Share

CHAPTER NINETEEN

"Cherry, sorry nawala ako ng ilang oras. Nagpasama sa akin si Daddy tapos nasiraan pa kami ng gulong." Kamot sa ulong saad ni Lennon nang makauwi sila ni Tito Enriz.

"Ayos lang, Lennon. I was entertained naman by Caroline kaya walang problema," saad ko naman sa kanya na ikinatango niya at dumako ang tingin niya sa kanila.

Magkatabing nakaupo sina Lennox at Caroline sa mahabang sofa at bahagya pang kumaway si Caroline kay Lennon at tipid lamang siyang nginitian nito saka muling bumaling sa akin.

"Kumain ka na?"

Tumango ako. "Oo, kasabay ko sila. Ang Mommy mo naman nasa taas ngayon may ginagawa. Kayo, kain na kayo ni Tito Enriz."

"Kumain na rin kami habang ipinaayos ang gulong ng sasakyan kanina, I'm full, tara sa garden."

Iginaya niya ako sa hardin nila at naupo sa madalas naming pwesto sa tuwing kami ay nagkukwentuhan.

"Kamusta naman habang wala ako?" tanong niya habang nakatanaw sa malayo. Parang kay lalim ng kanyang iniisip.

"Ayos naman... walang bago ganoon pa rin," sagot ko habang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status