Share

Chapter 2

Operation

NAPAPANGITI siya habang naglalakad patungo sa bakuran ng kanilang harap bahay.

Masaya siya dahil sa may naibenta siyang maraming beauty products ng araw lang na iyon, at isa pa sa nagpapangiti sa kanya dahil sa ang mayari ng pinagkukuhanan niyang produkto ay isinama siya sa isang ka business meeting nito.

Well, nakabenta lang naman si Mrs. Prada ng isang condo unit at kotse, mismo lang sa araw na iyon at mismo sa tulong niya para kumbinsihin ang buyer na naghahanap ng condo at kotse. Masaya siya, dahil bukod sa nakatulong siya ay may porsiyento pa siya sa naganap na deal.

Mrs. Prada celebrates together with her, dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant at pinag takeout pa siya ng pagkain para sa Lola at dalawang kapatid niya. She greatly thanks to her dahil sa mas siya raw ang nakapag-kumbinsi sa isang Italyano na businessman sa bansa nila. Bukod sa komisiyong makukuha niya, ipapasok rin siya nito bilang ahente na tulad nito. Ahente ng mga bahay, lupa, sasakyan at iba pa na may malaking kita.

Masasayang kaganapan ang dala-dala niya para sa kanyang pamilya. Ngunit nang nasa may tapat na siya ng maliit na gate ng bahay nila ay nagtataka pa siya nang may isang magarang sasakyan ang nasa tapat ng kanilang bakuran.

"Lola, prinses... Kuya..." Tawag niya sa mga pangalan ng mga ito habang papasok siya ng gate hanggang pinto.

"Lola---"

Nangunot ang noo niya ng makitang may isang matandang lalaki at babae ang naroon. Kaharap nito ang Lola niya na sa kasalukuyan ay namumula ang mga mata. Habang ang walong taong gulang niyang kapatid ay nakayakap sa bewang nito. Ang kuya naman niya ay nakapamewang at halatang problemado sa mga oras na iyon.

Agad niyang ibinaba sa lamisita ang dalang paper bag na may lamang pagkain.

"Ano'ng nangyayari dito?" Nagtataka niyang tanong sa mga ito.

"Dynee, mabuti at nakauwi ka na. May isang problema na naman tayong haharapin sa mga oras na ito."

Humarap siya sa kuya niyang nagsalita. "Ano 'yon?" Tanong niya saka tumingin sa kanyang abuwela.

"Ate, paaalisin na raw po tayo dito sa bahay natin. Kaya naiiyak si Lola. Ate, saan na tayo titira kung aalis tayo dito? Wala na tayong bahay ate. Paano na tayo ate Dynee?" Ang walang muwang niyang kapatid ang nagsalita para sa kanyang Lola.

"A-Ano? H-Hindi maaari 'yon. Bahay natin ito kaya hindi tayo aalis dito." Untag niya saka napatingin sa mga panauhin.

"Yeah, you don't have to leave and we were not pushed you to leave this house kung may ipinangtutubos na kayo sa bahay at lupa na ito. But sad to say wala, and now we are here for some notice." Untag ng matandang babae sa kanya.

"H-Huh, tubos? Notice?" Naguguluhan niyang untag.

The old man who standing beside the woman cleared his throat. "Yes. Tama ka sa iyong narinig Ija. We are here to let this family knows that we already need this property right now. Nagbabalak kasi kami ng asawa ko na magpatayo ng mini grocery store sa lugar na ito. Since maganda naman ang puwesto at maraming taong nakatira sa lugar na ito." Untag noong matandang lalaki.

"Pero Mr. and Mrs. Biala, wala ho kaming matutuloyan na maganak. Isa pa mahalaga sa akin ang bahay na ito. Bahay pa ito ng namayapa kong asawa. Napakahalaga nito sa akin, hindi ko kayang gigibain n'yo lang ito para patayuan ng isang grocery store." Ang nakakaawang tinig ng kanyang Lola ang narinig nila.

"Were sorry to hear about it, Piedad. Magdadalawang taon mo nang ipinapangako sa amin ng asawa ko na tutubusin mo na ito sa amin, ngunit hanggang ngayon ay wala parin. So we decided to speak you what we need now." Sabi ng babae na may pagka-istriktang magsalita.

"Ma'am, Sir..." Tawag pansin niya sa mga ito. "P-Pwede ho bang pagusapan na muna natin ito bago kayo mag desisyon na kami ay paaalisin? I guess you hear my Grandma, napakaimportante ho ito sa kanya. Please, let us settle this first. M-Maghahanap ho kami ng pera para tubusin ho ito sa inyo. Just please wait for it, please?" Pakiusap niya sa mga ito.

"No Ija, matagal-tagal na rin ang palugit na ibinigay ko sa Lola at kapatid mo. And I have valid documents here for this house. Nakasaad sa kontrata na magiging amin ito sa loob ng isa at kalahating taon kapag hindi pa ito natutubos. Since now, magdadalawang taon na ito. I already give them 3 months, but they didn't succeed it and return my cash." The old man said.

Nanghihinang tumitig siya sa kanyang Lola at kuya. "God... Lola, Kuya? Bakit hindi ninyo ito sinabi sa akin noon?" Nakayuko ang dalawa ng tanungin niya ang mga ito. Ibinalik niya ang tingin sa magasawa. "Ma'am, Sir... Nakikiusap ho ako sa inyo. Please, gagawan ho namin ito ng paraan. Please, pagbigyan ho ninyo ulit kami at ako."

Umiling-iling ang dalawa sa kanya.

"Please? W-Wala ho akong alam sa problemang ito ng pamilya namin. How can I help them and provide the money for this house. Please ho, please. Hindi ho namin kayang mapunta sa wala ang bahay na ito ng mga magulang ni Lolo. Please, kahit kaunting palugit lang ho. Gagawa at gagawa ako ng paraan para dito."

Nagkatinginan ang magasawa saka bumuntong hininga. Kinakabahan naman siya sa hindi ng mga ito pagpayag sa hiningi niyang palugit.

God, help us. Help us, please... We can't afford to let go of this house. Maraming sentimental value ang bahay na ito sa amin, lalo na kay Lola Piedad.

Pagkaalis ng magasawa sa bahay nila ay agad niyang hinarap ang kanyang Kuya at Lola sa sala. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harapan ng mga ito.

"Dynee."

"Apo."

"Ate..."

Napapailing siya habang nagpapalakad-lakad parin sa harapan ng mga ito. Nakasunod naman ang mga mata ng mga ito sa bawat galaw na ginagawa niya.

"Dynee, kumalma ka nga at umupo ka nga muna rito." Untag ng kuya niya na hindi niya pinansin.

"Ayy... Ija, nahihilo na ang utak ko sa'yo. Halika muna dito. Umupo ka na apo ko." Untag rin ng kanyang Lola.

"Ate, hindi ka ba napapagod sa kakalakad?" Tanong naman ni Prinses.

Huminga siya ng malalim at huminto sa pinakagitna.

"Paano ako kakalma ngayon? Sabihin ninyo nga sa akin? Ikaw kuya at Lola, bakit ninyo inilihim sa akin na may ganito palang problema ang pamilya natin? Bigyan ninyo nga ako ng balidong dahilan kung bakit ito nangyari?"

"E apo--"

"Naalala mo naman siguro noon ang sakit ng bunso nating kapatid diba?" Napatingin siya sa kanyang kuya at bunsong kapatid. "Umupo ka at ng maliwanagan ka kung paano ito nangyari at kung bakit namin ito inilihim sa'yo."

Tumango siya at saka ito sinunod. Naupo siya sa tabi ni Prinses.

"Nagkakumplikado noon ang lagay ni Prinses, alam naman nating may butas ang puso niya diba?" Tumango siya sa kanyang Lola. "Wala tayong pera sa mga oras na 'yon. Wala ring magpapautang sa atin na malaking halaga. K-Kaya, itong bahay natin ang isinakripisiyo namin ng Kuya mo."

"Pero diba sabi ninyo may nagmagandang loob na nag sponsor sa operasyon ni bunso? Diba sabi ninyo sinagot ang lahat pati na ang mga gamot nito." Nahihiwagaang tanong niya sa mga ito.

"Iyon yung pagkakaalam mo." Huminga ng malalim ang kuya niya. "Takot na takot kami ni Lola noon sa lagay ni bunso. Lalo na ng masilayan namin ang paghihirap nitong huminga. Labag man sa loob namin ni Lola ay isinangla namin ng one hundred and fifty thousand pesos (P150.000) ang bahay na ito. At nadagdagan pa ito nang kinulang ang operasyon noon at pang supply na gamot kay bunso." Dagdag pa ng kuya niya.

Hindi agad siya nakakibo sa ipinaliwanag nito. Bumuntong hininga siya. "Nauunawaan ko na ngayon. Pero nagtataka lang ako kung bakit kailangan ninyo pang ilihim sa akin. May problema pala kayo, hindi ninyo manlang ako sinabihan. Hindi ba ako miyembro ng pamilyang ito?"

"Apo, hindi naman sa ganoon. Ayaw lang namin ni Kuya Dillan mo na pati ikaw ay mamroblema sa problemang ito."

"Ate, galit ka po ba dahil ako yung dahilan?"

Bigla siyang nakaramdam ng awa sa mga ito. Lalo na sa kanyang bunsong kapatid. Niyakap agad niya ito habang ang mga mata niya ay medyo namamasa na.

"Siyempre hindi, bakit naman magagalit si ate? You know what bunso, ikaw ang pinakaimportante sa amin ni Kuya at Lola. Kaya gagawin namin ang lahat para sa'yo at para sa buhay mo." Sabi niya habang hinahagod ang likod nito.

"Thank you po sa lahat ate, sa pagmamahal at pagaalaga ninyo ni Lola at Kuya sa akin. I love you po, Ate Dynee." Ramdan niya ang mas paghapit nito ng yakap sa kanya.

Humalik siya sa noo nito. Saka niya naramdaman ang paglapit at pagyakap rin ng Lola nila sa kanilang dalawa. Habang ang kuya niya ay naka haplos lang sa kanilang tatl.

"Huwag kayong magalala. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para mabawi natin ang titulo ng bahay at lupa ni Lolo na ito." Tumingin siya sa kuya niya. "1 week lang ang palugit nila Mr. and Mrs. Biala, kaya kuya magtulongan tayo. Simula ngayon tutulong ako. Napaka-imposible man ng lahat na makahanap tayo ng 250.000 pero aasa parin tayo sa himala ng itaas. Gagawa at gagawa tayo ng paraan." Sabi niya upang palakasin ang kanyang loob lalo na ng kuya at lola niya.

Tumango naman ang kanyang kuya sa kanya. "Salamat Dynee. Pero--"

"Hep, hep. May isang linggo pa tayo, so please, think positive tayo kuya huh? Huwag mong pairalin ang mga negatibo diyan sa utak mo." Tumango ulit ito sa kanya. "Okay. Makakahanap din tayo ng solusyon para dito."

Ngumiti na siya ng tuloyan at saka ito niyakap ng mahigpit. "Salamat kuya, sa pagiging kuya at ama mo sa amin ni Prinses huh... You are really the best kuya in the world." Saka niya ito pinupog ng halik sa magkabilang pisngi.

"Dynee..." Todo iwas naman ang kuya niya sa kanya.

"Ako din po kuya." Segunda naman ni Prinses.

"Halika nga ditong prinsesa namin." Nagyakapan naman ang dalawa.

Pagkalingon niya sa kanyang Lola ay napapailing siya dahil sa pananahimik nito. Ngumiti siya ng magtama ang mga mata nila. "Siyempre, kung may dabest akong kuya, may pinaka the best din akong Lola Pieda sa balat ng lupa. Hm... Lola ko, mahal na mahal ko 'to e. I love you, I love you, I love you Lola ko..." Ito naman ang niyakap niya ng mahigpit at pinupog g halik sa mga pisngi.

"Mahal na mahal ka rin ni Lola apo ko. Dynee ko..." Sa wakas ay ngumiti na ito ng matamis sa kanya. Nakiyakap din si Prinses at saka ang kuya niya. "Mahal na mahal ko kayong magkakapatid, kayo na mga apo ko ang buhay ni Lola. Mahal na mahal ko kayo."

"Hmm... Ang suwerte namin Lola at kayo ang naging Lola namin. Pero cut the scene muna tayo. Dahil may surprise news ako sa inyo."

Nagkatinginan ang mga ito sa kanya. Tumango siya at nagsimula ng magsalita. Pumalakpak si Prinses ng makita ang masasarap na pagkaing dala niya para sa hapunan nilang apat. Natatakam rin ang kanyang lola. Masayang tumungo sila sa kusina at nagsalu-salo sa hapagkainan.

Habang masayang nagsasalo ay sinabi na niya rito ang magandang offer ni Mrs. Prada sa kanya. Ang maging isang professional dealer and agent ng mga bahay, lupa, kotse at iba pa.

"SIYA? Seryoso ka Ate Carolina?" Ang nanglalaking mga mata ng kanyang kapatid na si Carrot.

"Yes, you clearly heard what I am saying, right? Kailangan na talaga nating mapuntahan at kausapin ang babaeng nagngangalang, Dynee Andrada. Dahil siya talaga ang tutulong sa atin para sa pamangkin natin, Carrot." Sabi niya rito na bahagya pang tumatango.

"There is so many beautiful woman than that cheap woman, ate. Maghanap nalang tayo ng iba pa."

"No, no, no. Look at the woman, Carrot. May itinatagong ganda ang batang ito. Look at her latest picture of her. Maria Elena siya rito sabi ng taong inutusan ko na hanapin siya. Look, at muse rin siya sa liga na ito. Oh, she's really a snow queen, darling. Kaunting ayos lang at pwede na natin siyang isabak sa misyon na ipapagawa natin sa kanya. I feel excited, Carrot."

"No, no, no, ate Carolina. Look, she's so ugly. Gumanda lang 'yan dahil sa kaputian niyang taglay. Pero kung maitim 'yan--"

"Carrot!" Sinamaan niya ng tingin ang bakla niyang kapatid. "Akala ko ba napagusapan na natin ito? Wait a minute, bakit ba parang galit ka sa batang ito? Inano kaba niya?"

Umiling ito sa kanya. "Of course not, ate. Hindi ako galit no. I just saying here na hindi siya karapat-dapat para sa pamangkin natin. She's not even a fine woman, she's not fit to our Oliver. We really should look for another one. Yung may class sa lahat ng aspeto. This girl, there is nothing into his manner. Nakita mo naman siguro kung paano niya sinapak ang pamanggkin natin, right?" Nakataas kilay na saad nito.

Napapangiti naman siya nang maalala ang araw na iyon. Kung saan nasampal ang kawawang pamangkin niya. "I understand why she did that, Carrot. Malamang kapag sa akin 'yon nangyari, sasampalin ko rin ang lalaking may ganoong ginawa." She defend the girl. "Carrot, I think they look cute together. Nakita mo naman siguro na malakas ang loob noong babae na sampalin ang pamangkin natin? Kung naibang babae pa 'yon. baka mas ginusto pa ang ginawa ni Oliver sa kanya."

"Basta ate, iba nalang at huwag siya." Protesta parin nito sa kanyang mga sinabi.

"Si Dynee Andrada ang kailangan natin. Now, if you are against with my decision. Then okay, do not support me on this."

"Of course, I will support you ate. Wait, just take me a look with this picture." Nakita niya ang pagdampot nito doon sa larawang naka white sports attire ang babaeng subject nila. Kuha iyon nang mag-muse ito sa liga.

Malalin na nagiisip si Carrot habang nakatitig roon.

"What are you doing?" Nagtataka siya ng may ginawa ito sa larawan.

"Tinitignan ko kung anong bagay sa kanya. I mean... Ahuh! I know what to do now." Inilapag nito ang larawan saka nagpapalakpak sa tuwa. "We will makeover her. From her head to foot."

Tumango-tango siya sa naisip nito. "Oh. That's what I exactly planning. Totally transformation."

"I am excited. Tara at hanapin na natin ang babaeng ito." Pumalakpak parin ito sa tuwa.

She's glad that Carrot finally agreed with her. Pumalakpak na din siya sa tuwa sa kanilang mga plano.

"Operation, make him notice her." Sabi niya sa nasisiyahang tono.

"Operation, make him fall for her." Sabi rin ni Carrot saka nakipag-hifive pa sa kanya.

"Operation, kumbinsihin na si Dynee Andrada para sa pihikang Oliver Acemzade." Magkapanabay pa nilang untag sa isa't isa saka nagpalakpakan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status