CRAVING MY AUNT'S HUSBAND

CRAVING MY AUNT'S HUSBAND

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-05
Oleh:  Mavic MooreBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
6Bab
12Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Lumaki si Leigh sa amang babaero, kaya nang lokohin siya ng boyfriend niyang si Lance sa mismong araw ng anniversary nila — durog na durog siya. Para makalimot, pansamantala siyang nakitira sa bahay ng Auntie Celia niya at ng asawa nitong si Brix. Akala niya, makakapaghilom siya doon. Pero sa bahay na iyon, gabi-gabi niyang naririnig sa kabilang pader kung paano nag-aaway, nagmamakaawa, at nagsusuyuan ang mag-asawa. At habang palaging wala si Tita Celia kasama ang kabit na si Ariel, si Leigh lang ang naiiwan para kay kay Brix — ang lalaking tahimik pero kung magmahal ay parang mauubos. Isang gabing brownout. Isang gabing lasing si Brix sa sofa. Isang paghilang hindi niya matatanggihan. Doon nagsimula ang bawal na hindi na nila mapigilan. Pero paano kung malaman ni Leigh na ang lalaking akala niyang hamak na construction worker lang ay siya palang may-ari ng lahat — pati ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng Auntie Celia niya? At paano kung hawak na pala ni Celia ang video ng sikreto nila?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Leigh POV

"Love, pagod ako sa work. Magpahinga muna ako ngayon ha? Bukas na lang tayo mag-celebrate ng first anniversary natin, okay?"

Paulit-ulit kong binabasa ang text ni Lance habang nakatayo ako sa harap ng salamin. Alas-kwatro pa lang yung chat niya. Alas-nwebe na. Siguro naman nakapagpahinga na siya.

Nasa harap ko ang pulang nighties na isang linggo kong tinago sa drawer. Hanggang hita, malambot sa balat, ngayon ko lang sinuot. Sa mesa, may adobo na niluto ko na maraming bawang kasi paborito niya. May maliit na cake galing Goldilocks na may nakasulat na "Happy Anniversary". May isang bote rin ng sweet wine na pinag-ipunan ko talaga.

Nag-reply ako kanina ng, "Sige love, pahinga ka lang muna. I love you." Tapos pinatay ko ang phone ko. Gusto ko siyang sorpresahin.

"Ngayong gabi na," bulong ko sa salamin.

Pumunta ako sa apartment niya sa downtown. Suot ko ang pulang nighties na sinapawan ko lang ng robe. Dala ang paper bag na may adobo at cake. Pagdating ko sa p***o, bahagyang bukas. May mahinang music sa loob. Yung playlist namin.

Napangiti ako. Sa isip ko baka may sorpresa rin siya sa akin.

"Lance? Love? Surprise—"

Natigil ang boses ko.

Sa sofa na dati naming hinihigaan para manood ng N*****x at magkayakap, may ibang babae. Maputi, mahaba ang buhok, at wala ni isang saplot — tanging t-shirt lang ni Lance ang pilit na tinatakip sa sarili. At si Lance, yung sinasabing pagod sa trabaho, nakaupo at lantarang karga ang hubad na babae sa kandungan niya.

Nabitawan ko ang paper bag. Tumapon ang sabaw ng adobo sa sahig at gumuho ang maliit na cake.

"Love?" Biglang tumayo si Lance. Tarantang kinuha ang shorts sa sahig. Itinulak niya palayo ang babae.

"Love? Love, sandali magpapaliwanag ako."

Nanginginig ang labi ko. "Sabi mo pagod ka. Sabi mo magpapahinga ka. Kaya ako nandito. Anniversary natin ngayon, Lance at ayaw ko sanang ipagpabukas pa!"

"Love, magpapaliwanag ako," lumapit siya at pilit hinawakan ang kamay ko. "Isang beses lang nangyari. Nalasing lang ako."

"Lance, sino 'tong babaeng 'to?"

Tumingin ang babae sa akin na parang naiirita, parang ako pa ang istorbo. Pero si Lance hindi tumingin sa babae, sa akin lang siya nakatingin.

"Love, sorry. Nagawa ko lang 'to dahil pakiramdam ko boring ang relasyon natin. Isang taon na, pero hindi mo pa rin maibigay sa akin ang pangangailangan ko bilang lalaki. Pero mahal kita. Ikaw pa rin ang mahal ko."

"Pero sabi mo hihintayin mo ako..." basag na ang boses ko. "Kaya nga ako nandito ngayon dahil handa na ako, Lance... handa na akong ibigay sa'yo ang matagal mo nang hinihiling."

Hinila niya ang kamay ko. "Love, patawarin mo ako. Mahal kita. Let's fix this."

Binawi ko ang kamay ko.

"Mahal mo ako? Sa ganitong paraan mo pinapakita na mahal mo ako? Anong klaseng pagmamahal 'yan?"

"Love, please. I'm so sorry. Tao lang ako, nagkakamali... nagsisisi na ako..."

"Isang pagkakamali na hindi ko kayang patawarin," putol ko sa kanya. "Tapos na tayo, Lance."

Hindi na ako lumingon pa. Tumakbo ako palabas. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

Paglabas ng building, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pero hindi ito nakapigil sa akin para umalis. Sinuong ko ang buhos ng ulan. Basang-basa ako. Sumilong ako sa isang waiting shed at doon humagulgol.

By the way, ako nga pala si Leigh. 23 years old, bagong graduate ng BSBA at virgin pa rin hanggang ngayong gabi na dapat sana ay hindi na. Si Lance ang first ko sa lahat. First boyfriend, first kiss, first yakap, kaya durog na durog ang puso ko.

Ayaw ko munang umuwi, tiyak kong kukulitin pa rin ako ni Lance. Nanginginig kong tinawagan ang tanging naalala ko.

"Auntie Celia?"

"Leigh? Bakit umiiyak ka? May nangyari ba?"

"Auntie, pinagtaksilan ako ni Lance... gusto ko na munang lumayo sa kanya… wala po akong ibang mapuntahan... pwede po bang makituloy muna sa inyo?" sunod-sunod kong sabi habang humahagulhol pa rin.

"Sige, pumunta ka dito. Papabuksan kita ng gate sa Uncle Brix mo."

Pagdating ko sa Emelda subdivision, nakatayo sa gate si Uncle Brix, nakapayong. Naka-puting sando lang at basa na rin ng ambon dahil hinihintay ako. Isang beses ko lang siyang nakita noon pero namumukhaan ko pa rin siya.

"Leigh? Diyos ko, pasok ka. Basang-basa ka na," sabi niya.

Pagpasok sa bahay, hinubad ko ang basang robe. Basa na rin ang suot kong nighties at dumikit na sa katawan ko. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Uncle Brix at inabutan ako ng puting tuwalya.

"O, punasan mo muna 'yang buhok mo. Ginaw na ginaw ka na oh. Teka, ipagtitimpla lang kita ng mainit na gatas."

"Salamat po, Uncle, napakabuti n'yo naman po."

"Ano ka ba? Pamangkin ka ng asawa ko, kaya dapat lang na tratuhin kita nang maayos."

Sinundan ko siya ng tingin papuntang kusina. Naisip ko, napakaswerte ni Auntie Celia dahil may mabait at gwapong asawa. Malayong-malayo kay Lance na ako lang lagi ang nag-aalaga.

Pagbalik niya, inabutan niya ako ng isang baso ng mainit na gatas at itinuro ang maliit na kwarto sa dulo.

"Diyan ka muna sa bakanteng kwarto. Magbihis ka na ng tuyong damit."

"Opo, Uncle. Ahm... nasaan nga pala si Auntie Celia?"

"Nasa loob, bukas na daw kayo mag-usap dahil magpapahinga na daw muna siya. Katatapos lang kasi niyang gumawa ng report sa PrimeBuild."

"Ah, okay po..."

"Magpahinga ka na, Leigh, hayaan mo, lilipas din 'yang problema mo."

Pumasok ako sa kwarto, at pumasok din si Uncle Brix sa kabilang kwarto. Magkatabi lang pala ang kwarto namin, pero hindi man lang nagawang lumabas ni Auntie Celia para damayan ako.

Sa loob, bumungad sa akin ang malaking salamin. Nakita ko ang sarili ko — basang-basa, malungkot, nanginginig. Kumuha ako ng lumang damit sa closet. Umupo ako sa kama at doon lang ako tuluyang humagulgol.

Hindi dahil inisip kong hindi na ako mahal ni Lance.

Kundi dahil mahal ko pa rin siya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasan

Angela Black
Angela Black
Hello, readers out there! Basahin na po ninyo ang novel na ito. Siguradong hahanap-hanapin ninyo. Recommended....
2026-11-05 16:26:05
1
0
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status