Share

Chapter 65

Pregnancy

Nanginginig ang kamay na inabot ni Dynee ang maliit na puting aparato. Nakailang minuto rin niya iyong tinitigan bago napagpasyahan na gamitin sa umagang iyon. Kabado pa rin siya at hindi mapakali sa magiging resulta.

Unti-unti at tuluyan na niyang iniharap sa kaniya ang resulta ng aparatong hawak. Upon seeing the result, biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala. Nasapo niya ang noo at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod.

Diyos ko, a-ano’ng gagawin ko? Paano ko sasabihin ito sa kanila? Diyos ko. A-Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?

Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siya sa kaniyang nalaman sa umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na maramdaman.

“Dynee…”

“H-Huh?” Napalingon siya sa kaniyang dalawang kaibigan na halos sabay na tinawag ang kaniyang pangalan.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Cupcake.

“Apo, hindi ba masarap ang luto ko at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo?” tanong ng kaniyang lola.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status