Ex-Girlfriend NAGMAMADALI ang bawat galaw na inayos ni Dynee ang sarili sa harap ng kaniyang tokador sa mga oras na iyon. Hindi niya mapigilan ang mapamura nang tinanghali na siya ng gising. Halos liparin niya na rin ang bawat hakbang pababa sa hagdanan. Bumagal lang siya nang makita ang kaniyang lola sa dulo ng hagdan habang nakapameywang. “Apo, hinay-hinay. Halos liparin mo na ang pagbaba ng hagdanan natin. Saan nga pala ang punta mo? At bakit ka nagmamadali?” Nakakunot siyang sinuri nito. “Bakit butas ’yang pantalon na suot mo, at yang damit mo, bakit nakalitaw ’yang pusod at tiyan mo?” sunud-sunod na tanong ng kaniyang lola. “Lola Piedad.” Inakbayan niya ito. “Bagong uso po ito na pananamit ng mga millennial. Ripped jeans po ito at saka crop-top. Uso po ito at hindi lang ako ang nagsusuot nito. At saka, ngayon mo lang po ba ako nakitang nagsusuot nito?” Napangiti siya. “Ano’ng uso? Ano’ng millennial? Hindi uso ’yan sa akin. Akyat at magpalit ka ng desenteng damit. Akyat.” Pini
His House DAHIL sa nakakabinging katahimikan ay maya’t maya ang pagsilip ni Dynee sa kaniyang cell phone. Minsan, nagsusulat siya ng mensahe ngunit hindi naman niya alam kung kanino ipapadala. Hanggang sa naisipan niyang i-text na lang si Nessa at mangumusta rito. Ilang minuto siyang nag-antay ngunit walang sagot mula kay Nessa kaya isinilid na lang niya ang cell phone sa kaniyang bag. Sinilip niya rin sa dulo ng kaniyang mga mata ang katabi niyang si Oliver na tahimik na nagmamaneho. Naiinip na dinukot muli niya ang kaniyang cell phone mula sa bag. Tiningnan din muli niya si Oliver sa paraan na hindi siya nito mapapansin. “We’re almost near to my house,” wika ni Oliver. “H-huh?” Bigla siyang lumingon dito. “Alam kong nagtataka ka kung bakit hindi pamilyar sa ’yo ang tinatahak natin. So, I am telling you, we’re going to my house.” “A-Ah…” Tumikhim siya. “B-Bakit ho doon? B-Bakit hindi na lang sa office?” Kumunot ang noo nito sa kaniya. “Why? Are you afraid to me?” “H-Hindi na
Homemade Pizza Huminga siya nang matiwasay at hinarap ang kaniyang boss. “What can you say, Sir Oliver?” Titig na titig si Oliver sa kaniyang ginawang layout. Napatango ito habang nakahaplos ang isang kamay sa ilalim ng baba nito. “Good. You have a future.” “H-Huh?” Napalunok siya at napasinghap nang tumayo ito malapit sa kaniyang inuupuan. Itinukod nito ang kamay sa mesa at yumuko. Pinulot ng kamay nito ang lapis. “You have a bright idea, Dynee. Konting enhance lang at puwede na. Give me your hand.” Napakurap ang mga mata ni Dynee nang ipinahawak nito sa kaniya ang lapis at mismong kamay nito ang gumalaw ng kamay niya sa ginawang layout. “Focus on your layout, Dynee. Look at your drawing. Huwag mo rin masyadong idiin and kapit sa lapis. Calm your hand and hold it smoothly.” “O-Okay, Sir.” Pigil hiningang sumunod siya sa sinabi nito. May mga sinasabi ito habang gumagalaw na ang kamay nito kasama sa kamay niya. He shaded the part that he wanted to enhance. Napalunok siya at hindi
Chapter 18 Instinct Pigil hininga si Dynee habang nakayuko at nakatitig sa kamay ni Oliver na nasa tabi lang ng kamay niya. Kinakabahan siya sa mga nangyayari. Baka makahalata ang amo niya na may koneksiyon siya at ang mga tiyahin nito. “N-Napag-usapan kasi namin ang tungkol sa pagbisita ninyo nitong assistant mo sa field. So, I was asking about the situation and about the meeting agenda. Right, Dynee?” Napaangat agad siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila ni Oliver. “Y-Yes, po. It’s true.” “So, what’s the situation again, hijo? Ikaw na lang ang tatanungin ko, since nandito ka na naman.” “Dynee suggested unique designs. Nagustuhan naman ng clients. So, she’s here with me to work on her actual layout,” sagot ni Oliver sa tiyahin. “Kaya pala nandito siya sa bahay mo.” Nakangiti na si Tita Carolina habang tumatango. “Wow! How impressive you are, dummy. May talent ka pala sa mga layouts na iyan. Pinapahanga mo masyado itong pamangkin ko. Good job, Dynee. Good job.” Pumala
Chapter 19 Visitor Hinarap ni Dynee ang dalawang kaibigan. “Kanina pa ba kayo?” “Bago lang,” sagot ni Fina. “Kararating lang namin. About five minutes.” Tumango siya at nagpaakay sa mga ito sa sala at naupo silang magkatabi sa sofa na kawayan. “I’m glad that you two are here tonight. Na miss ko na kasi kayo,” paglalambing niya sa dalawa. “So, kumusta na ang buhay-buhay natin?” “We’re fine. Ikaw?” Magkasabay na sagot at tanong ng dalawa sa kaniya. Bumuntonghininga siya. “Ito. . . okay lang, katulad n’yo.” “Bakit pala may pasok ka ngayon, Dynee? `Di ba sabado ngayon? Sa pagkakaalam ko kapag sa office nagtatrabaho walang pasok sa weekend. So, saan ka galing?” nagtatakang tanong ni Fina sa kaniya. “A, oo nga. Hoy, Dynee, saan ka galing? Saan ang gala mo sa suot mong iyan? Ang taray ng awrahan, teh! High heels pa talaga. Ikaw ba talaga iyan, Dynee?” tanong naman ni Cupcake habang sinuri ang buong itsura niya. “Of course, this is still me. Your beautiful and lovely best friend, Dy
Focus MATAMIS na ngumiti si Dynee pagkababa pa lang niya mula sa pampasaherong air-conditioned van sa harap mismo ng kaniyang pinagtatrabahuan. She felt great, energetic, alive, and excited. She woke up with a good spirit and she felt like she wanted to put a smile on her face and start her busy Monday with happiness. Hindi niya alam kung bakit nai-excite siyang pumasok sa umagang iyon. Ang gaan din ng pakiramdam niya, ni hindi siya nakaramdaman ng kahit konting pagkairita sa kahit na maliit na bagay na siyang pinagtataka ng kaniyang lola. Maging ang mga kapatid niya ay napansin din iyon.Napailing siya. “Well, I want to start my day like this. Hmm. . . Come on, Dynee! Harapin na natin ang hamon sa trabaho sa umagang ito. Face your boss with your beautiful and sunshine morning!” pagkausap niya sa sarili habang patungo sa main entrance ng Acemzade building."Good morning, Ma’am Dynee,” bati sa kaniya ng mga security personnel na nakatalaga sa entrance. Binati rin siya ng receptionist
Walkout“We have to work it together. Now, move your hand together with mine,” sabi nito na walang pakialam sa nararamdaman niya dahil sa posisyon nilang iyon.Dynee certainly felt her throbbing heart. Walang tigil iyon at palala nang palala ang bawat pintig. Hindi rin siya halos makahinga nang maayos habang gumagalaw ang kamay nito kasabay ng natutulirong kamay niya. Lalo ring nawala siya sa sarili nang maramdaman niya ang paghinga nito sa may likod ng ulo niya. At mas nalasing ang diwa niya sa napakabangong hatid ng ginagamit nitong pabango na nanunuot sa kaniyang ilong.“You should have add this one here, Dynee. So it shows more elegant, right?” wika nito malapit sa kaniyang tainga.Walang tugon mula sa kaniya. Ang tanging ginawa niya ay ang sunud-sunod na paglunok.“Dynee?”“H-Huh? P-Pardon, Sir. Y-Yes of course.”“Are you with me, hmm. . .” halos pabulong nitong tanong sa kaniya.“U-Uhm, what is it again, Sir? H-Hindi ko kasi maintindihan,” aniya sa nahihiyang tinig.“Your hands
Choose KINAKABAHAN habang nakaupo si Dynee sa tabi ng kaniyang boss sa loob ng conference room ng Acemzade Company. Titig na titig siya habang nakatingin sa layout niya ang mag-asawang Arsaide.They were gathered for a meeting presentation. Iyon kasi ang gustong mangyari kaagad ng mag-asawa nang ipaalam niya dito kahapon na natapos na niya ang layouts na hinihingi ng mga ito.Napasinghap siya nang mahinang nag-usap ang dalawa sa dulo ng conference na iyon.“Dynee?”“S-Sir?”“Calm down and relax.”Napalunok siya at mas tumambol nang malakas ang kaniyang dibdib nang idantay nito ang palad sa kamay niyang nangangatal.“O-Of course. I-I’m quite calm, Sir. E—” Napatingin ulit siya sa kamay nito na nakadantay pa rin sa kamay niya.“Good. Don’t worry. Sa tingin ko naman ay pasok sa kanila ang layout mo.” At saka siya nito nginitian at kinindatan.Diyos mio! Paano pa ako kakalma nito kung may kasama pang kindat ang ngiti niya? Diyos ko po! Pakalmahin mo po ang nagwawalang halimaw sa loob ng