Home / Romance / A Love Deal / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Mairisian
last update Last Updated: 2021-03-30 09:38:09

No

"GRAAABEEE, saan mo hahagilapin ang ganoon ka-laking halaga, Dyneecim? Seryoso ka ba talaga?" Ang nabibiglang reaksiyon ni Cupcake sa kanyang inilahad na problema.

"Oh, diyos ko po. Dear, saan ka kukuha ng ganoong ka-laking pera? God, kahit pa siguro ipapahiram ko sa'yo ang lahat ng ipon ko at ni Cupcake, tiyak, wala pa sa 1/4 na kakailanganin mong pera ang mga iyon." Ang nabibigla ring reaksiyon no Fina. "Kaya pala ang boyfriend ko ay problemado palagi. Lalo na ngayon na may tatlong araw nalang kayo sa ibinigay nilang extension."

Bumuntong hininga nalang siya at patuloy lang sa pagdampot sa bowl ng maanghang na mani na may maraming bawang.

"Dynee, paano na kayo? Alam ko na kahit ayain ko kayo sa bahay namin ay hinding hindi parin sapat na solusiyon. Alam ko kasi na importante sa inyo ang bahay ninyo."

Napatingin siya sa nagsasalitang si Fina. "Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko, naming apat. Himala, iyon nalang siguro ang tanging makakatulong sa akin para makatulong kay Lola." Napabuntong hininga siya at napatingin sa kawalan.

"Darling, gustohin ko mang tumulong sa inyo, pero alam mo naman na ang kita ko parlor ay sakto lang sa pangaraw-araw ng lalaki ko." Untag ni Cupcake sabay dampot ng mani.

"Ito talaga, puro kalokohan lang ang pinagsasabi." Sabi ni Fina sabay batok kay Cupcake.

"Aray naman! Ikaw na babaeng sadista ka huh? Hmp! Mapanakit! I hate you!" Inirapan ito ni Cupcake. "Malas naman ni Dillan, may mapanakit na girlfriend siya."

"Anong sabi mo?"

Umiling-iling ito. "W-Wala. M-May sinabi ba ako? D-Dynee oh..." Sumaklolo si Cupcake sa kanya ng panlisikan ito ng mata ni Fina.

Hindi niya pinansin ang kulitan ng dalawa dahil sa nakaukopa parin ang utak niya sa nasabing problema.

Bumuntong hininga na naman siya ng malim. Iniisip palang kasi niya na may tatlong araw nalang sila para sa paghahanap ng pera ay parang nai-stress na siya. Knowing that they have to leave that house soon.

Naramdaman niyang tumigil ang dalawa sa pagtatalo. Maya-maya ay naramdaman niya ang yakap ng dalawa sa kanya sa magkabilang braso niya.

"Dear... Paano ba kami makakatulong sa'yo?" Untag ni Fina.

Wala siyang ediya kung paano, kaya umiling nalang siya rito ng masuyo.

"Darling, suggest ko lang ito huh? I hope hindi mo mamasamain." Lumingon siya kay Cupcake. "Si Rowel, what if sa kanya ka humiram ng ganoon kalaking halaga?" Kumunot ang noo niya sa narinig rito. "Siguro naman may ipangpapahiram sa'yo." Dagdag pa nito na mas ikinakunot ng noo niya.

"Alam mo Cupcake, wala ka talagang magandang pinagsasabi. Hindi ka talaga nakakatulong sa problemang hinaharap ng kaibigan natin ngayon. Please, kung wala kang sassbihin maganda, tumahimik ka!"

Napapakamot naman ito sa ulo. Wari'y napapahiya. "Okay, okay... Sorry na sa nasabi kong mali. Sorry na sa maling suggestion ko para sa kaibigan natin. Dynee, sorry na." Hining paumanhin nito sa kanya.

Tumango siya rito. "Don't worry, okay lang 'yon. But... to my opinion, it is rude for me na humingi ng tulong kay Rowel. Alam ninyo naman kung paano ko siya pikiharapan, right? Nakakahiya naman doon sa tao, ano nalang sasabihin niya. Mabuti lang ako kapag may kailangan sa kanya. No. I won't go to him and asked his help. No, pinakahuling gagawin ko ang sumaklolo sa kanya. Isa pa, ayokong gawing advantage ang pagkakagusto niya sa akin." Untag ko sa mga ito.

"Hay... Ano na kaya ang gagawin natin nito. Naaawa na rin ako kay Dillan. Todo sa paghahagilad ng solusyon." Nangalumbaba si Fina.

"Himala, yun nalang talaga ang aasahan mo ngayon Darling. Sana may himalang dumating." Sabi naman ni Cupcake.

"I know, God is not sleeping. Tutulongan niya kaming mag-anak." Ngumiti siya ng bahagya saka natatamad na tumayo sa kanyang kinauupuan. "So guys. Maiiwan ko muna kayo dito sa tambayan natin." Sabi niya sabay silip sa kanyang orasang pambisig. "It's time to go and work. May client pa ako after an hour at pupuntahan ko pa si Mrs. Prada mamayang tanghali." Paalam ko sa mga ito.

"O sige at ako rin ay aalis na. May duty na rin ako sa Cafeteria after 2hours. So, bye-bye my Cupcake..." Tumayo na rin si Fina.

"Ako din, papasok pa sa shop." At nakitayo na rin si Cupcake.

Pagkatapos nilang magbeso-beso na tatlo ay nagkanya-kanya na nga agad sila sa kanilang paglalakad pauwi.

Pagkauwi niya sa bahay ay agad siyang nag-ayos at nagpalit ng slacks pants at blouse, saka isinuot ang rubber shoes.

Napatango siya nang makita niya ang sarili sa harap ng salamin.

"Tuloy parin ang buhay, at tuloy parin ang pagbabanat ng buto self. Lalo na sa mga oras na ito, kailangang-kailangan natin ang kumayod ng doble. Fight lang, problema lang 'yan, isipin nalang natin na habang may buhay, may magandang solusyon. Yes, that's right... Smile to the fullest, Dynee. Remember, you are the Dynee Andrada, the fighter Dynee." Taas noong sabi niya sa sarili sa harap ng salamin.

LAGLAG ang mga balikat ng hindi niya napagtagumpayang i-close ang deal sa kanyang mayamang clients. Ilang beses nang nangyari iyon. Noong una at panglawa ay nakabenta pa siya. Pero nitong mga sumunod ay hindi na. Siguro kulang sa convincing power ang panghihikayat niya para kumuha ng units ang mga clients niya. Sayang at marami na siyang napapalampas.

Ngayon pa ako minamalas kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera para sa bahay namin. Uhfff! Saan na? Saan na kami nito pupulutin after the left 3-days?

Napatingala siya sa langit habang naglalakad sa gitna ng pedestrian lane.

Maawaing ama ng sanlibutan. Nakikiusap po ako sa inyo, tulongan mo naman po ako sa napakabigat na problemang kinahaharap namin ngayon. Kahit anong tulong po tatanggapin ko. Just give me a sign, please... Kahit ano pa po---

Hindi niya natapos ang pagdadasal ng may isang kotse ang nakita niyang mabilis na nagpapatakbo at ang lakas pa ng pagpipito niyon.

"Aaahhhhhh......." Malakas niyang sigaw ng malapit na malapit na ang kotse sa kanyang harapan. Naitabon pa niya ang mga kamay sa kanyang mukha.

Oh my god, oh my god... Am I dying? Ngayon na ba agad ako mamamatay? Mariing sambit niya sa utak.

"Girl!"

"Aayy..." Nagulat siya sa isang malakas na sigaw na iyon mula sa kanyang gilid.

"Oh, darling... Are you alright?" Tanong naman ng isang pang tao sa kabilang gilid.

Tumango siya nang may panginginig ang mga tuhod. "B-Buhay pa ba ako? Buhay ba ako?" Nakurot niya ang kanyang sarili at saka siya napangiwi dahil sa napalas iyon. "Aray... Masakit pala."

"Ay, ang tanga!" Nasabi ng lalaking parang kilala niya ang anyo.

Hindi niya iyon pinansin, iyon ay dahil parang nakakaramdam siya ng pagkalula at panglalambot ng tuhod. Napahawak siyang bigla sa kanyang noo.

"Ija, namumutla ka. Come, let me help you." Untag ng isang ginang na inalalayan pa siya. "Carrot, come on, tulongan natin si Dynee..."

Dynee? Bakit parang kilala ako ng ginang na ito, nila?

Napatingin siya sa ginang. "Ma'am---"

"C'mon Ija. Mas malulula ka sa sobrang init ng hatid ng langit. Let's get inside the car. Carrot, ikaw na muna sa harap ng sasakyan, dito na muna ako sa likod at nang masamahan ko ang batang ito."

"May magagawa ba ako kung 'yan ang ipinaguutos mo ate?" Nakairap na sabi ng bakla sa ginang.

Pagkapasok niya sa kotse ng dalawang estrangherong iyon ay napapaisip siya. Kanina pa kasi naglalaro sa imahinasiyon niya ang mga mukha ng ginang at ng bakla.

Parang nakita ko talaga ang mga ito. Saan kaya? Uhff, saan ko ba sila nakaharap? Think, think Dynee. At bakit nila ako kilala?

"Ija, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng ginang.

"M-Medyo ho---"

"Girl... Buntis ka ba at iniwan ka ng ama ng pinagbubuntis mo?"

"Hindi!" Mariin niyang naitugon sa baklang nagmamaneho.

"Bakit ka magpapakamatay? My God, ang daming gustong mabuhay, tapos ikaw kikitilin mo lang ang sarili mo sa walang kwetang tao? Very wrong, girl! Very wrong move."

"H-Hindi naman ako---"

"Kung hindi pa agad ako nakapag-preno, my God, tiyak mamamatay tao na ako ngayon. Tiyak kriminal na ako! Tiyak sa kulongan na ang bagsak ko ngayon. And worst, makukulong ako ng mahabang taon nang dahil lang sa'yo! My God, ikaw talaga ang may dahilan ng lahat ng pagdurusa ko kung sakali mang nasagasaan kita sa katanghaliang tapat sa araw na ito. Tiyak, masasayang at magdurusa ako ng maraming taon." Oa na reaksiyon ng bakla sa nangyari.

"Mamamatay-tao? Kriminal? Kulongan? Agad-agad?" Nakataas kilay niyang untag sa baklang maarte at may pagsinghal kung magsalita sa kanya.

"Heh! E ano ang itatawag mo sa magiging kasalanan ko, aber?"

"Carrot... Why not thank God for not letting it to happened? And please stop blaming this woman, baka nahihilo lang talaga siya kanina habang tumatawid. Right, Ija?" Maunawaing untag ng ginang.

Tumango naman siya rito saka tumingin muli sa tinawag nitong Carrot. "Hoy, baklang mapanghusga masyado sa kapwa. Sa pagkakaalam ko ay nasa pedestrian lane ako, so dapat lang ikaw na driver ang mag adjust ng pagmamaneho mo. Ang lakas mo kayang magpatakbo! Hmp." Umirap siya rito.

Napapaawang ang bibig nito. Nakita pa niya ang panlalaki ng mga mata nito nang magsalubong ang mga mata nila sa rearview mirror.

"Aba't! Mahaderang babaeng ito. Ako pa talaga! Ako pa talaga ang may kasalanan. Hoy, for your information, Girl. Naka-go-signal ang traffic light. Ako ba ang dapat mag adjust? Diba ikaw? Instead na magmadali kang maglakad patawid, alam mo ba yung ginawa mo? Tumingala ka sa langit na para kang naghihintay ng grasiyang mahuhulog. Remember, you stop in the middle of the highway! Kaloka, ako pa ang may kasalanan. Hoy, magpasalamat ka at hindi kita nasagasaan. Magpasalamat ka nga at para matuwa naman ako sa'yo."

Kumunot ang noo niya rito. "Never! Hmp, kasalanan mo parin. Look at me. Sayang na sayang ang buhay ko kung tinapos mo lang dahil diyan sa mabilisang pagmamaneho mo. Careless driver! Kung traffic enforcer ako, patatanggalan talaga kita ng lesensiya'ng bakla ka." Umirap parin siya rito.

Alam niyang may kasalanan siya, willing naman siyang humingi ng tawad rito, ngunit mas naiirita siya sa panghuhusga nito sa kanya na magpapakamatay siya at kung buntis siya.

"Ija, pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. At Carrot, please, pagpasensiyan mo na ang batang ito."

"Madali naman akong kausap Ma'am, mag-sorry siya sa akin at patatawarin ko kaagad siya."

"Abat---"

"Hindi naman kasi tamang pagiisipan niya ako na buntis, Ma'am. Tapos iniwan pa. E sa wala nga akong boyfriend, tapos buntis agad? Aba, paninirang puri ho ang ginagawa niya. And I won't allowed that gossip to spread!"

Pinanliitan siya ng mata ng bakla. "Gossip agad, Girl? Hoy, hindi ka celebrity para pagkaguluhan 'yang ordinaryong buhay mo. And besides, in only my opinion lang. Hayz, kaloka ang babaeng iyan ate. Naku, naku, tataas ang dugo ko sa kanya, swear!"

Sa tingin niya ay nanggigigil na sa kanya ang bakla. Kulang nalang ay patayin siya nito sa pamamagitan ng panlilisik ng mga mata nito sa kanya. Sa totoo lang, nonsense na ang binabato niya rito. Pero ewan ba at parang gustong-gusto niya itong asarin sa mga oras na iyon.

"Ija, huwag mo nalang pansinin si Carrot. Pagpasensiyahan mo nalang talaga siya."

"Ate, bakit---"

"Stop it, Carlo Acemzade! Hindi na nakakatuwa 'yang ginagawa mo." The woman stop her sibling to talk.

"Okay, okay. You win girl, you win!" Sabi nito ngunit naka-irap parin sa kanya.

Ngumiti naman siya sa tago. Para pa ngang gustong-gusto niyang humalakhak dahil sa sobrang badtrip ito sa kanya.

"Ija. Kumain ka na ba?" Maya-maya ay tanong ng ginang.

Umiling siya rito. "Hindi pa ho, bakit ho ninyo naitanong ma'am?" Nagtatakang tanong niya rito.

"Just call me tita. Tita Car. Anyway, I am Carolina Acemzade and he was my brother, Carlo--"

"Don't introduce me to her, ate. Hayaan mo nang hindi niya ako kilala sa pangalan." Pag-interrupt nito sa usapan nila ng ginang.

"Oh, how did you know that I would not recognize your name? It's Carlo Acemzade a.k.a Carrot, am I right?"

"Bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Paanong hindi ko malalaman, e nabanggit ni Ma'am kanina ang buo mong pangalan! Duh, retard!" Pangaasar muli niya rito.

"Aba't mahaderang babaeng ito! Look what she said to me, ate?"

"Carrot..."

Bumuntong hininga ito at tumango sa ginang. "May araw ka rin sa akin babae ka!" Bulong nito na malinaw naman niyang narinig.

Para mas maasar ay kinindatan pa niya ito at nginisihan. Saka naman niya inabot ang nakalahad na kamay ng ginang.

Tinanggap niya ng buong puso ang pakikipagkilala nito sa kanya. Feeling kasi niya ay mabait ito, hindi tulad ng kapatid nitong bakla na may alias na Carrot.

"Uhm, Dynee ho. Dynee Andrada."

"I know."

"H-Huh?" Kunot-noo niya itong tinitigan sa mga mata.

"Let's have lunch together, Dynee. I will tell you why I already know you."

Napalunok siya sa sinabi nito. Well, nakakapagtaka ngang kilala siya nito o ang buong pangalan nito.

"Weird... Bakit ho ninyo ako kilala ma'am?"

Ngumiti lang ito ng bahagya, hindi manlang sinagot ang tanong niya.

"Ma'am---"

"Tita Car..."

"O-Okay, tita Car. Uhm---"

"Shhh, I won't answer you right now. But later, yes."

Kinakabahang tumango siya rito. Ngunit hindi parin siya mapakali sa kanyang kinakaupuan. Lumingon muli siya rito.

"T-Tita Car, uhm, I hope hindi ito kidnapping? I-I mean, baka may masama kayong gagawin sa akin, at doon ninyo gagawin sa pagdadalhan ninyo sa akin?" Nahihintakutan siyang untag rito.

"Oh, walang ganyang eksenang mangyayari, Ija. I can assure you that."

"O-Okay ho."

"Who's talking! Oh, what a dirty mind you have, Girl? Bakit, sa tingin mo ba mga masasamang nilalang kami? Are you not aware that you immediately accusing us. Paninirang puri rin 'yang paratang mo sa amin."

Tinaasan niya ng kilay ang baklang nagsalita. "Oh? Copy cat. Walang originality, teh?"

He rolled his eyes. "Pakialam mo sa sasabihin ko?"

Ngumisi siya rito. "Hayz. Hindi na nga kita aasarin. Baka kasi tumaas ang dugo mo sa akin at atakehin ka ng high blood pressure mo. Nako, nagmamaneho ka pa naman." Sabi niya sabay kindat rito.

"Better to shut up, girl. Dahil nakakapang HB ka talaga!"

Hindi matapos-tapos ang pang-aasar niya sa bakla. Patuloy rin itong naaasar, at si tita Car ang referee nilang dalawa.

"AH, NOW I remember. Kayo pala 'yung customer sa Cafeteria ni Mrs. Rivas-- What!!!???" Napaubo siya sa isinatinig ng ginang. Halos rin niyang mailuwa ang nginunguyang pagkain sa bibig.

"Aayy..." Napahimas ng tainga si Carrot nang napalakas ang hiyaw niya dahil sa pagkagulat sa sinabi ni tita Car.

"Yeah, you clearly heard it. We need you to agree with this love deals."

"No!" Agad siyang tumanggi sa ginang.

"But, Ija---"

"A big NO! Hindi ako makikisabwatan sa maitim ninyong plano sa kung sino mang nilalang." Inabot niya ang isang baso na tubig para inumin. Saka siya tumayo at naghanda nang lumisan sa mamahaling restaurant na pinagdalhan sa kanya ng mga ito.

"Girl, kindly sit down again and let us explain you about the details? Huwag, No agad sa offer namin ni ate." Nakasimangot na utos ni Carrot sa kanya.

Umupo naman muli siya.

"We need you, Dynee. And I know, you need a financial cash right now, right?" Hindi siya kumibo. "When I told that we already know you, totoo iyon. I background check you, every small details about your life ay alam ko na. At iyon ay sa tulong ng magaling na imbestigador na inupahan ko para lang mahanap ka."

Napapaawang nalang ang kanyag bibig sa mga oras na iyon. "S-So mean, wala na pala akong maitatago sa inyo?"

"Wala na." Tugon ng bakla sa kanya.

"I'm glad na hindi ka na namin mismong sasadyain para magkaharap at magkausap. That's because you immediately popped up. Now, let's talk about the deal."

"No. Ngayon palang huwag na kayong umasa na mapapayag ninyo ako!"

"But you only have to show up and make our only nephew notice you. Much better if he falls in love with you--"

"No! Hindi ko gawaing manloko ng kapwa. Sorry to refused the offer tita Car. Now I have to go---" Tumayo na ulit siya.

"Kahit ba kailangang kailangan mo ng pera para sa pangtubos ninyo sa bahay na nakasangla?" Napalingon siya sa baklang nagsalita.

"Kahit mawalan kami ng tirahan, basta malinis ang konsensiya ko at wala akong lolokohing tao. No, that is my final answer!" Mariin parin niyang tanggi sa offer ng mga ito. "I really have to go. Bye, and thank you for the lunch tita Car and ---" Hindi nalang niya itinuloy at basta nalang tumango rito.

Hahakbang na sana siya paalis sa table nila nang hawakan at pigilan ng ginang ang kamay niya.

"Here, itago mo ito. In case na pumayag ka man... Please, don't hesitate to make a call."

Napatingin siya sa calling card na iniabot nito sa kanya. Hindi pa sana niya iyon tatanggapin, ngunit iginiit naman iyon ng ginang sa kanyang palad.

"Do not expect Ma'am. Maghanap nalang ho kayo ng iba." Saka siya nag-martsha palabas ng restaurant na iyon.

Huh! Tuturoan pa nila akong manglinlang ng tao? Oi, hindi ako ganoong klaseng tao noh! I am pure, my heart is pure also my soul in any trouble!

Huh, a love deal pala huh... No way! Ni hindi ko nga kilala ang pamangkin na sinasabi nila. What if panget yun, hindi lang ang ugali, pati na mukha! No-way and No-way---

"Ouch!"

"Oh, I'm so sorry, Miss..." Humingi ng paumanhin ang lalaking nakabungguan niya na may suot na magarang slacks, polo at coat.

"I-Ikaw?"

Nangunot ang noo ng lalaki at kitang-kita niya na nagulat rin ito ng ilang segundo ng magkaharap ang mga mukha nila. "U-Uhm, excuse me. I'm really sorry." Sabi nito at agad siyang tinalikuran.

"Aba't--- Hoy!"

Hindi ito lumingon sa kanya at dire-diretsiyo lang ito sa pagpasok sa restaurant na nilabasan niya kanina.

Wala sa gunitang napahaplos siya sa kanyang labi. Napapakurap pa ang kanyang mga mata.

No! Stop it, Dynee! Stop thinking about it! Look, para namang hindi ng taong iyon naalala ang atraso niya sa'yo. Forget and forget about it!

"Pero hindi e. Siya kaya ang unang nakahalik-- Uhf! Uhffff! Isa siyang mapangahas na bastos! Bwisit siya. Manyak!" Inis na inis niyang untag sa kawalan nang maalala ang nakakahiyang eksenang inabot sa Cafeteria.

May araw ka rin sa akin! Lalaking mapangahas!!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Love Deal   Chapter 68

    Finale “WE WISH you a Merry Christmas and a Happy New Year...”Masayang nagkakantahan at nagpapalakpakan ang lahat ng tao sa buong sala ng kanilang bahay. Lahat sila ay nakaupo sa carpeted floor. Ang kanilang anak na isang taon ang edad ang siyang nagbigay kulay, sigla at saya sa pagdiriwang nila ng Noche Buena. Hindi lang sila ng kaniyang sariling pamilya ang naroon kundi ang buong pamilya ng kaniyang asawa at ang pamilya din niya.She was so happy that their whole family agreed na sa kanila pa rin magdiwang ng Christmas Eve. Naging bida tuloy ang anak nila sa pagpapasaya ng mga naroon. Their son, Owen, was one and a half years old. Matalino kahit sa murang idad pa lang nito. He could also speak basic words.Hindi lubos akalain ni Dynee na mas titibay pa ang pamilyang binuo nila ng kaniyang asawang si Oliver. Way back when he was asking her hands on the family, hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Mahal niya ito at ramdam naman niyang seryoso ito lalo at magkakaanak na rin silang dala

  • A Love Deal   Chapter 67

    Yes Napalingon ang lahat nang sumigaw si Dynee. Nag-panic ito at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang kuya nang makita nitong susugurin muli si Oliver.“Kuya, huwag!” Pumagitna siya sa dalawa.Pumagitna rin si Fina at hinarangan si Dillan.Pinagmasdan niya si Oliver. Nakita niyang namula agad ang sinuntok ng Kuya niya. “A-Are you okay?” her heart felt pity for him. Masuyo niyang hinaplos ang pumutok na gilid ng labi nito.“Yes, I am okay. I deserve it,” wika nito habang mariing nakatingin sa kaniya. Wari'y hindi nito iniinda ang pumutok na labi.“Pare, pasalamat ka at may umawat. Kung hindi, hindi lang ’yan ang aabutin mo sa akin.”“Kuya, stop.” Hinarap niya ang kaniyang kuya.“Kahit nasaktan ka nang dahil sa kaniya, nandiyan ka at ipagtatanggol ang lalaking ’yan na walang isang salita, Dynee?”“Kuya, I said stop!”Galit itong tumingin sa kaniya. “Gusto lang kitang protektahan sa lalaking ’yan, Dynee.”“Kuya, wala siyang kasalanan. Ako, 'di ba alam mo namang ako ang may kasalanan ng

  • A Love Deal   Chapter 66

    Visit “YES TITA, I will wait for you here in my house with Tito Jayme and Tito Carlo. Okay, that’s all.”Nang matapos kausapin ni Oliver ang kaniyang tiyahin sa telepono ay bumaba na agad siya sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng kaniyang bahay.Ngayon na lang ulit sila nag-usap ng tiyahin after a month, nang magpursigi itong humingi ng tawad sa kaniya at kausapin siya nang masinsinan. That time, ayaw niyang makarinig nang kahit ano tungkol sa panlilinlang at paglalaro ng mga ito sa damdamin niya. Her Tita and Tito Carlo confessed everything from the start. Yes, galit siya dahil bakit kailangan pa ng mga itong gumamit ng tao kung puwede naman siyang kausapin nang maayos upang mapagtulungan nilang baguhin at ayusin ang mga testamentong naiwan ng kaniyang abuelo para sa kanilang lahat?He was not after their wealth. Kaya kusang ibibigay niya sa kaniyang tiyahin, tiyuhin at pinsan ang para sa kanila. Ang pagkakamali lang na ikinagagalit niya ay ang pinaglaruan siya ng mga ito at gina

  • A Love Deal   Chapter 65

    Pregnancy Nanginginig ang kamay na inabot ni Dynee ang maliit na puting aparato. Nakailang minuto rin niya iyong tinitigan bago napagpasyahan na gamitin sa umagang iyon. Kabado pa rin siya at hindi mapakali sa magiging resulta.Unti-unti at tuluyan na niyang iniharap sa kaniya ang resulta ng aparatong hawak. Upon seeing the result, biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala. Nasapo niya ang noo at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod.Diyos ko, a-ano’ng gagawin ko? Paano ko sasabihin ito sa kanila? Diyos ko. A-Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siya sa kaniyang nalaman sa umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na maramdaman.“Dynee…”“H-Huh?” Napalingon siya sa kaniyang dalawang kaibigan na halos sabay na tinawag ang kaniyang pangalan.“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Cupcake.“Apo, hindi ba masarap ang luto ko at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo?” tanong ng kaniyang lola.

  • A Love Deal   Chapter 64

    Pale ISANG araw hanggang dalawang araw pilit iniwasan ni Dynee si Oliver. She never did leave her office when she knew that Oliver was still around. Mabuti naman at hindi ito masyadong naglalagi sa company dahil may outside meetings din itong pinupuntahan sa company nito.Alam niyang ramdam nito na umiiwas siya. She went home early, iyon ay dahil masama pa rin ang pakiramdam niya at panay rin ang nararamdaman niyang pagkahilo.Katok sa labas ng kaniyang opisina ang gumising ng kaniyang inaantok na diwa. Napaupo siya nang maayos at napatingin sa pinto.“Yes, Yeye?”“Excuse me, ma’am. Puwede ka bang maabala saglit?” Tumango siya. “Tapos na kasi naming gawin ang recommend new design ninyo sa team natin para sa bagong square brackets, will you please check it out, ma’am. For final judgment na ho sana.“Sure. Let me see your work.”“Tara sa hallway, ma’am” Tumayo siya at sumunod kay Yeye.Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang magandang project na inilunsad niya for their new revised

  • A Love Deal   Chapter 63

    Morning Coffee AS DYNEE walked inside the company, ang una niyang napansin ay ang pagkukumpulan ng mga empleyado. Nagtaka siya kung anong mayroon at kung bakit nagkakagulo ang lahat.May tumawag sa kaniya. Napalingon siya doon.“B1, B2, anong mayroon at busy ang lahat? May meeting bang magaganap?” nagtatakang tanong niya sa dalawa.“Hayaan mo, mga mosang ang mga ’yan,” nakangiting sagot sa kaniya ni B1.“Pero sa tingin ko, nakibalita na kayo,” sabi niya sa mga ito.“Ay, kami pa ba? Pahuhuli ba kami sa balita?” ani ni B2.“Oh, anong mayroon at sa inyo na lang ako makikibalita?” tanong niya nang sumabay ang mga ito sa kaniyang paglalakad patungo sa team office.“Baka mabigla ka.” Si B1.“Ay, for sure bakla. Yay, this is excited. Time for reconciliation.” Si B2.“Good morning, Ma’am Dynee,” bati sa kaniya ng lahat nang mapadaan siya.“Morning, girls,” bati ni B1 at B2 sa lahat.Nagtaka si Dynee nang biglang nabuwag sa pakikipag-tsikahan ang kaniyang team nang dumating siya. “Good mornin

  • A Love Deal   Chapter 62

    Invitation SIYA ang unang umiwas dito ng tingin. She continued walking in his direction. Ramdam niyang hindi ito gumalaw sa pagkakatayo nito sa daraanan niya.She heard him cleared his throat. “Hi.” Mismong padaan na siya nang magsalita ito. “Good evening.”Kumurap siya at lumingon dito. “Good evening too, Mr. Acemzade,” tugon niya dito na halos iniiwasan ang matiim na mga mata nito. She cleared her throat. “Uhm, if you excuse me, I’ll go ahead—”“How are you?”Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa tanong nito. “K-Kung hinahanap n’yo ho si Sir Dimitri, nandoon siya sa event kasama ni Ms. Lia at mga—”“I’m not looking for him, Dynee.” Umawang ang bibig niya at sumulyap dito. “But it’s you—”“Ah, okay. So, if you really excuse me, kailangan ko pang sundan ang boss ko sa event.” Saka niya ito tinalikuran.“Dynee!”Her heart stopped from beating for a while. Napalunok siya saka tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Kumunot ang noo niyang kumawala rito.“Mr. Acemzade—”“It’

  • A Love Deal   Chapter 61

    Palpitated “ANO? bakit ngayon pa? Hindi ba talaga puwede? My God, but Marga—” Naputol ang sasabihin ni Dynee nang magpaliwanag ang kausap niya sa kabilang linya. “Okay, okay. Wala na tayong magagawa kung masama talaga ang pakiramdam mo ngayon. Tsk! Okay bye.”Napakamot siya sa kaniyang noo pagkababa niya ng tawag.“What’s going on here, Barbie?”Napalingon siya sa taong nagsalita sa kaniyang likuran. “Oh, finally you’re already here, Dim.”“Oh, bakit gan’yan ang mukha mo? Something bad happened here?”“Dimitri, kasi 'yung model mo na nakuha natin ay hindi makakarating. Look, kulang 'yung model natin para sa gabing ito—” napahinto siya sa pagsasalita nang may napansin siyang babae na katabi nitong nakatayo. Huli na nang namataan iyon ng kaniyang mga mata. “Ay, pardon.” Napatampal siya sa kaniyang noo habang nakatingin sa dalawa.“It’s okay. Anyway, this is Breezelle. And Breeze, this is Dynee, my very efficient fashion organizer.”“Hi, Dynee.” Nakangiti itong naglahad ng kamay.“Hell

  • A Love Deal   Chapter 60

    Resignation Letter DYNEE was still going to work for two days, ngunit walang Oliver ang pumapasok sa opisina nito. He never informed her where he was. Nauunawaan naman niya iyon. He distanced himself, and she gave him space.Tanging si Shasha lang ang sinasabihan nito at binibigyan ng instructions about the company. Which was wrong dahil nandoon naman siya para ayusin ang buong schedule nito habang wala ito sa opisina.Shasha has no idea what was going on with their relationship. Pero alam niyang nakakapansin din ito na hindi sila nagkakaunawaan ni Oliver. Ramdam nitong may nangyari kaya gusto nitong tanungin siya. But she didn’t even ask her. Ipinaalam naman niya dito na may konting problema lang silang dalawa. She didn’t ask for more information, but Sasha gave her some advice, na nagpagaan ng kaniyang mabigat na problema.Dumating sa punto na kailangan niyang magpakatatag at magdesisyon. And that night she finally decided to talk to him, naisip niyang tama na ang space na bini

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status