng pag-upo ko sa sofa katabi niya."Tell me the whole story, I will listen.""Lennox wants to hang out with us, he wants to make bond with me and Lennon so he can make time with me, gusto raw niyang bumawi at bigyan ako ng oras na hindi niya nagawa noon, he wants our friendship works, sa pagkakataong ito," paunang paglalahad ko."Lennox wants to be close to you, this time?" May himig ng duda sa boses niya ngunit hindi ko naman binigyang kahulugan iyon."You know Lennox, Mom. He sees me as his younger sist

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status