LOGINCAIUS POV: Nag-uumpisa na kaming makaramdam ng init sa katawan. Habang pinagsasaluhan namin ang maiinit na halik nang gabi na ‘yon. Nang biglang tumigil si Zoreign at hindi ko na siya nararamdaman na gumagalaw.Pag-angat ng tingin ko ay natutulog na pala siya habang humihilik.Napailing na lamang ako.“Damn! Tinulugan ba naman ako?" hindi makapaniwalang saad ko.Mabilis na inayos ko ang pagkakahiga niya saka kinumutan siya para hindi malamigan."Goodnight, silly girl.” pabulong na saad ko sa tenga niya.Pagtayo ko at akmang aalis muna sana ako ay biglang hinila nito ang palapulsuhan ko. “Dito ka muna, huwag kang aalis. Hmmm…” paos na saad niya habang nananatiling nakapikit ang mga mata niya.Naalimpungatan siguro siya.Dahilan para mapabaling ako ng tingin sa kanya. Saka ako umupo sa kama at tinabihan siya.Pagkatapos ay pinalibot niya ang mga braso niya sa baywang ko, na para bang teddy bear ako.“Okay, okay… Now go to sleep, Zoreign.” saka ko hinaplos nang marahan ang ulo niya at
ZOREIGN'S POV:"That’s wonderful. And if you don’t mind me asking… are you here for your honeymoon?" magiliw na tanong niya.“Honeymoon?” ulit ni Caius na para bang nililinaw niya kung tama ba ang narinig niya."Yes. You look like a newlywed couple." nakangiting saad niya.“Ah, no. We’re getting married first.” nakangiting saad ni Caius.Dahilan para mapatawa ang driver. “Oh! So this is the pre-honeymoon?” pabirong saad niya.“Exactly. We thought we’d practice being a married couple first. Then we’re going to have our honeymoon. Right, mahal ko?” malambing na saad niya sa akin na para bang kinareer ang pagiging mag fiance kuno naming dalawa.Biglang nag-init ang pisngi ko dahil nakaramdam ako ng hiya sa kalokohan ng lalakeng ‘to.Nang mapabaling siya ng tingin sa akin ay pinandilatan ko siya ng mga mata.“I see! Then congratulations in advance. Copenhagen is quite a romantic place, you know.” sagot nito.“Good. Then we picked the right city." nakangiting saad ni Caius dito.Saka niya
ZOREIGN'S POV:Tahimik na umaandar ang makina habang unti-unting iniiwan ng eroplano ang runway. Habang komportable kaming nakaupo sa upuan saka ako tumanaw sa mga ulap sa malawak na bintana. Sa taas ng libu-libong talampakan, ramdam ang kakaibang kombinasyon ng luxury, privacy, at first-class travel.“Wow! Ang gandaaa…” namamanghang saad ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplano.Parang bulak ang mga ulap saka biglang may dumaan na mga grupo ng ibon na malayang lumilipad sa ere.Saka biglang may sumulpot na stewardess habang tulak ang service cart.“Good morning, Sir Caius and Ma’am Zoreign,” bati ng stewardess habang maingat na inilalapag ang breakfast tray sa harap nila. “Your breakfast is served.”Tumingin si Caius sa tray saka tinanguan ang babae.“For Mr. Caius, we have eggs benedict, smoked salmon, fresh fruits, and your coffee.” matamis na ngiti niya saka pasimpleng inipit ang buhok sa tenga na para bang nagpapapansin sa kanya.Sinadya pa nga niyang yumuko para ipaki
ZOREIGN'S POV:“Are you ready?" tanong ni Caius sa akin.Wow! Wala nang sir, nag upgrade na naman ang tawag ko sa kanya.“Handa na. Oo nga pala Sir ay este Caius, ba't ganto ang suot natin? Masyado naman atang bongga." nakakunot-noong saad ko.Nilapitan ako ni Fortress at bakas sa mga mata niya ang excitement para sa akin.“Ingat kayo Zoreign!" saad niya saka ako pasimpleng nilapitan dahil abala si Caius sa pagpindot sa cellphone niya. "May utang kang chika sa akin pag-uwi mo.” "Sige ba!” nakangiting saad ko.Suot ang mahabang camel-colored na trench coat na nakapatong lang sa mga balikat. Ang pang-itaas ko ay kulay beige na fitted turtleneck na nakapasok sa pantalon. Habang ang pang-ibaba ay high-waisted na light-wash na asul na jeans na may punit na laylayan.Chunky na puting sneakers para sa panyapak. May suot din ako ng kulay gray na crossbody saddle bag at bilog na dark sunglasses.Habang siya ay nakapatong ang isang camel long coat na hanggang tuhod at mga butones sa harap. Ang
ZOREIGN'S POV:“Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito o ako na mismo ang maghuhubad niyang damit mo para makaligo ka na?” saka umangat ang kilay niya at ipinagkrus ang kanyang mga braso.Habang prenteng nakaupo sa kama ko na para bang isang hari.Basa ang medyo magulong buhok niya at tanging itim na roba lang ang suot niya. Hindi ko alam kung may suot ba siyang panloob.Halatang naligo na siya at fresh na fresh habang ako ay may muta pa yata sa mga mata at laway sa gilid ng pisngi ko.“M-Maliligo na ako! Huwag na huwag mong susubukang sumunod!" halos pasigaw na babala ko saka mabilis na sinara ang pinto sa banyo.Hinihingal at nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto. Habang hawak ang dibdib ko na walang tigil sa pagkabog.“Jusko! Ano kayang trip ng kumag na ‘to? Bakit nandito siya sa kwarto ko." halos pabulong na saad ko.“Maligo ka na! Bilisan mo dahil kapag nainip ako sa kakahintay sayo ay papasukin kita sa loob ng banyo." babala niya sa akin."Heto na nga! Maliligo na!” naka
ZOREIGN'S POV:“P-Pirmahan ko na yung kontrata." pag-iiba ko ng topic sa kanya saka umiwas ng tingin.Nakakailang kasi ang klase ng paninitig niya sa akin saka naduduling ako. Nagsisimula na rin niyang guluhin ang nananahimik kong sistema. Pilit kong tinutulak ang matikas niyang dibdib pero hindi naman siya nagpapatinag.Napabuntong-hininga na lang ako."Alam ko naman na maganda ako Sir, pero huwag naman kayong masyadong magpahalata na gandang-ganda kayo sa akin.” pagbibiro ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Kaya umangat ang labi nito nang marinig ang sinabi ko. Na para bang nag-eenjoy siya sa presensya ko.“Masyado na yatang pinalalaki ni Xavier ang ulo mo kaya ganyan kalakas ang confidence mo sa sarili." malamig na saad niya.Para bang sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan ng kanyang pinsan ay naaalibadbaran na siya. Dahilan para tapunan ko siya ng matalim na tingin. Nakakainsulto na tong kumag na ‘to ah!“Anong masama kung may confidence ako sa sarili ko?







